[06] PUNISHMENT
The world really curse me to death. I am believing that notion right now. Why did I have to suffer like this all the time? Despite the reality that I was the victim here! Way to go ignoring my pleas!
Nagpahid ako ng pawis gamit ang likuran ng palad ko. Ang init dito sa loob ng storage room, isama pa ang pagod ko dahil sa pagbuhat ko sa halos limampong kahon na ubod ng bigat. Parang malaking bato ang laman ng mga ito. Sakit sa braso at balikat.
"You know, we have towels over here?" agaw atensyon ng tagapagbantay ko.
Oh, I almost forgot. I'm not alone. Napasimangot ako at hindi maiwasan na maasar matapos marinig ang boses nitong may pagkamahinhin pero iba ang dating sa akin. Mataray siya at kung utusan ako wagas!
I'm not a slave if she just know who I am. Tiyak, hinding-hindi niya ito ipapagawa sa akin. Pero, sa kasawiang palad, wala dapat makaalam ng tunay kong katauhan. Magugulo ang buong Arcadius.
"No thanks," saad ko. "I can manage."
Nagbuhat akong muli ng maraming hilera ng boxes. Maalikabok ang paligid kaya ramdam ko ang pangangati ng aking balat at minsan napapabanging pa ako. I really hate doing these stuff. Noon pa man, 'di ko nais na ganituhin ako. Hindi ako pinalaki bilang alipin, kundi isang mandirigma.
"Suit yourself." Pinagpatuloy nito ang naudlot na ginagawa sa holographic monitor. Nakapatong ang siko sa may lamesa habang sapo ng kamay ang baba. Halatang bagot na ito. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang trabaho ko.
Bakit ba kasi nandito pa ang babaeng ito? Kaya ko naman ang sarili ko at isa pa, hindi naman ako tatakas ah! Aba, responsable akong tao, noh! Ang ayaw ko sa lahat ang tinatakbuhan ang tungkulin!
Inayos ko ang pagkakahilera ng mga huling kahon at nang makasiguro na maayos na ang mga ito saka lamang ako napangiti. Halos, kalahating araw ang ginugol ko matapos ko lang ang gawaing ito. Natutuwa ako dahil sa wakas, natapos ko na rin. Ibig sabihin tapos na-
"You still have another job to do," muli na naman singit nito.
Bumagsak ang balikat ko at bumusangot. Ayon na, maganda na ang mood ko tapos biglang nawasak dahil sa sinabi nito. Nagpakawala ako ng buntong hininga saka nilingon ang babaeng masayang pinanood ang kamalasan ko. Parang prinsesa siya sa paraan ng pagkakaupo. Nakacross pa ang mahaba at maputing hita nito habang umiinom ng melon juice.
Hindi ba uso sa kaniya ang mang-alok ng inumin? Alam naman ata niyang paborito ko ang melon 'di ba? Iyon nga ang sanhi ng paghahamon ng Keleon na 'yon at kung bakit may dinaranas akong parusa ngayon.
Tinaasan niya ako ng kilay. "What?"
"Ang sarap ng buhay mo no?" May halong sarkasmo na tanong ko.
Nginitian niya ako nang matamis. Halatang nang-aasar.
"Of course, that's too be expected and you." Tumayo na siya. "Don't complain. This is your punishment."
Napabuga ako ng hangin. Suko na ako. Wala akong laban. Mas maaga kong magawa mas maaga kong matatapos.
"Fine, what's next?"
Isang nakakalokong ngisi ang gumuhit sa labi ng anak ng Dean. If I'm not mistaken, her name is Visque. Maganda nga ang mukha, ang sama naman ng ugali. Nag-umpisa na siyang maglakad palayo. Asan kaya ako dadalahin ng isang 'to? Napairap ako. Ano bang papel ko sa lugar na ito, alipin? Me? As in ako na isang popular na Zoix Warrior sa Thurna, inaalipin lang dito?
"Hey, don't just stand there! Follow me. Para kang tanga."
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nito. Wala talagang galang! Patience, Ruka. Kalmahan mo lang. Kailangan makatapos ka sa paaralang ito, para makabalik ka sa front lines. Wala dapat gulo kahit kating-kati na ang kamay ko sa inis!
Labag sa loob na sinundan ko siya. Isang linggo ko lang naman na titiisin ang parusang ito. Dapat kayanin ko, kahit pa alam kong isa itong kahihiyan sa pride ko!
Nasa unahan ko lamang siya habang nakabuntot ako. Ramdam ko ang panlalagkit ng buo kong katawan dahil sa pawis. Inalis ko ang pagkakazipper ng jacket na suot ko. May sando naman ako kaya ayos lang. I really need some fresh air.
Habang naglalakad kami sa South hall, ramdam ko ang mga tingin ipinupukol sa akin, karamihan nga lamang sa babaeng nangunguna sa paglalakad. Sabagay, she's one of the popular cliques, kaya 'di na ako nagtataka pa. Kahit ayaw ko man tanggapin, may itsura rin kasi ang gagang iyan tapos anak pa ng Dean ng Academy. Kaya todo hakot sa atensyon.
Ngayon ko mas napagmasdan ang lawak ng eskwelahan na ito. Ang daming pasikot-sikot na daan. Pero,nakakamangha ang paligid dahil marami ang mga puno at halaman saka idagdag pa ang may pagkabaroque style ng school building.
"Saan ba tayo pupunta?" naiinip na tanong ko dahil kanina pa kami naglalakad.
May nadaanan pa kami na signage na 'Restricted Area'. Mukhang may kutob na ako kung saan nya ako dadalhin. Sa isang mapanganib na lugar.
"You'll know soon enough."
Oya? Ang ganda ng sagot. Naliwanagan ako, sobra. Dinadagdagan niya ang inis ko. Naisipan ko na lang na manahimik tutal wala siyang kwentang kausap. Sa dulo ng hallway, tumambad sa amin ang isang malawak na gubat na parte pa rin ng Academy.
"Ito ang kasunod mong trabaho, hanapin mo sina Blue at Red na alaga ni Lethesia para pakainin." May tinuro ito na isang silid. "Naroon ang mga pagkain. Good luck, newbie." Ngumisi siya bago ako nilampasan.
"Sandali! Iyon na-" And she's gone. She left me like an idiot, who doesn't even know how to crawl. Bwiset na babaing iyon talaga! Makakatikim din sa akin ng sapok ang isang 'yon.
Napabuga ako ng hangin. Mabilis talaga ako maubusan ng pasensya. Nagtungo ako sa silid para kunin ang pagkain na tinutukoy nito. Pagkabukas ko ng pinto ay tumambad sa paningin ko ang isang malaking fish pond.
So, she's expecting me to catch a fish first? How ridiculous. Ang lalaki ng mga freswater fish! Halos kalahati ko na.
Nahihiwagaan tuloy ako kung anong klaseng alaga sina blue at red? Wala akong alam na pwede pa lang magdala ng alaga sa Academy, akala ko nga, bawal iyon. Sabagay, wala naman nakalagay sa rule. So, I ignore it. Malalaman ko rin mamaya kung anong klaseng nilalang sina Blue at Red.
Kumuha ako ng malaking timba na nasa tabi saka nanghuli ng apat na malalaking isda. Siguro naman sapat na ito, diba?
Lumabas na ako at sumuong sa malawak na kagubatan para hanapin sina Blue at Red.
Pero infairness ang ganda ng gubat. Naglalakihan ang mga puno at may mga bunga pa ang mga ito. Luntian ang kapaligiran. Halatang inaalagaan ang gubat na ito. Langhap ko rin ang mabangong amoy ng mga bulaklak.
Gusto kong tumambay dito. Ang sarap matulog! Pagkalampas ko sa mga hilera ng mga puno, sa centro ay may malawak na lawa. Napakalinaw ng tubig parang ang sarap maligo. Asul na asul. The scenery makes my mind at peace. I hope, I could stay in this kind of forever. But of course, that would be just fraud thoughts.
Tumingin muna ako sa paligid. Walang tao. Hinubad ko ang jacket na suot. At itinali iyon sa bewang ko. Nasiyahan ako sa pagdampi ng preskong hangin sa aking balat.
This is the life which I will never have.
Gusto ko pa sanang ma-enjoy ang sarap ng hangin kaso kailangan ko munang tapusin ang trabaho ko kaya hinanap ko sina Blue at Red.
"Blue!" tawag ko. "Red! Nasaan kayo? I have your foods!"
Para lang akong tangang nagtatawag dito. Pansin ko na walang ni isang hayop akong nakikita. Bakit kaya? Nakakapagtaka naman kung gano'n.
Krak! Naputol na sanga. Napangiti ako dahil sa narinig. Sina Blue na ata ang mga iyon. Lumingon ako sa likuran ko.
"Blue-" Ngunit, napanganga ako sa kasunod kong nakita.
Isang higanteng nilalang. Halos kasing-laki ito ng dalawang gusali. Anino pa lamang nito alam ko na masyado siyang malaki.
Oya? Gusto ata akong patayin ng babaeng iyon? Ito ba ang pakakainin ko? Isang dambuhalang dragon!
ROOAAARRR!! Napapikit ako sa lakas ng atungal nito. Natalsikan pa ako ng malapot nitong laway.
Pinunasan ko ang laway na tumalsik sa katawan ko. "Eww! Maghulos dili ka nga, Red!" angil ko sa nilalang.
Paano ko nasabi na siya si Red? Syempre sa kulay ng balat nito.
Mas lalong naningkit ang mala-gintong mata ng dragon. Don't tell me, nakakaintindi ang dragon na ito?
Nagsimula itong humakbang. Muntik pa akong matumba dahil parang umuga ang lupa sa bigat ng hakbang ni Red.
Umuusok ang ilong nito. Gano'n din sa dibdib.
Oh, ow! Mabilis akong umiwas bago pa matamaan nang inilabas nitong nagbabagang apoy.
Yup, nakamamatay ang trabahong ito! Napabuga ako ng hangin. Itinapat niya sa akin ang malaking bunganga at muling nagpalawala ng nakakatupok na apoy.
"Hey! Stop attacking me you big lizard!" suway ko sa kaniya.
He hissed then another fire breath.
"Ayaw mong makinig! Fine! Ginagalit mo ako, noh! Papakainin kaya kita! Tapos ikaw pa may ganang magalit!"
Inilahad ko ang kamay ko sa harapan at sinanggala ang apoy niya. Lumitaw mula sa ibabaw ng palad ko ang isang transparent na hugis bilog na shield. I can create a barriers, though its color is black. Ngumisi ako dahil hindi mabasag ng apoy niya ang panggala ko pero ramdam ko ang init nito.
"Na-ah! Stop that! Hindi ako apektado."
He scoffed. May lumabas pa na usok sa ilong nito pero tumigil na siya sa pagbuga ng apoy na ikinasiya ko.
"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo," saad ko.
Umikot siya at ang buntot naman ang inihampas sa akin. Walanghiyang dragon! Lumapat sa kanang tagiliran ko ang hampas niya. Bumaon iyon at ramdam ko ang pagputok ng ilan sa mga buto ko.
Tumalsik ang katawan ko sa lakas nito. Sumadsad pa ang katawan ko sa lupa. Napaubo ako dahil sobrang lakas ng hampas na iyon. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon. Hinawakan ko ang nasaktang tagiliran. Maya maya, maghihilom rin ang natamo kong pinsala. Pero kahit na, nakabaon sa isipan ko ang sakit.
Hinipan ko ang kunting buhok na tumakip sa aking mukha bago naupo. Pinaningkitan ko ng tingin si Red.
He showed me his toothy grin as if mocking me. Talaga naman, pambihira. Ang saya pa ng loko!
Pinunasan ko ang dumaloy na dugo sa gilid ng labi ko.
"Fine, you want some fight!" Mabilis akong tumayo at mabilis na tumakbo sa derekyon niya. Paglapit ko sa kaniya ay mataas akong tumalon sa ere. I kicked his face but he blocked it with his wing.
Mas inipon ko ang enerhiya sa mga paa ko kaya kahit anong sangga niya lampasan pa rin ang sipa ko. Pinagmasdan ko kung paano tumagilid ang kaniyang leeg dahil tumama lang naman sa pisngi niya ang paa ko.
Oops, I think I hit another red button.
He roared again. I slumped on the ground. Laking gulat ko ng kagatin niya ang paa ko. Hindi naman masakit. Iyong sapat kagat na para isama niya ako sa kaniyang paglipad.
Halos bumaliktad ang sikmura ko dahil sa mabilis niyang pagpagaspas ng mga pakpak. Palihis ang kaniyang paglipad, minsa'y sisisid tapos iikot sa ere. Putlang-putla na ako dahil sa hilo.
"I GAVE UP! YOU WON! IBABA MO NA AKO PLEASE!" pagmamakaawa ko.
Huminto siya sa paglipad sa mismong ibabaw ng lawa at walang pakundangang bitiwan ako. Reminds me to kill him next time!
Bumulusok ang katawan ko gitna ng lawa. Ramdam ko ang haplit ng tubig sa katawan ko. Kung kanina init na init ako, ngayon, basang-basa na ako. Ang lamig ng lawa! What a headache. Umahon ako mula sa ilalim ng tubig. Ilang beses pa akong napaubo dahil sa nakainom ako ng tubig.
Napailing ako matapos makita sa tapat ko ang natutuwang dragon. Gumagalaw pa ang buntot nito. Halatang masaya dahil napasuko niya ako.
"At talagang masaya ka sa ginawa mo ah? Tch."
Tuluyan na akong nakarating sa lupa at saka tinupi ang damit ko.
"Grabe ha, ang gentleman mo masyado, tama ba na ihulog ako?" naiinis kong pahayag pero nginisian niya ako.
Kitang-kita ang matilos niyang ngipin. Mas lalong naningkit ang ginintuan niyang mga mata. A very proud dragon, indeed. Napailing na lamang ako.
"Stay here, kukunin ko lang iyong pagkain-"
Blag! Lumapag sa tabi ni Red ang isa pang dragon na kulay asul ang balat. She's a girl. Nasa bibig nito ang timba na may lamang mga isda. Nakatutok lang sa akin ang orange nitong mga mata. Dumukwang siya sa akin sabay bitaw ng timba na mabilis kong nasambot. Saka, ito naupo nang maayos sa harapan ko. Tila naghihintay na katulad ni Red.
Pinagmasdan ko ang magkapatid na four legged dragon. Kamangha-mangha silang nilalang. I wanna touch them. Itinaas ko ang kamay ko. Bahagya pang lumayo si Blue at inamoy ang palad ko. Tila, naninimbang pa.
Ngumiwi na lang ako. "Can I touch you?" hingi ko ng permiso.
Nagkatinginan pa ang magkapatid na dragon bago tiningnan ang palad ko.
"I guess not. I am not your master anyway." Akmang ibaba ko na sana ang kamay ko ng mismong inilapat ni Red ang ulo niya para mahawakan ko.
I smile triumphantly. May tinatago rin palang kabaitan ang pilyong si Red. Hinimas ko ang mainit na kaliskis nito. Ang kinis ng balat.
Blue hissed, pero ang tingin ay nasa hawak ko.
"Ow, you must be hungry." Itinahaw ko ang isda. Kumuha ng dalawa saka inilahad sa kanilang magkapatid.
Natuwa ako dahil kumain na sila. Pinagmasdan ko kung paano lunukin nila ang malaking isdang hinuli ko kanina. Kahit papano, nag-enjoy ako sa second task. Kaso, may katapusan ang lahat.
"You did a great job, taming Red." Mula sa sanga ng puno ay bumaba ang isa na namang babae.
She's smiling sweetly. Mahihiya ang lahat ng matamis dahil sa ngiti niya. Lumapit siya sa kinaroroonan ng dalawang dragon na mabilis siyang sinalubong. Halata ang saya sa kilos ng dalawa.
"Ikaw ba ang Master nila?"
Haplos niya ang ulo ng dalawang dragon.
"My name is Lethesia. I'm a dragon tamer."
Napatango na lamang ako. Kinuha ko ang timbang pinaglagyan ko ng isda kanina. Nakakatuwa silang pagmasdan. They look like harmony. They compliment each other.
"I guess, my work here is done. Alis na 'ko." Paalam ko.
"Tomorrow come to the easthern shrine garden."
Huminto ako bago siya nilingon. "Para saan?"
Nakita ko kung paano niya ako tawanan. Lumabas ang dimples niya. "Next task mo. Pwede ka ng umalis."
Right. Isang linggo nga pala akong alila nila. Ano kayang pumasok sa kukute ng dean nila para gawin sa akin ang ganito? Ako, alila lamang ng mga estudyante dito? Asan na ang pride ko bilang isang full pledge zoix warrior.
Nakakainis! Bahala na bukas.
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top