CHAPTER LXIX: Straight from the Heart (Fabienne)
FABIENNE
ORAS NA para magpakatotoo. Oras na para hubarin ang damit ng kasinungalingan. Oras na para aminin ang dapat aminin. Kahit 'di ako ang nakaisip ng Oplan First Lady, aminado akong naging kasabwat din ako ro'n. May mga mantsa sa mga kamay ko na kahit ilang beses kong hugasan ay 'di matanggal-tanggal. Kaya dapat ay harapin ko 'to kasama si Priam at ang USC.
Dahil sa exposé na ni-reveal ng Gotcha, may mga nanawagang i-withdraw ng SALVo ang nomination kina Priam at Tabitha. Oo, damay maging ang treasurer dahil may seal of approval daw niya ang plano. Meron na ring nanawagan na ipa-impeach ulit ang president dahil sa panlilinlang sa student body na isa raw malaking kasalanan. Nasaktan ako sa mga salitang ibinato sa kaniya. Sinungaling, mambubudol, manloloko, at iba pang synonyms ng mga salitang 'yon.
Damay rin ako sa galit at inis ng ilang estudyante. I somewhat deserved it, too. Sobrang galing ko raw umarte sa labas ng theater na napaniwala ko ang halos lahat na totoo ang relationship namin. Puwede na nga raw akong pumasok sa showbiz. May ilang 'di na nagulat sa revelation dahil nagsuspetya na sila magmula pa no'ng umpisa. Pero may iilang dinepensahan ako at sinabing biktima ako rito. Tinake advantage daw ng USC ang sitwasyon ko kaya 'di raw dapat mabunton sa 'kin ang galit ng iba.
Isang araw matapos pumutok ang Oplan First Lady scandal, nagpaalam ako kay Direk Bernard kung puwedeng um-absent muna ako sa blocking rehearsals namin. Parang 'di ko kakayaning humarap muna sa mga tao. Sa klase ko nga kanina, sobrang ilang ako. Pumayag siya dahil naiintindihan daw niya ang sitwasyon ko. Unahin ko raw munang plantsahin ang gusot para wala nang bumagabag sa 'kin sa susunod na rehearsal.
If he wasn't the Repertory Theater director, malamang sinideline na naman ako sa 'king role para maisalba ang image ng play namin. Gano'n ang gagawin ng dating direktor kung siya pa ang nagma-manage ng Orosman at Zafira.
Maliban sa theater, may mas mabigat na bagay pa akong dapat harapin—ang mga kaibigan ko. I hadn't explained to them magmula kahapon dahil iniisip ko pa kung paano iko-compose ang explanation ko. Kung puwede akong magpalamon sa lupa para maiwasan ang possible confrontation ko sa kanila, buong puso kong pahihintulutan 'yon.
"Fab, is it true?" 'Di ako nakaiwas sa pang-uusisa ni Belle. "Talaga bang fake ang relationship n'yo ni Mr. President?"
Matapos magpaalam kay Direk, nilapitan ako ni Belle at tinanong kung puwede kaming mag-usap. I could've declined and run away from her, but I owed her an explanation. She's my friend and she deserved one. Kahapon pa siya naghihintay at dama kong nasaktan siya. 'Di nga niya ako binati kaninang umaga. 'Di nga rin niya ako kinakausap magmula kanina.
"Yes, it is," walang pagdadalawang-isip kong sagot. Binale-wala ko ang naiisip kong mahabang paliwanag. Bahala na. She deserved not just an explanation, but also the truth. "Nag-umpisa ang relationship namin bilang fake."
"Kaya pala..." Tumalikod siya sa 'kin at bumuntong-hininga. Dama ko ang disappointment niya. "Kaya pala ang bilis ng development ng relasyon n'yo. Kaya pala 'di mo na siya pinadaan sa 'kin. It's all an act pala. But why didn't you tell me? Maiintindihan ko pa kung 'di mo sinabi sa ibang tao. Pero sa 'kin?"
"I'm really, really sorry, Belle!" Hinawakan ko ang kaniyang kamay. "I was told na 'wag sabihin kahit kanino, maging sa mga taong malalapit sa 'min. I was tempted to tell you no'ng una, pero mas nangibabaw ang pangako ko sa USC."
"You know you can trust me, Fab." Muli siyang humarap sa 'kin, naglalawa na ang mga mata niya. Nawala ang ngiti na nakasanayang kong makita sa kaniyang mga labi. "You know I wouldn't tell a single soul about it."
Napayuko ako. She was right. Kung sinabi ko sa kaniya, tiwala akong wala siyang pagsasabihan ng sekreto ko. Madaldal siya paminsan-minsan, pero alam niya kung kailan ititikom ang bibig niya. Looking back, maybe I should've trusted her more. Maybe I should've put our friendship first.
"You know how super willing I am to defend you mula sa mga paninira sa 'yo," sumbat niya. "Naiintindihan ko kung bakit mas pinili mong 'wag sabihin sa 'kin, pero 'di ko maiwasang malungkot at ma-disappoint."
"I'm sorry, Belle." 'Yon lang ang mga salitang alam kong sabihin. Parang nablangko ang utak ko. Ayaw ko namang mag-offer ng excuse. Nasabi ko na kung bakit nagawa ko 'yon. 'Di ko na kailangang gatungan pa.
"Alam ba ng mama at kuya mo?" sunod niyang tanong matapos ang ilang sandali ng katahimikan. "You said he had already met your family, right?"
Mabagal akong umiling. "I didn't tell them about our fake relationship when we were starting out. I also didn't want them to know na may fake boyfriend ako. But my brother eventually found out so I was forced to introduce Yam."
"My goodness, Fab!" Napasinghal si Belle. "Maging ang family mo, pinagsinungalingan mo."
"I had no choice back then! Kinailangan naming panindigan!"
Inalis niya ang mga kamay kong nakakapit sa kaniya at lumayo nang ilang hakbang sa 'kin. "This hurt me so much, Fab."
"I'm so sorry, Belle."
'Di na siya nagpaalam sa 'kin, basta-basta siya naglakad patungo sa entrance ng backstage. Sinubukan ko siyang habulin. Ayaw kong sa ganitong tagpo magtapos ang pag-uusap namin. Pagbukas ng pinto, nagkasalubong kami ng co-star ko. Nagkatitigan kami nang ilang segundo, nakatayo na parang mga estatwa sa daan. He looked down at me with pity in his eyes.
"Colin..." tawag ko. Maging sa kaniya'y 'di ko alam kung ano'ng sasabihin. 'Di ko rin siya nasagot kagabi nang tanungin niya ako.
"Just give her some time, Fab," sabi niya kahit wala pa akong ikinukuwento. Mukhang gets agad niya ang nangyari sa pagitan ko at ng aking kaibigan. "Masama ang loob ni Belle, pero lilipas din 'yon. She's your friend, so she will try to understand your situation. Just let her be for now."
Tama. Mabuti pa nga kung bigyan ko siya ng space. Baka lalo siyang magtampo sa 'kin kung magiging pushy ako. Palalamigin ko muna 'tong issue. Kapag 'di na mainit at nakapapaso, do'n ko ulit siya kakausapin.
"I must I'm also disappointed," banggit ni Colin. "This is very unbecoming."
Muli akong yumuko. "I'm sorry about that—"
"Not at you," pinutol niya ang gusto kong sabihin. "But at Priam and the USC. I sensed there was something suspicious about your relationship with the president, but I dismissed it because I didn't think he was capable. I should have trusted my gut."
Umangat ang ulo ko sa kaniya. "Yam is a good person!" bulalas ko.
"Is he?" May halong pagdududa ang paniningkit ng mga mata niya. "Then why did he consent to that scheme? Think about it, Fab. Bakit siya papayag na lokohin ang mga estudyante kung talagang mabuti siyang tao?"
"He was reluctant about the plan!" Wala ang boyfriend ko rito para depensahan ang sarili niya, kaya ako na ang gagawa n'on para sa kaniya.
"He approved it nonetheless!" Ito ang first time na pinagtaasan ako ng boses ni Colin kaya napaigtad ako.
"Kung gano'n, dapat disappointed ka rin sa 'kin!" Napalagay ang isa kong kamay sa 'king dibdib. "I also consented to that scheme. Niloko ko rin ang mga estudyante!"
"Even if I want to be upset with you, I can't," mahinahong tugon niya. Pagdating kay Priam, gigil siya. Pagdating sa 'kin, kalmado siya. "First, you were also played just like everyone else. They took advantage of your desperation to find a scholarship. You were just a pawn and they were the ones pulling the strings. Ultimately, they're the ones at fault."
Muli akong yumuko. I got his point, pero parang unfair na shini-shield niya ako sa nangyari. I was one of the actors in the Oplan First Lady play. My name was in the playbill. I was part of that production, whether I was coerced or not.
"Second," dugtong ni Colin, "it's because I like you."
Napaangat ang mukha ko sa kaniya, saktong nagtagpo ang titig namin. 'Di niya ako agad nilubayan ng tingin.
"We've been classmates since first year and we've been acting together since our Gabriela days," tuloy niya. "I'd like to believe that I know you a little bit better than everyone else—but maybe not as much as Belle. That's why I think that if you had any other choice back then, you wouldn't have agreed to it. Am I right?"
Umiwas ako ng tingin dahil biglang 'di ako naging comfortable sa kaniyang titig. Pero tama siya. I was willing to do anything else apart from playing the role of First Lady. Kaya nga no'ng in-offer sa 'kin ni Castiel, humingi ako ng ilang oras para pag-isipan ang desisyon ko.
When I met Priam in person for the first time, binigyan niya ako ng option na 'wag ituloy 'to, pero pinilit ko pa rin. Bakit? Dahil 'di kaya ng prinsipyo ko na tumanggap ng isang bagay na 'di ko pinaghirapan.
"I don't know if this issue is going to affect your status in our current production the same way it affected your status as Juliet in Romeo and Juliet," dugtong ni Colin. "Mukhang gusto mong maki-share sa blame sa USC. It's up to you if you're going to stand with them, or if you're going to save yourself."
Of course, I was gonna stand with the council! I wasn't officially one of them, pero may malaking parte ako sa Oplan First Lady. 'Di kakayanin ng konsiyensiya ko kung iiwan ko sila sa ere para mailigtas ang image ko.
"You have a voice, Fab. Use it wisely," payo ni Colin bago siya bumalik sa backstage at isinara ang pinto.
Tama siya. Meron nga akong boses, at plano kong gamitin 'yon para ituwid ang baluktot.
PAGKATAPOS NG business ko sa auditorium, dumeretso na ako sa USC office. Nagpatawag ng emergency press briefing si Rowan sa campus press. Nasa press room na sila, hinihintay ang magbibigay ng statement. Habang lumilipas ang mga oras, lalong sumasama ang image ng USC at ni Priam bilang presidential candidate. Ang simpleng spark, isa na ngayong malaking apoy. Kung 'di aapulahin 'yon agad, baka masunog ang bahay namin.
"Are you ready, Yen?" tanong ni Priam nang magkasalubong kami sa lounge. Nitong nakaraang linggo ay fresh na ang itsura niya, pero muling bumalik sa pagiging stressed.
Mariin ang pagtango ko habang nakatitig sa mga mata niya. Gusto kong ipakita kung gaano ako kadeterminado. "I'm always ready, Yam."
"But you do not have to do this with me. Puwedeng ako na ang humarap sa kanila. I can handle the pressure and the backlash that I will receive from making the admission."
Mariin din ang pag-iling ko, 'di ko pa rin siya iniiwanan ng tingin. "We're in this together, right? So we're gonna solve this problem together. Mas mabuti kung pareho tayong haharap at at aamin sa kanila."
"If you're having second thoughts, you two can back out," hirit ni Castiel. Nakatayo siya sa kanan ni Priam, suportado ng cane. "Since Val name-dropped me in the recording, I can face the press and take all the blame. You're not going to come out of this mess unscathed, but at the very least, you won't be destroyed by the backlash."
"No, Cas." Hinawakan siya ni Priam sa magkabilang balikat. "It has to come from me. From us. Sabi nga ni Yen, we're in this together. Ayaw kong magtago sa likod ng officer ko. I have to take responsibility as well."
"If that's what you want, Mr. President."
"Shall we go?"
"Let's get this over with."
Palabas na kami ng USC office nang may tumawag sa 'min.
"Before you go!" Humabol si Rowan sabay abot ng leather folder na may logo ng USC. "I wrote a carefully worded statement para mabawasan ang impact ng pag-amin n'yo. I changed or removed some words na magti-trigger sa galit ng mga manonood. I can send this statement to the press after your speech."
Nagtinginan kami ni Priam, tila nag-usap kami gamit ang titig. Since we became official, we'd developed this sort of mental connection. Kahit walang salita na tumakas mula sa 'king bibig, naintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig.
"I appreciate your efforts, Rowan." Itinulak pabalik ni Priam sa kaniya ang folder. "But it's probably best to speak from the heart so it sounds more genuine."
"Are you sure? Baka may masabi kayo sa briefing na lalong makapagti-trigger sa kanila? I'm only looking after the USC's image, and your reelection bid."
"We will let it be," may paninindigang sagot ng boyfriend ko. "We deceived them, so we deserved their anger and disappointment. Ipauubaya ko na sa mga manonood at makikinig ang kanilang magiging reaksiyon, basta magiging totoo kami ni Yen mamaya."
"If that's what you think is best, Mr. President."
"Let's go?" yaya ni Priam sa 'kin.
"Tara!" Tumango ako.
Magkahawak-kamay kaming lumabas ng USC office ni Priam. For a while, nakalimutan namin ang anti-PDA policy sa campus. Kasabay namin si Rowan sa pagpasok sa press room. Pagbukas ng pinto, sinalubong kami ng mahigit dosenang pares ng mga mata. 'Di kumalas ang kanilang tingin sa 'min hanggang sa makatapak kami sa platform.
"Good afternoon, our fellow Elysians, especially to our friends in the campus press," bati ni Rowan sa kanila. "Thank you for coming on short notice. We have called for this presser to address the viral audio leak posted by Gotcha on SchoolBuzz. Here to directly explain is USC President Priam Torres and First Lady Fabienne Lucero."
Nagpalitan muna kami ng tingin ng boyfriend ko bago kami sabay na umabante sa lectern. Rowan stepped aside para solo namin ang podium. Nanatiling magkahawak ang mga kamay namin—humigpit ang hawak ko habang nanatiling gentle ang kaniya. Ang smooth ng palad at ng mga daliri niya.
Iginala ko ang aking tingin sa kuwarto. Nakatutok sa 'min ang reporters na magpapakalat ng mga sasabihin namin at ang camera na naka-livestream sa SchoolBuzz. Heto na ang pagkakataon para linawin ang malabo at itama ang mali. Dito na officially magwawakas ang kasinungalingan. Dito na kami magpapakatotoo.
Sandali kong ipinikit ang aking mga mata at tatlong beses na huminga nang malalim. This is it.
"Good afternoon, my fellow Elysians," panimula ni Priam. Walang script sa lectern, wala rin sa teleprompter. "Yesterday, Gotcha posted an audio clip where former USC vice president Valeria Encarnacion detailed the specifics of the so-called Oplan First Lady to Herald reporter Reynard Falcon."
Nagsimula nang mag-type ang reporters sa kanilang devices habang patuloy na nakamasid sa 'min. Sanay na akong humarap sa ibang tao, pero iba pala ang feeling kapag nandito sa press room. Parang nakatutok sa 'min ang isang malaking microscope. Ramdam ko ang pressure na maging maingat sa bawat kilos at salita ko.
"We confirm that the audio clip is authentic," tuloy niya. "We also confirm that Oplan First Lady is real."
Napasinghap ang karamihan sa reporters, may ilang nagtinginan at nagbulungan. Malamang gano'n din ang reaksiyon ng mga estudyanteng nanonood sa livestream.
"Everything you heard in the clip is true." Nilakasan ni Priam ang boses niya para 'di madaig ng mga bulungan. "My former chief-of-staff and now Vice President Castiel Seville devised a plan to improve not only my approval ratings, but also my chances at reelection."
Nang sumulyap siya sa 'kin, I took it as the cue to speak. "It's also true they offered me a scholarship in exchange for playing as Priam's girlfriend. Naikuwento ko na no'n sa one-on-one interview ko kay Reynard Falcon ng Herald na dati akong part-timer sa isang café. Ang totoo niyan ay na-terminate ako ro'n dahil mas inuna ko ang pag-audition sa Romeo and Juliet kaysa sa part-time job ko."
Lumakas ang mga bulungan ng reporters, parang mga bubuyog na nag-uusap-usap. Kung naghahanap sila ng juicy na ibabalita, heto na. Kami na mismo ang nagse-serve with matching fries and drinks pa.
"I wanna continue my studies in this university, lalo na ang pagpe-perform sa theater," dugtong ko. "Kaso kung wala akong part-time job, 'di magiging possible 'yon. Sinubukan kong mag-apply sa scholarship programs ng OSA, pero 'di na sila tumatanggap no'n. Nawalan na ako ng pag-asa at malapit ko nang i-give up ang pangarap ko. Pero isang araw, nakatanggap ako ng message mula sa USC at sinabing qualified ako sa kanilang exclusive scholarship."
Tandang-tanda ko pa kung paano ako in-interview ni Castiel n'on. May nasabi pa nga akong maling akala na ikinahiya ko.
"Since the terms and conditions of the USC scholarship are at our discretion, we offered it to Yen not only to support her continued studies and passion for acting, but also to assist us in our predicament," si Priam naman ang sunod na nagsalita. "Some may call it a quid pro quo arrangement, and that's exactly what it is. We won't deny it. What we also can't deny is that Fabienne Lucero deserves to be one of our scholars. You can check her academic records and extra-curricular activities for proof."
Malaki ang pasasalamat ko ro'n. Kung 'di dahil sa scholarship, baka huminto na muna ako sa pag-aaral. Baka 'di na muna ako nakapag-perform sa theater. If not for it, baka ibang-iba na ang landas ko ngayon. 'Di lang 'yon nakatulong sa 'kin, nabago rin n'on ang buhay ko.
"Some of you might be asking, why did we have to go to such lengths? Why did we have to stage a show?" tuloy ni Priam. "Are we that hungry for power? The truth is, we have a vision for the student body and the future of this university. We envision a more liberated and progressive Elysian community. But realizing this vision may require more than one term. Ultimately, it is up to you to decide if we should continue as your leaders. If you're satisfied with our performance and policies, you can give us another chance. But if not, you have the option to choose someone else to lead you."
"Pero may kailangan din kaming linawin," sabi ko nang sinenyasan niya ako. "Our relationship may have begun as an act, but that's no longer the case. As Yam and I went on dates, we got to know each other better. When I was in distress, he showed me he was there for me. When he was in a coma, I showed him how much I cared for him."
Nanahimik na ang reporters at seryosong nakinig sa 'kin.
"Ang akala nami'y puro acting ang ipinapakita namin, na ginagawa namin ang isang bagay dahil 'yon ang ine-expect sa mag-jowa," dagdag ko sabay sulyap sa 'king katabi. "May mga bagay kaming ginawa para isa't isa na 'di naman namin kinailangang gawin dahil walang audience na kailangang i-entertain at i-convince. Pero ginawa pa rin namin. Bakit? Dahil may nararamdaman na pala kami para sa isa't isa. We soon realized that we'd already fallen for each other."
Mukhang may kinilig sa reporters dahil may mga napa-"Ayie" sa kanila. Pero merong agad na nagpatahimik sa mga 'yon.
"On New Year's Day, right after the countdown, Priam and I became official," kompirma ko. "The two-week Christmas break gave us time to sort out our feelings. Do'n namin napagtanto kung ano ang tunay naming nararamdaman. Since then, we weren't acting anymore. We were no longer following a script. We were just being true to our hearts."
"Yen and I being officially in a relationship now doesn't erase the fact that we initially pretended to be a couple for political reasons," salo ni Priam. "And for that, we sincerely apologize to the Elysian community."
Sabay kaming yumuko at halos isang minutong nanatili sa gano'ng posisyon. May mga naaninag akong flash galing sa cameras at phones ng reporters. Sabay rin naming iniangat ang aming mga ulo at bumaba mula sa podium. Agad na pumuwesto si Rowan sa lectern.
"The President and the First Lady won't be entertaining any questions," anunsiyo niya. "But you can direct them to me. Again, thank you for coming!"
Pagkatapos ng statement namin, agad kaming bumalik ni Priam sa USC office. Mabibilis at malalaki ang mga hakbang namin sa takot na baka habulin at dagsain kami ng reporters. Napaupo kami sa couch pagpasok sa office. Ilang segundo rin akong natulala sa kisame habang patuloy na napapabuntong-hininga. Nanatiling magkahawak ang mga kamay namin ni Priam.
"Do you think maa-appreciate nila ang pagiging honest natin?" tanong ko pagkalingon sa kaniya.
Kumibit-balikat siya bago lumingon din sa 'kin. For the nth time today, nagtagpo na naman ang aming tingin. "Right now, I am just relieved that we no longer have anything to hide."
Tama. Gumaan ang pakiramdam ko matapos ang sobrang tense na eksena kanina. Kagaya 'to no'ng nagkaaminan na kaming dalawa. Nawala na ang pasanin na ilang buwan ko nang buhat-buhat.
Whether or not the student body would react positively to our honesty, nasa kanila na 'yon. Ang mas importante'y nagpakatotoo na kami ni Priam. That's all that mattered.
♕
NEXT UPDATE: SIX CHAPTERS LEFT! Reynard looks back at his decision to leave The Herald.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top