[12] DESTROYER

Paalala: May mga maseselang eksena sa chapter na ito.

Don't forget to Vote and Follow me para malaman n'yo kung kailan ang next update dahil magiging busy ulit si ako.

...

Mula sa ituktok na sanga ng isang higanteng puno. Doon matatanaw ang isang nakatayong pigura. Matikas ang pangangatawan nito, malapad ang likod at balikat. Matangkad at mahaba ang binti at hita. Balot na balot ng isang itim na kapa ang kaniyang kabuuan nakatago sa ilalim nito ang suot niyang armor.

Walang makakita sa ekpresyon sa kaniyang mukha subalit malaki ang ngisi niya sa loob ng helmet —natutuwa sa pinapanood— sa kasalukuyang pakikipagsagupaan ng mga Aieons sa grupo ng Zoix. Ilang sandali, mauubos ang stamina ng grupo laban sa maraming batalyon ng mga Aieons, idagdag pa ang ina ng mga ito.

"Tch, pathetic Arcadians, I'll make sure this place, will be their graveyard." Umismid siya matapos makita ang kalunos-lunos na itsura ng Mother Aeions.

Nakalugmok ang katawan nito sa lawang naubusan ng tubig. Wala siya nang maganap ang pagsabog. Kaya't 'di niya napigilang protektahan ang mga itlog nito. Nanghihinayang na napailing siya dahil doon.

"They killed her hatchling. Yari ako nito kapag nalaman nila ang nangyari. Pero, sisiguraduhin kong walang matitirang buhay sa kanila."

Maya maya, inilahad niya ang kanang kamay. Sa palad niya lumabas ang isang maliit na kwadrado ang hugis at kulay itim. Makinis ito at kumukinang. Lumiwanag ang matingkad na kulay asul nang lumitaw ang iba't ibang linya at simbolo sa paligid nito bago bumukas ang apat na gilid. Isang itim na perlas ang nasa gitna. Ito ang dahilan kung paano biglang nagkaroon ng dark miasma.

Ang mapanganib na hanging matatagpuan lamang sa Exceed. Nakamamatay ito, pawang asidong sisira sa anumang madaitan. Matutunaw ang buto kasama ang laman, walang matitira. Katulad nito ang laway ng mga Aieons. Dahil, doon naninirahan ang mga nilalang na ito, sa dark quantum realm, ang pinagmulan ng itim na miasma.

Ang mga halimaw ang kanilang sandatahang lakas na kanilang ginagamit sa pagsakop sa iba't ibang dimensyon. Laro lamang ang ganito, kumpara kung ang mga Deviants mismo ang gagawa ng aksyon.

"Pasalamat kayo dahil natutuwa pa ang aming hari sa panonood kung paano kayo maghirap. Kaawa-awang nilalang. Dahil, kahit anong gawin n'yong pagpapalakas, ay wala iyong magagawa para pigilan kaming sakupin ang mundong 'to."

Patuloy ang pagsakop ng dark miasma sa outer region ng Mysthic. Ito ang kaniyang misyon sa pagpunta sa Arcadius. Kaguluhan, kamatayan, pagkawasak. Sisiguraduhin niyang walang matitira sa lahat ng pinagkukunan ng yaman ng mga Arcadius at dito pa lamang ang simula.

Hindi niya mapigilang mapahalakhak sa katuwaan, hanggang sa isang malakas na pwersa ang biglang umatake sa kaniya. Mula sa kung saan, bumulaga sa kaniyang harapan ang isang babaeng arcadians na walang ni isang armor na suot. Isang malakas na sipa ang pinakawalan nito sa gilid ng kaniyang mukha na siyang kaniyang ikinatalsik —pabulusok— paibaba sa maruming kalupaan. Sumadsad ang buo niyang katawan. Naghawian ang matataas na talahiban hanggang sa bumaon ang malaki niyang katawan sa malaking tipak ng bato.

"Ack!!" bumulwak ang itim na dugo sa kaniyang bibig. Maging ang suot niyang helmet ay nagkapira-piraso nang tuluyan dahil sa sobrang lakas ng sipa nito at lumantad ang tinatago niyang itsura.

Ang itim niyang mga mata. Ang isang maliit na sungay sa kanan ng kaniyang ulo. Ang maliit na black core sa noo. At matalas niyang mga ngipin at puting mga buhok. Ang katunayan na isa siyang Deviants.

Mabigat ang pag-apak ni Ruka sa bawat sanga ng puno. Lumalangitngit ito sa ilalim ng kaniyang talampakan. Tila, hangin siya sa bilis ng kaniyang pagtakbo at pagtalon. Walang mababakas na anumang emosyon sa kaniyang mukha. Deretcho lamang ang kaniyang tingin sa iisang dereksyon.

Sa nilalang na kaniyang pinabagsak. Hindi niya malilimutan ang kakaibang pakiramdam. Ang presensya nito. May nagtulak sa kaniyang tukuyin ang hilagang bahagi kung saan ito ang pinakamatarik na lugar at makikita ang buong mysthic forest. Kakaibang init, sa kanang mata, ang kaniyang naramdaman pagkakita sa pigura nito at kusang kumilos ang kaniyang katawan. Nais niya itong paslangin.

"I'm not mistaken. You're one of them." May diin ang bawat salitang kaniyang tinuran habang dahan-dahang nilapitan ang sugatang nilalang.

Tumunghay ang deviant sa arcadian na umatake sa kaniya. Nagngitngit ang pinong ngipin. Umigting ang mga bagang. Kumuyom ang mga kamao at naningkit ang itim na mga mata.

"Isang pesteng tulad mo, nagawa akong saktan ng ganito. Naghuhukay ka ng sarili mong libingan."

Tumaas ang isang gilid ng kaniyang labi. "Sa ating dalawa, ako ang gagawa ng libingan mo. Dito mismo." Isang iglap. Naglaho si Ruka at napunta sa harapan ng deviant. Mahigpit na hawak ang leeg nito.

"Ughh!!!" Halos mapunit ang litid sa noo at leeg ng Deviant. Nanlalaki ang mga matang nakatitig sa babaeng nasa kaniyang harapan.

Paanong napakabilis nitong kumilos? Bakit hindi ko naramdaman ang kaniyang presensya? Hindi ba mahinang nilalang ang mga Arcadians? Kung gano'n, anong klaseng nilalang ang isang 'to? Bakit ang lakas niya?

"Scared?" bulong ni Ruka. "I can smell your fear."

Ngumisi ang Deviant. Patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa kaniyang bibig. "You are wrong, pathetic pest! Sa ating dalawa, ikaw ang dapat matakot!"

"Really?" Hinawakan ni Ruka ang kanang braso nito at walang pag-aalinlangan hinugot niya iyon. Napunit ang laman at buto. At, sumambulat ang maraming itim na dugo.

Pumailanglang ang sa tahimik na kapaligiran ang nakakabinging sigaw nito na agad tinakpan ni Ruka gamit ng kanang palad ang bibig para tumahimik.

"Scared now?" utas niya. Binitiwan niya ang putol na braso nito. Mas binigatan niya ang pagkakatuhod sa katawan nito para 'di makagalaw.

Kitang-kita niya ang nag-aapoy nitong mga mata. Mas lalong natuwa ang dalaga. Tama, ganiyan nga, maranasan mo ang sinapit ko noon. Kung paano nawalan ako ng pag-asa. Walang nagawa kundi ang manood kung paano ako wasakin ng kalahi mo, kung paano niya isa-isahing kunin ang lahat ng mayroon ako.

"Masakit 'di ba?" Hinigpitan niya ang kapit sa panga na ikinabali ng matibay nitong buto."Oops! Nabali ko ata."

Nanginginig ang katawan ng deviants hindi makapagsalita.

"Gusto mong lumaban?" balik niyang tanong. "Galit ka 'di ba?"

Mas bumibilis ang paraan ng paghinga nito. Nagpipigil na sumabog.

"Pagbibigyan kita. Hindi ako katulad ng lahi n'yo na patalikod kung tumira. Gusto ko harapan." Marahas niyang binitiwan ang panga nito bago tumayo.

Nagtagis ang bagang ni Veghal, gamit ang kaliwa niyang kamay, pinalabas niya ang malaki niyang armas na axe. Mabilis niyang iwinasiwas ito, upang hatiin ang katawan ng pesteng arcadians. Subalit humakbang lamang ito patalikod ng isang beses, nagawa nitong makaiwas na pawang alam nito kung saan niya balak patamaan.

As if she can predict his every move. That can't happen!

Patuloy ang walang tigil at mabilis niyang pag-atake subalit, lahat ng iyon ay hindi tumama sa kaniyang target.

Nanlalaki ang mga matang nanghihinang tumigil si Veghal.

"Anong klase kang nilalang?" samo niya.

Ngumisi lang si Ruka. "Ako? Isa lang akong hamak na Arcadians. Bakit? Pagod ka na? Hindi man lamang ako pinagpawisan."

Itinuro niya gamit ang daliri sa noo ng dalaga. Naipon sa dulo ng kaniyang hintuturo ang isang pulang enerhiya. Saka niya ito pinakawalan. Nabuo ang isang linyang kulay pula at patungo iyon sa ulo ni Ruka. Ngunit, bago pa tumama iyon, ay itinabingi lamang nito ang ulo. Lumapat ang makapaminsalang enerhiya sa tumpok ng bato. Sumabog, nagkapira-piraso lumikha ng maraming alikabok.

Sumipol si Ruka sa nasaksihan: "Woah, muntik na 'ko dun ah. Mabuti nagawa kong makaiwas."

"Damn! Damn! Damn you!" Sunod-sunod na ulan ng laser beam ang pinakawalan ng nagngangalit na Deviants, ngunit ang lahat ng marahas na tirang iyon ay nagawang iwasan ng kaniyang kalaban.

Pawa itong nagsasayaw sa kaniyang harapan. Kaunting kilos lamang ang ginawa nito para maiwasan ang sunod-sunod niyang tira. Paano? Paanong madali niyang naiiwasan ang mabilis niyang pag-atake?

Hindi niya mapigilan manlamig sa nasasaksihan.

"Oh, I can't waste my time here." Dahan-dahan naglakad palapit si Ruka sa kaharap na nilalang habang patuloy ang ginagawa niyang pag-iwas sa bullet rain ng red plasma.

Nanginginig ang mga paang umatras si Veghal ngunit hindi niya itinigil ang ginagawang pagpapaulan ng laser beam.

"Die! Die! You fucking pest!"

"Tch! Ang ingay mo!" Hinablot ni Ruka ang kaliwang kamay at marahas iyong hinugot muli. Nagtalsikan parang tubig ang itim nitong dugo. Binitiwan ni Ruka ang braso nito.

"Aaahh!!! Ang braso ko!!!" Halos mapaluhod sa pamimilipit sa sakit si Veghal. Ang mga deviants ay may matibay na buto at balat. Kaya bakit, kaya nitong putulin sa pamamagitan lamang ng kamay ang kanilang katawan?

"Shut up!" Tinapakan ni Ruka ang ulo nito na ikinabaon sa lupa. "Sabihin mo, anong layunin mo sa lugar na 'to?"

Diniinan niya ang paa na ikinaangil ng deviant.

"I... I won't tell! Wala kang mapapala sa akin!"

Mahinang natawa si Ruka. Pilit kasi nitong inaalis ang kaniyang paa subalit nabigo lamang.

"Nakakatawa 'di ba? Ang tinuturing ninyong pesteng katulad ko, heto, nakaapak lamang sa ulo mo."

"Walang hiya ka! Magbabayad ka! Kapag nakawala ako rito! Titiyakin kong mamatay ka!"

"Tanga, sinong may sabing papakawalan kita."

"..."

"Now, fucking answer my question!"

"Hindi ako magsasalita!"

Napatiim-bagang na lamang si Ruka sa tigas ng bungo nito. "Hindi ka sasagot. Huwag mo akong sisihin. Pinilit mo akong gawin ang bagay na 'to sa 'yo."

Inilahad niya ang kanang kamay patungo sa ibabang bahagi ng katawan ng Deviants. Isang usok na kulay itim ang lumabas mula sa kaniyang palas. Tila, may sarili itong isip na dumako sa paanan ng Deviants.

"10 years ago. Arcticus, killed my platoon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang sakit, hinagpis sa ginawa niyang pagpaslang sa mga kasamahan ko." Nag-aalab ang mga matang nakatitig siya sa mukha ng Deviants. "Sa loob ng sampong taon, marami akong pinagdaanan para lang maging ganito kalakas. Nais kong iparamdam sa inyo, ang naramdaman ko ng pagkakataong iyon. Itaga mo sa bato, hahanpin ko ang Exceed. At ako mismo ang tatapos sa inyo."

"Pangahas ka! Masyadong mataas ang pangarap mo." Ngumisi si Verghal sa kabila ng pagkatunaw ng kaniyang balat, kalamnan at mga buto.

Nalulusaw siya ng buhay. Ang itim na usok ay katulad ng dark miasma na tanging sa dark quantum lamang matatagpuan. Paanong may ganitong kakayahan din ang arcadians na 'to?

"Pangarap? Hehe. Tutuparin ko ang bagay na nais ko. Subalit, nakakatiyak akong wala ka na pagdating ng araw na 'yon."

Nagkalat ang bawat laman at labas ang mga buto ng kaniyang binti!

"Hindi ka pa rin ba, magsasalita?"

"...Hindi... wala kang makukuhang impormasyon sa akin! Aaaahhhh!!"

"Huwag kang malikot baka mapisak ko ang ulo mo," saway ni Ruka.

Nagpupumiglas ang nilalang ngunit 'di siya pinakawalan ng dalaga.

"Papatayin kita! Papatayin kita!" sunod-sunod na sigaw nito. "Isa kang malaking panira sa misyon ko!"

Misyon? Tama nga ang hinala ko. Ang lahat ng nagaganap dito sa Mysthic Forest na ito, ang punot dulo kung bakit nagawang maitago ng Evil Ones ang kanilang presensya at ang paglitaw ng Dark Miasma. Ang Deviant na 'to ang puno't dulo.

"Alin ang misyon mo? Ang palaganapin ang lahi ng mga Evil ones —ah— Aeions, dito sa Arcadius? O, maari kayang, ang pagsira sa gubat na 'to ang pakay mo? Maari ding ang pagkuha ng mahalagang datos sa paraan ng pakikipaglaban namin? Hmmn?"

Pinagpapawisan si Verghal. Nangangatal ang labi. Umuusok ang kalahati ng kaniyang katawan. Sa sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman, nais na niyang mamatay, matapos lamang ang pagpapahirap sa kaniya.

"A-ang mga deviants na katulad ko, hindi kami marunong sumuko. Marami na ring pinagdaanang paghihirap ang lahi namin. Patayin mo na lang a..ako."

"Masyadong madali ang nais mo. Nanamnamin ko muna ang bawat sakit na nararamdaman mo. Huwag mong kalimutan na ang lahat ng ito, ay gawa ko."

Kumislap ang kanang mata ni Ruka. Isang gintong kulay na napapalibutan ng matingkad na kulay pula. At sa loob nito, nakaukit ang pamilyar na simbolo—destroyer. Ang mga maraming hugis na patusok na pawang pira-piraso ng talim ng espada, napapalibutan ito ng bilog at nakaukit ang kanilang lenggwahe.

(Example of the symbol. Image not mine. Credit to the owner.)

"Ikaw? Paanong? Isa ka sa kanila?" Parang baliw na humalakhak si Veghal. "Naiintindihan ko na. Kaya pala. Hindi ako makapaniwala na isang araw darating sa buhay ko ang makasagupa ng isang destroyer."

"Anong pinagsasabi mo?" Salubong ang kaniyang kilay habang nakatitig sa mukha ng Deviants.

Ngumisi ito. Lumabas ang matilos at pinong ngipin. "Tanggap kong hindi ako makakauwi ng buhay. Isang payo mula sa deviants na tulad ko, batang destroyer. Hindi lamang ako ang pinadala dito... marami kami. Sisimulan na namin ang huling phase ng aming plano. Kapag nakumpleto ang koneksyon ng aming mundo sa inyo. Iyon na ang katapusan. Kaya't magmadali ka. Ang nilalang na katulad mo, tiyak, matutuwa ang aming hari, kapag nagkita kayo. Destroyer, the powerful ones."

Hindi pa nakakabawi ang dalaga dahil sa sinabi nito ng biglang tinapat ang hintuturo sa sariling ulo at nagpakawala ng pulang enerhiya. Tumalsik sa mukha ni Ruka ang malapot na lamang loob ng utak nito maging ang itim na dugo.

Ang Deviant na mismo ang pumatay sa sarili niya. Napapalatak si Ruka sa nangyari. Hindi niya inaasahan na ang may mataas na pride na katulad nito ay magpapakamatay.

Napabuga ng hangin si Ruka, ramdam niya ang pangangati ng balat niya dahil expose siya sa itim na dugo nito. At apektado ang kaniyang human DNA.

"Fucking shit." Inalis niya ang paa sa wasak nitong ulo. Bago, napagpasyahan, magbukas ng isa pang space at ipasok ang labi nito. Ibibigay niya sa laboratory para ma-eksamin nila.

Naglakad patungo sa dereksyon ng kaniyang grupo ang dalaga ngunit bigla siyang nakaramdam ng matinding hilo. Kaya't bago pa siya matumba ay isinandig niya ang sarili sa katawan ng puno na malapit sa kaniya.

Tumitibok ang kaniyang kanang mata. Ngayon, ang unang beses, na ginamit niya ang matang ito, malaki ang pagkakaiba sa dati niyang mata na ginagamit niya sa paghahanap sa core ng Queen evil ones.

Sa bawat paggamit niya sa bagong mata ay pawang hinihigop nito ang kaniyang lakas. Napabuga ng hangin si Ruka. Pinakalma ang sarili at nag-ipon ng mana sa loob ng kaniyang tiyan upang padaluyin ang mga ito sa bawat sulok ng kaniyang katawan. Ang naipon na enerhiya ang kaniyang pinagkunan ng bagong enerhiya, dahil, hindi pa siya tapos.

Binigatan niya ang kaniyang binti at mga paa. Ginamit ang pwersa ng mga ito para makatalon siya ng mataas sa himpapawid. Mula sa ere, nililipad ng hangin ang maikli niyang itim na buhok. Ang mga mata niya ay nakatuon sa dereksyon ng argrabyadong grupo. Napapalibutan sila ng maraming Class E at D. Napansin niya rin na ang isa sa mga ito ay may malaking sugat sa tagiliran —si Luca— pinapagaling ito ni Hailey samantalang nakaikot sa kanilang dalawa ang iba pang grupo habang nasa loob ng isang kulay green na barrier.

Shit! usal ni Ruka dahil nakita niya ang pag-iipon ng malaking enerhiya sa bibig ng Gigantus habang nakatutok ito sa dereksyon ng grupo. Isang tira nito, walang matitira ni laman ng pito.

"What a headache!" Isang itim na transparent platform ang nabuo sa paanan ni Ruka. Ginamit niya bilang tapakan.

"Scan," samo niya habang nakatuon ang atensyon sa gigantus.

Nabalutan ng matingkad na kulay berde ang dating kulay tsokolate niyang mata sa kaliwa. Naglaho ang maraming kulay sa paningin ni Ruka at napalitan iyon ng itim at puti. May nakikita siyang ibang kulay, gaya ng core ng Class E at D. Berde at asul. Ang kulay ginto naman ay ang mana sa paligid, makikita rin iyon sa loob ng katawan ng mga Arcadians. Ngunit tuon ang pansin ni Ruka sa kulay lila na matatagpuan sa noo ng halimaw.

"Found yah!" Iniyuko niya ang katawan bago tumalon pababa, tinungo niya ang kinalalagyan ng pakay na target. Wala na siyang pakialam sa kasunod na mangyayari. Basta, ang nais niya, ang mapigilan ito sa pagpapakawala ng plasma.

Inipon niya ang natitirang enerhiya sa katawan patungo sa kaniyang kanang kamao. Pagkatapos, ay pawa siyang, mabilis ba palasong tumama sa noo ng halimaw. Bumaon sa laman nito ang kaniyang buong braso. Walang pag-aalinlangan na inabot niya ang core at dinurog iyon gamit ang kaniyang kamao.

Umangil ang dambuhalang halimaw, kumawala paitaas ang enerhiyang inipon nito. Muli, nahawi ang itim na ulap. Sumilip ang sinag na mula sa araw.

Binalot ng itim na likido ang buong katawan ni Ruka matalos tumalsik ang masaganang itim na dugo sa butas na laman.

"Eww... kadiri talaga!" Hinugot niya ang nakabaon na braso. Bago, bumaba sa patay na katawan ng gigantus saka lamang niya inilibot ang tingin sa paligid. Nakahandusay sa malawak na damuhan ang maraming Class E at D, dahil patay na ang kanilang Queen kaya kusang sumabog ang core nila.

Napabuga siya ng maluwag na hangin dahil nagawa niyang mapigilan sa huling atake ang kalaban. Nanghihinang napaluhod ang dalaga.

"Aww! I'm so tired and hungry!" reklamo niya at nahiga sa ibabaw ng wasak na lupa.

Masakit man sa likuran ang pagtusok ng pinong bato ay di niya ininda ang mga 'to. Pagod na siya. Hindi na niya magawang makatayo pa. Naubos niya ang huling lakas sa suntok na binigay niya sa gigantus na 'yon. Gusto na niyang ipikit ang kaniyang mga mata.

"Ruka!"

Ngunit ayaw ata siyang pagpahingain ng mga 'to. Nanatili siyang walang kibo. Kahit na may tumawag sa kaniya.

'Bahala na. Inaantok na ako.' Tuluyang pinikit ni Ruka ang namimigat na talukap ng mga mata hanggang sa tuluyan na siyang mahimbing na nakatulog.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top