CHAPTER LXI: First of January (Fabienne)

FABIENNE

NAGUGULUHAN NA ako sa nararamdaman ko. Akala ko'y alam ko na ang sagot, pero 'di pa pala. Akala ko'y sigurado na ako, pero may agam-agam pa pala. Ang gulo, 'no?

Hay! Dapat ngayong Christmas break ay nagre-relax ang isip ko at nag-e-enjoy ako sa maiksing bakasyon. Pero bakit ayaw akong tantanan ng mga tanong? Bakit parang ayaw akong pagpahingahin?

Mula no'ng bisperas ng Pasko, nahirapan na akong matulog nang maayos. Laging sumasagi sa isip ko ang sinabi ni Priam. I want us to give it a try. Parang isang kanta na gusto kong i-skip, pero laging sumisingit sa playlist at tumutugtog pa rin.

Don't get me wrong. I appreciated his feelings and the courage it took for him to express them. But something didn't feel quite right. To me, he was likeable enough. Since I got to know him better, open akong i-entertain siya kung sakaling manligaw siya sa 'kin at kung bukas na ang puso ko para sa manliligaw. He'd probably make a good boyfriend.

Pero sa tingin ko kasi'y nadadala siya sa sitwasyon. Nagpapadala siya sa agos. 'Yong panaginip niya. 'Yong effort namin na magpakilala sa family ng isa't isa. 'Yong care ko sa kaniya magmula no'ng naging close kami hanggang sa na-coma siya. Baka nao-overwhelm siya kaya na-convince niya ang kaniyang sarili na gusto niyang totohanin na ang pagpapanggap namin.

I could be wrong, of course. Baka talagang naka-develop na siya ng feelings para sa 'kin. Which wouldn't surprise me at all. No'ng tinanong ko siya way back sa team building, 'di niya dineny ang possibility na baka ma-fall siya sa 'kin. 'Di ko rin 'yon dineny sa kaniya. Anything's possible lalo na't madalas kaming nagkasama at marami na kaming pinagdaanang pagsubok. We were there for each other in times of need. Doon namin mas nakilala ang isa't isa.

Bakit ko ba siya pinangungunahan? Feelings niya 'yon. Wala akong karapatan na diktahan siya. But my concern came from a good place. 'Di ko nire-reject ang nararamdaman niya. Ang tanging gusto ko ay maging one hundred percent sure siya sa balak niyang pasukin. Sakaling nadala lang siya sa sitwasyon, 'tapos sineryoso namin, baka bigla niyang ma-realize na ayaw pala niya. Paniguradong kawawa ang isa sa 'min.

How about me? I couldn't discern my feelings for him. At least, more than friend ang tingin ko sa kaniya. Posible bang higit pa ro'n ang nararamdaman ko? Oo. Dahil sa mga nangyari nitong nakaraan, napa-reflect tuloy ako sa mga desisyon ko. Gusto kong malaman kung saan nag-ugat ang mga 'yon.

Bakit halos araw-araw ko siyang dinalaw sa ospital no'ng na-coma siya? Once or twice a week was enough. But four to five times? Sobra yata. I didn't have to act dahil wala naman ang audience namin sa private room niya. Wala ring mala-paparazzi reporters na nagtse-check sa 'min.

Bakit nagawa kong isakripisyo ang opening show namin para mapuntahan siya sa ospital nang ibinalita sa 'kin na nasaksak siya? Theater is my life. Parang oxygen 'yon sa 'kin. Parang mamamatay ako kapag wala 'yon. 'Tapos sa isang iglap, tinalikuran ko ang teatro at ang pagmamahal ko sa pag-arte dahil may nangyaring masama sa kaniya? I was lucky that things turned out well in the end, pero paano kung hindi? Paano kung ang matandang direktor pa rin ang may hawak sa repertory theater? Goodbye theater na ba forever?

Bakit naglo-look forward ako no'ng unang araw ng campus fair na mapanood niya ang performance ko? Giving him a complimentary ticket and inviting him to watch was enough. Whether manood siya o hindi, 'di na dapat big deal 'yon sa 'kin. Kung walang nangyaring masama sa kaniya no'ng araw na 'yon, pero 'di siya nakapanood, maiintindihan ko. Pero baka magkaroon ako ng kaunting tampo sa kaniya.

Bakit nagawa kong i-set aside ang disappointment at galit ko kay Castiel? I couldn't think of any reason aside from him being Priam's friend. Parang ako pa nga ang nagsilbing proxy ni Priam para itama ang landas ng kaibigan niya. He couldn't do it since he was in a coma, so I did it for him.

Bakit kasi ang hirap basahin ng puso? Daig pa nito ang code na mahirap i-crack o language na mahirap i-translate.

There's only one way para malaman ko ang sagot. Ang tunay na sagot. Kailangan kong i-test ang sarili ko at ang nararamdaman ko.

Sa week kasunod ng bisperas ng Pasko kung kailan kami huling nagkita at nagkausap, sinadya ko 'di siya i-message. I'd usually greet him "good morning" and "good night" every day mula no'ng nagising na siya. Kinabahan ako na baka bigla siyang ma-coma ulit pagtulog niya at mahirapan na siyang gumising. His reply meant he woke up that day. Napapanatag ang loob ko kapag may natanggap akong response.

Pero ngayon, magmamatigas muna ako. Babaliin ko ang nakasanayan para sa test na 'to. Come to think of it, 'di lang para sa 'kin ang pagsubok. Para sa 'ming dalawa. Laging ako ang naunang bumabati at mabilis na mag-reply sa kaniya. Let's how he'd react.

On the first day, sinadya kong iwan sa kuwarto ang phone ko habang tinutulungan si mama na maglinis at magluto. I tried to get it off my head para 'di ko mapansin. But every hour, I was tempted to check kung siya ba ang unang nag-greet o kung nagtaka siya bakit walang good morning message mula sa 'kin. At the end of the day, pag-check ko sa phone, wala akong na-receive na kahit anong message mula sa kaniya o mula sa sinuman.

"I thought he'd greet me," bulong ko habang pinagmamasdan ang conversation thread namin. Ang huling message ko ay ang pagpapasalamat ko sa pag-invite at paghatid niya sa 'kin no'ng Christmas Eve. Ang huling message niya ay ang pagpapasalamat sa pagpunta ko at sa regalong ibinigay ko sa kaniya.

On the second day, 'di ko na sinilip ang aking phone. Usually, 'yon ang una kong hinahanap paggising ko. Pero dahil may "no message, no reply" challenge ako sa 'king sarili, I was willing to give that up. Lumipas ang buong araw, natiis kong 'wag siyang i-message. Mukhang natiis din niyang 'wag akong i-message.

"'Di ba siya nagtataka kung bakit 'di ako nag-message?" bulong ko habang hinahaplos ang kuwintas na regalo niya. "Kung talagang may feelings siya sa 'kin, dapat kinukumusta niya na ako ngayon."

Ayaw ko sanang mag-isip pa ng kung ano-ano, pero what if nagkataon na parehong challenge ang ginagawa namin? Paano kung sinasadya niya akong 'wag i-message para ma-test kung hanggang kailan niya matitiis na wala kaming conversation? Puwede ba 'yon? We thought of the same thing at almost the same time?

Baka hinihintay niya akong maunang mag-message bago siya mag-reply? Maybe he was thinking I got uncomfortable with his confession last Friday kaya ayaw niyang mag-initiate ng conversation?

Ano-ano ba'ng pumapasok sa isip ko?

On the third day, I locked my phone in my room. I also put my social media accounts on do not disturb mode para walang umistorbo sa 'kin. It's Christmas break anyway. Wala kaming dapat pag-usapan ng friends and classmates ko maliban sa magbatian sa December 25 at December 31. And guess what? Wala. Wala pa ring kahit anong message mula sa kaniya. No'ng may boyfriend pa ako, agad akong mangungumusta sa boyfriend ko—which made me cringe again, by the way—at magtatanong kung may problem ba.

"Ano kayang pinagkakaabalahan niya ngayon?" bulong ko habang nakatingala sa kisame. The more I was away from my phone, the less I'd be tempted to message him.

Maybe Priam was built differently. Iba ang approach ko sa mga bagay-bagay, iba rin ang approach niya. Baka busy rin siyang gumawa ng project o mag-review para sa mahirap na subject. Not all professors were as generous as mine. Baka tinambakan ang class niya ng schoolworks ngayong bakasyon.

On the fourth day, I kept up with my new daily routine. May temptation pa rin na i-greet ko siya ng good morning, pero 'di na kasintindi no'ng first day of no communication namin. Wala rin akong nakitang effort mula sa side niya. Parang nawawalan na ako ng gana. Kung magpapatuloy 'to sa mga susunod na araw, baka tuluyan ko nang matanggal ang habit ng pagbati ko sa kaniya. Whether that's a good thing or not, only time could tell.

What if may nangyaring masama sa kaniya? What if nauntog ang ulo niya habang papasok sa kotse dahil sa sobrang tangkad niya, 'tapos bumalik siya sa pagka-coma? Nah, that's impossible. Kung may nangyari mang masama sa kaniya, Tita Primavera would've told me already. 'Di naka-block ang number niya kaya makare-receive pa rin ako ng updates directly from her.

"Baka na-realize niyang mali ang feelings niya para sa 'kin?" bulong ko habang patagilid na nakahiga sa kama at nakatulala sa pader. "Nahihiya siguro siyang i-message ako dahil gusto na niyang bawiin ang sinabi niya."

On the fifth day, dumeretso ako sa banyo para maghilamos. The thought of checking my phone first thing in the morning was almost gone. May wall clock sa kuwarto ko kaya 'di ko na kinailangan pang tingnan ang oras sa phone. Kung talagang ayaw niyang makipag-communicate sa 'kin, then fine! So much for "I want us to give it a try."

"Yen, mga anong oras mo pinapupunta si Priam bukas?" tanong ni Mama matapos tikman ang iniluto niyang tinola. "Para sana alam ko kung anong oras ako magsisimulang mag-prepare ng ipangme-Media Noche natin."

Nanlaki ang mga mata ko. Oo nga pala! I invited him for dinner this New Year's Eve! We hadn't communicated in five days kaya 'di ko pa siya natatanong tungkol do'n.

"Bandang eight o'clock yata, Ma," pagsisinungaling ko. "I-confirm ko sa kaniya mamaya para sure."

Dahil do'n, may reason na tuloy ako para itigil ang silent treatment namin sa isa't isa. Pero ayaw kong bumigay. Nasimulan ko na. Naka-five days na akong tahimik. Bakit ko sisirain ang streak ko, 'di ba? Kung talagang interested pa siyang pumunta rito, malabong 'di niya ako i-message mamaya para magtanong kung tuloy pa ba ang dinner o kung anong oras siya dapat pumunta.

Sadly, I received no message from him. Naghintay ako hanggang alas-diyes, pero wala akong natanggap na notification. Mukhang 'yon ang way niya para sabihing 'di na siya matutuloy bukas. Oh, well. Itinabi ko na ang aking phone at pinilit na matulog.

Thirty minutes later, gising pa rin ako. Iminulat ko ang aking mga mata at kinapa ang phone ko. The temptation to message him became tenfold! Gusto kong malaman kung pupunta ba siya o hindi. Dapat ko ba siyang i-message? O dapat ko nang i-take ang silence niya bilang no?

Think, Fab! Think!

In the end, I chose not to do anything. Bahala siya. Baka isipin niyang desperado ako sa presence niya kaya itinigil ko na ang silent treatment namin sa isa't isa.

Dumating na ang bisperas ng bagong taon. Nakasuot ako ng damit na may polka dots. Gano'n din ang suot nina Mama at Kuya Fabrice. 'Di ako naniniwala sa mga pamahiin tuwing New Year, pero wala namang masama kung susundin, 'di ba? Bumili kanina si Mama ng 12 round fruits at idinisplay sa tray sa mesa namin. Nagkalat naman ng barya si Kuya Fabrice. Bumili rin siya ng pampailaw para may gamitin kami mamaya sa salubong.

Pagsapit ng eight o'clock, nagsiupo na kami nina Mama at Kuya sa pabilog naming mesa. May mahihinang pagputok sa background, galing sa mga taong atat nang mag-celebrate ng bagong taon. Ipinasok ko nga si Kahel. Siguradong mas iingay pa mamaya kaya baka maging restless siya dala n'on.

"Yen, wala pa ba si Priam?" tanong ni Mama sabay tingin sa oras. "Akala ko'y eight o'clock ang dating niya?"

Pilit akong ngumiti bago uminom ng tubig. "Pasensiya na, Ma. Nagkaroon daw ng family emergency kaya baka 'di na siya matuloy rito. Humihingi nga po siya ng sorry, eh."

"Totoo ba?" tanong ni Kuya Fabrice. "Baka nag-break na kayong dalawa kaya 'di siya pupunta?"

Muntik ko nang maibuga sa mukha niya ang tubig na nasa bibig ko. Agad kong pinunasan ang aking mga labi gamit ang tissue. 'Di kami puwedeng mag-break dahil 'di talaga naging kami. "'Wag kang ganyan, kuya! Christmas break na Christmas break, gusto mo yatang mag-break talaga kami."

"Joke lang! Mukhang seryoso naman sa 'yo si Priam."

Seryoso? Eh, di nga niya ako nagawang kumustahin sa nakalipas na anim na araw. If he were serious about me, he should've texted or called me by now to check how I was doing.

Teka! Bakit ganito ako kung maka-react? Parang naging kami talaga, ah? Ito na ba ang tinatawag na tampo? Hmmm... Nagtatampo ako sa kaniya? Posible ba 'yon kahit 'di kami officially in a relationship?

"Ang mabuti pa, simulan na nating kumain," yaya ko kina Mama at Kuya. "Wala na rin tayong hinihintay, 'di ba?"

Parang handaan sa five-star restaurant ang mga putaheng iniluto ni mama. Tatatlo lang kami rito—apat kung bibilangin si Kahel—pero pangmalaking pamilya ang serving ng mga pagkain. Siguradong ipaiinit ang mga 'to at uulamin namin hanggang bukas o sa makalawa.

"Let's eat!" Susubo na sana ako ng kanin pero may biglang nakakuha sa atensiyon ko.

Ding-dong!

Napapikit ako at napabitaw sa hawak na kubyertos. Lumabas si Kuya Ris para i-check kung sino ang nag-doorbell at pinagbuksan ng gate ang taong 'yon. Pagpasok niya sa loob, may kasama na siya. Agad kong nakilala ang boses ng kausap niya.

"Yen, sabi mo may emergency si Priam?" mabilis na tanong ni Kuya. "Eh, bakit nandito siya?"

Wala mang mata sa likod ng ulo ko, ramdam kong nakatingin sa 'kin ang aming bisita. Dineretso ko ang aking tingin para 'di ako mapalingon sa kaniya. How could he come here without saying a word to me first?

Lumipat ng upuan si Kuya at pumuwesto sa tabi ni Mama para mabakante ang upuan sa kanan ko. Lumapit naman ang bisita namin kay Mama.

"Happy New year po, Tita," bati ni Priam. Wala siya sa peripheral view ko kaya 'di ko alam kung ano'ng suot o ginagawa niya. "May ipinabibigay po pala si Mama. Mango graham float."

"Wow! Maraming salamat, Priam!" tugon ni Mama. "Mabuti pala't hindi ako gumawa nito. Baka biglaang nagka-competition kung kaninong float ang mas masarap."

"Siyempre, 'yong gagawin n'yo po."

"Aba, marunong ka nang mambola, ah?"

"Masarap po 'yong chicken relleno na ipinabigay n'yo. Na-curious nga po si Mama kung paano n'yo iniluto 'yon."

"May secret ingredient at secret technique ako para doon." Kumindat si Mama sa kaniya. "Maupo ka na muna at kumain na tayo."

Umiwas ako ng tingin mula sa kaniya. Pumasok na siya sa peripheral vision ko. Nakasuot siya ng polo na may polka dots. Ano ba 'yan? Nagmukha tuloy na parang naka-couple shirt kami.

"Pasensiya na kung muntik na kaming mauna, ha?" paumanhin ni Kuya Fabrice. "Akala kasi namin, wala na kaming bisitang hinihintay."

"Oo nga!" Ipinansandok ng kanin ni Mama si Priam matapos abutan ng plato at kubyertos. "Ang sabi kasi nitong si Yen, may emergency raw sa bahay n'yo."

"Ah! Meron nga po, pero mabilis ding na-resolve kaya agad akong nakapunta rito. Hindi ko na po na-message si Yen dahil nagda-drive ako kanina."

'Di na-message? O ayaw i-message?

"Sorry."

Parang magic word ang salitang 'yon. Lumingon ako sa kaniya kahit kanina ko pa siya sinasadyang iwasan. Ramdam niya na may tampo ako dahil 'di ako nakipagbeso sa kaniya pagpasok niya. Ni 'di ko pa nga siya tinitingnan, eh. Pero dahil nalingon ako sa direksiyon niya, nagtagpo ang tingin namin.

"I will explain later," bulong ni Priam bago siya awkward na ngumiti sa 'kin.

Kung no'ng Noche Buena, ako ang naluklok sa hot seat, ngayong Media Noche, si Priam naman. Kung ano-ano ang pinagtatanong ni Kuya Fabrice sa kaniya. Inalam pa nito ang mga detalye sa dinner ko kasama ang mga Torres. 'Di kasi ako masyadong nagkuwento sa kanila pagkauwi ko. Napatakip tuloy ako ng mukha sa kahihiyan.

Matapos kumain, tinikman na namin ang dalang mango graham float ni Priam. I thought na magiging pareho ang lasa nito sa mga natikman ko na no'n, pero nagkamali ako. May kakaiba sa inihandang float ni Tita Primavera—malasa siya pero 'di siya super tamis. Malamang may secret ingredient at secret technique din siya sa paggawa nito.

Dahil sa dami ng kuwentuhan at tawanan, lagpas eleven o'clock na kami natapos. Tutulungan ko sana si Mama na magligpit ng pinagkainan at maghugas ng dishes, pero nag-volunteer si Kuya Fabrice na siya na ang tutulong. Asikasuhin ko na lang daw ang bisita namin.

Sa labas kami umupo ni Priam. May stone bench kami ro'n kung saan madalas kaming magpaaraw at magpahangin kapag maganda ang panahon. Patuloy ang pagliwanag ng langit dahil sa mga pampailaw at paputok. Nakidagdag din sa noise pollution ang mga naka-motor na ginagamit ang throttle bilang pampaingay at ang mga naka-kotse na paulit-ulit bumubusina.

"You didn't tell me na tuloy ka pala," panimula ko. Nakatingala ako sa nagliliwanag na kalangitan para 'di ko kinailangang humarap sa kaniya. "Nawala mo ba ang phone mo o nabura mo ang number ko?"

"I'm so sorry about that," malambing na sagot niya. "After our conversation at my house, I realized I might have put you on the spot there. Baka na-pressure kita. I thought of giving you some space so you can better sort your feelings. I also distanced myself from you so I could be certain about my own feelings."

Talagang na-pressure ako dahil nasa teritoryo niya ako no'n, but I didn't mind it that much. What concerned me more was his radio silence over the past six days.

"I took your silence as a sign that you probably wanted some space, too," dugtong niya. "Maybe you were upset with me. Maybe I made you uncomfortable. If so, I did not want to remind you of what I said or did, so I chose to stay silent."

Nanatiling tikom ang bibig ko. Meron akong gustong sabihin, pero turn niya 'to para magpaliwanag.

"I also became busy reviewing for our long quiz in the first week of January, but I still checked my phone regularly to see if you had sent any messages. Noong wala akong natanggap sa magkasunod na araw, na-tempt akong i-message ka at tanungin kung kumusta ka na. I became worried about you, but I chose to exercise restraint."

Kumunot ang noo ko. Parang gano'n din ang naisip ko no'ng isang araw, ah?

"The past six days have been challenging for me. There must be a reason why. Nagawa kong tiisin na huwag kang i-message, ngunit alam kong may kulang sa araw ko. And it's you, Yen."

"Na-miss mo lang ang good morning at good evening messages ko," binasag ko na ang aking katahimikan.

"What if you're the one that I'm missing?" tanong niya. Gusto kong lumingon sa kaniya, pero nagmatigas ako na parang may stiff neck. "You told me to give it some time. I did. And I have come up with the answer."

Huminga ako nang malalim at inihanda ang sarili ko sa sasabihin niya. Heto na naman tayo.

"I don't want us to just give it a try," sabi ni Priam. "I want us to make it real."

Mabagal akong lumingon sa kaniya. Nagkasalubong ang mga mata namin. Nag-reflect sa kaniya ang mga pampailaw na nagbigay-kulay sa maitim na canvas ng kalangitan. Seryoso ang hitsura niya, walang bahid ng pagbibiro at pagiging sarcastic. His eyes told me he meant every word that escaped his lips.

Ibinalik ko sa itaas ang aking tingin. Ramdam kong 'di niya ako nilubayan ng titig. Pinanood ko ang pagsabog ng mga kulay sa taas, parang pintura na isinaboy sa canvas. 'Di ko na matukoy kung alin ang mas malakas: ang tibok ba ng puso ko o ang putok ng fireworks? Parang gano'n din ang nararamdaman ko ngayon. May pumuputok sa kaloob-looban ko.

Ipinikit ko ang aking mga mata at paulit-ulit na huminga nang malalim. The past six days had been also challenging for me. Na-miss ko 'di ang replies niya, kung 'di ang mismong presensiya niya. 'Di aabot sa tampo ang mararamdaman ko kung hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya. May ilang beses na akong nagtampo kay Belle no'n, pero malayong-malayo sa pinagdaraanan ko ngayon.

Napahawak ako sa aking dibdib. Dama ng mga daliri ko ang bawat pintig ng puso ko. Parang may naglalaro ng gitara sa loob at pinatutugtog ang isang kanta na panromantiko. No'ng nag-usap kami sa bisperas ng Pasko, magulo ang rhythm at wala sa tono ang tibok ng aking puso. Ngayo'y consistent na kayang gumawa ng beat.

Lumakas nang lumakas ang mga putukan at busina sa paligid namin, pero bale-wala ang mga 'yon. Mas klaro kong naririnig ang ipinatutugtog ng aking puso. Nakakakalma sa gitna ng gulo. Nakatutuwa sa gitna ng mga problema.

Iminulat ko na ang aking mga mata. Nang lumingon ako sa kaniya, nahuli ko siyang nakatitig sa 'kin. 'Di talaga niya ako nilubayan ng tingin magmula pa kanina.

"I now have the answer, too," sagot ko. "I also want us to make it real. Enough with the acting."

"Three! Two! One! Happy New Year!"

Sunod-sunod ang mga putok sa paligid namin, pero tila nabingi na ako sa ingay. Sunod-sunod din ang pag-ilaw ng kalangitan na parang kumikidlat, pero tila nabulag na ako sa kulay. Pakiramdam ko'y nasa ibang dimensiyon kami at wala na kaming pakialam sa paligid namin.

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kaniyang mukha. Ibinaba niya nang kaunti ang kaniyang ulo para maabot ko siya. As our mouths inched closer to each other, unti-unting pumikit ang mga mata ko. I pressed my lips against his, and he did the same to mine. Ang tamis ng mga labi niya kaya mas diniinan ko pa. There's something in his kiss that was so addicting. It left me wanting for more.

Alam kong nasa labas din sina Mama at Kuya Fabrice, pero 'di ko na alintana kung makita nilang magkadikit ang mga labi namin ng boyfriend ko.

On New Year's Day, Priam and I became official.


NEXT UPDATE: The election season is upon us!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top