CHAPTER LVIII: Return of the King (Fabienne)
FABIENNE
TODAY WAS a very special day! Nope, it's not my birthday yet. Next year pa 'yon! So bakit ako masaya kahit 'di ko pa birthday? May babalik na kasi sa university.
Maaga akong gumising kahit mamaya pang ten o'clock ang pasok ko. By eight in the morning, nasa entrance na ako ng admin building kasama ang apat na USC officer. May hawak-hawak pang tarpaulin si Rowan kung saan nakasulat ang "Welcome back, Mr. President!" Meanwhile, may hawak na party popper sina Lavinia, Sabrina, at Tabitha.
We're not the only ones waiting for the arrival of Priam. May members din ng campus press na nakaabang kasama namin. Karamihan sa kanila'y nakahanda na ang phones para kuhanan ng photo at video ang pagbabalik niya. May cameras din na naka-ready para sa 'ming campus television network.
Since I posted about Priam's return this morning, dumagsa rin ang ilang estudyante para salubungin siya. Ayaw kong kami-kami lang ang bumati ng welcome back. Gusto kong maipakita na may mga estudyanteng nag-aabang para sa kaniyang pagbabalik at ipadama ang kanilang concern.
"What time is he arriving ba?" naiinip na tanong ni Tabitha. Kanina pa siya pasulyap-sulyap sa oras sa phone niya. "I still have some budget requests na need tapusin. The letters won't write themselves."
"Your requests can wait," bulong ni Lavinia para 'di siya marinig ng katabi naming reporters. "This doesn't happen very often kaya magtiis ka muna riyan."
"I didn't wanna be here in the first place."
"Don't worry, they're almost at the campus main gate." Ipinakita ko sa kanila ang message ni Priam sa 'kin. "He'll probably be here in two to three minutes."
'Di namin kinailangang maghintay pa nang mas matagal sa dalawang minuto. Natanaw agad namin ang puting kotse na pumasok sa campus at nag-drive patungo sa direksiyon namin. I recognized the car dahil 'yon din ang ginamit na panghatid at sundo sa 'min no'ng binisita namin si Cassidy sa Pax et Lumen Memorial Park. Nagmistulang karwahe 'yon na lulan ang prinsipe. Nagsilapitan na ang reporters at itinutok ang kanilang phones sa spot kung saan inaasahan nilang hihinto ang sasakyan.
The white car parked just two meters away from us. Muntik nang magtulakan ang mga tao sa likuran namin. Bumaba muna ang driver at binuksan ang pinto sa kanan ng sasakyan. Parang may artista kaming inaabangan na bumaba mula ro'n.
Unang inilabas ang walker. Sunod naming nakita ang pares ng itim na leather shoes na tumapak sa lupa. Makalipas ang ilan pang segundo, we finally beheld the figure of our tall USC president. Inalalayan siya ng driver na humakbang bago nito isinara ang car door.
Itinaas ni Rowan ang hawak na tarpaulin at sabay sumigaw, "Welcome back, Mr. President!" Kasabay nito ay ang pagpapaputok ng party poppers. Naglipana ang confettis sa ere, ang ila'y dumapo sa ulo ni Priam at sa mga ulo namin. Agad ko siyang nilapitan at inalalayan. I gave him a peck on the cheek and a gentle hug.
"Welcome back, Yam," bulong ko sa kaniya habang magkayakap kami. Parang ang tagal naming 'di nagkita, ah? Huli ko siyang binisita no'ng kamakalawa. Ramdam kong nakatutok ang halos lahat ng cameras sa 'min.
"Thank you, Yen," bulong niya pabalik bago tinanguhan ang kasama kong USC officers. "And thank you for the warm welcome."
Inabante muna niya ang kaniyang walker bago siya humakbang. Inalalayan ko siya sa paglalakad papasok ng admin building. He wasn't supposed to return today. May two weeks pa dapat siyang mag-i-stay sa ospital para fully maka-recover at magkalakas. But he's so stubborn na pinilit niyang bumalik ngayong araw. Malapit na raw ang prelims kaya kinailangan na niyang pumasok para makapag-catch up. Nabo-bore na rin daw siya sa kaniyang private room. Tita Primavera and Tito William reluctantly agreed to his wishes.
"Wala munang magtatanong sa USC president, okay?" Hinarang ni Rowan ang reporters na nagbalak magkumpulan sa dinaraanan namin. "Don't bombard him with questions yet. Nakikita n'yong hindi pa siya one hundred percent okay kaya please be considerate of his condition."
Kapag may nabasa akong article na nagke-claim na nag-iinarte si Priam kaya may dala-dala pa siyang walker, makatitikim ang writer n'on sa 'kin. He wasn't like those politicians na biglang naka-wheelchair at naka-neckbrace dahil may hinaharap na kaso. Talagang 'di pa niya tuluyang nababawi ang lakas ng kaniyang mga binti kaya kailangan niya ng suporta.
Mabuti't behaved ang campus press at 'di nagbato ng kahit anong tanong. Sumunod sila sa 'min hanggang sa makarating kami sa USC office. They weren't supposed to go inside, but today was an exemption. Pagpasok sa loob, nadatnan naming nakaabang si Alaric at ang tatlong junior officer namin. Sana'y binantayan siya nang maigi. Baka may ibinulsa siyang office supplies dito.
"Welcome back, Mr. President," bati ni Alaric sabay salubong sa kaniya. Nakipag-shake hands pa nga 'to. "Your speedy recovery has always been in our thoughts and prayers."
"Thank you for looking after the student government, Mr. Acting President," bati pabalik ni Priam nang magkamayan na sila. "You're hereby relieved."
"Thus ends my term as the temporary caretaker of the student government. I appreciate the opportunity. Now, if you will excuse me."
He stayed here just to say a few lines, shake hands with Priam, and look good in front of the cameras. Marunong ding umarte si Alaric sa harap ng mga lente. 'Di na ako nasorpresa na gumanda ulit ang image niya matapos ang mga patutsada ni Castiel laban sa kaniya. Wala siyang ginawang kahit anong kontrobersiyal na statement o desisyon. Mas nag-focus siya sa pagpapapogi at pagpapabango ng pangalan.
"Thank you all for coming," sabi ni Rowan sa campus press. "Now's the time for us to run the student government and work for the student body. You may leave the USC office—Nope, we won't be entertaining any questions today. Thank you!"
Pinaupo muna namin si Priam sa couch habang hinihintay na makalabas ang isang dosenang reporters. Humina nang humina ang mga bulungan at kaluskos ng sapatos hanggang sa tuluyang tumahimik sa loob. Finally, peace!
"Thank goodness, 'tapos na ang formality na 'yon." Agad na tumungo si Tabitha sa kaniyang cubicle. Kanina pa siya atat na atat bumalik sa trabaho. "Just call me again if you need me to be a prop!"
"The formality is over, but the party is just about to get started!" anunsiyo ni Rowan sabay saboy ng mga confetti na pinulot niya kanina. "How are you feeling, Mr. President? Kumusta ang first day back to school?"
"Parang nakalimutan ko na ang itsura ng campus," biro ni Priam kaya natawa ang ilan sa 'min. "But seriously, I missed the university. I missed the people here. And I missed doing actual council work."
"Speaking of council work," sumingit si Lavinia. Napamuwestra siya sa tatlong junior officer. "I want to introduce you to the additional legs of our team. They were handpicked by Castiel at Tabitha during our indefinite suspension."
"I didn't handpick them!" sigaw ni Tabitha mula sa cubicle nito. Tumayo pa siya kaya litaw ang kaniyang ulo mula ro'n. "I randomly pulled out their application forms from a pile of papers!"
"Hi, Mr. President!" Unang lumapit ang babaeng naka-twin tails. Basta-basta niya hinawakan ang kamay ni Priam kaya nagulat tuloy 'to. "I'm Mignonette Nievera, one of your junior officers, former interim press secretary, and right-hand woman of Kuya Rowan."
"I'm Reginald Galvez, former interim coordinator and now assistant to the chief-of-staff."
"Ako naman po si Daphne Hidalgo, ang dating interim secretary na katuwang ni Ate Sab."
"It's an honor to meet and shake the hands of you three," sagot ni Priam matapos isa-isang makipagkamay sa kanila. "Thank you for assisting the council during a turbulent time. I have heard so much about your efforts from my officers. Mukhang hindi nagkamali sina Cas at Tabitha sa pagpili sa inyo."
"Again, I didn't pick them!" sigaw ulit ng treasurer mula sa cubicle nito, pero walang pumansin sa kaniya.
"Finally! Complete na ang council!" nakangiting sabi ni Mignonette. Pero agad ding nawala ang kurba sa mga labi niya. "Teka, wala pa pala ang VP. 'Di pa ba siya babalik?"
Nagpalitan kami ng tingin ni Priam. The last time we saw and heard from Castiel was during our visit to Cassidy's grave last week. Matapos niyang paulit-ulit na humingi ng tawad at matapos siyang patawarin ni Priam, never na kaming nakarinig ng update mula sa kaniya ulit.
"He asked for an indefinite leave of absence," matipid na sagot ni Priam. "A lot of stuff happened to him personally, so he deserves some time off."
Biglang natahimik sa lounge. Castiel was still picking up the pieces two weeks after his sister's death. Mas mabuti pa nga siguro kung didistansiya muna siya sa USC at magpo-focus sa self-healing niya. The council would welcome him back with open arms, despite everything that had happened between them before.
"Shall we commence our morning meeting?" tanong ni Lavinia. "Let's talk about our agenda for this week."
"Grabe ka naman, Lav!" himutok ni Rowan. "Kadarating pa lang ni Mr. President, i-stress-in mo na agad siya?"
"Please don't call me Lav. Baka isipin ng mga makaririnig sa 'yo na magkarelasyon tayo."
"Don't worry! I know very well how to clear up rumors. I'm the freaking PIO of the USC!"
"Still a no—"
"Ehem." Kunwaring napaubo si Sabrina para makuha ang kanilang atensiyon. Baka kung saan pa mapunta ang usapan.
"Sorry, where were we again?" Napakamot tuloy ng ulo si Rowan. "Ah! The morning meeting! Baka hindi pa 'to ang convenient time para kay Mr. President. Let him enjoy his first day back stress-free."
"But that's why I came all the way here against my doctor's advice and parents' wishes," tugon ni Priam. Kumapit ang mga kamay niya sa walker at nagpumilit na tumayo. Bahagyang nalukot ang mukha niya sa sakit. Aalalayan ko sana siya, pero kaya na niyang mag-isa. I almost forgot that he was just a bit weak, not disabled. "Let's get back to business."
"Naka-ready na ang agenda natin sa conference room," saad ni Sabrina sabay lingon sa assistant niya. "Pinrint na ni Daphne kanina habang hinihintay ka namin sa entrance ng admin building."
"Good. Let's get right into it." Lumingon muna si Priam sa 'kin. "Yen, do you want to join us?"
Mabagal akong umiling. My job's done here. Since I wasn't a student council officer, wala akong karapatan na sumama sa kanilang meeting. Naihatid ko na siya rito kaya wala na akong dahilan para mag-stay pa. "Mauuna na ako, Yam. Good luck sa meeting n'yo!"
Kumurba ang mga labi niya habang nakatitig siya sa 'kin. "Thank you, Yen."
"Uy, punta ka sa welcome back party, ha?" yaya ni Rowan. "Mamayang five o'clock dito sa USC office para counted as official business. Siyempre, kailangan nating i-celebrate ang pagbabalik ni Mr. President. Ano'ng handa? Si Tabitha na ang bahalang um-order ng food and drinks natin."
"I'm not ordering for you! Kung gusto n'yong mag-party, kayo ang bumili!" sigaw ng kanilang treasurer mula sa cubicle nito.
"Uhm..." Napakamot ako ng pisngi. "Baka ma-late ako ng dating mamaya. May prior commitment na kasi ako and 'di ko puwedeng ma-miss 'yon. Pero kung maagang matatapos, susubukan kong pumunta agad dito."
"Oh, yeah." Muling lumingon si Priam sa direksiyon ko. "Today's the audition for the Orosman at Zafira play, right?"
Mariin akong tumango. Natandaan pala niya ang ikinuwento ko no'ng isang araw. "Mag-a-apply ako para sa role ni Zafira."
"Break a leg, Yen," tugon niya na may kasamang ngiti. "I know you can win that role."
"Sana'y magkatotoo ang sinabi mo, Yam," sagot ko. "Anyway, see you later, guys!"
Nakipagbeso muna ako kay Priam bago kumaway sa mga kasama niya. Ramdam kong nakasunod ang kaniyang tingin sa 'kin hanggang sa tuluyan akong makalabas ng USC office.
It's good to see Yam back in his element.
"KUNG INUUSIG ba't kusang siniphayo
ng tawang paghamak na sabi mong hibo
saan ka nagbuhat at sino ka naman
ganito ang laki ng kapangahasan
pinilit mong lubos, yaring kahihingan
lumiko sa landas ng mahal na asal"
Yumuko ako matapos kantahin ang parteng ibinigay sa 'kin ni Direk Bernard Salvador. Ang akala ko'y magiging kasindali ng audition ko no'ng Gabriela Silang at Romeo and Juliet ang audition ko para sa Orosman at Zafira. Mali pala. 'Di ko sasabihing mas mahirap, pero mas challenging ang bagay na term. Bakit? Kasi musical ang atake sa production na 'to. Kailangan kong i-maximize ang potential ng vocal cords ko para makapag-deliver ng magandang performance.
How's my singing? Probably above average. Kung sasabak ako sa isang singing contest, malamang runner-up ako at never magtsa-champion. Pero dahil 'di ko kailangang mag-hit ng matataas na notes at 'di puro pakanta ang lahat ng mga eksena, mukhang kakayanin ko ang challenge.
Tumayo mula sa director's chair si Direk Bernard at mabagal na pumalpak. Tumayo rin ang mga kasama niyang hurado na ipinakilalang performers sa PETA. Ako ang pinakaunang auditionee na binigyan ng standing ovation. May sampu nang nauna sa 'kin.
"Wow!" bulalas ni Direk Bernard. "I knew you're talented, but I didn't know that you're this talented, Fab! Your performance reminded me of Dulaang UP's Orosman at Zafira production in 2011. How did you prepare for this audition?"
I scratched my cheek. "Pinanood ko po ang performance ng ibang actresses na gumanap na Zafira. I tried to emulate their poise and vocal range."
"Your stage presence and your voice are perfect," komento niya. "We need to work on you creating a unique take on the role and claiming it as your own. You have to step out of the shadows of the previous Zafira actresses. When people watch your performance, they should remember yours, not be reminded of someone else's. Don't worry, we will be here to guide you."
D-does that mean—
Lumingon siya sa kaniyang mga kapwa hurado, nanatiling tikom ang kanilang mga bibig. Nagkatinginan sila at saka tumango sa isa't isa.
"The search is over!" anunsiyo ni Direk Bernard. "We have our Zafira before us!"
Pumalakpak ang mga tao sa audience area maging ang auditionees sa backstage. Narinig ko pa nga ang cheer ni Belle mula sa likuran ko. Talagang ako na? Parang 'di ako makapaniwala! Bumaba ako ng entablado at sinalubong ako ni Direk sa paanan ng hagdanan. We shook hands first, then he gave me a hug.
"You make want to invite you to our next production at PETA," bulong niya sa 'kin. "But one battle at a time, okay?"
"Y-yes, Direk!"
'Di ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Gusto kong magtatalon sa tuwa! This was the third time I had landed the starring role in a play. If some people thought that I was just lucky in my first two attempts, this third one would surely prove them wrong. For sure, may mga magbubulungan sa likuran ko at magra-rant kung bakit ako na naman ang star. Well, I didn't beg or force the judges to choose me. Nakita nila ang talent ko sa stage at napagdesisyonan nila na ako ang nararapat sa role.
"Congratulations, Fab!" Sinalubong ako ni Colin nang nagtungo ako sa audience seat. Matapos akong batiin ay niyakap niya ako. Parang may kakaiba sa hug niya ngayon. "I knew you can do it."
"Thank you, Colin!" tugon ko bago kumalas mula sa yakap niya. "Good luck tomorrow! Ihahanda ko na ang congratulations ko para sa 'yo."
May second round of auditions bukas para sa roles na panlalaki. He told me he'd try out for the Orosman role. Sakaling makuha niya 'yon, that would be his second starring role and the second time na magiging partners kami on stage. Bilang classmate at friend niya, siyempre todo support ako sa kaniya, maging sa ibang kakilala ko na gustong makasama sa theater production.
"How about we celebrate your new achievement?" nakangiting yaya niya. "Kapag tapos na si Belle sa kaniyang audition?"
"I would love to! But..." Chineck ko ang time sa 'king phone. It's almost six in the evening. "Meron pa kasi akong hahabulin na commitment today. Pasensiya na!"
"Oh." Unti-unting naglaho ang kurba sa mga labi niya. Ilang beses na rin niya akong niyayang mag-coffee kasama si Belle, pero ilang beses ko na rin siyang tinurn down dahil lagi akong may lakad. Nakagi-guilty na nga minsan.
"How about tomorrow?" tanong ko "Pagkatapos ng audition mo at pagkakuha mo sa role ni Orosman?"
"Sure! Mas maganda pa nga siguro." Bumalik ang ngiti sa mukha niya, pero ramdam kong pilit 'yon. "Tomorrow, ha? Wala nang bawian."
Itinaas ko ang aking kanang kamay. "Promise!"
Matapos magpaalam sa kaniya, naglakas-loob akong nagpaalam kay Direk kung puwede na akong mauna dahil may hahabulin pa ako. Pinayagan niya ako, basta raw manood ako ng audition bukas. Dahil wala na akong pinupuntahan sa ospital at may promise ako kay Colin bukas, umoo ako. Kinuha ko na ang aking bag at kumaway kay Belle na naghihintay ng kaniyang turn sa stage right.
Nagmadali akong lumabas ng auditorium. Muli kong chineck ang time. Five minutes before six! Sana'y 'di pa tapos ang welcome back party para kay Priam. I'd feel bad kung 'di ako makahahabol do'n. Baka rin magtampo siya sa 'kin.
Wait. Parang never ko pa siyang nakitang nagtampo. 'Sabagay, wala namang "kami" kaya bakit siya magtatampo, 'di ba?
"Excuse me, Miss Lucero?"
Agad akong napahinto at lumingon sa 'king likuran. Ayaw kong tawagin na snob sa SchoolBuzz kaya pinansin ko ang babaeng nakaabang sa pintuan. Pinaningkitan ko siya dahil parang namukhaan ko siya. Saan ko na nga ba siya nakita no'n?
"Is that a hint of recognition?" Inalok niya sa 'kin ang kaniyang kamay. "I'm Bellatrix Yllana, but you can call me Trixie. You may have seen me at some rallies on campus."
Bellatrix? Ah! Siya 'yong nanawagan na mag-resign na si Priam dahil sa controversy no'ng impeachment trial. Siya rin 'yong nagsulat ng column no'n na bumabatikos sa pagkaka-appoint ni Castiel bilang vice president. I kept myself informed back then para 'di ako outdated.
Napakapit ako sa strap ng aking bag matapos ko siyang kamayan. "Hi, Trixie! May maitutulong ba ako sa 'yo? Interested ka rin bang mag-audition sa play?"
"I'm more interested in you."
Muling naningkit ang mga mata ko. Ano'ng ibig niyang sabihin?
"I know you're the girlfriend of the USC president," dugtong niya. "His VP said before that he's going to run for reelection."
Nag-alangan ako kung iko-confirm ko 'yon. Pero ano'ng kinalaman ko ro'n? I wasn't part of the USC or their potential lineup.
Awkward ang pagngiti ko sa kaniya. "You better ask them about it kasi wala akong kaalam-alam—"
"Let me get straight to the point," putol niya sa 'kin. Sumeryoso ang mukha at tono ng boses niya. "I'm here to urge you to run for the USC presidency in the next student council race."
Halos malaglag ang panga ko sa sahig.
What did she just say?
"For almost a decade, the student body has been ruled by arrogant and irresponsible men," dagdag niya. "It's time for us women to take control of it. With your fame and influence, you're the perfect candidate to make it happen."
Natulala ako sa kaniya. Me running for the USC? Did I hear her correctly? 'Di ko alam kung ano'ng isasagot.
"They dubbed you as the Queen of Elysian Theater. Why don't we officially crown you as Queen of Elysian University?"
♕
NEXT UPDATE: Christmas is almost here!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top