CHAPTER III: Theater Threats (Fabienne)
A/N: After a long slumber, #PlayTheKingWP is now updated! I apologize if Fabienne's chapter has taken a very long while to write. I had to figure out what her own storyline is going to be this season. Good news is, I've kinda figured it out! Enjoy reading!
FABIENNE
HABANG PALAPIT nang palapit ang show dates namin, palakas din nang palakas ang nerbyos ko. LUB-DUB! LUB-DUB! This wasn't my first time performing on stage, pero iba pa rin kapag malapit na sa point na kailangang maging perfect ang bawat line, bawat movement, at bawat blocking. Just one mistake was enough para masira ang buong performance.
Dahil ako ang lead actress at isa ako sa may pinakamahabang exposure sa stage, mas malaki ang chances at mas maraming pagkakataon na magkamali ako. Imagine the embarrassment kapag may nakalimutan akong line o kapag mali ang pasok ko sa isang scene. So I needed to do my best to not mess things up! Ayaw kong mabato ng pamaypay ni Direk pagkatapos ng performance.
"You did great, Fab," puri ni Colin matapos ang death scene namin. Pareho naming suot ang aming costumes. Ako'y nakaputing dress habang siya'y nakaputing longsleeved polo. Nakasandal kami sa right wing panel ng stage kung saan hindi kami kita. "Kahit dress rehearsal pa lang, one hundred percent na ang ibinigay mong performance level. Hindi ka talaga nag-hold back."
"Ako lang ba?" Ninudge ko siya sa tagiliran. Pa-humble siya. "Ikaw rin kaya! Sobrang convincing ng pagkalason mo kanina. Kung may naka-standby na medic diyan, baka umakyat na sa stage para i-check kung okay ka."
"Mukhang pareho nating ayaw makatikim ng flying fan ni Direk."
"Sinabi mo pa!"
Sabay kaming tumawa. Tapos na ang scenes namin kaya puwede na kaming mag-relax. Pero shinush kami ng stage manager naming si Sienna. Sorry! Hindi pa pala tapos ang rehearsal. May final scene pa na ongoing habang nagtsi-chika-han kami ni Colin sa wing.
"Teka, may dugo ka pa sa labi," sabi niya.
"Ah, talaga?" Ako na sana ang magtatanggal n'on, kaso inunahan niya ako. He wiped the fake blood off the corner of my lips with his thumb. Pinasalamatan ko siya.
"Perfect!"
Sabay kaming lumingon ni Colin sa direksiyon ng babaeng nakatutok ang phone sa amin. Kulot ang buhok niya na abot hanggang balikat. No'ng una'y nakataas ang gadget niya, halos takpan ang kaniyang mukha. Nang satisfied na siya, ibinaba na niya ang kaniyang phone, ngumiti sa amin, at naglakad palayo.
Who's that girl? Ito ang first time na nakita ko siya rito. She's not part of the production. Teka! What if campus reporter siya na naghahanap ng behind-the-scenes scoop?
"H-Hey!" Hahabulin ko sana siya para i-request na burahin 'yon at tanungin kung ano'ng ginagawa niya rito, kaso nagdilim na sa stage. Hindi muna isinindi ang mga ilaw kaya wala akong nakita.
"Curtain call!" sigaw ni Direk sabay palakpak.
Nagsilabasan mula sa magkabilang wing ang fellow actors at actresses ko. Sumabay sa 'kin sina Colin at Belle na pinuri ang performance ko. Pumosisyon ako sa gitna katabi ng kapwa ko lead actor. We formed a straight line, held hands together, then took a bow.
"Bravo!" Muling pumalakpak si Direk, senyales na tapos na ang rehearsal namin for today. Finally, nakahinga na rin kami nang maluwag! Nanatili kaming nakatayo sa stage, ngayo'y hindi na magkahawak-kamay. Nagpalitan kami ng ngiti dahil mukhang satisfied si Direk sa performance. Kung 'di siya masaya sa napanood niya, 'di gano'n kalawak ang kaniyang ngiti ngayon. Puro mura at flying pamaypay ang paniguradong isasalubong niya sa 'min.
"Mukhang tuloy na tuloy na ang shows natin!" nakangiting bati ni Direk. "Dapat ganito ang performance level n'yo kapag showing na tayo. Malinis. Suwabe ang transition. Perfect ang delivery ng lines. Maayos ang blocking. Magkakaroon pa tayo ng ilang dress rehearsals para masigurong mape-perfect natin ang show. Huwag kayong papakampante, ha? Hangga't hindi natin natatapos ang lahat ng shows, dapat manatili kayong committed sa teatro. Maliwanag?"
"Yes, Direk!"
Halos kumislap ang mga mata niya, sobrang lawak pa ng kaniyang ngiti. Daig pa niya ang tumama sa lotto. "At dahil papalapit na ang very first show natin, kailangang puspusan na rin ang marketing at promotion nitong Romeo and Juliet. Kailangang sold out ang bawat show! Sayang kung kakaunti lang ang makawi-witness ng galing n'yo sa pag-arte, lalo na nina Fabienne at Colin."
Yumuko ako para itago ang pamumula ng mukha ko. Mas gusto ko talaga kapag compliment ang ibinabato ni Direk, 'di ang pamaypay niya. Mas nakaka-motivate na paghusayan pa ang craft ko.
"To make sure na full house tayo palagi, I'd like to introduce our publicity manager." Lumingon sa audience seats si Direk at may sinenyasan. I squinted my eyes para makita kung sino 'yon. "Come here!"
Mula sa madilim na bahagi ng auditorium, naglakad patungo sa maliwanag na entablado ang isang babaeng may kulot na buhok at may suot na blazer. Nanlaki ang mga mata ko nang namukhaan ko siya. She's the girl earlier!
"I have a meeting with the CCA director kaya maiwan ko na kayo." Humarap si Direk sa amin bago lumingon sa babaeng nasa tabi niya. "Introduce yourself to them. Let them know what you need para maging malakas ang ticket sales natin at successful ang ating shows."
"Yes, Direk!" Tumango sa kaniya ang babae bago humarap. Nginitian niya kami habang iginagala ang tingin sa bawat isa sa 'min. Hinintay niyang tuluyang makaalis si Direk bago magpakilala. "My name's Priscilla Mercado, your Publicity Manager. I'm a third year Advertising student. Pleased to meet you all! I hope we can get along."
Priscilla? What a nice name.
"Gaya ng sinabi ni Direk, I'm here to make sure na well advertised ang show natin at makabenta tayo ng maraming tickets. To achieve that purpose, I will ask for your full cooperation. Mas maraming manonood sa show natin, mas maraming mabebentang tickets, mas malaki ang chance na may maka-discover sa inyo."
Nagbulungan ang mga kasama ko. Kapag mas maraming naibentang ticket, mas malaki rin ang matatanggap naming incentives. Last theater prod, naka-receive ako ng around ₱3,000. 'Di nagpapakahirap ang ilan sa 'min para lang sa applause at appreciation. May ibang sumasali sa production para sa compensation.
"Alam kong pagod na kayo sa rehearsal kaya hindi ko na kayo iho-hold pa. See you in our next dress rehearsal! Take a well deserved rest." 'Tapos ibinaling niya ang kaniyang tingin sa 'kin. "Fabby? Colin? May I have a word?"
Nagkatinginan kami ng on-stage partner ko. We mentally asked ourselves kung ano'ng kailangan niya sa 'min maliban sa usual promotional stuff na hihingin niya. Pareho kaming napakibit-balikat.
Hinintay naming umalis ang aming mga kasama. I told Belle to wait for me backstage. Nang nakaalis na ang mga tao sa paligid namin, umakyat sa stage si Priscilla nang nakakrus ang mga braso. Mas matangkad ako nang kaunti sa kaniya.
"I'm sorry kung hindi agad ako nakapagpakilala sa inyo," bati niya sa 'min. "Sorry din kung bigla ko kayong kinuhanan ng video nang walang consent kanina. I can't miss such a sweet moment!"
"Naku, wala 'on!" My hand made a dismissive gesture to reassure her.
"The reason why gusto ko kayong kausapin ay dahil kayo ang stars ng show na 'to." Napahawak si Priscilla sa mga balikat namin, palipat-lipat ang tingin sa 'kin at sa fellow actor ko. "You two are the keys to make this show successful. Obviously. You two are also the keys para maging successful ang marketing natin sa Romeo and Juliet. And I want to focus on you two."
Pinaningkitan ko siya. "Paano exactly?"
Napa-L ang parehong kamay niya at ipinosisyon na parang inilalagay kami ni Colin sa frame. "You two have a great chemistry! No doubt kung bakit kayo ang pinili ni Direk para sa lead roles. Gusto kong i-take advantage 'yon. I want photos and videos of you two being sweet—being the Romeo and Juliet that you two are—behind the scenes."
"S-Sweet?" sabay naming bulalas ni Colin.
Nakangiting tumango si Priscilla. "People have to see that you two are the perfect pair to play the lead roles. Mas makahahatak tayo ng audience. Alam n'yo naman kung gaano kahilig sa shipping at love teams ang mga Pinoy, 'di ba? They're so addicted to it! I want to take advantage of that mentality."
Nagpalitan kami ng tingin ni Colin. Maging siya'y 'di alam kung paano magre-react sa request ng publicity manager namin. I thought na enough na ang behind-the-scenes photos at videos. Meron pa palang dapat na add-on.
I wouldn't mind kung 'yon ang gusto niyang ipagawa sa 'min. Kaso sa sitwasyon ko ngayon, kung susundin ko ang gusto niya, baka magkaroon ng conflict.
"Uhm, Priscilla?" Nilawakan ko ang aking smile para mabawasan ang tensiyon. "I'm not sure if you're aware, but I already have a boyfriend. He's also the president of the—"
"—University Student Council. Priam Torres. I know," she cut my words with a smile too. "But you're just acting, right?"
Gulp. I tried to keep a straight face. How did she . . . No.'Di dapat ako magpakita ng sign na na-bullseye niya ang katotohanan. "Excuse me?"
"Sorry, I meant, you and Colin are just going to act sweet in the behind-the-scenes photos and videos," she corrected herself. Medyo nakahinga ako nang maluwag. Akala ko'y nakahalata siya. "I'm sure your boyfriend will understand."
"Pero sabi mo nga, mahilig sa shipping ang mga tao." Napakamot ako ng pisngi. "Baka mag-create ang plan mo ng misunderstanding sa mga estudyante at problema sa relationship namin?"
"If Fab is uncomfortable with it, I won't consent," singit ni Colin. Napatingala ako sa kaniya. Mukhang gets din niya ang sitwasyon ko. I was lucky to have him as my Romeo on stage. "Ayaw kong gawin ang isang bagay kung hindi kami komportable roon."
Sandaling bumaling sa ibang direksiyon si Priscilla at bumuga ng hangin. Napahawak pa siya sa baywang. Nang muli siyang humarap sa amin, nawala na ang ngiti sa labi niya. She looked a bit scary and serious. "Look here, Fabby and Colin. My job is to make sure that this play is going to be a financial success. Narinig n'yo ang sinabi ni Direk, 'di ba? Malaking sampal sa mukha ko bilang Advertising student kung papalpak ako."
"But maybe we can—"
"To be quite frank, I don't care about your personal relationships with anyone," she spat. "All I care about are the numbers. Binigyan ako ni Direk ng authority na gawin kung ano'ng kailangan para ma-promote namin nang maayos ang play na 'to. If you have any problems with my strategy, talk to the director and make your case. Otherwise, talk to your boyfriend and explain the situation to him."
Halos malaglag ang panga ko. I didn't expect her to be this passionate sa trabaho niya. Gets kong may objective siyang dapat ma-meet, but to be this pushy? Parang sobra.
Kung pagbibigyan ko ang plano niya, malalagay sa peligro ang Oplan First Lady. Kapag nakita ng student body na sweet kaming dalawa ni Colin sa isa't isa, it might give them the wrong idea. Baka isipin nilang pinagsasabay ko ang dalawang lalaki sa buhay ko. That's how judgmental our society could be. Maaapektuhan ang image ko, 'tapos maaapektuhan din si Priam. Ayaw kong bigyan siya o ang sarili ko ng sakit ng ulo.
"See you in the next dress rehearsal," sabi ni Priscilla at saka kumaway. "I expect full cooperation from you two."
Tumalikod na kami ni Colin, bahagyang natulala sa approach ng publicity manager namin. Parang may switch na nag-flip kaya biglang nag-iba ang attitude niya ngayon compared sa simula ng conversation namin.
"Oh, by the way, Fabby!"
Muli akong lumingon kay Priscilla. Humakbang siya palapit sa 'kin at inilapit ang ulo sa kaliwang pisngi ko. I thought na hahalikan niya ako. What is she—
"Don't forget that I'm an Advertising student. I know when someone's trying to sell me some bullshit."
My eyes blinked repeatedly as she pulled away, smiling so wide at me. So she suspects something! Then I snapped out of it. Kumunot ang noo ko, kunwari'y confused. "What do you mean?"
Pero nginitian niya ako at muling kumaway bago siya naglakad palayo. I watched her return to the darkness where she came from earlier.
Wait a minute... She's an Advertising student, and Advertising is under the College of Business and Accountancy. So that means...
"Alaric..." bulong ko. Mukhang hanggang dito sa theater, gusto niya akong bigyan ng sakit ng ulo. I couldn't tell anymore kung kanino ako mas naiinis: sa kaniya ba o kay Castiel? They both deserved to be punished.
"What did she say?" biglang tanong ni Colin na bumalik sa kinatatayuan ko. "Bakit parang natulala ka riyan? May sinabi ba siyang hindi maganda?"
Umiling ako sabay kurba ng mga labi ko. "Wala! She just said na maganda raw ang chemistry natin at nate-tempt siyang i-ship tayong dalawa."
"Really?"
"Uh-uh!" Dalawang beses akong tango. "Tara na? Kanina pa naghihintay si Belle backstage."
Sabay na kaming naglakad patungo sa kaliwang wing ng entablado. Because there wasn't any noise around us, our footsteps echoed throughout the auditorium. Nang makarating kami sa madilim na part, tanging ang mga yabag ko ang aking narinig. Lumingon ako sa likuran at napansing huminto sa paglalakad si Colin.
"Fab, may gusto sana akong sabihin sa 'yo. Priscilla mentioned a word earlier that reminded me of something."
"Ano 'yon?" I approached him. Mukhang seryoso ang topic, ah? "Tungkol ba sa plan ni Priscilla? I'm not really comfortable with it talaga. Maybe we can ask Direk—"
"It's about The Herald's exclusive interview with you a few days ago."
Umangat ang isa kong kilay. Why bring that up now? "Ano'ng meron do'n?"
"I watched you two kiss," sagot niya. Nabaling sa sahig ang kaniyang tingin, tila iniiwasan ang mga mata ko. "It's normal for couples to kiss, but I don't think you two would do it in front of a camera. It seemed like a performance to me."
Gusto kong ipikit ang aking mga mata at bumuntong-hininga nang sobrang lalim. But I needed to put up a straight face gaya kanina. "'Di kita ma-gets, Colin. Ano ba'ng point mo?"
Iniangat na niya ang kaniyang tingin sa 'kin, mata sa mata. "I've got a feeling that this is all for a show. You don't really love him, do you?"
Natawa ako para itago ang kaba ko. My goodness, Colin! Pati ba naman ikaw? "'Di ka pa ba convinced sa—"
"Isa akong actor. Nase-sense ko kapag may uma-acting sa harapan ko."
Natahimik sa wing kung saan kami nakakubli. Naglaho na nang tuluyan ang peke kong ngiti. 'Di niya ako nilubayan ng tingin kaya 'di rin kumalas ang mga mata ko sa kaniya.
"Tell me, Fab," Colin said. "Is your relationship with Priam just an act?"
♕
NEXT UPDATE: Our First couple FabRiam reunites!
If you've enjoyed this update and you have some thoughts to share, let me know by posting or tweeting with the hashtag #PlayTheKingWP!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top