[07] TREASURE

Kilala ako bilang hardworker at dakilang loner sa aming platoon. Palagi akong nasa training room o 'di kaya sa simulator area kung saan malaya akong makakapagsanay na walang sagabal. Kahit minsan hindi ko pinabayaan ang training ko dahil iyon na rin ang nakasanayan ko.

I have to get stronger! I need more strength. I'm really greedy but I'm not wrong for desiring to become powerful. Dahil sa aming henerasyon ng pakikipaglaban sa mga evil ones. Kung malakas ka, may tsansa kang mabuhay. May tsansa kang madagdagan ng isa pang araw ang buhay mo habang nasa front lines.

Wala akong ibang hinangad, kundi ang maging malakas. I don't need family affection because my own already abandoned me. Hindi ko nanaisin na maulit muli ang nangyari noon. If they treated me as if I'm an object of benefits might as well be selfish then I shall love myself even more than I already have.

But... my visions crumbled when I met him. The only one who showed me the importance of comrades. He taught me that I have people who will cherish me as a person - as someone who's significant. He taught me so many things that even father never even told me once. Friedrich, had given me emotions.

He was the mentor I will never forget. Ever.

...

Bzzt! Bzzt! Mabilis akong nagmulat ng mga mata matapos maramdaman ang pag-vibrate ng watch ko. I am in daze. I dreamt of the past all over again. Hinawakan ko ang aking pisngi dahil alam kong namamasa na naman iyon dahil sa luhang akala ko hindi na muling dadaloy pa.

Napabuga ako ng hangin bago naupo sa malambot kong kama. Nilingon ko ang pwesto ni Diana. Napangiti ako dahil tulog pa ito. Maingat akong tumayo para lapitan siya at ayusin ang kumot niya. I already remember why she's familiar. Kapatid pala siya ni Dmitri. Magkatulad sila ng kulay ng mga mata.

Nagtungo ako sa banyo para mag-ayos ng sarili dahil ngayon ang ikalawang araw ko sa task na binigay ng Dean. He even take the initiative to excuse me to my classes. Ganito niya pinahalagahan ang pagiging alila ko? Napailing ako sa isiping iyon.

Hinayaan kong dumaloy ang malamig na tubig sa buo kong katawan. Tinaas ko ang bionic arm na gawa sa matibay na armor ng mga Aeions. Labag man sa kalooban ko na sumailalim sa ekperimentong iyon dahil gagamitin nila ang mga labi ng evil ones na kinasusuklaman ko pero dahil sa mas mataas ang pag-aasam ko na muling lumakas pa at makalaban muli kaya't pumayag ako.

Ilang taon pa, babalik ako muli sa front lines. Titiyakin kong pagbabayarin ko sila sa pagkamatay ng buo kong platoon. Kinuyom ko ang aking kamao. Sinusumpa ko, hahanapin ko ang halimaw na 'yon. Ang Exceed. At ako, ang tatapos sa lahi nila.

Napabuga ako ng hangin para kalmahin ang sarili ko bago ipinagpatuloy ang paliligo ko. Pagkatapos, nagbihis lamang ako ng simpleng black pants, boots, at turtle neck sleeves na kulay dark blue.

Paglabas ko mula sa shower ay dumeretcho ako sa kusina para magluto ng breakfast. Binuksan ko ang isang space o portal na konektado sa isang malaking farm para mamitas ng fresh veggie at fruits.

Pagtapos maihanda ang mga sangkap ay saka ko i-on ang electric stove at nagsimulang ihanda ang simpleng umagahan. Nag-toast na rin ako ng tinapay at nagtimpla ng vanilla, hot cocoa at kape.

Three serving ang hinanda ko dahil sasabay ang dalawa sa akin. Matapos kong ayusin ang pagkain sa mesa nang sabay na pumasok sa dining area sina Shantal at Diana. Nakabihis na ang mga ito ng kanilang uniform.

"Morning, Ruka!" energetic na bati ni Shantal bago naupo.

Naupo sa tabi ko si Diana. "Good morning too! Thanks for this bountiful breakfast again, Ruka."

Nagkibit-balikat ako. Ilang araw na rin akong nagluluto at kasabay ko sila. Bilang lang sa daliri sa kamay ko ang pinagluluto ko ng ganito. "Morning din. Mas maganda kasing kumain kapag may kasama. Kaya kumain na tayo."

Ngumiti sila dahil sa sinabi ko at sabay sabay kaming kumain. Dati, hindi ko napahalagahan ang ganito. Ang pagkain kasama ang buong grupo. Mami-miss mo ang isang bagay kapag nawala na ito. I regret those moments that I missed. Hindi ko na 'yon hahayaang maulit.

We should cherish every seconds of our life 'cause we don't know what future might be given to us. I don't want to live with regret anymore.

"Hmn! This is so delicious!" puri ni Shantal.

I cooked cheesy baked macaroni with chicken wings. A heavy breakfast that we soldiers need to eat. Samantalang, fruit salad with veggie naman ang kay Diana. Ayaw daw niya ng meaty so, I fried some fresh salmon. Para naman kahit papano may protein.

"I agree. Mas masarap pa ang luto ni Ruka kumpara sa pagkain sa mess hall." Sumubo ng cherry si Diana. "They never had fresh fruit like this. Where did you bought these? Ang sarap."

Ngumiti ako dahil nasiyahan ako sa papuri nila. Pinakita ko ang isang holographic window sa kanila. It was a farm space. "I brought my own farm."

"Eh! Woah, Ruka, you owned some space? What is your attribute anyway?" usisa ni Shantal pagkatapos makita ang malawak na farm na maraming iba't ibang tanim.

Pinatay ko na window panel. "My grandfather gave me this gadget. It was a hi-tech watch connected to a space. His friend made this. He is known as space user." Paliwanag ko. "And about sa attribute, that would be my secret."

Nakita ko ang pagnguso ni Shantal na ikinatawa namin ni Diana.

"By the way, 'di pa rin ba tapos ang punishment mo?" baling na tanong ni Diana.

"Muntik kong makalimutan ang tungkol sa punishment na yan. Mabuti pinaalala ni Diana. Alila ka pa rin ba nila, Ruka?"

Hindi ko mapigilan na muling matawa sa alila na sinabi ni Shantal. "One week duration ang punishment ayon sa Dean. Ngayon pa lang ang third day, so, I still have two days after this. Marami na siguro akong nakaligtaan na lessons and practical executions sa klase."

"Hindi ka naman ba nila pinahihirapan?" kunot ang noo ni Diana habang tinatanong ang bagay na 'yan.

Kung alam mo lang kung gaano kalaki ang paghihirap ang dinanas ko mula sa kamay ng mga Orcle Brats-este Knights pala. They literaly treated me as a slave. Tagalinis, dakilang katulong, ultimo gardener pinatos ko na rin. Ewan ko ba kay Mr. Dean kung bakit kailangan ko pang gawin ang tulad nito? What's the point of socializing with those teenagers? I don't really care about them anyway.

But, I had to do my best in order for me to graduate. Kaya kahit sukang-suka na ako, wala akong pagpipilian kundi ang lunukin lahat ng kahihiyan at inis ko sa kanila.

"Right. I'm just fine. Huwag n'yo na 'ko alalahanin. Kaya ko ang aking sarili."

"Sabihin mo sa 'min kapag inaabuso ka nila ah. Alam mo na, kahit na mandirigma sila ay may pagka-isip bata pa rin silang lahat." Paalala ni Shantal.

Tama ka, Shantal. Isip bata nga silang lahat.

"Yup, magsasabi ako kapag nagyari ang bagay na 'yon."

Nagpatuloy kami sa pagkain. Pagkatapos ay sila na ang nag-asikaso sa paglilinis samantalang ako ay dumeretcho sa Easthern side Academy kung saan makikita ang naglalakihang mga puno at malawak na taniman. Namumukadkad ang makukulay na bulaklak, malago ang luntiang halaman maging ang green house na taniman ng iba't ibang uri ng gulay at prutas.

Ang parteng ito ng Academy ang pinagkukunan ng sangkap na inihahain sa mess hall. Sa panahon ngayon, itinuturing na treasure ang mga pagkain. Lalo na't kaunti na lamang ang lupang maaaring pagtaniman. Dahil sa pag-atake ng mga evil ones maraming abandunadong malawak na lupain na kahit na kailan hindi na maaari pang tirahan. Itinuturing ang mga lugar na iyon bilang ground fall. Ibig sabihin apektado ang lugar na iyon ng kemikal na galing sa mga labi ng evil ones na hindi na-decompose.

Kahit ang ilang mga hayop sa Arcadians ay apektado. Kaya hangga't maaari gumagawa ang mga syentipiko ng paraan upang mas maparami pa ang lahi ng mga hayop dito lalo na ang mga ancient beast na nakatira sa Ashtaroth kingdom at sa kontinente ng Aster. Pinagtutuunan nila ng pansin ang proteksyon ang mga beast at animal race. Matatapos lamang ang problemang ito kung mapupuksa kaagad ang mga evil ones at matutukoy ang lagusang patungong Exceed.

"You are early." Naagaw ng bagong dating ang atensyon ko.

Lumingon ako sa dereksyon kung asan siya. Isang babaeng may kulay pulang buhok. Matangkad siya sa akin ng apat na dangkal. May balingkinitang pangangatawan. Mahaba ang binti at hita. Kulay tsokolate ang mga mata. I can't see mana around her. She's ordinary but I won't judge. Dahil kahit walang attributes may kakayahan pa rin sila upang makipaglaban at sa pamamagitan iyon ng makabagong teknolohiya at siyensya.

"Maaga talaga ako. Anong ipapapagawa mo?" tanong ko habang deretcho ang tingin sa kaniya.


Sa halip na sumagot ay simple siyang ngumiti. "Noein Corpuz is my name. I'm from Zarconia." Umupo siya sa bakanteng upuang nasa gitna ng taniman. "Can I call you, Ruka? Mahaba kasi ang pangalan mo."

Tinitigan ko siya. Ano kayang laman ng isip ng isang 'to?

"Ayos lang na Ruka ang itawag mo sa akin. Umn... ano bang gagawin ko dito?"

Sinapo niya ang kaniyang baba. "The dean, designated me here to be the head of the resources team. Katungkulan kong humanap ng bagong maaring itanim at mas palaguin pa ang lahat ng nandirito." Tumayo siya bago lumapit sa akin. "You are strong, right?"

Oya? Ang lapit niya masyado. Humakbang ako palayo sa kaniya.

"Anong kinalaman nun sa ipapagawa mo? May ipapabuhat ka ba?"

Umiling siya. "Nope. Samahan mo ko sa Mysthic Forest. Kukuha kami ulit ng bagong plant specimen."

"Mysthic Forest? Sigurado ka doon ang punta mo?"

"Yup! Nagkaroon ng mutation ang iba't ibang tanim sa lugar na iyon. At bilang head ng resources team, kailangan ako mismo ang tumingin sa mga iyon."

"Doon ba kayo lagi kumukuha ng specimen?"

"Hindi. Ngayon lang."

"Kaya. Alam mo, masyado mapanganib sa lugar na 'yon."

"Alam ko ang bagay na 'yon. Kaya nga ikaw ang isasama ko 'di ba?" Ngumiti siya. "Kung nakaya mong masipa ang isang pure energy na gawa sa lightning. Tiyak, magagawa mo rin akong protektahan sa mapanganib na lugar na 'yon, tama ba?"

Napabuga ako ng hangin. Bakit palagi akong talo sa deskusyon laban sa mga 'to? Ang tigas ng ulo.

"Ilan ang isasama mo?"

Tumayo siya bago tiningnan ang kaniyang watch. "Five members. They have space attribute. Marami ang dapat makuhang specimen para dalhin sa research lab. So, tara?"

"Masyado kang tiwala sa 'kin."

"Matapos ng pinakita mo sa arena? Sinong magsasabi na isa lang yong fluke?"

Nauna siyang naglakad. Tahimik akong nakasunod sa kaniya. Maya maya ay may kinuha siya mula sa loob ng kaniyang bulsa.

"Here! Catch!" Inihagis niya ang isang gadget. Agad ko iyong sinambot. Isang black choker na may button sa likod.

"Safety suit. Delikado ang hanging lumalabas sa lugar na 'yon. Dapat protektado tayo palagi." Paliwanag niya habang 'di nakatingin sa akin.

Sinuot ko iyon sa leeg ko. The outside of every dome is dangerous zone. Walang oxygen kaya kailangan palaging nakasuot ng protective suit. Dahil naglalabas ng iba't ibang harmful na kemikal o likido sa labas. Dati, noong wala pa ang banta ng mga evil ones ay malawak ang nasasakupang lupain dito sa Aracdius at hindi lamang pito ang kaharian. Subalit, sa paglitaw nila maraming taon na ang nakalipas doon nagsimulang maglaho ang iba pang kaharian hanggang sa kakaunti na lamang ang natira.

Maraming Arcadians ang nasawi. Maraming lupain, kaharian, mga ari-arian, iba't ibang likas na yaman, inprastraktura ang mga nasira. Marami ang nawasak dahil sa patuloy na pag-atake ng mga dayuhang nilalang. Patuloy na masisira ang mundo namin dahil sa walang tigil na pananakop ng aming mga kalaban. Kaya kailangan hindi kami titigil na lumaban habang patuloy kaming humahanap ng paraan upang mabuhay.

Arcadian was forced to learned to become resilient, resourceful, flexible, adaptable, powerful, innovative... lahat na ata ng mga kailangang katangian sa panahon ngayon, itinanim na sa bawat isipan ng mga Arcadians. Dahil, desperado na kami para mabuhay at ipaglaban ang mundo kung saan kami isinilang at kung saan rin kami mamatay.

"We are here." Tumigil si Noein sa isang bilog na stage. Gawa sa matibay na aspalto ito. Sa ibabaw ay may nakaukit na mga marka o lenggwaheng kulay pula na mula sa kaharian ng Ashtaroth. Alam ko ang simbolong iyon.

It was a portal.

"Konektado ang portal na 'to sa pinakadulong bahagi ng hilagang kanluran ng Ashtaroth. Ilang lakad lang, makakarating tayo sa Mysthic Forest. Nauna na ang iba, tayo na lang ang hinihintay." Nauna siyang umapak sa gitna ng portal. "Let's go, Ruka."

Sumunod ako sa kaniya. Ngayon na lamang ako ulit makakarating sa lugar na 'yon. Sana, walang maging sagabal sa gagawin namin.

....

AN: Dahil nakita ko ang story na 'to mula sa draft ko. Sayang naman kung hindi ko itutuloy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top