CHAPTER LX: Queen of the North (Fabienne)
FABIENNE
OUR CHRISTMAS break was actually break. I was thankful dahil walang ibinigay na assignments o projects ang professors namin sa Theater Arts. I was also thankful dahil kumalma na ang mga intense na ganap sa USC at sa politika.
Our second semester began with a bang dahil sa mga atake ni Castiel. He went all in na talaga. Halos 'di na nga ako nakahinga no'n dahil sunod-sunod ang mga patutsada niya. Since he lay low after his sister's death, nagkaroon ng peace. Nang maging acting president si Alaric, wala siyang ginawang gulo. Nang bumalik na si Priam, naging business as usual ang ganap sa campus.
Maybe it's the spirit of Christmas kaya nagkaroon ng ceasefire? But none of us could just relax and think everything would be fine. Kapag sumapit na ang New Year, baka kasintindi ng malalakas na paputok ang mga pasabog.
For now, I'd enjoy these moments of peace, no matter how temporary or short they might be. Today was a very important day. Wala nga akong iniintindi na schoolworks, pero may ibang iintindihin pala ako. And I'd been stressing out the past few days.
"Bagay na bagay 'yan sa 'yo, Yen!" sabi ni Mama habang pinanonood akong umikot-ikot sa harap ng salamin. "Kahit ano yatang suotin mo, laging babagay at mas gaganda sa 'yo."
Umikot pa ako nang isang beses bago humarap sa kaniya. "Ma, nasa nagdadala 'yan. Cheap man o mamahalin ang isang dress, kung comfortable at confident ang magsusuot n'on, magmumukhang maganda."
Dahil 'di gano'n ka-well off ang family ko, 'di ako madalas bumili ng designer clothes na libo-libo ang presyo. Wala nga akong pantustos sa tuition fee ko sa college, 'tapos pipiliin ko pa ang mga mamahaling damit? Minsan nga, sa ukay ako bumibili ng mga susuotin. Mura na, maganda pa ang quality. Bilang sa mga daliri ko ang times na nagsa-shopping talaga ako sa mall para bumili ng high-end dress.
Priam and I agreed na magkikita kami ngayong Christmas Eve at magdi-dinner kasama ang kaniyang family. Dahil ipinakilala ko ang aking sarili bilang girlfriend niya, dapat in-expect ko nang mai-invite ako kapag meron silang family gathering. I could've said no para 'di na ako mapasabunot ng buhok dulot ng stress. But I'd already met his parents. Mabait si Tita Primavera habang okay naman si Tito William. At saka, gusto ko ring maging fair kay Priam dahil na-meet na niya sina Mama at Kuya no'ng isang buwan.
If he hadn't gone into a coma, this would be my first time meeting them. Baka napaurong pa nga ako dahil sa kaba. I was confident most of the time, pero may mga pagkakataon na napapa-dalawang isip at napauurong din ako. Pero mabuti na ring nakilala ko sila nang mas maaga. I got to feel their vibes and knew how to act around them.
Dahil bongga ang ganap ko ngayong gabi, I brought out my prettiest red dress. 'Di ko usually isinusuot 'to kapag may lakad ako sa labas, tatlong beses pa lang yata mula no'ng nabili ko. I'd only wear it on super important occasions. And this meet-the-family was one of them.
Yes, I'm bringing my A-game to this Christmas Eve dinner.
"Meow!"
Lumapit sa 'kin si Kahel at ikiniskis ang katawan sa paa ko. Gaya ni Mama, mukhang ipinaalam niya ang kaniyang approval sa suot ko. Bubuhatin ko sana siya at yayakapin, kaso baka dumikit ang mga balahibo niya sa damit ko. Ewan kung merong bang may allergy sa mga Torres, pero baka may bumahing nang bumahing dahil sa dumikit na balahibo ng pusa sa 'kin.
"Sayang, 'di matitikman ni Priam ang luto n'yo ngayong bisperas." Muli kong chineck ang aking itsura sa salamin habang pasulyap-sulyap sa reflection ni Mama. "Kapag natikman niya 'yon, baka gustuhin niyang mag-stay na rito hanggang New Year."
"Hindi ko naman hahayaang hindi niya matikman ang luto ko." Umalis muna siya at nagtungo sa kusina. Pagbalik niya sa sala, meron na siyang dala-dalang paper bag na ipinatong niya sa center table namin. "Pakiabot mo ito kay Priam at sa family niya. Regalo mula sa 'kin."
Tiningan ko ang nakapaloob do'n. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang laman ng transparent container. "Chicken relleno? Ang tagal ko na yatang 'di nakatitikim nito!"
"One of my specialties," nakangiting sabi ni Mama, proud na proud. "Homemade 'yan, pero ang lasa'y kasing-level ng pagkain sa five-star restaurant. Sigurado akong mas magugustuhan ka ng parents ni Priam kapag natikman nila 'yan. Baka gustuhin na nga nilang maging in-law ka na."
Nag-init ang pisngi ko. Si Mama talaga!
"May inilagay ba kayong gayuma rito?" bulong ko.
"Kaunti."
Marahan ko siyang nahampas sa braso. "Uy, Ma! Nagdyo-joke lang ako, ha? Baka talagang nilagyan n'yo ng gayuma 'to."
"Sa sobrang sarap niyan, parang may gayuma na rin." Hinaplos niya ang braso ko at pinisil nang kaunti. "Pero hindi mo na kakailanganing gumamit ng kung ano-ano para magustuhan ka ng family niya. Basta magpakatotoo ka, siguradong approved ka sa kanila."
Lumawak ang kurba sa aking mga labi, pero agad din 'yong napawi. Muntik ko nang makalimutan na isang malaking acting pala ang lahat nito. Nataon na napasubo na kami ni Priam kaya umabot sa ganitong meet-the-family sessions. Habang mas tumatagal, mas lumalalim ang hukay na ginagawa namin. Kapag nagtagal pa 'to, baka sa sobrang lalim, 'di na namin matakasan.
"Gusto mo bang totohanin na natin?"
I shook my head. Mula no'ng tanungin niya ako, paminsan-minsa'y sumasagi 'yon sa isip ko. Naririnig ko rin ang boses niya. Ayaw kong sagutin. Ni ayaw ko nga ring i-entertain. Pero paulit-ulit akong kinukulit nito.
"Huwag mong kalilimutan ang gift mo para kay Priam, ah?" paalala ni Mama.
Ipinakita ko sa kaniya ang mas maliit na paper bag sa mesa. "Don't worry, Ma! Makalimutan ko na ang lahat, 'wag lang 'to—"
"—at ang iniluto ko," dugtong ni Mama. "Make sure na matitikman nila 'yan, okay?"
"Okay, Ma!"
Dinouble-check ko ang aking regalo para kay Priam. May parihabang box sa loob ng paper bag. This would be my second time giving a gift to a guy who's not my brother. The first time was during my relationship with Mitch-hell. Cringe. Tumatayo pa rin ang mga balahibo ko kapag naaalala kong naging kami. Parang isang horror story na ayaw ko nang marinig o mabasa ulit. Nireregaluhan niya ako tuwing monthsary namin, pero ibinalik ko ang lahat ng kaniyang ibinigay no'ng nag-break kami. Ayaw kong magkaroon ng kahit anong bagay na connected sa kaniya at magpapaalala sa 'kin sa lalaking 'yon.
This one's a bit different. Una sa lahat, 'di talaga kami ni Priam. I wouldn't be giving him a gift as his girlfriend, but only as a friend. Galing ang pinambili ko rito mula sa savings ko at sa suweldo namin sa Romeo and Juliet production. Medyo pricey, pero minsan lang 'to. Sana'y magustuhan niya.
Beep!
Nag-buzz ang aking phone kaya agad kong tiningnan ang pumasok na notification. It's a message from Priam! Nandito na raw siya sa tapat ng bahay namin. Saktong may naaninag at narinig akong kotse na huminto sa harap ng gate. Lumabas ako ng bahay para pagbuksan siya. Pagka-swing ng pinto, bumati ang mukha niya sa 'kin. Wala na ang walker na laging umaalalay sa kaniya.
Wow! Talagang pinaghandaan din niya ang Christmas Eve dinner with his family. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok niya, mukhang ginamitan ng hair product para mapanatili ang style at itsura. Nakasuot siya ng pulang longsleeved polo shirt at dark pants na bagay na bagay sa kaniya. At ang scent niya... amoy mamahaling perfume!
"Yam! Kumusta ang biyahe mo?" bati ko sabay beso sa kaniya. "Ang guwapo mo ngayon, ah?
"We celebrate Christmas only once a year, so I thought of dressing up," sagot niya. Sumulyap siya sa bahay namin. "Nandiyan ba si Tita? I want to say hello to her first."
"Come in!" Pinatuloy ko siya sa 'min. Binati siya ni Kahel sa tapat ng pinto bago kami tumuloy sa bahay.
Pagpasok niya, agad niyang nilapitan si Mama para bumati ng magandang gabi at magmano. Abot-tainga ang ngiti ni Mama, parang nakatanggap siya ng regalo na matagal na niyang hinihintay.
"Pasensiya na po kung hindi namin kayo makasasama sa Noche Buena mamaya," sambit ni Priam.
"Kasama ko naman si Ris mamaya. Naka-off duty kasi siya ngayon," sagot ni Mama. "Basta sa Media Noche, dito kayo magse-celebrate, ha? Ipaghahanda ko kayo ng pinakamasarap na luto ko."
"I'm looking forward to it po, Tita."
"Ma, mauna na kami." Hinalikan ko si Mama sa pisngi. "Merry Christmas in advance sa inyo ni Kuya."
"Merry Christmas po," dagdag ni Priam.
"Merry Christmas din!" bati ni Mama. "Mag-ingat kayo sa biyahe, ha?"
Kinuha ko ang dalawang paper bag sa mesa at lumabas na kami ng bahay. Binuksan ni Priam ang pinto sa shotgun seat ng kotse niya bago siya nag-settle down sa driver's seat. Sabay naming finasten ang aming seatbelts.
"Are you ready?" tanong niya habang sumusulyap sa sideview at rearview mirrors. "Wala ka na bang nakalimutan?"
I gave him a thumbs up. Dalawang bagay lang ang kailangan kong dalhin: ang iniluto ni Mama at ang regalo ko para sa kaniya. Ewan kung na-sense niyang may gift ako for him lalo't nakita niya ang dalawang paper bag na dala ko. Pero 'di big deal 'yon kung sakali.
Nag-drive na siya palabas ng street namin at dumaan sa main avenue. May pinatugtog siyang songs sa kaniyang music streaming app. Wow, updated na ang playlist niya. Hininaan niya ang volume para magkarinigan pa rin kami.
"How are you feeling?" tanong niya sabay sulyap sa 'kin. "Are you excited, nervous, or what?"
"Medyo ninenerbyos," sagot ko matapos mapahawak sa dibdib. "First time kong mami-meet ang parents mo sa labas ng ospital, 'tapos nataon na sa Noche Buena pa. Halos 'di nga ako nakatulog kagabi sa kaiisip, eh."
"My parents aren't the only ones in the house. My sister is also there, by the way."
"S-sister?!" Namulagat ang mga mata ko. No'ng binibisita ko siya sa ospital, wala akong ibang na-meet maliban sa parents, bantay, at family driver niya. But Tita Primavera did mention something about his sibling.
"Ate Amera has been living in the States since two years ago," kuwento niya. "Umuwi siya sa Pilipinas ngayong December para i-celebrate ang Pasko kasama namin."
"Oh..." Napa-O din ang mga labi ko. "What is she like? Seryoso rin ba siya gaya mo?"
"She's actually quite the opposite. Our wavelengths are not the same. She's more adventurous than I am, which is why she chose to live and explore in another country instead of here. Think of Rowan, but as a female version of him."
Dumagdag ang kaba sa dibdib ko. I could easily get along with Tita Primavera, but not so much with Tito William. Ngayon, may bagong family member na kailangan kong tantiyahin at i-entertain. Base sa description ni Priam, mukhang cool at 'di ako mahihirapang makihalubilo sa kaniya.
"By the way," sandali akong umiwas ng tingin, "how do I look?"
Napatitig siya sa 'kin bago bumaling ulit sa kalsada. "You look... pretty. Well, pretty is an understatement. I cannot find the right word to describe you at the moment."
Naningkit akong lumingon sa kaniya. "Sure? Baka sinasabi mo lang 'yan para ma-flatter ako, ha? I want your honest opinion."
Muli niya akong sinulyapan. "When did I ever give you a not so honest opinion?"
Good point. He didn't look like someone who'd lie to me just to make me feel better about myself. Parang napaka-out of character kung magsisinungaling siya o isu-sugarcoat niya ang kaniyang sasabihin. Wala siyang oras para do'n. I'd always known him as a straightforward, no-nonsense guy.
Pero kahit aware ako na gano'n siya, parang gusto kong i-test kung hanggang saan siya magiging honest sa opinion niya. For what reason? Wala namang specific na dahilan. Gusto ko lang siyang kulitin.
"Whatever you wear, you will always look pretty," sabi ni Priam nang bumalik na sa harap ang tingin niya. "I'm not saying this to flatter you. I'm saying this because it's the truth."
Nag-init ang pisngi ko, malamang ay namula na parang naka-blush on ako. I turned my head away from him para 'di niya mapansin ang pamumula. May kakaibang kuryente na dumaloy sa katawan ko. He wouldn't usually give a compliment, pero kapag nagbigay siya ng gano'n, ramdam kong genuine.
Tumagal nang halos kalahating oras bago namin narating ang isang exclusive subdivision. Pagdaan namin sa guard house, nginitian siya at sinaluduhan ng bantay. Nilagpasan namin ang clubhouse na may malaking Christmas tree sa tapat nito at may mga nakasabit na malalaking parol. Meron pang Belen sa tabi. Nagpatuloy siya sa pagda-drive hanggang sa marating namin ang isang malaking bahay na may dalawang floor. Kulay-puti ang pintura ng facade at pader nito habang kulay-itim ang gate. Nagbigay-kulay ro'n ang kumukutitap na Christmas lights.
"We're here." Marahang pinress ni Priam ang car horn nang dalawang beses. Makalipas ang ilang segundo, isang babaeng naka-uniform na pang-housemaid ang nagbukas sa gate. Ipinasok niya ang kaniyang kotse sa garahe. May dalawa pang sasakyan na naka-park do'n.
Sabay na kaming bumaba at naglakad papunta sa entrance ng bahay. Napatingala ako sa taas at ganda nito. Pinagbuksan ako ni Priam ng pinto at pinauna sa loob. I couldn't help but be amazed sa interior design. May malaking family portrait ang mga Torres na mukhang pina-commission pa mula sa isang magaling na pintor. Nakalulula rin ang chandelier na nagbibigay-liwanag sa living room. Minimalistic naman ang disenyo at ang furniture sa loob.
"Fabby!" tawag ni Tita Primavera habang palapit sa 'kin. Nakipagbeso ako sa kaniya bago kami nagyakapan. "It's a been a while! Merry Christmas!"
"Merry Christmas din po, Tita!" bati ko pabalik.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinitigan sa mga mata. She tucked a loose strand of hair behind my left ear. "You look so gorgeous tonight."
"You too, Tita! Mas bumata nga kayo compared no'ng huli tayong nagkita."
"Marunong ka nang mambola, ah?"
"Walang halong bola, Tita. Promise!"
"Sabi mo 'yan, ha?"
"By the way, may gusto po palang ipabigay si Mama." Iniabot ko ang mas malaking paper bag. "Nagluto po kasi siya ng chicken relleno. Gusto niyang ipatikim sa inyo."
"Wow!" bulalas niya matapos i-check ang laman n'on. "Nag-abala pa talaga si Mama mo. Pakisabi 'thank you', ha?"
"Makararating po sa kaniya!"
Tinawag niya ang kanilang housemaid at ipina-prepare ang dala kong pagkain. Nang pinakawalan na niya ako, sunod kong pinuntahan si Tito William na nakatayo sa likuran ni Tita.
"Merry Christmas po, Tito," bati ko sabay mano.
"Merry Christmas, Fabienne."
Mas close ako kay Tita kaysa kay Tito. Kung iko-compare ko ang interaction namin mula no'ng una kaming nagkita hanggang sa huling araw na nakita ko siya sa ospital, 'di na niya ako ini-ignore ngayon na parang wala ako sa kaniyang paningin. Maybe he wasn't used to someone greeting him. Or maybe he didn't approve of me as his son's girlfriend.
"So this is the Fabienne I've been hearing about!"
Napatingala ako sa hagdanan kung saan bumaba ang isang babaeng abot hanggang balikat ang buhok. Naalala ko sa kaniya si Belle dahil naka-dye ang ilang strands ng hair niya. Nilapitan niya ako at nakipagbeso sa 'kin.
"I'm not sure if my brother has told you about me. If he hasn't, I'm Amera Torres," pakilala niya. Halata sa accent ang kaniyang exposure sa States. Parang Amerikano ang kausap ko. "You can call me Meer!"
"He actually mentioned you on our way here," nakangiting tugon ko. "By the way, you can call me Fab. Pleased to meet you!"
"The pleasure is mine!" sagot ni Amera bago sumulyap sa kapatid niya. "I'm super excited to meet the girl who melted my brother's icy heart! Alam mo bang napakapihikan niya pagdating sa girlfriend?"
"Ate," tawag ni Priam, tila nahihiya sa posibleng ibulgar tungkol sa kaniya.
"I look forward to getting to know you more," sabi ni Amera.
Napapalakpak nang isang beses si Tita Primavera kaya nalingon kaming lahat sa kaniya. "It's almost dinnertime! Shall we take our seats na?"
Pumunta na kami sa dining room. Pinaghila ako ng upuan ni Priam bago siya pumuwesto sa tabi ko. Nasa dulo ng mahabang mesa si Tito. Nasa kanan niya sina Tita Primavera at Amera habang kami ni Priam ay nasa kaliwa niya. Pumasok ang kanilang housemaids at isa-isang inilapag ang platters ng ulam—honey-glazed ham, scalloped potatoes, green bean casserole, roast chicken, at boneless prime rib roast. Isinama na rin ang chicken relleno ni Mama. Binuhusan ng drinks ang mga baso namin. Grabe! Parang five-star restaurant ang service dito.
"Let's pray first?"
Si Tita Primavera ang nanguna sa panalangin. Nagpasalamat siya para sa pagkaing nakahain sa harapan namin. Sunod niyang ipinagpasalamat ang pagbibigay ng pangalawang buhay kay Priam at ang patuloy nitong paggaling. Nagpasalamat din siya para sa mga biyayang dumating sa 'ming mga buhay ngayong taon.
"Let's dig in!" sabi ni Amera matapos mag-sign of the cross.
Maliban sa salu-salo, naging informal and relaxed interrogation ang dinner namin. Dahil ako ang kanilang guest, sa 'kin naibato ang halos lahat ng mga tanong. They asked me about my family and my acting stints. Then Amera took charge in asking me questions about my relationship with her brother.
Parang déjà vu'to, ah? No'ng si Priam ang bumisita sa 'kin, si Kuya Fabrice ang nag-initiate ng interrogation. Ngayong nasa bahay ako ng mga Torres, ang ate niya ang nagpasimuno.
"So Fabienne..." tawag ni Ate Amera—Wow! Ate talaga?—matapos magpunas ng bibig. "Hindi ka ba nagseselos?"
"Nagseselos?" Susubo na sana ako ng karne, pero ibinaba ko muna ang tinidor. "Kanino?"
"Hindi kanino. Sa USC."
Muntik nang mabulunan si Priam. Hinaplos ko ang likod niya habang umiinom siya ng tubig.
Pilit akong napangiti. "Bakit po ako magseselos sa USC?"
"Kasi lagi niyang prina-prioritize 'yon. Kaagaw mo sa atensiyon niya. Payag ka bang may kahati ka?"
Kontrolado ang aking tawa para 'di nakaka-turn off kina Tita at Tito, maging kay Ate. "Wala namang problem sa 'kin kung uunahin niya ang USC. Mas nauna siyang na-fall sa student leadership kaysa sa 'kin. Tanggap ko na 'yon."
Ilang beses na napakurap si Ate Amera. "Wow! Napaka-interesting ng mindset mo. Kung ibang babae 'yan, baka nakipaghiwalay na sa kapatid ko."
"Yam always makes time for me, at do'n siya bumabawi sa 'kin," paliwanag ko sabay ngiti sa 'king boyfriend. Halata ang tangkad ni Priam kahit nakaupo siya, pero parang nanliit siya sa mga pinagsasabi ng ate niya. "And to be honest, meron din siyang kaagaw sa atensiyon ko."
"Ah, theater!" sambit ni Ate Amera bago muling sumubo. "As long as you two make time for each other and you're both okay with that arrangement, it's perfectly fine, right?"
Nginitian ko siya bago ako nagpatuloy sa pagkain.
DAHIL SA dami ng mga tanong at haba ng usapan, umabot hanggang nine o'clock ang dinner namin. Nang natapos na kami, tinanong ni Priam kung gusto ko munang magpahinga sa kuwarto niya. Nagdalawang-isip ako no'ng una, pero may tiwala ako sa kaniya kaya pumayag ako.
"That went well." Bumuntong-hininga ako pagpasok sa kuwarto. "Grabe kung magtanong ang ate mo, ha? Talagang ginisa ako kanina."
"Pagpasensiyahan mo na siya," paumanhin ni Priam. Hinila niya ang computer chair at pinaupo ako ro'n. "Ilang araw na niya akong kinukulit tungkol sa 'yo. She's really curious about you."
Inilibot ko ang aking tingin sa kuwarto niya. Parang familiar ang hitsura? Ah! The design and the feels reminded me of his room in his shared apartment with Castiel. Minimalistic din ang design at napaka-organized ng mga gamit. Nag-reflect sa room arrangement ang personality niya.
"By the way," hinugot ko na ang box mula sa dala kong paper bag, "Merry Christmas!"
Nanlaki ang mga mata niya sa iniabot kong manipis na kahon.
"Ano, tititigan mo lang ba 'yan?" tanong ko. Inilapit ko pa sa kaniya 'yon para kunin na niya. "Open it!"
"T-Thank you," nahihiya niyang tugon sabay kuha sa hawak ko. Maingat niyang inalis ang wrapper at binuksan ang kahon. Napaawang ang bibig niya nang makita ang fountain pen na may engraving ng kaniyang name.
"Pina-personalized ko 'yan for you," kuwento ko habang pinagmamasdan kung paano niya suriin ang disenyo n'on. "I know na marami kang ginagamit na pen, pero naisip kong bigyan ka pa rin niyan. Puwede mong gamitin 'yan kapag nagsa-sign ka ng bill o ng kahit anong document sa USC."
Kumurba ang mga labi niya habang nakatitig siya sa 'kin. May kakaiba sa mga mata niya ngayong gabi. Parang may sparkle. "Thank you again, Yen. I really appreciate your gift."
"Ingatan mo 'yan, ha?" paalala ko. "'Wag mong i-misplace. 'Wag mong ipagagamit sa iba. Gusto ko hanggang sa second term mo, gamit mo pa rin 'yan. Para kapag 'di na tayo magkasama, maaalala mo pa rin ako."
Ouch. May kumirot sa puso ko pagbitaw sa mga salitang 'yon. Oplan First Lady would only be effective until he was reelected. Kapag nanalo na siya, 'di na namin kailangang magkita o mag-usap. 'Di na rin namin kailangang magpanggap. Unless...
"I also have a gift for you," banggit ni Priam. Bigla siyang tumayo at hinila ang drawer ng desk niya. May kinuha siyang maliit na kahon. "Merry Christmas, Yen."
Napatakip ako ng bibig habang pinagmamasdan 'yon. I was stunned for a moment, my eyes blinking repeatedly.
"Tititigan mo lang ba 'yan?" may pang-aasar na tanong niya.
Tinanggap ko ang kahon at binuksan 'yon. Inside was a necklace with five stars connected by a thin line, forming the letter W. Nanliit ang mga mata ko habang sinusuri ang mga detalye ng kuwintas.
"Is this a constellation?" Kinapa ko ang isa sa limang bituin. "Ano nga kasi ang pangalan n'on?"
"Cassiopeia, Queen of the northern sky," sagot ni Priam. "Perfect for the Queen of the Elysian Theater."
"Wow! Ang ganda nito!" Feeling ko'y kumikislap ang mga mata ko sa tuwa na parang Christmas lights na tanaw mula sa bintana ng kuwarto niya. Umangat ang aking tingin sa kaniya. Kanina pa siya nakatitig sa 'kin. "Thank you, Yam!"
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo naman!" bulalas ko habang muling pinagmamasdan ang ganda ng kuwintas. "Promise, iingatan ko 'to. Never ko 'tong iwawala."
"May I?" tanong niya sabay palad sa 'kin.
No'ng una'y nalito ako kung ano'ng tinutukoy niya. Nang napagtanto ko kung ano, iniabot ko sa kaniya ang ibinigay niyang regalo sa 'kin. "Sure!"
Tumayo siya sa likuran ko. Itinaas ko ang aking buhok para 'di siya mahirapan. Nope! I wasn't asking him to kiss or bite me in the neck and suck my blood. Isinuot niya sa 'kin ang Cassiopeia necklace. Bumalik siya sa kaniyang puwesto at ilang segundo rin akong pinagmasdan. Napatango siya.
'Di ako nag-expect na may Christmas gift siya para sa 'kin dahil abala siya nitong nakaraan sa student council at sa pagpapa-improve ng physical strength niya. 'Di rin siya required na magbigay ng kahit ano dahil 'di talaga kami. I couldn't help but appreciate his efforts. Sa busy niyang schedule, naisingit pa niya ang pagbili ng regalo.
"Yen," mahinahong tawag niya.
Mula sa constellation, muling umangat ang tingin ko sa kaniya. "Yes, Yam?"
"Remember our conversation at the Puso ng Pasko event? And your question back then?"
Nawala ang kislap sa mga mata at ngiti sa mga labi ko. 'Di ko alam kung paano, pero biglang nag-iba ang atmosphere sa kuwarto. Naging seryoso. Naging mabigat. Naging maalinsangan kahit bukas ang air-con.
"Of course, I do."
"I heard you back then, but I wasn't able to respond."
"Ano ka ba, Yam? Wala 'yon! Napaka-inappropriate nga na tinanong ko 'yon habang may ginagawa tayo—"
"I now have the answer."
Ilang beses akong napakurap, dahan-dahang bumuka ang bibig ko.
"We have known each other for five months already," dugtong niya nang 'di ako kumibo. I didn't know what to say anyway. "We have been together since our first date at Astra Blend Cafe."
Nag-flashback sa 'kin ang unang meeting namin. Limang buwan na pala mula no'n? Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang.
"At first, I saw you as someone who was just playing the role of my girlfriend. I thought you were only doing what you did because you're contractually obligated by our agreement."
Napalunok ako ng laway habang pinagmamasdan siya.
Umiwas siya ng tingin. "Then I started to see you differently... more like a friend. When you were involved in a scandal, I couldn't help but worry about you. That's when I realized I was not just acting to maintain our fake relationship. I genuinely cared about you."
Oh, Priam...
"Then, during the impeachment, I saw how far you were willing to go, risking your reputation to save my presidency."
"Because I cared about you," hirit ko.
"Before that tragic day, my feelings for you became uncertain. I see you as my friend, but could there be something more?"
I also saw him as a friend—maybe even more than just a friend.
"The answer to that question must have come to me in the form of my dreams during my coma," tuloy niya. "I dreamt of us being together. Maybe that's the answer I have been searching for. Maybe my subsconscious was dropping hints about my feelings for you."
Ako naman ang umiwas ng tingin. Parang 'di ko siya kayang titigan dahil sa ipinagtatapat niya.
"I have mentioned before that my priority is getting reelected and leading the student body. Since waking up from coma, I have become less interested in the presidency. However, I still care about serving our fellow Elysians and realize I can do so in many other ways. I do not have to be the president to serve."
Napapikit na ako. Parang 'di ko kakayanin ang mga susunod niyang sasabihin.
"This Christmas break gave me the time I needed to sort out my feelings," dugtong niya matapos mag-pause nang ilang segundo. "Once again, I now have the answer to the question you asked me."
Bumaling ako sa kaniya matapos mapalunok ng laway. Inihanda ko na ang aking sarili. "And that is?"
"I want us to give it a try."
Halos isang minuto kaming nagkatitigan. Walang kibuan. Walang galawan. Parang nag-uusap ang mga puso namin gamit ang tingin. Napahawak ako sa aking dibdib. Dumoble ang lakas at bilis ng kabog nito. Akala ko nga'y aatakihin na ako.
Muli akong pumikit at huminga nang malalim. Pagmulat ng mga mata ko, napansin kong 'di niya ako nilubayan ng titig.
"Sigurado ka na ba riyan sa nararamdaman mo?" tanong ko. "'Di ka ba nadadala ng sitwasyon kaya naisip at nasabi mo 'yan?"
Mariin ang pag-iling niya. "I have given it some careful thought. I will not say anything I do not mean a hundred percent."
That sounds like him. Bigla akong nakaramdam ng init kahit naka-on ang air-con sa kuwarto niya. Bumuga ako ng hangin at pilit na ngumiti. Ayaw makipag-cooperate ng mga labi ko. "Sabi mo, napanaginipan mong naging tayo, 'di ba? Baka naimpluwensiyahan ka n'on kaya ganyan ang sagot mo?"
"But I'm now certain of my—"
I pressed my forefinger on his lips, shushing him instantly. "Let's give ourselves some more time pa to sort out our feelings. Okay lang ba sa 'yo?"
"Sure, no problem," sagot niya. "Sorry if I brought up this topic on Christmas Eve."
"It's okay! I don't mind."
Pasado ten o'clock na nang naihatid niya ako sa bahay. Tahimik ang buong biyahe namin, tanging ang mga kanta sa kaniyang playlist ang nagsilbing ingay. Pagbaba ko ng sasakyan, I thought of giving him a peck on the cheek, but I chose not to do it this time. Nagpasalamat ako sa kaniya at sinabihan siyang mag-ingat sa pagmamaneho.
Humiga agad ako sa kama pagpasok sa kuwarto. Tumingala ako sa kisame habang hinahaplos ang mga bituin sa kuwintas na regalo niya sa 'kin. I lost count kung ilang beses akong bumuntong-hininga. Ang akala ko'y dinner with the fam lang, bakit may confession na nangyari?
How was I supposed to respond to his feelings when I hadn't fully sorted out my own yet?
♕
NEXT UPDATE: It's New Year's Eve!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top