[14] LINGERING FEELINGS

Mabilis na umiwas si Ruka sa paparating na kamao sa kaliwa niyang pisngi. Swabe siyang umikot at gumamit ng fast step upang makarating sa likuran ng kaniyang kalaban. Ngunit, na-predict nito ang kaniyang kilos kaya't umikot ito at nagpakawala ng mabilis na sipa dahilan para iharang ni Ruka ang dalawang braso. May kalakasan na lumapat iyon sa kaniya, dahilan upang siya’y tumalsik nang halos dalawang metrong layo.

Humihingal man ay walang inaksayang oras ang kalaban ni Ruka, sunod-sunod at walang tigil ang atake nito. Pinuntirya nito ng maraming suntok sa mukha at mga sipa sa iba't ibang parte ng kaniyang katawan.

Malaki ang ngisi sa labi ni Ruka habang ang mga mapag-obserbang mga mata ay hindi pinalampas ang bawat startehiya sa pakikipaglaban nito. May ibubuga ito sa pakikipaglaban subalit, kung siya ang magbibigay ng opinyon ay wala pa ni katiting sa talampakan ng mga full pledge Zoix warrior ang kakayahan nito.

"Fight me!" nanggagalaiting puna nito na ikinangiwi ng dalaga.

Isang suntok sa sikmura ang nakalampas mula sa depensa ni Ruka. Sandali siyang napapikit nang maramdaman ang pagbaon ng kamao nito sa kaniyang kalamnan. Napaubo siya dahil kahit papano ay sadyang malalakas ang suntok at sipa nito. Well, she’s still have human flesh and organs.

Oya? Did she understimated her opponent? Hindi iyon maganda para sa isang tulad niya na bihasa sa paraan ng pakikipaglaban. Subalit, hindi niya maiwasan ang ganoong klase ng ugali dahil alam niya sa sarili niya na malakas siya kumpara sa normal na Arcadians. Ruka knows she's not normal. Mabilis bumalik sa normal ang ekspresyon sa mukha ng dalaga na pawang hindi natamo ng kahit na anumang pinsala sa katawan.

"My, my! Your punches are extreme"

Mahigpit niyang hinawakan ang mapayat na pulsuhan nito upang alisin ang pagkakabaon niyon sa kaniyang sikmura at walang kahirap-hirap niya itong itinaas na naging sanhi para mabuhat sa ere ang kaniyang kalaban. Tumaas ng kilay niya ng makita kung paano mabilis na nagulat ito subalit ilang segundo lamang iyon dahil magaling sa pagmamanipula ng sariling emosyon ang kaniyang kalaban.

Ngumiti siya at kahit maliit lamang ang kaniyang pangangatawan ay madali lamang niyang inihagis ang katawan nito na may kasamang bilis patungo sa gilid ng mataas na pader ng training area. Ngunit, kahit nagulat ito sa ginawa ni Ruka ay mabilis nitong nai-maniubra ang sariling katawan. Kahit nasa ere at pabulusok ay nagawa nitong iikot ang sarili, kaya't ang lumapat sa sementong pader ay ang dalawang paa nito sa halip na ang ulo.

Simpleng napasipol si Ruka dahil sa nakita. "Awesome," aniya na ikinairap nito.

Ginawa nitong apakan ang matigas na pader. Nilagyan nito ng pwersa ang dalawang binti at mga paa. Seryoso ang ekpresyon sa mukha nito. Inipon ang kaunting mana sa dalawang paa at dalawang kamao bago mabilis na tumalon at inamba ang kamaong may halong mana sa dereksyon ni Ruka.

Ngumisi si Ruka at itinagilis lamang ang kaniyang ulo upang iwasan ang nakamamatay nitong suntok. Tagumpay man niya iyong naiwsan ay nagkaroon pa rin ng hiwa ang kaniyang pisngi dahil na rin sa presensya ng mana. Yumuko siya upang iwasan naman ang round house kick nito bago mabilis na lumayo.

The girl is panting hard but her expression doesn’t scream giving up. Ruka praised her in her heart. Such determination and dedication. Hindi niya nais na sirahin ang kung anumang motibasyon nito sa pakikipaglaban. Subalit, alam niyang nais lamang nitong lumaban siya ng patas at hindi puro iwas lamang. Ang problema lamang, kapag ginawa niya ang bagay na iyon, tiyak walang matitira ni laman nito. So, she needs to hold back. Ruka were trained to fight monster not any Arcadians. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit, hindi siya sumasali sa anumang competition or battle na palaging nagaganap sa Thurna. Her fighting capabilities surpass the strongest fighter in Arcadius but still, she were defeated that ‘time.’ At, hindi na iyon mauulit pa.

“Focus and stop wandering around!” isang malakas na sipa sa sikmura ang nakapagpabalik kay Ruka sa reyalidad.

Agad siyang napaluhod sa semento at niyakap ang nasaktang sikmura habang nakatayo naman sa kaniyang harapan ang kaniyang kalaban. Nakapamey-awang ito habang masama ang tingin sa kaniya.
Halos maluha si Ruka na nakatunghay dito.

“A-ang sama mo. Ang sakit!” reklamo niya.

“Tch, it was your fault anyway.” She flipped her silver hair then strode towards her sports bag. Kumuha ito ng dalawang bottle water, binuksan ang isa habang inihagis naman ang huli patungo kay Ruka.

“Thanks,” mahina niyang samo pagkasambot sa inihagis nito. Parang walang nangyari na tumayo ang dalaga. Binuksan niya ang itim na botelya at ininom ang laman niyon na tubig. Humagod sa kaniyang tuyong lalamunan ang malamig na tubig. Napabuga siya ng hininga at lihim na pinagmasdan ang babaeng ang atensyon ay nasa laman ng bag nito.

Napailing si Ruka. Hindi niya lubos akalain na magiging ganito ang routine niya tuwing umaga. Sa lahat ng 12 oracle knights, si Austria Renesmee Helmian lamang ang humingi sa kaniya ng ganitong uri ng pabor. Halos tatlong linggo na rin silang sumailalim sa training area para magpalitan ng atake. Pero syempre, lumalaban siya ng seryoso at tinuturuan niya rin ito ng ilang mga teknik at ilang stratehiya sa pakikipaglaban. Lalo ang pagpapatibay sa stamina ng katawan. Idinadag rin niya ang pagbibigay ng leksyon tungkol sa paggamit ng wasto sa kanilang mana.

Mana, ang enerhiyang natatapuan sa buong paligid. Sagana ang kanilang mundo sa enerhiyang ito subalit may limitasyon lamang ang maaring ipunin o ma-preserba sa katawan ng isang tao. We can’t be greedy towards it. Dahil, ang sobra-sobrang mana sa katawan ay masama. She also witnessed how their body exploded into oblivion and spread into tiny particles. May mga arcadians din na nagkaroon ng nakamamatay na sakit dahil sa mana. Kapag hindi compatible ang katawan sa manang nasa paligid ay malaking kapahamakan ang dulot niyon sa kanilang kalusugan. Para nitong kinakain ng buhay ang kanilang katawan hanggang sa humina ang kanilang resistensya at mamatay. Maaring malaking advantage ang paggamit ng mana dahil magagawa ng kahit na sino ang gamitin ito upang magkaroon ng kakaibang kapangyarihan. Subalit, mayroon pa rin itong masamang naidudulot kung mali ang paggamit.

Napakawala muli ng buntong hininga si Ruka bago kumuha sa kaniyang space ng isang puting tuwalya. Ipinunas niya iyon sa pawis sa kaniyang mukha at buhok. Her first class is 9:15. Mayroon pa siyang dalawang oras para magpahinga at maligo.

Sandaling natigilan sa pagpupunas si Ruka nang mapansin ang dalawang pares ng white rubber shoes sa kaniyang harapan. Dahan-dahan niyang inangat ang paningin hanggang sa magtama ang kanilang mat ani Austria. Kulay pula ang mga mata nito. Subalit, hindi siya nagmula sa lahi ng mga vampire. Sa pagkakatanda niya ay mula siya sa Thurna.

“M-may kailangan ka ba?” gulat niyang tanong.

“Did you already join someone’s team?” malamig ang tono ng boses nito subalit hindi ito malalim dahil may pagka-feminine pa rin iyon.

“Team?” sandaling nag-isip si Ruka.

Nasabi sa kaniya ni Diana ang tungkol sa bagay na iyon. Sa pagkakatanda niya ay may darating daw na mock battle sa isang linggo kung saan kasali ang iba’t ibang military schools. Volunteer lamang ang maaring sumali, hindi iyon sapilitan. Dadayo sila sa isang island kung saan doon naninirahan ang ilang mga evil ones na gagamitin nila bilang target. It was like a show. Maraming dadalo upang manood ng lahat ng mangyayari. Ipapakita ng lahat ang kanilang kapabilidad sa pakikipaglaban. At hahakot ng mga sponsors. That the main objective of it. Money, support and fame. Kahit nasa apocalypse sila, ay hindi pa rin mawawala ang mga ganitong klase ng kaganapan. Syempre kapag may pera ka, maraming pondo sa paggawa ng mga VOX weapon, battle suit, military vehicles and so on. Sa pagkakaalam niya, kasali ang oracle knights. That’s mandatory to them anyway.

Napakamot sa pisngi si Ruka. “I don’t think… I have to join any team. Wala akong balak na sumali.” Pinagmasdan niya ang reaksyon ni Austria subalit wala itong ipinakitang kahit na ano sa kaniya.

“I see.”  Binigyan siya ng huling tingin nito bago tumalikod. Mabagal lamang ang paglalakad nito palayo habang nakasakbit sa maliit na balikat ang sport bag at sumasabay sa kilos nito ang mahabang silver na buhok. Nang nasa tapat na si Austria ng automatic sliding door ay sandali itong tumigil.

“I’m disappointed. You never change.” Pagkasabi ng mga katagang iyon ay mabilis na umalis ang dalagang prinsesa.

“Huh?” kunot-nong pinanood ni Ruka ang tuluyan nitong paglabas sa training area. Hayag ang pagkalito sa kaniyang mukha. Bakit parang kilala ata siya nito? Subalit, kahit saang lupalop ng kaniyang alaala ay ‘di niya maapuhap na nagkita na sila o nagkausap man lamang. Kaya, ganoon na lamang ang pagtataka niya sa narinig na sinabi ni Austria.

She’s disappointed? Of what? Dahil hindi siya sumali sa ganitong uri ng palabas?

“Don’t mind what she said, Ruka.”

Bumaling siya sa pinagmulan ng tinig. “Hedrich, kanina ka pa dyan?”

Ngumiti ang binata. Nakasuot ito ng training uniform tulad ng suot ni Austria. Sando na kulay grey na may black sa gilid at cotton pants na hapit sa binti at hita. May kasama rin iyong jacket na kulay grey at black lines, nakatatak ang insignia ng academy maging ang rank nila sa likuran.

Tumayo mula sa pagkakaupo sa bleacher ang binata bago naglakad pababa sa training arena.

“Hindi naman. Kararating ko lang.” Nakangiti siyang lumapit kay Ruka.

“Talaga? Bakit pakiramdam ko kanina ka pa nanood sa amin?” Pinagpatuloy ni Ruka ang pagpupunas sa kaniyang pisngi.

Ngayon ang muli nilang pag-uusap. Madalas kasing busy si Hedrich nitong mga nakaraang lingo dahil na rin sa maraming meeting tungkol na rin sa naganap sa Mysthic Forest at sa nagging resulta ng autopsy sa labi ng deviants.

“By the way, I almost forgot to thank you for protecting Noein and her group.” He looks sincere thanking her. But, Ruka, can’t accept it. Why? Dahil sa tuwing nakikita niya ang binata, mukha ni Fredrich ang nakikita niya.
He always made her remember her tragic past. Kung saan siya lamang ang nabuhay at hindi niya nagawang iligtas ang karamihan sa kaniyang mga kasamahan. Lalo na nang dalhin ni Articus ang ulo ni Fredrich upang gawin iyong token ng pagkapanalo at kaniyang kalunos-lunos na pagkatalo.

“Ah? Iyon ba? Wala yun.” Walang kabuhay-buhay niyang tugon.

“Pero kahit na, nagpapasalamat pa rin ako sa ginawa mo. Malaki ang naitulong mo. Nagawang mapreserba ang Mysthic forest, walang nagging casualties, naiuwi mo ang isang mahalagang impormasyon tungkol sa malakas nating kalabana. Ruka, napakalaki ng naimabag mo sa nangyari—”

“Knock it out already,” seryosong saad ni Ruka. Matalim ang tingin niya sa mukha ni Hedrich, mahigpit na hinawakan ang tuwalya sa kanang kamay. Pumikit siya sandali upang pakalmahin ang sarili. “Tumigil ka na, pakiusap. Dahil sa bawat papuring sinasabi mo. Iba ang hatid nito.”

Nanlaki ang mga mata ni Hedrich dahil sa nakitang emosyon sa madilim na mga mata ni Ruka. Ito ang unang pagkakataong nakita niya sa personal ang ganitong klaseng Ruka. Noong sampong taong gulang pa lamang siya, kilala na niya si Ruka o si Zero. Dahil, kasama siya ng kaniyang nakakatandang kapatid sa kanilang platoon. She were always been aloof and alone. Para siyang bato. Subalit, iba siya sa tuwing kasama niya ang buong platoon. She always smiles at them. Para siyang napapalibutan ng liwanag, sa tuwing sila’y magkakasama. Na minsan, naiingit siya sa larawang iyon, subalit, mabilis na nagkapisa-piraso ang perpektong litrato dahil sa trahedyang nangyari.

“That wasn’t my intention,” hingi niya ng paumanhin. He must have trigger something.

Ruke sighed. Marahas niyang ginulo ang buhok. “Just forget it. Pero…” matalas niyang tinitigan ang mukha ng Hedrich. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito?”

Napalunok ang binata dahil sa talim ng mga tinging ipinupukol sa kaniya ng dalaga. “W-what do you mean?”

“Huwag kang magmaang-mangan, Hedrich. Alam kong matalino ka. Kaya alam mo ang ibig kong sabihin.”

Tumitig sa kaniyang paanan ang binata. Ruka must have a teenager body but Hedrich know she’s already his senior. Ten years ago, she stop aging. Nanatili siyang 17 years old physically.

“I… I want to fight.”

“Fight?” Napatawa ng pakag ang dalaga dahil sa narinig. “Nangako ka. Huwag mong sabihin nakalimutan mo ang kaisa-isahang pangako mo sa kaniya?”

Kinuyom ni Hedrich ang kamao at matapang na hinarap si Ruka. “Ginawa ko ang pangako iyon dahil sa kapatid ko. At ginagawa ko ang mga bagay na ito ngayon dahil sa kaniya.”

“You want revenge?”

“Oo. Hindi ako makakapayag na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Kuya. Ganun ka rin ‘di ba? We can help each other—”

Pak! Isang malakas na sampal ang binigay ni Ruka sa kanang pisngi ni Hedrich.

“Isa kang malaking tanga, Hedrich.”

“A-ano? Bakit?” Hindi makapaniwalang nakahawak sa nasaktang pisngi si Hedrich.

“Your brother, wanted to protect you from our world. This nonstop battle. Pero anong ginawa mo? Ipinag-sawalang bahala mo ang kaisa-isang nais ng kapatid mo para sa’yo at ipinagpalit sa paghihiganti mo na wala naming pupuntahan. Wake up, boy. Do you really think you can kill a deviant? Do you really think you can even make it there alive?”

“Masyado mo naman minaliit ang kakayahan ko.”

“Dahil iyon ang totoo. I idolize your bother because of his strength. Pero, ano ang nangyari?” Tiim-bagang na napakagat sa labi si Ruka. “They killed him… easily. They brutally decapitated his head!”

“…”

“Can you still fight those kind of monsters?”

“Oo, kahit na anong mangyari. Kailangan ako mismo ang makasaksi sa pagkawala  nilang lahat! Hindi mo ako mapipigilan sa nais ko, Ruka. Malayo na ang narating ko. Huwag mo naman sanang putulin agad ang pakpak ko nang hindi pa ako nakikitang nakakalipad nang malayo.”

Nagpakawala ng buntong hininga si Ruka. Friedrich, your baby brother is very stubborn.

“Then make sure to make it there. Don’t die yet.” Tumalikod na si Ruka bago nagtungo sa kabilang exit.

“I will. I won’t waste my life until I got to them first!”

‘Sana nga, dahil hindi ko alam kung paano ko haharapin ang kapatid mo sakali mang may mangyaring masama sa’yo,’ samo siya sa sarili bago tuluyang nakalabas ng training area.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top