Chapter 03
#PTG03 Chapter 03
"Joey!" I shouted when she finally picked up the phone. It's so hard to reach her these past few days. I understood naman na busy siya, but it wasn't that hard to reply to a text. It literally takes just a few seconds.
"Ang aga-aga," reklamo niya. She, then, yawned. "Bakit? Ang dami mong text."
"Dalaw ako d'yan sa Sunday."
"Okay... Dala kang pagkain. Wala ng stocks 'yung cupboard ko," sabi niya. Bakit kaya 'di siya manghingi kay Psalm?
"Fine, fine. But please convince mo naman si Jax na sabay na kami... Please?" I pleaded even more. It had been another week at law school. Patagal nang patagal ay parami rin nang parami iyong binabasa ko. Ang hirap humanap ng time para lumandi kay Jax. Alam mo 'yun? Gusto mo naman lumandi, but acads kept on getting in the way!
"Si Jax pa rin, I see... I thought makaka-hanap ka ng iba d'yan sa law school. Sobrang loyal mo kay Jax, Kitty," sabi niya na natatawa.
Hindi ko rin alam bakit sobrang loyal ko sa crush ko kay Jax. I still can appreciate other guys, but at the end of the day, si Jax pa rin iyong hinahanap ko. Masyado yata talaga akong tinamaan nung nag-usap kami about conspiracy theories. Hanggang ngayon, humihiling ako ng isang buong gabi pa na magka-usap kami. Basta mag-usap lang kami tungkol sa kahit na ano'ng bagay... God, that would be so wonderful.
"Alam mo ba, may babae na lagi akong nakikita na kausap niya," sabi ko kay Joey. Para akong tanga na nagsusumbong sa kapatid ng crush ko. But Joey's on my side! I'm her unofficial sister-in-law!
"I'll take a guess... Chinita? Maputi? Laging maraming tinatanong kay Jax na akala mo dictionary ang kapatid ko?" tanong niya.
"Oh, my god, oo! Bakit mo siya kilala?!"
Tawa nang tawa si Joey. She really was enjoying this. "I forgot her name kasi 'di ko talaga tinandaan, but nung first year ni Jax, nagpunta sila ng group niya sa bahay para tumapos ng presentation. Lima naman sila sa group, pero napansin ko lang talaga 'yung babae kasi buong gabi siyang naka-dikit kay Jax. Kulang na nga lang sabihin na sa kwarto siya ni Jax matutulog, e."
"She wouldn't dare! Ako nga hindi pa nakaka-pasok 'dun, e!" I fumed.
"Sabi ko naman sa 'yo ipupuslit kita papasok, e. May susi ako ng kwarto nun!" sabi niya.
"Magagalit sa 'tin 'yun."
"Hindi naman niya malalaman."
"OC 'yun," I said. "Malalaman nun kapag may pumasok sa kwarto niya." One time, nung undergrad pa namin, napilit ko si Jax na sabay kaming mag-aral—actually kaming tatlo iyon ni Joey, pero umalis din agad si Joey kasi pinaalis ko agad siya—tapos ginalaw ko iyong gamit ni Jax kasi curious ako... Tapos nalaman niya. Hindi ko naman ginalaw nang sobra, pero alam niya lang talaga. Ganoon siya ka-OC.
Nag-usap pa kami ni Joey hanggang sa maubos na iyong pag-uusapan namin. But hindi ko rin siya tinigilan hanggang hindi siya nagpa-promise na sasabihin niya kay Jax na isabay ako kapag pumunta sa apartment niya sa Cavite. Alam ko naman kasi na hindi makaka-tanggi si Jax kay Joey.
* * *
Late akong pumasok sa school. Nagpa-late talaga ako dahil naiinis na ako sa kulit ni Iñigo. But hindi ko rin naman siya masisi if ako ang kinukulit niya... Sobrang seryoso ng mga tao sa classroom. Sobrang competitive. Hindi ko alam if law school kasi kaya ganoon, or dahil napunta ako sa laude section kaya sobrang competitive talaga ng mga tao.
"Jax..." tawag ko sa pangalan niya. Kanina pa ako silip nang silip sa braso niya. Hindi naman ma-muscle si Jax, sakto lang. Although siguro mas bagay if mas tanned siya... Pero bagay din naman sa kanya iyong pagiging mukhang anemic niya.
"San ka nag-aaral?" I asked. This was the most important question. Sabi ni Joey, sa school na raw nag-aaral si Jax, pero never ko naman siyang nakita sa law library! Naikot ko na bawat sulok pero puro si Iñigo lang nakikita ko. Nagtanong na rin daw si Joey sa bahay nila, maaga na raw pumapasok si Jax, so sure din na hindi siya sa bahay.
"Lib," he simply said.
"Wala ka naman dun."
Tumingin siya sa akin. For a split second. Mabilis na mabilis lang iyon, pero kinilig agad ako. I pressed my lips, and held my own hand. Ayokong kiligin sa harap ni Jax kasi for sure hindi niya na ako papansinin. Bakit kasi hindi niya na lang tanggapin na crush ko siya? Hindi niya ako kayang itaboy dahil best friends kami ng nag-iisang kapatid niya.
"San sa lib?" tanong ko na lang.
"Sa gilid."
I frowned. Napaka-gandang kausap talaga nito. Pwede ba siyang gumanito sa judge? Kapag 'di siya na-contempt sa attitude niyang 'yan.
"Sang gilid?" I pressed on. Tatanungin ko siya nang tatanungin hanggang pinaka-saktong coordinate na iyong masabi niya sa akin. Gusto ko talagang malaman kung saan siya nag-aaral! Gusto ko kasi na sabay kaming mag-aral... Hindi ko naman siya guguluhin... Gusto ko lang na magkasama kami. Gusto ko lang na nakikita ko siya para kapag nahihirapan na ako at nababaliw sa dami ng binabasa ko, isang tingin ko pa lang sa kanya, energized na agad ako.
"Med lib." Kumunot ang noo ko. "Maraming tao palagi sa law lib kaya sa med lib ako nag-aaral."
Tignan mo si Joey! Ni hindi man lang nagspecify! Bakit ko nga ba inassume na sa law library nag-aaral si Jax? Ang dami nga palang library sa SCA! Of course there were other options!
"Saan 'yung med lib?"
"Wag mo kong sundan."
"Masamang mag-assume, Jax," I said, although I liked the idea of him finally accepting na crush ko siya. It's about time! Ang tagal niya ng in-denial! As if naman mamamatay siya kapag inacknowledge niya na crush ko siya!
"Right..." he said, gently nodding his head. "May boyfriend ka na nga pala."
Agad na kumunot ang noo ko. "Sino'ng boyfriend?" nagtataka na tanong ko. Tinutukoy niya ba ang sarili niya kasi siya lang naman ang balak kong maging boyfriend at dalhin sa altar.
"Yung palagi mong kasama mo sa school."
"Si Iñigo?" I murmured to myself, but apparently, Jax heard me. Napa-tingin ako sa kanya, at saka napa-ngisi. Was he jealous?! Seryoso?!
Hindi na nagsalita si Jax, pero sobrang saya ko kasi inassume ko na rin na nagseselos siya. I mean, why would he even bring Iñigo up kung hindi naman siya nagseselos? At saka palagi kong kasama sa school? Ibig sabihin ba nun lagi niya akong nakikita? Pero paano kasi hindi ko siya madalas makita sa school!
Ugh! So many questions!
But I felt like I needed to clarify na hindi ko boyfriend si Iñigo. I didn't want Jax to think na may iba akong lalaki kasi I only have eyes for him. Sigurado ako sa kung sino ang gusto ko. Nasa kanya lang lagi ang mga mata ko at kahit wala siya sa harapan ko, siya lang ang hinahanap ko.
"He's not my boyfriend. Ka-bloc ko lang siya," I said in the calmest manner I could muster. I really would hate it if he'd continue to think na I'm with someone tapos hinahabol-habol ko siya. Hindi naman ako ganon.
Jax just nodded. His face didn't show any reaction, but I was happy that I clarified that kasi it's a non-issue naman talaga. Kung magkaka-boyfriend man ako, Juan Alexandro Yuchengco ang pangalan nun...
* * *
I spent the rest of the day before class sa coffee shop. Nagbasa lang ako at nagmemorize ng provisions hanggang time na para pumasok. Pagdating ko doon, as usual ay maingay ang mga tao. Kaya hindi rin talaga ako pumapasok nang maaga kasi hindi ako makapagbasa if maingay sa paligid. I couldn't ask my classmates to shut up naman dahil baka biglang maging mortal enemy ako ng buong bloc.
"Kitty, may quiz daw, alam mo ba?" Deanne asked.
Nanlaki ang mga mata ko. "What?! Kailan sinabi? Paano mo nalaman? Totoo ba 'yan?" I asked as panic started to rush through my system. Mabilis na nag-analyze iyong utak ko kung enough ba iyong basa na ginawa ko kanina para maka-sagot nang maayos sa quiz. Masyado kasing maraming mine-memorize na requisites and definitions sa Persons kaya medyo kinabahan ako na naghalo na sila sa utak ko.
She nodded. "Sa previous class ni Judge nagquiz sila. Kanina ko nga lang din nalaman... Hindi ka ba nagche-check ng group chat?"
"May group chat?"
She nodded. "Oo. Hindi ka ba inadd 'dun ni Chesca?" she asked.
I frowned. "No. And hindi kami friends ni Chesca sa fb, so hindi niya rin ako ma-a-add."
"Weird... Akala ko kasi inadd ni Chesca lahat since class beadle siya..." Deanned wondered loudly. "Anyway, I'll add you na lang later."
I quickly thanked her. Kinuha ko iyong books ko sa persons, tapos lumabas na agad ako. I was wearing a skirt, pero wala na akong pakielam. Naupo ako sa sahig, tapos nagsimulang magbasa. I closed my eyes and recited all the elements when I felt someone sitting beside me.
"You know, now's not a very great time para manggulo kasi nagrereview ako," sabi ko nang maupo si Iñigo sa tabi ko. Alam ko na agad na siya iyon kasi naamoy ko siya. He's wearing his usual scent, so feeling ko kahit malayo pa siya, marerecognize ko agad.
"Di mo kasi ako pinansin kanina. Sasabihin ko sana na may quiz," he said. Bumukas ang mata ko. Nakita ko na naman siya na naka-ngiti sa akin.
"You know, if you really wanna tell me, you'll find a way," I said. Mas lalo lang siyang napa-ngiti.
"Bilib talaga ako sa kasungitan mo. May stock ka ba niyan?" he asked, grinning.
I rolled my eyes at him. "Just... shut up kung ayaw mong umalis. Sisisihin na talaga kita pag pangit ang grade ko dito."
"Kailan ko naging kasalanan ang grade mo?"
"StatCon. Natawag ako dahil sa 'yo."
He laughed. "Paano ko naging kasalanan? Malay ko bang ikaw mabubunot nung sinabi kong number two?"
"I don't care. Kasalanan mo 'yun," sabi ko na ikinatawa niya na naman. I continued to recite the requisites. Thankfully, tahimik lang si Iñigo sa tabi ko. Ni hindi nga siya nagrereview, e. E 'di siya na talaga si Mr. Supreme Court.
"Pengeng number mo."
"No."
"Ifoforward ko lang sa 'yo 'yung text sa akin tungkol sa coverage ng quiz."
I arched my brow. "That's cheating."
He grinned. "Alam mo, sa law school, hindi sapat na matalino ka... Dapat laging may diskarte," he said, wiggling his eyebrows. "So, ano? Bibigay mo 'yung number mo o hindi?"
I pondered about it for a while. I had never cheated my entire life... I could still remember when I was in grade one, may nagcheat na classmate ko tapos nakita ng teacher ko. She was so mad na kinuha niya iyong paper tapos pinunit niya in front of the whole class. She also lectured for the whole period about cheating. Sobrang nakaka-traumatize. Simula nun, never akong nag-attempt na tumingin sa paper ng katabi ko. I'd seriously rather kill myself by studying, than to kill myself with anxiety kapag naiisip ko pa lang na mahuhuli akong nangopya.
So, I shook my head. "No, thanks. I can handle myself."
Iñigo shrugged. "Sabi mo, e."
Thankfully, late si Judge dahil sa Makati pa siya nanggagaling. Nagkaroon ako ng extra thirty minutes to review. Paulit-ulit akong nagbasa at nagrecite para lang sure na masasagutan ko lahat.
Mabilis akong napa-tayo nang makita ko si Jax sa end ng hallway. Tumingin ako kay Iñigo, at sinabi, "Pa-bantay ng gamit ko," sabay lakad nang mabilis. Baka kasi bumaba na si Jax, e, hindi ako pwedeng umalis dito kasi baka biglang dumating si Judge.
"Jax!" I called.
Huminto na naman siya. "May klase ako."
I frowned. "Ano'ng dadalhin niyo for Joey? Para iba na iyong bibilhin ko?" I asked. I knew that it was so lame, but I just needed a question to ask him. Sigurado kasi ako na iiwanan niya agad ako if wala naman akong important na sasabihin sa kanya.
"Iyon lang?" I asked.
"Oo."
"Ms. Arellano, nandito na si Judge."
Sabay kaming napa-tingin sa pinanggagalingan ng boses. Naka-tingin sa amin si Iñigo habang kumakaway. He was wearing that stupid smile again kaya mabilis akong napa-simangot. I looked at Jax again, and his face was impassive.
"Jax—" I said, but I was quickly cut off.
"Go to class," sabi niya tapos mabilis akong iniwan. Was I being stupid? For years, I pined after him... Sinundan ko siya hanggang dito sa law school... Deep inside, I wondered if maybe I was wasting the best years of my life going after someone who would never appreciate me...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top