[13] ZERO

ARCADIUS 2615—
<<LOCATION: Felshiath Town — Northern side of Astoria's Border>>

Isang batang babaeng may dalawang taong gulang ang napadpad malapit sa mismong border ng maliit na bayan ng Felshiath. Tahimik lamang siya habang nakaupo sa pinakasulok ng maduming eskinita. Nakapatong ang kaniyang braso sa payat niyang tuhod. Walang kabuhay-buhay ang kaniyang mga mata. Gulanit ang marumi niyang damit, wala rin siyang suot na panapin sa kaniyang mga paa. Kaya't makikita ang munting sugat sa kaniyang talampakan. Nagdurugo pa ang mga ito. Kapansin-pansin ang payat niyang pangangatawan. Nakalubog ang kaniyang pisngi at kitang-kita ang hubog ng kaniyang mga buto sa mura niyang katawan.

Sa kabila ng kalunos-lunos niyang itsura ay wala ni isa man sa mga Astorian ang pumapansin sa kaniya. Hindi na rin bago sa kanila ang mga batang katulad niya. Madalas makitang pakalat kalat sa bayang ito ang mga batang walang pamilya. Lalo pa't ang karamihan sa kanila ay iniwan. Ang iba naman ay bunga ng digmaan sa pagitan ng deviants at arcadians.

Ngunit, hindi siya kabilang sa mga kategoryang iyon.

Ang batang babae, ay may natatanging kulay itim na buhok, hindi siya isang Astorian. Sa katunayan, wala siyang alaala ng kaniyang nakaraan maging ng kaniyang pinagmulan. Wala siyang karunungan sa kahit na anumang bagay ni lenggwahe ay hindi niya maintindihan. Para siyang isang dayuhan sa mundong ito. Wala siyang alam at ni isa walang nais na siya'y tulungan.

Para sa kaniya, nakakatakot ang lugar kung nasaan siya. Maging ang mga nilalang na nasa paligid ay mas lalong nakakadagdag sa kaniyang takot at pangamba. Ngunit, naghahangad pa rin ang bata ng bukas palad na tutulong sa kaniya.

Kahit sino, pakiusap niya, bago pa siya panghinaan at tuluyang sumuko... sana ay may dumating upang siya'y tulungan. Kahit isa lang.

"Oya? What do we have here?" Isang baritonong boses ang nakakuha sa atensyon ng batang babae.

Dahan-dahan umangat ang mukha niya upang pagmasdan ang estrangherong nakatayo sa kaniyang harapan. Balot na balot ito ng isang itim na armor ngunit walang helmet na suot kaya lantad ang mukha nito. Puti ang buhok nito ngunit pansin ang ilang hiblang may bahid na kulay ginto. Ang bigute at balbas ng matandang lalaki ay mahaba na. Ngunit, kapansin-pansin ang malawak at maliwanag nitong ngiti.

Yumukod ang matanda sa kaniyang harapan. Mas lalong sumiksik sa malamig na pader ang batang babae. Matalas na tinitigan niya sa mata ang matandang mandirigma.

"You have a pair of beautiful eyes, dear child. The eyes of a warrior. Do you want to come with me, child?" saad nito sa lenggwaheng hindi niya maintindihan ngunit nilahad nito ang kanang kamay.

Nanatili siyang walang imik. Tinitimbang ang sitwasyon. Dapat nga ba niyang pagkatiwalaan ito? Dapat ba siyang sumama sa isang estrangherong matanda?

Alam niyang, ito ang huling tsansang mayroon siya. Isang pagkakamaling desisyon, tiyak, may malaking kapalit.

Ngunit, malinaw ang mga mata nito. Walang bahid ng anumang masamang intensyon.

Kahit naghihinala ay inilahad niya ang payat niyang mga kamay at itinapat niya iyon sa ibabaw ng malaking palad ng matandang Zoix.

Mas lumawak pa ang ngiti ng matanda, at masayang mahigpit na hinawakan ang maliit na kamay ng bata.

"Ikinagagalak kitang makilala, ako si Vixon. Simula sa araw na ito, ako ang magiging Lolo mo... zero."

...

PRESENT TIME—
<<LOCATION: Vixconzé Academy>>

Maya't maya ang pagkawala ng malalim na buntong hininga mula sa aking bibig.

Naiirita ako. Kailan kaya nila ako balak lubayan?

Kahit saan ako magpunta ay may nakabuntot sa likuran ko. Ultimo sa pagpunta ko sa comfort room ay may bantay pa rin.

This is insane! My own personal space had been invaded and now, even my private time.

Can't they just mind their own business!

"Tsk, stop sighing, bansot! Nakakairita ang maya't maya mong buntong hininga."

Kumislot ang aking kilay dahil sa reklamo ng bantay ko sa araw na ito.

"Oya? Pakialam ko sa 'yo." Pinagtuunan ko na lamang ng atensyon ang takdang aralin na binigay ng isa sa mga instructor ng aming klase.

Isa itong listahan na may kasamang larawan ng lahat ng mga level at class ng evil ones na natagpuan at nakasagupa dito sa Arcadius. Madali ko lamang nasagutan ang lahat ng ito dahil memoryado ko ang lahat ng iyon kahit pa noong mga panahong nasa Thurna pa ako nag-aaral.

Matapos kong makalikot ang holographic tablet kung saan ko tinayp ang sagot ay mabilis ko rin iyong sinent sa instructor namin.

Halos dalawang linggo na ring ganito ang set up ko magmula nang bumalik ako. Puro written exams, lectures, discussion, at walang practical exercises. Nakakaburyo ang ganitong uri ng pag-aaral para sa isang tulad ko na naranasan na ang pumasok sa isang Zoix School.

I curse the elders for making my life a living hell!

Hindi naman kasi utak lamang ang kailangan punuin ng maraming detalye, kundi ang mas mahalaga ang karanasan. Dahil, 'di lahat ng teorya ay kayang iaplay o higitan ang tunay na kaganapan sa mismong field.

"Huwag kang mayabang bansot. You might be strong but I'll make sure to surpass you! Bear that in your small brain!" Kelleon stood up and strode away with a deep frowned itched on his face.

Oya? Anong problema ng isang 'yon? May toyo lang sa utak?

Umayos na lamang ako sa aking pagkakaupo. Nag-unat ng mga braso habang sinasamyo ang malamig na simoy ng hangin dito sa garden.

This is so nice!

Sandali akong natigilan dahil isang bagay ang nakakuha sa aking atensyon. Napagawi sa isang melon cake na nakabalot sa isang branded na plastik ang paningin ko. Aba'y may pabaon pa pala ang isang 'yon. Mabuti, 'di niya nakalimutan ang one year rasyon ng melon cake.

Kinuha ko iyon at walang pag-aalinlangan na binuksan. Melon cake is my favorite dessert. Why? A special someone given me this delicious food when I've been so hungry. I love it. Tumatak talaga sa panlasa ko maging sa puso ko ang pagkaing ito.

At, sa tuwing, kumakain ako nito, palaging sumasagi sa isipan ko ang nangyari noon. Ang pagkakataong, sinagip ako ng taong iyon mula sa kalungkutan at kamatayan. Hindi lamang niya ako basta sinagip, binigyan ng tirahan, kasuotan, karunungan. Dahil, para sa akin, binigay niya ang pinakamahalaga, buhay.

Matagal na siguro akong patay kung hindi siya dumating ng araw na iyon. He was the first one, who called me Zero. That was the starting point of everything. Zero...

My name. He given me that, but he's also the one who took that away from me.

Vixon Graildoure the famous and greatest paladin in the Kingdom of Thurna. My saviour and also my grim reaper.

How ironic. Malaki ang utang na loob ko sa taong iyon dahil sinagip niya ako, pero sa huli, iniwan niya ako sa Astoria para ibigay sa iba.

He save me and left me behind. He is so cruel.


Even if I stayed in Thurna, he never even visit me. I tried to find that old man but I failed to look for him. He is always been busy. Kahit ako, ayaw niyang makita. Maging nang mga pagkakataong umatake ang mga deviants, wala siya ng pagkakataong kailangan ko siya.

Ano nga ba ang mas masakit, ang hindi ka pahalagahan ng umampon sa iyong pamilya o ang iwan ka at kalimutan ng taong unang sumagip sa 'yo?

So, complicated.

Kinuha ko ang bottle water sa tabi ko at lumagok doon ng tubig. I don't have much time to be idle about. I need to graduate as soon as possible. Lalo na't mas lumaki ang banta ng deviants.

They are planning something big. At, nakasalalay ang kaligtasan ng lahat ng Arcadians sa planong iyon. Kailangan nilang mapigilan sa lalo't madaling panahon bago pa mahuli ang lahat.

I already sent the deviant's corpse to the laboratory. They already started the examination and autopsy. I hope they can find something spectacular like some weakness. That will be a big help for us to defeat their race.

Tumayo ako para magtungo sa kasunod kong klase pero bago iyon ay akin munang inilibot ang aking paningin sa paligid. Napapalibutan ng naglalakihang gusali ang hardin kung saan ako kasalukuyang tumatambay.

I sensed someone is intently watching me.

Hindi ko ramdam ang masamang intensyon ng taong iyon kaya't hindi ko siya pinansin pero, nais ko pa ring malaman ang pagkakakilanlan nito at lalo na ang dahilan ng kaniyang pagmamasid sa akin.

Oya? Magaling ang isang iyon na magatago. Hindi ko maramdaman ang kaniyang presensya bigla iyong naglaho na parang bola. Sayang naman. 'Di bale na. Marami pa akong panahon sa Akademyang ito. Matutunton ko rin ang taong iyon.

Binigyan ko ng huling tingin ang isang mataas na gusali kung saan naroon ang laboratory. Sa ika-apat na palapag ko naramdaman ang presensya niya bago biglang nawala.

Mahahanap din kita.

Tumalikod na ako at naglakad paalis sa lugar na iyon. Ngunit, ramdam ko ang pukol ng tingin sa aking likuran.

...

Mula sa isang mataas na gusali. Isang pigura ang nakatayo malapit sa mababasagin na salamin.

Nakatitig ang kaniyang mga mata sa iisang dereksyon. May kung anong emosyon ang lumukob sa kaniyang pagkatao habang ang mga mata'y nakatuon sa likuran ng taong matagal na niyang nais makita subalit, hindi niya kaya makilala siya nito agad.

"I never expected to see you so soon, Ruka," malumanay niyang samo sa hangin habang hindi niya pa rin maalis ang tingin sa huling lugar kung saan nakapwesto ang taong pinagmamasdan niya.

"Dr. Haines," tawag pansin ng kaniyang assistant.

"Yes," tugon niya bago isinara ang kurtina ng kaniyang bintana at hinarap ito.

"They need your presence in the emergency room."

Inayos niya ang kulay lila niyang buhok. "Right, tell them, I'll be there."

"Yes, Dr. Haines." Sinara na nito ang pinto na ikinabuntong hininga niya.

"My, my! I never expected lots of extreme happening here. Looks like accepting this job, is the greatest right decision I made in my entire life." She flipped her long violet hair and wore her lab coat with her nameplate on it before she finally strode outside her office to the surgery room where the autopsy is currently on progress.

A new specimen, new discovery and another set of exciting events is coming. I hope you are prepare to face all of them.

Zero...

...

Thank you jenalynbrondial19 for reading and waiting. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top