CHAPTER LI: Farewell and Welcome Back (Fabienne)
FABIENNE
MASYADONG MABIGAT at masakit sa puso ang nasagap kong balita. I was having my afternoon classes nang may nag-notify na message sa group chat namin ng USC officers. Castiel's sister, Cassidy Seville, unfortunately passed away just within the hour after waking up from coma.
I never knew Cassidy personally. Narinig ko kina Kuya Fabrice, Priam, at Castiel ang pinagdaanan niya. Nakita ko rin siya nang personal sa kaniyang private room. 'Di ko man siya lubusang kilala, natulala pa rin ako matapos i-relay sa 'min ni Valeria ang malungkot na balita. Ilang minuto rin akong nakatitig sa pader, pasok sa isang tainga at labas sa kabila ang itinuturo ng Applied Theater instructor namin.
The pain that Castiel and the Seville family was going through must be beyond words. Halos isang taon din silang naghintay, nanalangin, at umasang magigising si Cassidy. No'ng namulat na ulit ang mga mata niya, malamang ay sobrang tuwa ang kanilang naramdaman. Finally, she's back. 'Tapos bigla-bigla siyang babawiin sa kanila matapos ang ilang minutong interaction. Parang may ibinigay sa kanilang good news, 'tapos "it's a prank" lang pala. Kung mapagbiro man ang tadhana, 'di 'yon isang magandang joke.
Pagkatapos ng klase ko bandang ala-sais, agad kong pinuntahan ang funeral home kung saan nakalagak ang labi ni Cassidy. Nauna na ro'n ang mga kasama ni Castiel sa USC. At school, we'd been calling him out for his aggressive actions. But here? Ceasefire muna lalo't mabigat ang pinagdaraanan niya at ng kaniyang family.
"Condolences, Cas," bulong ko nang makalapit ako sa kaniya. Nakaupo siya sa pinakaunang row ng pews, nakatulala sa kabaong na parang 'di pansin ang mga nangyayari sa paligid. I tapped his shoulder to get his attention. Umangat ang kaniyang tingin sa 'kin. Pulang-pula at namamaga ang mga mata niya. Bakas din ang traces ng luha sa kaniyang pisngi. Kanina pa siya nagluluksa. Wala siyang kibo sa 'kin.
Sandali kong ipinikit ang aking mga mata bago humakbang palapit sa kabaong. I took a deep breath first before looking at Cassidy inside the coffin. Halos maiyak ako nang makita ang inosente at tila natutulog niyang mukha. Parang walang pinagkaiba nang bisitahin ko siya no'ng isang araw. But I'd rather see her in a hospital bed than inside that box. Nanikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang hitsura niya.
Sunod kong pinuntahan ang mama't papa niya na nasa kabilang pew. I gave them my condolences and introduced myself as one of Castiel's friends. Wala pa sa gano'ng level ang relationship namin, but it wouldn't hurt anyway. Nabanggit ko rin sa kanila na ang kuya ko ay isa sa mga nurse na nagmo-monitor sa kanilang anak. They thanked me and asked me to send their thanks to my brother.
May iba pang gustong makiramay kina Mr. and Mrs. Seville kaya nagpaalam na ako at umupo sa tabi ng USC officers—nina Valeria, Lavinia, Sabrina, Tabitha, at Rowan. We sat on the second pew, just right behind Castiel. He sat there like a statue, 'di pa rin nilulubayan ng tingin ang kabaong ng kapatid.
"Gone so soon." Bumuntong-hininga si Rowan, mabagal na umiiling. Nasa kabilang dulo siya ng pew. "How old is she? Eighteen?"
"She was supposed to study at ElyU, too," sagot ni Valeria na katabi ko. "But the accident changed not only her life, but also her family's."
Ayaw kong mainis dahil mabigat ang pakiramdam ko ngayon, pero 'di ko naiwasang sisihin ang rason kung bakit nagkaganito si Castiel at namatay si Cassidy—walang iba kundi si Alaric. If he was being careful that night, if he was held accountable, maybe none of these would've happened to the Seville family.
But what's done was done already. 'Di na namin maibabalik ang nakaraan. 'Di na namin maaayos ang sira na. 'Di na namin mabubuhay ang pumanaw na. Ang tanging magagawa namin ay harapin ang kasalukuyan at subukang baguhin ang hinaharap. For Castiel and his parents, paniguradong 'di magiging madali ang pagmo-move on.
I wished that Priam was here to console his friend. If he was only conscious, siguradong pupunta siya rito para makiramay.
Napabuntong-hininga tuloy ako. I didn't wanna entertain more grim thoughts, pero 'di ko naiwasan dahil halos pareho ang pinagdaanan ni Cassidy at pinagdaraanan ni Priam. What if ganito ang mangyari sa kaniya? Paano kung magising nga siya pero bigla ring bawian ng buhay? Tiyak na madudurog ang puso ko kapag pinaasa ako, 'tapos nanakawin 'yon sa 'kin.
Nadagdagan pa tuloy ang worst case scenarios na sumasagi sa isip ko.
Inabutan na kami ng alas-otso sa lamay. Nagpaalam na muna kami kay Castiel at sa parents niya. Nang palabas na kami ng funeral home, saktong may dumating na dalawang sasakyan—isang luxury car at isang pick-up truck. Bumaba mula sa kotse ang isang lalaking nakasuot ng coat and tie. Sinenyasan niya ang dalawang lalaki galing sa pick-up na ibaba ang kanilang dalang wreath at ipasok sa loob. We stepped aside to give way to them.
"Eliseo?" bulong ni Valeria nang makadaan na ang mga lalaki.
Naningkit ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang ipinapasok na wreath. Naka-print ang mga salitang "Condolences from the Eliseo Family" sa funeral sash nito.
"Is that the same Eliseo from our university?" nagtatakang tanong ni Lavinia. "O ibang Eliseo family ang nagpadala n'on?"
Mukhang 'di pa nila alam ang connection ng pamilya Eliseo sa pamilya Seville. It's not my place to tell them kaya itinikom ko ang aking bibig. Baka ibang Eliseo rin ang nagpadala n'on at mapahiya ako kapag itsinismis ko kung sino sa 'king tingin.
"Why don't we find out?" Naglakad si Rowan pabalik sa loob. Curious din ang ilan sa 'min kaya sumunod kami sa kaniya.
The two guys carrying the wreath placed it beside Cassidy's coffin habang kausap ng lalaking naka-suit sina Mr. and Mrs. Seville. 'Di namin dinig ang pinag-uusapan ng tatlo, pero malamang ay nagpahatid ng pakikiramay ang pamilyang nagpabigay n'on.
Suddenly, Castiel sprang from the pew and hit the funeral wreath with his cane. Napasinghap ang mga tao sa paligid, lalo na ang mga kasama ko. He struck it not only once or twice, but many times hanggang sa natanggal ang mga bulaklak at dahon nito.
"Sir, we're only extending the condolences of—"
"You can shove your condolences up your boss' ass!" bulyaw ni Castiel. Nagawa niyang tumayo nang wala suporta mula sa kaniyang cane. "Get out."
"Cas—"
"GET OUT!"
Walang nagawa ang lalaking naka-suit kundi lumabas kasama ang dalawang tauhan nito. Mukhang tama nga ang hinala ko. That wreath must have come from the Eliseos of Elysian University. 'Di gano'n kalala ang reaction niya kung sa iba galing 'yon.
After that short drama, tuluyan na kaming umalis ng funeral home. We promised to return in the next few days.
NGAYONG SABADO ng hapon ang schedule ng libing ni Cassidy sa Pax et Lumen Memorial Park. Dumalo ang naging classmates at instructors niya bago siya na-coma. Dumating din ang iba pang kaanak at kaibigan ng pamilya Seville. Nagmistulang dagat na itim ang area na kinatatayuan namin dahil nakaitim ang halos lahat sa 'min.
I was hoping na magiging payapa at maayos ang paghahatid namin kay Cassidy sa huli niyang hantungan, pero may nagbabantang drama pa pala. A luxury car pulled up to the curb. Bumaba mula sa isang pinto ng kotse ang matandang lalaking may tungkod na sumusuporta sa bawat hakbang niya. Bumaba naman sa kabilang pinto ang lalaking may blond na buhok at familiar na mukha. Two men flanked them on either side.
What on earth is he doing here? Alam kong makapal ang mukha ni Alaric, pero 'di ko inaasahan na may mas ikakapal pa pala 'yon. How could he attend the interment of the girl he sent into a coma? Kung may kaunting hiya pa siya sa katawan, alam dapat niyang 'di magandang tingnan para sa kaniya at 'di mabuting reminder sa pamilya ang pagpunta niya rito.
"How dare he come here?" bulong ni Tabitha bago umirap. Ramdam ko ang gigil sa boses niya.
"But why is he here?" tanong ni Rowan sabay sulyap sa 'min. "Wala akong makitang reason para bumisita siya rito. Even the chancellor is here! If Cas' sister had died on campus, I would understand his presence. But she didn't. She wasn't even a student at ElyU."
Agad kong hinanap si Castiel. Nanlisik ang mga mata at nagngingit ang mga ngipin niya sa galit. Labas na nga ang mga pangil. Thankfully, his dad restrained him this time. Binulungan siya nito at sinubukang pakalmahin. Pasalamat ako dahil napigilan niya ang kaniyang sarili na gumawa ng eksena. He could've been yelling at Alaric and reminding him na siya ang dahilan kaya wala na ang kapatid niya—na siya ang pumatay rito. But he kept his mouth shut. Ipinakita niya sa panggigigil ng mukha at pagkuyom ng mga kamay niya ang kaniyang galit. He's careful not to violate their non-disclosure agreement.
Alas-tres na ng hapon nang simulan ang misa. Pagkatapos n'on, binigyan ang pamilya Seville ng huling pagkakataon para masilayan at makasama si Cassidy. I turned my face upward to prevent tears from rolling down my cheeks. Mabuti't nakasuot ako ng sunglasses kaya 'di agad mahahalata ang mga namumugtong mata ko. Kung masakit 'tong panoorin para sa 'kin, doble o triple ang sakit nito sa mga Seville.
Matapos ang kanilang huling pamamaalam, ibinaba na ang kabaong. Umalingawngaw ang iyak nina Mr. and Mrs. Seville at Castiel, halos lumuhod na sila sa harap ng hukay. Naluha rin ang ilan sa mga taong nakapaligid sa 'min, pasinghot-singhot at papunas-punas ng mga luha.
Rest in peace, Cassidy. I hope you will find happiness in heaven and justice here on earth.
CASTIEL WAS a no-show on campus the following school week. Parang déjà vu. Ganito rin ang ginawa niya no'ng nag-assume siya bilang acting president. Parehong valid ang reason niya kung bakit bigla siyang nawala: No'ng una'y dahil sa guilt at trauma. Ngayo'y dahil nagluluksa pa rin siya.
Pagkatapos ng libing, I told him through chat na kung kailangan niya ng makauusap, puwede siyang lumapit sa 'kin. Despite my not-so-good feelings toward him, mas pinili kong maging empathetic lalo na ngayong sobrang down niya. Walang maidudulot na mabuti kung paiiralin ko ang pagiging matigas ko o hahayaan kong pangunahan ako ng nakaraan. Sadly, he didn't reply to my message. He didn't even see or read it. He was last active six days ago, the exact day that Cassidy reportedly passed away.
Bago ang afternoon classes namin, dumaan muna ako sa USC office. Wala akong business dito, but my USC chatmates asked me to drop by. Wala naman akong gagawin ngayong lunchtime maliban sa sabayan sina Belle at Colin sa pagkain kaya pumunta na ako.
When I arrived at the office doorstep, pinindot ko ang button para ipaalam na nandito na ako. Nag-slide pabukas ang pinto at tumuloy na ako sa loob. Agad kong iginala ang aking tingin. Ilang weeks na rin mula no'ng huli akong tumapak dito. Walang nagbago sa itsura, pero ramdam kong nagbago na ang aura. Was it because Priam had been absent for almost a month now? Or was it because ang dami nang nangyari mula no'ng first semester? 'Di ko masabi. Basta alam kong iba na.
Unang sumalubong sa 'kin ang isang babaeng naka-twin tails. I'd seen her a few times sa livestream ng USC press briefings at no'ng magkaharap kami ni Castiel sa quadrangle. What's her name kasi? Ah, Mignonette! Siya muna ang humaharap sa campus press habang suspended pa si Rowan.
"Madam First Lady!" Lumapit siya sa 'kin at nakipagbeso na parang super close kami. "It's an honor to formally meet you in person! I'm a big fan, you know? Last time, hindi ako nakapagpakilala dahil medyo intense ang eksena no'n."
"T-Thanks." Wala akong choice kundi makipagbeso rin sa kaniya. 'Di 'to ang unang beses na may na-meet akong student na nagpakilalang fan ko. But none of them had violated my personal space like her. "Nandiyan na ba sina Lavinia, Sab, at Rowan?"
Dalawang beses siyang tumango, may nakapinta pa ring ngiti sa mga labi niya. She stepped aside, motioning to the conference room. Apat na estudyante ang nando'n. Isa sa kanila ang may suot na maroon blazer habang ordinary uniform ang suot ng tatlo pa. "They're about to have a meeting right now. Do you have any business with them?"
'Di ba ako nakaiistorbo sa kanila? I chewed my lower lip. "They've asked me to come here kasi. I'm not sure exactly why—"
Lumingon sa direksiyon ko si Rowan at nagtagpo ang tingin namin. He waved at me before motioning with his hand. Nang napansin 'yon ni Mignonette, inihatid niya ako sa conference room. Napansin kong magkasama sa cubicle ng secretary ang dalawa pang estudyante na sa pagkakatanda ko ay junior officers.
"Hi!" Kumaway ako pagpasok sa conference room. Inilibot ko ang aking tingin sa mga tao sa loob. "Are you having a meeting right now? Gusto n'yo bang bumalik ako after—"
"Sit," utos ni Tabitha na nanatiling nakatayo. May nakaipit na leather folder sa kaliwang braso niya.
"Are you sure?" tanong ko. "'Di naman ako USC officer—"
"Aling syllable sa word na sit ang 'di mo ma-gets?" Hayan tuloy, tinarayan niya ako. "You're not part of the USC, but you've been helping out these renegades kaya damay ka na."
"O-Okay." Umupo sa puwesto sa kanan ni Lavinia. Muli kong binilang ang mga tao sa conference room. "Teka, bakit kulang tayo ng isa? Nasa'n si Val?"
"Val won't be coming," may pag-iling na sagot ni Lavinia. "Kahit vindicated na siya sa controversy na dahilan ng resignation niya, baka hindi raw makatulong sa image ng USC kung makikita siyang pumasok dito at kasama tayo."
"Geez, Val!" Umirap si Tabitha. Ngayon ko palang napansin na mahaba pala ang mga pilik-mata niya. "Always worrying about the small stuff."
"Let's respect Val's decision lalo na kung hindi pa siya comfortable na bumisita rito," depensa ni Rowan sa dating kasama. "Anyway, why did you call us here, Tabby? Ano'ng meron?"
Binuksan ni Tabitha ang folder at kinuha ang tatlong sheet ng papel mula ro'n. Dinistribute niya 'yon sa mga kasama ko. I watched their reactions habang binabasa ang nakalagay. As much as gusto kong makitsismis, baka confidential at "for your eyes only" ang laman ng letters. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Rowan, napatango si Sabrina, habang napangisi si Lavinia.
"Effective immediately, your indefinite suspensions have been lifted," anunsiyo ni Tabitha. "Puwede na kayong mag-back-to-work lalo na kung na-miss n'yong ma-stress dito sa office."
Nasilip ko ang letter na naka-address kay Lavinia at napansin ang pirma sa bandang dulo. "Dumaan na ba rito si Cas? O cinontact ka ba niya tungkol sa reinstatement nilang tatlo?"
"So far, 'di pa nagpaparamdam si Cas sa 'kin magmula last week."
"Then how was he able to write and sign those letters?"
"Bakit ba ang dami mong questions?" naiiritang sagot ni Tabitha. "He prepared those letters in advance. He asked me to give them out kapag 'di siya nagparamdam for more than forty-eight hours. Lagpas na nga, pero weekends nitong nagdaang dalawang araw kaya now ko lang inasikaso."
Our words had probably reached him o baka parte talaga 'to ng plano niya sa simula pa lang.
"What are we supposed to do with those junior officers?" Napaturo ang hinlalaki ni Lavinia sa direksiyon ng tatlong estudyanteng pasilip-silip sa labas.
"Do what you want with them," walang ganang tugon ni Tabitha. "Puwede n'yo silang utusan, puwede n'yo silang gawing slaves. It's up to you."
"Good."
"Do we know when Cas is gonna return?" tanong ni Rowan. "I know he's still grieving for his sister's death, and we must give him time and space to breathe. But if it's gonna take a bit longer..."
"Someone else has to assume as acting president," tinapos ni Lavinia ang gusto nitong sabihin. "In this case, Alaric is going to preside not only over the LEXECOM, but also the USC."
"Thank goodness, the gang is back." Muling umirap si Tabitha. Daig pa niya ang taong masama ang gising nitong umaga. "If that happens, baka 'di ko mapigilan ang sarili ko at ingudngod ko ang mukha niya sa keyboard."
Whoa! Alam kong 'di gano'n kaganda ang tingin ng USC kay Alaric, pero 'di ko in-expect na ganito siya ka-brutal pagdating sa lalaking 'yon. I couldn't help but wonder what happened between them.
"Let's try reaching out to Cas and see when he's returning," sabi ni Lavinia. "Let's see if—"
Beep! Beep!
"Huh?"
Inilabas ni Tabitha ang kaniyang phone at chineck ang notification na naka-display sa screen nito. Kumunot ang noo at halos nagkonekta ang mga kilay niya. We stared at her, hinihintay kung sino 'yon o ano ang nakalagay ro'n.
"It's Cas," sambit niya sabay angat ng tingin sa 'min. "He's asking me to schedule a press briefing tomorrow. May something important daw siyang i-a-announce. Geez. Since when did I become his utusan? Lavinia, take care of this."
Important announcement? Was he planning to step down as acting president? Or was it something more serious?
I hoped he wouldn't do or say something na makapapahamak sa kanya.
♕
NEXT UPDATE: Castiel returns and makes a bold move.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top