[16] TURNING POINT
Lumalalim na ang gabi nang nagmulat ng mga mata si Ruka. Tumatama ang liwanag na mula sa kalahating buwan sa kaniyang mukha kaya’t napunta ang kaniyang pansin sa bintanang yari sa bubog, nakabukas ito maging ang kurtina ay nakahawi sa tabi. Nilibot niya ang paningin sa loob ng silid kung saan siya kasalukuyang nagpapahinga. Malawak ang silid, kulay puti ang pader maging ang kesame, subalit hindi ito ang kaniyang kwarto.
Nanghihinang umupo siya sa kama. Kumirot ang kaniyang ulo, hinilot niya ito at muling inobserbahan ang paligid. Napangiwi si Ruka. She never seen a place like this before. Puro kulay lila ang lahat ng nakikita niyang kagamitan sa silid. Hindi naman halatang ito ang paboritong kulay ng may-ari ng kwarto.
Humahampas ang malamig na hangin mula sa labas ng bukas na bintana. Malayang sumasabay dito ang kulay lila na kurtina maging ang ilang mga dahon at sanga ng mga puno. Sa kabila nang kaniyang panghihina, inilapat niya ang talampakan sa malambot na carpet, bago dahan-dahan na lumapit sa veranda kung saan makikita ang kabuuan ng acedemia. Napapikit pa ang dalaga nang biglang lumakas ang ihip ng hangin kaya’t kaniyang inipit ang ilang hiblang tinatangay nito sa kaniyang noo patungo sa kaniyang punong tenga. Nababalutan ng kulay asul na dome ang buong Valkyrie City. Iyon ay lumiliwanag rin sa dilim kasama ang mumunting ilaw na may iba’t ibang kulay at hugis bilog, pawang alitaptap ang mga ito sa hangin.
She was speechless. Ngayon na lamang niya muling napagmasdan ang tanawin sa gabi. Kailan nga ba ang huling beses nang malaya niyang mapagmasdan ang kaniyang paligid nang walang kaugnayan sa pakikipaglaban? Pathetic it may sound but she can’t remember. Kumikinang ang maraming bituin sa madilim na kalangitan, ngunit mas nakaagaw ng pansin ang kalahating buwan. They say only perfect things can take your breath away but they were wrong, even imperfection can be beautiful on their own way, just like the half-moon.
“Mabuti gising ka na,” saad ng isang malamyos na tinig mula sa kaniyang likuran.
Mabilis nilingon ng dalaga ang nagsalita. Bumungad sa kaniyang ang isang dalagang sa tingin niya ay aabot sa edad na dalawampo’t lima o anim. Mas matanngkad ito sa kaniya nang halos dalawang talampakan. Nakalugay ang kulay lila nitong mahabang buhok, at kapansin-pansin ang kulay hazel nitong mga matang nakatuon ang atensyon sa kaniya.
Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. She feels familiar. This… why is she feeling nostalgic?
“Sino ka?’ agarang tanong ni Ruka sa babaeng kaharap. Bakit pamilyar sa kaniya ito?
Tumaas ng gilid ng labi nito. “Seriously, you are asking me that question? My, my. At akala ko sa muli nating pagkikita ay madali mo lang akong makikilala.” May halong pagkadismaya ang sinabi nito na ikinakunot ng noo ni Ruka.
“Huh? Bakit hindi mo na lang sabihin para—” isang mabilis na bagay ang biglang dumaplis sa kanang pisngi ni Ruka na kaniyang hindi naiwasan. Nahiwa ang malambot niyang balat, bumukas iyon at lumandas ang malapot na pulang likido pababa sa kaniyang baba.
“Are you this dense towards stranger? Dahil ba mukha akong ‘di makabasag pinggan ay madali mong ibinaba ang depensa mo pagdating sa ‘kin? Pathetic,” punang muli nito habang nakalahad ang kamay at may nakalutang sa ibabaw ng palad nito na kulay pulang crystal. Marami iyon at nakahugis patusok.
Nanlaki ang mga mata ni Ruka dahil sa pagkamangha. Isa siyang artisan. Iilan lamang ang mga arcadians na may kakayahang lumikha ng mga bagay gamit ang manang nasa kanilang paligid. Mainly they are working under the weapon manufacturing department. Maybe, she’s one of them. But, why is she attacking her?
“You never even hesitate to attacked me.” Humawak sa kanang pisngi si Ruka, hindi siya makapaniwalang nagawa siyang atakihin nito samantalang wala naman siyang ginagawa ditong masama. “Why is that?”
Nagkibit ang dalaga bago muling pinalipad sa kaniyang paligid ang matilos at matalas na crystal upang sugurin si Ruka.
Napapalatak si Ruka bago sunod-sunod niyang iniwasan ang maraming mga mapanganib na bagay na patungo sa kaniyang katawan. Hindi siya nito nilubayan. Kahit saan siya magpunta ay nakasunod ang mga ito sa kaniya. Pawang may sariling isip ang mga ito na nakasunod sa kaniyang bawat galaw. Kung saan-saan na tumutusok ang mga ito sa buong silid. Ngunit, hindi iyon alintana ng kaniyang kalaban. Hindi lamang artisan ang babae, dahil kaya rin nitong pagalawin ang mga bagay.
Telekinesis? Is that it? They won’t stop following her then, she needs to stop the main holder. Itinuon niya ang atensyon sa kalaban. Walang pag-aalinlangan na ginamit niya ang shadow move. Isang skill na kung saan ay kaya niyang mawala nang mabilis at mapunta sa harapan ng kalaban. Ngunit, nang nakalapit na siya rito, sa halip na magulat ay isang ngisi ang namutawi sa mapula nitong labi na pawa bang alam nito ang sunod niyang gagawin.
“Caught you,” bulong pa nito bago pinaglapat ang tatlong daliri at iyon ay pinatunog.
Snap! Huli na bago pa mapagtanto ni Ruka na isang trap ang naghihintay sa kaniya.
What’s happening to her? Her defense is crumbling because of this certain girl!
“Ack!” nasasaktang napaluhod si Ruka dahil nagpantig ang kaniyang pandinig. Mind manipulation! How did she…! Hindi lamang dalawa kundi tatlo ang kakayahan nito? Kumirot ang loob ng kaniyang ulo. May malakas na enerhiyang pumipisil dito. Pawang may mga kamay ang pilit na pumipiga sa kaniyang bungo at utak.
“My, my.” Pumantay sa kaniya ang babae, hindi naalis ang ngisi sa labi nito. “It hurt, does it?” Hinawakan nito ang dalawang pisngi ni Ruka kasabay ang mas lalong pagtindi ng sakit na kaniyang nadarama. Halos pumatak ang kaniyang mga luha. Lumalabas na rin ang litid sa kaniyang noo.
“W…why? Why are you doing these?” nahihirapan niyang samo habang nanlalabo ang kaniyang mga mata. Tumitindi ang kirot ng kaniyang ulo na halos buong katawan niya ay apektado. Pakiramdam niya ay sumailalim siya sa isang nakakamamatay na kuryenteng dumadaloy sa buo niyang sistema.
“Why? Because you need it.” Sumeryoso ang tinig nito. “You’re being careless letting your emotions beat your reason. Now, where did that get you?”
“Stop this, you are hurting me.”
“Bear with it.” Mas tinodo nito ang ginagawa sa ulo ni Ruka.
Lumandas ang pawis sa mukha ni Ruka, pababa sa kaniyang mukha. “I… why?” Tinakasan siyang muli ng lakas kaya’t sumandig siya sa dibdib ng taong nasa kaniyang harapan. Bumibilis ang pagtibok ng kaniyang puso, naninikip ang kaniyang dibdib at pumipintig ang kanan niyang mata.
“Just a little more,” bulong nito sa kaniyang tenga. “Your brain needs some reboot. Huwag mong hayaang lumala pa ang lagay mo. The more you use your innate power, you’ll central processing unit will be affected—no everything about you is affected. It will get stronger until it will devour your existence. So, you need control over yourself don’t let it beat you.”
“Hmn…” unti-unting naglaho ang sakit ng kaniyang ulo.
“Does it still hurt, Ruka?”
“N…no.” Umayos ng pagkakaupo si Ruka bago inayos ang sarili. Maging ang sugat sa kaniyang pisngi ay magaling na. Pinagmasdan niya ang taong nanakit sa kaniya subalit, nagtataka siya dahil wala siyang naramdaman kahit na anong inis o galit dito. Bakit? Hindi niya alam ang dahilan. Tila, may sariling pag-iisip ang kaniyang katawan.
“Good, stand up. I already prepare our food for tonight. Eat with me.”
Sinundan ng tingin ni Ruka ang bawat galaw nito. Tumayo siya at sumunod sa kitchen kung saan naroon nakahanda ang pagkain sa isang malawak na lamesa. It a simple curry, with vegetable side dish and water.
“Pasensya na kung simple lamang ang pagkaing naihanda ko. Sa totoo lang, hindi ako marunong magluto. Instant curry lang iyan at humingi ako ng gulay sa kusina. Isa pa, we need to conserve our food supply.”
“Ayos lang. Hindi ako maarte pagdating sa pagkain.”
“That a relief. Let’s eat.”
Nanaig ang katahimikan nang magsimula na silang kumain. Tanging kalansing ng kubyertos ang maririnig na ingay.
Subalit, hindi na nakatiis si Ruka. Nais niyang malaman kung sino ang babaeng ito dahil, alam niya sa kaniyang sarili na kilala niya ito.
“Your name… what is it?”
“Hmn?” Tumunghay ito sa kaniya bago mahinang natawa na ikinakunot ng noo ni Ruka.
“May nakakatawa ba sa tanong ko?”
Nagpahid ito ng luha dahil sa sobrang pagtawa. “No, it’s just. I can’t still believe that I can surpass you now. Mas matanda ka sa akin pero, ang liit mo.”
Tila nagpantig ang tenga ni Ruka sa sinabi nito at wala sa sarili napatingin sa babaeng nasa harapan niya. Tama naman ito, mas matangkad sa kaniya ito at mas lalong… bumaba ang tingin niya sa malaki nitong dibdib… kumislot ang kaniyang kilay at sumimangot. Oo, siya na ang maliit.
“Oya? Mas maganda na ang maliit dahil walang dagdag bigat kapag nakikipaglaban,” saad niya.
Tumaas ang kilay nito: “Really? Hmn. Sabagay may point ka. But, your 27 and yet your are still short and thin.”
“Nang-aasar ka ba?”
“Bakit naasar ka?”
“Seryoso na kasi. Ano bang pangalan mo?” naiinis na pahayag ni Ruka at muling sumubo.
Umikot ang mata nito. “I’m really disappointed, Ruru. Mismong kapatid mo hindi mo maalala. Porque, dalawampong taon tayong ‘di nagkita, nakalimutan mo na ako.”
Klang! Nabitawan ni Ruka ang hawak na kutsara habang nanlalaki ang mga matang nakatitig dito. No way! That’s imposible! She can’t be… pinagmasdan niya ang itsura nito. Violet hair, those piercing hazel eyes. She’s… her!
“Pfft! Grabe! Nakakatawa ang itsura mo, Ruru!”
“Ikaw ba talaga yan, Auburn? You… look different,” hindi siguradong sambit niya.
“Of course, that to be expected. I’m just six when we last seen each other. It’s been twenty years, maraming nagbago sa mahabang taon na iyon.”
“Bakit ka nandito? Did father, sent you here?”
“Nope! I fought my way to be here, Ruru. As if dad will let me out easily. They are against me. I need to fight in order for me to achieved my goal.”
Lumambot ang ekpresyon sa mukha ni Ruka dahil sa nalaman. “Why would you go so far, Auburn?”
“Can’t I take risk? Kapag gusto mo ang isang bagay, hindi iyon basta maabot kung walang risk na kasama, tama ba? I’m obstinate. If I want something, I will do everything I have to get it. That’s how I’m here.”
“But why?”
“The world is big and wide, Ruru. I need to discover new things. At hindi ko ‘yon magagawa lahat sa Astoria. I need to get out of that hell hole.”
Napakamot sa kanang kilay si Ruka. She admired her little sister resolve. Malaki na ang pinagkaiba nito sa batang iyakin noon. She’s a grown woman now.
“Anong naging reaksyon nila sa pag-alis mo?” Naiilang man ay nais niya pa rin itanong ang bagay na iyon.
Sandaling tumigil si Auburn bago sumagot. “Until the very end, they are still against my decision. Astoria is a safe place from the evil ones. That’s why they want me there but, as if! I won’t let their selfishness hinder me. I’m old enough to protect myself. After all, I have my own free will to choose.”
“Mula pa noon, alam kong malawak at mataas ang pangarap mo, pero kailanman hindi sumagi sa isipan ko na aalis ka sa Astoria patungo sa mundong ibabaw.”
Mahinang napatawa si Auburn. “Hanggang ngayon ba, hindi kapani-paniwala na narito ako ngayon sa harapan mo?” Pinatong nito ang baba sa kanang palad habang nakatingin kay Ruka. “The first thing I did when I step on Ysteria, is to meet Lolo Rox.” Humigpit ang kapit ni Ruka sa laylayan ng kaniyang damit. “He told me everything… about you.”
“Oya? H…he did?”
“Yup! Everything, Ruka. You suffered a lot, huh.” Yumuko si Auburn at pinaglaruan ang kapirasong green bean na nasa pinggan niya. “Have you thought of giving up and just go somewhere where there is no fighting? To a faraway place, that the Elders can’t get their hands on you?”
“…”
“Have you?”
Umiwas ng tingin si Ruka. “Hindi. Kahit na kailanman hindi sumagi sa isipan ko ang tumakas sa laban. Dahil…” pinagmasdan niya ang kanang palad. “I… I was train to fight, Auburn. Hindi mo alam kung gaano ko kanais na itigil ito… noon. Pero, marami nang nagbago. Sa bawat karanasan ko sa battle field, sa bawat nasaksihan ko roon, mas dumagdag pa ang pagnanais ko na ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa kanila. Lalo na…” Kinagat niya ang ibabang labi.
“Those deviants… you want to eliminate them. No that’s not it. You want to take revenge on them.”
“…”
“Will it be worth it?”
“Yes.”
“Then accept being the captain of 12th squad. Iyon ang magiging unang hakbang mo para makamit ang pinaka-inaasam mo. Stop being a child and swallowed your pride!” Tumalim ang mga mata nito.
“O..oo na.” Sorang nakakatakot ni Auburn kapag galit!
“I see.” Tumayo si Auburn at nagtungo sa isa sa mga cabinet na hindi napinsala. Binuksan niya ang isa sa mg drawer at kinuha ng isang black metal box sa loob nito. “Grandpa Rox, send me these for you.” Inihagis nito ang parisukat na bagay sa dereksyon ni Ruka. “After you’ve done with your goal in that dimension. Let’s travel Arcadius, okay?”
Another promise, but can she grant her wish?
…
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top