CHAPTER LV: What Ifs (Fabienne)

FABIENNE

ONE WEEK na ang lumipas mula nang magising si Priam. Since then, he had been eating healthy and going to physical therapy almost every day. Dahil higit sa isang buwan din siyang na-coma, nag-cause 'yon ng muscle atrophy kaya namayat ang buong katawan niya. But he could get back to his old body frame basta kumain siya ng maraming protein at mag-exercise siya.

Patuloy pa rin ang pagbisita ko sa kaniya nitong mga nagdaang araw. Binibisita rin siya ng ibang USC officers every other day para bigyan ng report. At first, they didn't wanna talk about council duties, pero matigas ang ulo ni Priam. Gusto niyang updated siya sa mga galaw ni Alaric at sa mga ganap sa university para 'di raw siya mahirapang mag-catch up.

"Surprisingly, he hasn't said or done anything controversial so far," kuwento ni Lavinia. Katabi niya sa mahabang couch kasama sina Sabrina, Tabitha, at Rowan. Nando'n din si Valeria, pero nakahiwalay siya ng upuan. Hanggang sa seating arrangement dito, pinaninindigan niyang 'di na siya part ng council.

Oh, how about me? Nakaupo ako sa gilid ng kama ni Priam.

Dahil pare-pareho naming balak na bumisita kay Priam ngayong Thursday, isinabay na ako ng mga taga-USC sa pagpunta rito. I was thankful dahil nakatitipid ako ng pasahe at 'di pa ako masyadong naha-hassle sa commute. I didn't wanna look haggard and stressed pagdating ko rito.

"Can't blame Alaric for treading carefully," may kibit-balikat na sabi ni Rowan. "Dahil sa mga pinagsasabi ni Cas, natutok ang atensiyon ng karamihan sa kaniya. If he does something out of line, he will only prove his number one critic correct. Mas maaapektuhan ang image at ang chances niya sa election."

Bahagyang natawa si Lavinia. "He finally got the sword he's always wanted, but he can't wield it the way he wants. Poor guy."

"'Wag n'yong i-underestimate ang lalaking 'yon," paalala ni Tabitha. "Ang animal ay isa pa ring animal kahit mapaamo mo pa 'yan. Their primal instincts may subside, but they won't totally go away."

'Sabagay, may punto siya. Kahit ang isang maamong kuting, puwede pa ring makapanakit gamit ang mga pangil at kuko nito. Puwede nitong mapadugo ang isang tao. I learned it through experience kasi gano'n ang ginawa sa 'kin ni Kahel no'ng bata at mas cute pa siya.

"If he was being reckless, he would have suspended or terminated the four of you," sabi ni Valeria sabay lingon sa mga nakaupo sa couch. "He could have done almost the same thing that Cas did, but possibly much worse."

"Subukan niyang gawin 'yon, I'm gonna make sure he tastes my sampal," paghahamon ni Tabitha. Gigil na gigil talaga siya kay Alaric, almost at the same level as Castiel. Napaisip ako kung saan niya hinuhugot ang kaniyang inis sa lalaking 'yon.

"Teka, Tabby!" biglang singit ni Rowan. "Akala ko ba'y magre-resign ka kapag naging acting president siya?"

"I was about to. But I was nag-aalala na baka agad kayong tumiklop sa kaniya once he takes over. Sab won't open her bibig kapag nakasagutan n'yo ang lalaking 'yon. You and Lavinia may not be able to handle him kahit magtulungan pa kayo. So you need me."

Naningkit ang mga mata ni Lavinia na nabaling sa kaniya. "Do you think we will let him do as he pleases? Si Cas nga mismo, kinontra namin. Si Alaric pa kaya?"

"We can keep him in check better if I'm with you," tugon ni Tabitha. "You should be thanking me because I didn't iwan you during these trying times."

"Wow, ah! Dapat pa talaga kaming magpasalamat?"

"Thank you, Tabby. Happy now?"

"Geez."

Medyo naa-out of place ako sa discussion dahil 'di ako isang student council officer. But I was happy na unti-unti nang bumabalik ang lahat sa dati. Ang tanging hinihintay ay ang pagbabalik ni Priam.

Speaking of him, pumuwersa siyang umubo para makuha ang atensiyon namin.

"If you find his decisions as acting president reasonable, then support him. If not, then voice your concerns and try to reason with him." Nanumbalik na ang dating lakas ng boses ni Priam, pero in-advise pa rin siyang 'wag masyadong magsalita. "Huwag nating gawin sa kaniya ang ginawa niya sa atin na laging kinokontra ang bawat galaw at desisyon natin."

"Roger that!"

Kumurba ang aking mga labi habang nakatitig sa kaniya. Paniguradong na-miss niyang i-lead ang USC. Sana'y tuluyan nang manumbalik ang kaniyang lakas.



TODAY WAS a Saturday. Saktong wala akong classes kaya puwede kong puntahan si Priam at mag-stay nang mas matagal. Nadatnan ko siyang naglalakad-lakad sa private room niya, nakahawak sa mga bagay na susuporta sa kaniyang pagtayo. Nagagawa na niyang tumayo nang walang suporta, pero naa-out of balance siya kapag naglalakad na.

I thought na magkukuwentuhan kami buong araw. Pero meron siyang request sa 'kin.

"I want to visit Cassidy."

Napasimangot ako nang marinig 'yon. Ilang araw na raw niyang tinatanong kung kumusta na si Cassidy, lalo na't same hospital ang pinagdalhan sa kanila. Pero wala siyang makuhang straight na sagot. Lagi raw chine-change ang topic. Nagtataka rin siya kung bakit 'di pa bumibisita si Castiel ilang araw matapos niyang magising. Last night, his mom finally told him about what happened to his friend's sister.

'Di ko siya puwedeng basta-basta ipuslit palabas ng ospital, kaya cinontact ko si Tita Primavera at tinanong kung puwede bang magpahangin muna sa labas si Priam. May pag-aalangan sa boses niya, pero pumayag din siya. Tinawagan niya ang bantay para i-assist kaming kumuha ng clearance at manghiram ng wheelchair. Pinapunta rin niya ang kaniyang driver para sunduin kami.

Sawang-sawa na siguro ang baga ni Priam sa paikot-ikot na hangin sa loob ng ospital, kaya mas mainam kung makalalanghap siya ng sariwang hangin. Dinadala raw siya sa rooftop tuwing umaga para magpaaraw at magpahangin. Pero dahil nasa city kami, malamang ay polluted ang air na ini-inhale niya.

Within the hour, nakakuha kami ng clearance at nakahiram din ng wheelchair. Nag-volunteer ang assistant na magtulak kay Priam, pero nag-request ako na kung puwede ay ako na. Matapos ang aking pakikiusap at pangungulit, pumayag na siya. Siya ang nagbukas ng pinto at nagpindot sa elevator button.

Nang makababa na kami sa basement parking at mapuntahan ang sasakyang maghahatid sa 'min, inalalayan ko si Priam na tumayo at pumasok sa loob. I could feel his struggle sa pagngiwi ng mukha niya at malalim na paghinga sa bawat hakbang. Once he made it inside, tumingala siya na parang hinahabol ang kaniyang hininga. Iniligpit muna ng bantay ang wheelchair bago 'yon ipinasok sa loob.

The news of Cassidy's passing must have made him sad. Sana'y 'di masyadong nakaapekto sa kondisyon niya. If I were Tita, I wouldn't have told him about it hanggang sa fully recovered na siya. But he must have been so curious na 'di siya makapagre-relax hangga't 'di siya nakakukuha ng sagot. Getting the answer, no matter how heartbreaking it might be, must have given him some degree of peace.

Halos kalahating oras din ang biniyahe namin papuntang Pax Et Lumen Memorial Park. 'Di gaanong marami ang mga sasakyan kaya 'di mabagal ang daloy ng traffic sa kalsada. Mag-aalas-kuwatro na kaming nakarating dito. Inilabas muna ng bantay ang wheelchair bago ko muling inalalayan si Priam na umupo ro'n. Mas smooth ang galaw niya ngayon compared kanina. 'Di na rin intense ang paglukot ng kaniyang mukha.

'Di na gano'n katirik ang araw kaya 'di kami masyadong nainitan. Malalaki at matatayog din ang mga puno sa paligid kaya may lilim. Panay rin ang bugso ng sariwang hangin. Parang lumilinis nga ang lungs ko sa bawat paghinga ko. Parang nalalasahan ko rin nga. Ibang-iba compared sa hangin sa city.

Once again, I volunteered to push Priam's wheelchair. Wala akong sinabi o ipinakiusap, pero dumistansiya sa 'min ang bantay na tila gusto niya kaming bigyan ng private moment dito.

"This is my first time going out of that hospital," sabi ni Priam. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at huminga nang malalim. "I have almost forgotten what it feels like to be out here."

"Na-miss mo 'to, 'no?" Sandali ring napapikit ang mga mata ko sabay tingala sa mga puno. "Once you get better, makalalakad ka na nang maayos at mae-enjoy mo ulit ang mga lugar sa labas ng ospital. So you better eat healthy and keep exercising regularly, okay?"

"Yes, doc." Napa-chuckle siya bago saglit na natahimik. "I have also realized that I took a lot of stuff for granted when I was completely okay. Mare-realize mo pala 'yon kapag hindi mo na na-e-experience ang mga bagay na nakagawian mo na."

Mariin akong tumango. 'Di lang siya ang nakaka-take for granted ng mga bagay na nasa paligid namin. Maging ako'y guilty rin do'n. Marami rin akong binabale-wala at 'di masyadong pinapahalagahan. Sabi nga nila, malalaman mo ang tunay na value ng isang bagay kapag nawala na 'to sa 'yo.

Ilang nitso ang nilagpasan namin bago namin narating ang kay Cassidy. No'ng dumalo ako sa libing niya, binilang ko kung ilang kanto ang kailangang daanan. Sakaling maisipan kong bumisita, 'di ako basta-basta maliligaw. Ang kaniyang lapida ang pinakamaputi at pinakamalinis sa area na 'to.

CASSIDY A. SEVILLE
Born: March 19, 2003
Died: November 24, 2021

Inilabas ko ang kandilang binili namin bago kami nakarating dito at iniabot kay Priam. Sinindihan ko 'yon gamit ang posporo. Ako na sana ang maglalagay n'on, but he insisted in doing it himself. Inalalayan ko siyang tumayo, 'tapos umupo sa tapat ng nitso. Pinatakan niya ng wax ang lapida bago itinayo ro'n ang kandila. He closed his eyes, probably offering a prayer to the angel who'd flown away weeks ago. Nag-offer din ako ng panalangin para kay Cassidy.

Nang muling namulat ang mga mata ko, napansin ko ang isa pang kandila na halos naubos na—maputi pa rin ang kulay at 'di pa masyadong nadumihan. Someone must have come here yesterday and lit that candle over there.

Tinulungan kong bumalik sa wheelchair si Priam. Hinayaan naming mamayani ang katahimikan. Tanging huni ng mga ibon ang dinig namin. Bumugso ang malakas na hangin kaya napaayos ako ng buhok.

"I did not even get to say goodbye to her." Napatulala si Priam sa pangalang nakaukit sa lapida. "I did not even get a chance to talk to her again since the accident."

"Yam, it's not your fault." Hinaplos ko ang likod niya. "Kung gising ka na n'on, paniguradong pinuntahan mo rin siya."

"She was a bright girl. Very talented. Very promising. Full of dreams." Nanatili siyang nakatulala. "Cas even said that she could be smarter and wiser than him. She was qualified to be an academic scholar. We were even looking forward to seeing her achieve so much in ElyU. But then, the accident happened."

"Alaric," bulong ko. Dahil sa lalaking 'yon, nagkagulo 'di lang ang buhay ng mga Seville, kung 'di maging ang buhay namin ni Priam. Oo, may fault si Castiel sa ilang 'di magagandang experiences namin, but everything could be all traced back to that guy. The Seville family must still be grieving. But Alaric? Malamang happy-happy lang siya lalo na ngayong siya na ang acting president.

"I wish I was there, Yen." Tumingala si Priam sa 'kin, naglalawa ang mga mata. "I wish I was there not only for Cassidy, but also for Cas and his family. They have been through a lot the past year."

'Di ko naiwasang ma-amaze sa kaniya. One might argue na kasalanan ni Castiel kung bakit siya pinagsasaksak ni Brandon at na-coma. If it weren't for that four-eyed guy's scheme, 'di malalagay sa peligro ang buhay niya. Si Castiel talaga ang sinisi ko no'ng una, pero pinili kong umunawa. Never ko ring narinig si Priam na sinisi ang kaniyang kaibigan. Concerned pa nga siya sa pinagdaraanan nito.

"May balita na ba sa kaniya?" tanong ni Priam. "Were you able to reach out to him?"

Marahan akong umiling. "Nakailang messages na kami sa kaniya, pero 'di pa rin niya kami sini-seen. Naiwan niya ang kaniyang phone no'ng last press briefing niya, pero imposibleng wala siyang access sa kaniyang social media account sa laptop o ibang device niya. Talagang sinasadya niyang iwasan kami."

"He must still be grieving." Bumuntong-hininga ang kasama ko, sobrang lalim ng pinanghugutan. "If something bad happened to me right after Cassidy's passing, it would surely break his heart. He must be blaming himself for my being stabbed."

"It would also break mine," bulalas ko. Biglang nanlaki ang aking mga mata. Napatakip tuloy ako ng bibig. Saktong lumingon siya sa 'kin. "I mean, it will break the hearts of everyone who cares about you. Your parents, Val, the USC, your friends, and classmates—"

Bakit ba parang ang defensive ko? Wala namang masama ro'n sa sinabi ko, ah? He's my friend kaya masasaktan ako sakaling natuluyan siya. Masaksak at maisugod pa nga lang siya sa ospital, grabe na ang iyak ko. Paano pa kaya kapag... Hay, ayaw ko nang isipin!

"My mom told me that you visited me almost every day," kuwento ni Priam nang muli niyang ibinalik sa harap ang kaniyang tingin. "Hindi mo kailangang bisitahin ako sa ospital araw-araw, pero ginawa mo pa rin."

"Of course, I'm concerned about you!" mabilis kong tugon. Parang umiinit ang mga pisngi ko. "Umaasa ako na sa bawat pagbisita ko sa 'yo, bigla kang magkakamalay ulit. I wanna be the first one to see you kapag nangyari 'yon."

"Sayang, nagising ako nang wala ka sa tabi ko."

"'Di man ako ang unang nakita mo, nakahabol naman ako. Ang importante'y gising ka na!"

Kumurba ang gilid ng mga labi niya. "I actually had a dream while I was unconscious."

"Dream?" Kumunot ang noo ko. "Ano'ng nangyari?"

"It's about you. It's about us. We were officially dating. No more pretenses." Nabaling ulit sa 'kin ang kaniyang tingin. "I don't know why of all people, ikaw ang kasama sa panaginip ko. Maybe it's because you were my last thought before I lost consciousness."

"R-Really?"

Mabagal siyang tumango bago tumingin sa taas. "If I remember correctly, Cas and I were talking about your play. Nagpaalam na ako noon at ipinaubaya ang pag-i-inspect ng mga booth sa kaniya. I was about to pick up the bouquet of flowers that I ordered online—"

"F-flowers?"

"For you." Bumalik sa 'kin ang tingin niya. "I was supposed to give them to you after your performance. But I got stabbed."

"Let me guess. That was Cas' idea?"

Dahan-dahan siyang umiling. "That was mine. He was unaware until I told him about it. He even asked me if it's—"

Bigla siyang nahinto. Bigla ring bumigat ang pakiramdam ko. Ang akala ko'y may nangyari sa kaniya kaya pumunta ako sa harap niya. "Hey, are you okay?"

"I'm fine, don't worry." Ngumiti siya sa 'kin. Thank goodness! Nakahinga ulit ako nang maluwag. "I cannot remember what he asked me back then. Maingay rin noon sa paligid namin."

"'Wag mo nang aalahanin." payo ko. "Baka ikasama mo pa."

"Right." Malalim ang sunod niyang paghinga. "But it's such a shame that I was not able to give them to you. Nalaman ko pala mula kay Rowan na umalis ka sa opening show n'yo para mapuntahan mo agad ako sa ospital."

Napakamot ako sa pisngi. "'Di kasi ako makapagpe-perform nang maayos hangga't 'di ako nakasisiguro na maayos ang lagay mo."

"I'm sorry about that." Pabulong ang boses niya. "Dahil sa nangyari sa akin, muntik pa yatang mapahamak ang posisyon mo sa theater."

"Ano ka ba? Wala 'yon!" Mahina ko siyang tinapik sa braso. "Pinagalitan ako ni Direk at binawasan ang show dates kung saan ako ang gumanap na Juliet. But everything went well. Kaya 'wag mong sisihin ang sarili mo dahil personal na desisyon ko 'yon. You didn't even ask me to come to the hospital."

"Still, I feel somehow responsible."

"Don't be," seryoso kong tugon. "At saka, 'tapos na 'yon! Nakapag-move on na ako. Mas gusto kong mag-focus sa future."

"Right. We have to move forward."

Kasabay ng biglaang pagtahimik namin ay ang malakas na pagbugso ng hangin. This time, hinayaan kong sumabay at sumayaw ang buhok ko sa direksiyon nito.

"Thank you, Yen," biglang sabi ni Priam.

"Para saan?" Umangat ang isang kilay ko. "Napaka-random yata ng thank you mo."

"For everything you have done from the moment we met until today."

Namula yata ang pisngi ko. Siniko ko siya sa braso, pero 'di malakas. "Uy, pinakakaba mo 'ko, ha? Parang namamaalam ka na sa pagte-thank you mo."

"You did not have to do what you did, especially when I was in a coma." 'Di man niya pinansin ang sinabi ko. "But you did it anyway."

"Because we're friends," sagot ko kasabay ng pagkurba ng aking mga labi. "That's what friends do, right? They care for each other. Well, I'm not sure kung friend din ang tingin mo sa 'kin. Pero for me, friend kita."

"You went above and beyond as a friend. During those quiet moments in my room, I find myself wondering... what if we're more than just friends? What if we stop pretending and become a real couple?"

Nagtagpo ang tingin namin. He didn't say it out loud, pero may idea ako sa ipinupunto niya. Is he seriously considering... Unti-unting nanlaki ang mga mata ko. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso, dinig na dinig ko nga sa mga tainga ko. Bigla rin akong nakaramdam ng init kahit na presko at malamig sa puwesto namin.

Then he looked away. "Never mind what I said. PErhaps I was just influenced by my dreams."

"Yam..." bulong ko habang nakatitig pa rin sa mukha niya.

Lagi kong dini-dismiss ang idea na 'yon, pero nitong nakaraan...

"The truth is—"

Bigla akong natigil nang may napansin akong tao na palapit sa 'min sa 'king peripheral vision. Namulagat ang mga mata ko nang makilala ko siya. Akala ko pa no'ng una'y tatlo ang kanyang mga paa.

"C-Cas?" bulong ko. Napalingon din si Priam sa direksiyon na aking tinititigan.

"P-Priam..." bulalas ni Castiel. "F-Fabienne..."

"Cas..." tawag ni Priam bago ngumiti. "It's been a while, hasn't it?"

Napakagat ng labi si Castiel bago unti-unting pumatak ang mga luha niya. Nang 'di na niya nakayanang kontrolin, bumuhos na ang mga 'yon. Lumapit siya sa 'min, ibinaba ang cane, lumuhod sa paanan ni Priam, at halos halikan ang sapatos ng kaibigan.

"I'm sorry! I'm really, really sorry!" paulit-ulit na banggit niya. "Kasalanan ko kung bakit nangyari 'to sa 'yo! Kasalanan ko kung bakit muntik ka nang mawala sa 'min! I'm sorry, Priam! I'm sorry!"

"Cas, calm down," halos bumulong si Priam. "I'm alive, okay? That's what matters. I don't blame you for what happened to me, so please don't blame yourself."

"I'm sorry, Priam! I'm so sorry! Please forgive me. Please!"

"It's all right. You do not have to be sorry anymore." Hinaplos-haplos ni Priam ang likod nito bago niya pinilit hilahin patayo.

Iniangat ni Castiel ang mukha niyang nabasa ng mga luha. Sinubukan niyang punasan 'yon gamit ang mga kamay, pero bale-wala dahil sa patuloy na pag-agos. I'd seen people cry before—many of them were merely acting or pretending—but I sensed that his tears were genuine.

Poor Castiel.


NEXT UPDATE: Reynard seeks the truth, but at what cost?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top