[05] LOST
HEIDRICH
Napangisi ako matapos makita kung paano tumalsik ang katawan ni Keleon patungo sa transparent barrier. Malakas na lumagabog ang likuran nito bago bumagsak. Halos aabot sa dalawampong metro ang layo, kaya't nakakatiyak akong nasaktan siya sa suntok na iyon ni Ruka.
"Wow, she's stronger than I thought. Hindi halata na ang maliit na katulad niya ay may itinatagong matinding lakas." Mababakas ang pagkamangha ni Crux.
"Hmn. Impressive physical strength. But, we know Keleon. The more he felt pain, the more he will be motivated to fight," saad naman ni Lethesia habang hinahaplos ang ulo ng dalawang natutulog na dragon na nasa kaniyang kandungan. Nasa baby form ang mga ito kaya't walang dapat na ikatakot.
Kasalukuyan nasa designadong pwesto ang lahat ng oracle knights kasama rin namin ang ibang mga faculty members maging ang mismong Dean ng School.
Why not? Ngayon na lamang muli nagkaroon ng dwelo na sangkot ang isa sa myembro ng Oracle Knights at kalaban pa nito ay isang newbie. A newbie who were a full fledge Zoix Warrior, who came back from her 10 years break under the elders order.
Lihim akong napangiti nang mapait sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang trahedyang naganap sampong taon na ang nakalipas. Kung saan sa unang pagkakataon sa kasaysayan, isang buong platoon na may isang daang myembro lahat ay nasawi. At tanging iisa lamang ang natirang buhay o mas magandang sabihin, nag-agaw buhay.
That was, the worst year we'd experienced lost in Arcadius. Maging ako man, hanggang ngayon, nagdadalamhati sa pagkawala ng pinakamamahal kong kapatid. But what can I do? Hindi ko na siya maaring ibalik pa sa amin. He was brutally killed together with his intire platoon.
I don't want to remember the state of his corpse. Ang nais kong gawin, ang ipaghiganti ang kapatid ko laban sa mga nilalang na iyon. That's why I had to break my promise I had made to him. I have to become a zoix warrior. To become a commander like him.
I will take my revenge.
"Oh boy! What is doing? Is he insane?" bulalas ni Visque.
Nakuha niya ang atensyon ko, kaya't pinagmasdan ko ang kaganapan sa unahan kung saan isang higanteng bola na gawa sa kuryente ang halos sumakop sa buong Arena na likha ni Keleon.
Pinagmasdan ko ang lagay nila. Parehong may pinsala ang dalawa. Puro galos, sira-sira ang kasuotan. Halos isa't kalahating oras na silang nagpapalitan ng atake.
"Nope, he lost it! Farewell, Ms. Newbie." Nagawa pang manukso ni Mist. Kaya't nakatanggap siya ng batok mula kina Dmitri at Eira.
"Shut up, dude. Tingnan mo si Cutie pie, she's not even bother. Mukhang amuse pa siya sa kapangyarihan ni Keleon," usal naman ni Trevour.
"Do you really think she can survive that attack? We know how dangerous and massively powerful Keleon's attack," iiling na pahayag ni Lilia.
"She can and she will. Just watch." Napatingin kami muli sa dereksyon ni Austria. Mukhang mataas ang kumpyansa niya kay Ruka. I don't know what happen between them but I agreed with her.
"How sure are you?" anas naman ni Noien.
Napangiti ako sa tanong nito.
"I'll bet my life. She'll get out of there alive," saad ko na lang dahil iyon naman talaga ang katotohanan.
I know, Ruka. She is a survivor because she is strong. I have faith in her.
...
KELEON
It wasn't according to my plan to unleash all my power just for this fight! Pero, malapit na ako sa sukdulan. Ramdam ko ang pananakit ng aking katawan at maging ang bali-bali kong mga buto.
Napangisi ako. Looks like I was the who underestimate my opponent. I admit, she's strong compare to my previous duel. Pulido ang bawat ataking kaniyang pinakawalan. Walang nasasayang na tira. Laging puntirya ang mahinang parte ng aking katawan subalit malaki ang tama.
How come, she can stand against me or worst, beat me? Hindi ko iyon hahayaan!
"So, I assume, this will be your last attack, am I right?"
Mas lalo akong naiinis sa tuwing kalmado lamang siya samantalang dapat ay nanginginig na siya sa takot.
Ibang klaseng babae. Nagawa pang magtanong. Walanghiya!
"Surrender now if you want me to spare your life."
"Oya?" Nag-unat siya ng mga braso. "Pasensya na, hindi ako marunong sumuko. Isang beses lamang akong natalo sa tunay na laban well, maliban kay Lolo. At hinding-hindi na iyon, masusundan pa." Ngumiti siya sa akin. "Come on, give me your best shot."
"You ask for it! Don't blame your death to me!" Iginalaw ko ang kamay ko patungo sa dereksyon niya. Sumunod ang bola ng enerhiya sa galaw ng aking mga kamay.
"Don't worry! I won't die! Ayaw kong masayang ang isang taong rasyon ng libreng melon cake!"
Damn this girl. She's so conceited! Natapalan pa ako sa kayabangan!
"Take this!" Tuluyan kong pinakawalan ang lighthing ball.
Nagkapira-piraso ang buong entablado at hindi ako nadamay dahil kapangyarihan ko iyon. Nanghihinang napaupo ako sa pwesto ko at hinintay ang kasunod na magaganap.
I'm sure enough she can't stand against my power. Poor girl, I won't hold back even though she's a lady. Pantay-pantay ang trato ko sa lahat ng aking kalaban. Walang favoritism.
Subalit gano'n na lamang ang pagkagulantang ko matapos makitang isang iglap na tumalsik pataas ang bola ng kuryente. Tinamaan nito ang barrier. Sa lakas ng enerhiya niyon ay nabasag ang pananggala. Hindi nakaligtas ang malaking monitor, maging ang bubong ng arena ay nawasak. Kitang-kita namin ang maliwanag na kalangitan at kung paano sumabog ang lightning ball sa himpapawid. Napapikit pa ako dahil sa sobrang liwanag niyon. At sa pagmulat ko, nagsipaghawian ang mga ulap.
"W...w-hat the heck, just happened?"
Saka napunta ang tingin ko sa babaeng katunggali. Kamot nito ang batok at nakangiwing nakatingin sa pinsalang sa loob ng arena.
"Oops! My bad! Napalakas ata ang pagkasipa ko. Hehe," she childishly said, as if it was nothing to her.
"Just what the fuck are you!" galaiti kong pahayag.
Paanong nagawa niyang i-deflect nang gano'n kadali ang kapangyarihan ko! Ni hindi man lamang siya natusta!
Ano bang klaseng nilalang ang taong kaharap ko!
"Kalma lang. Masyado kang hot!" pilya niyang pahayag na mas lalong nakapag-painit ng ulo ko.
"I'm not joking! Paanong nagawa mong masipa ang bola nf kuryente na hindi ka man lamang natusta!"
"Hala siya, so, gusto mo talaga akong matusta? Ang harsh mo, ah. Pasalamat ka nga dahil sinipa ko palabas iyon. Alam mong inipon mo ang natitira mong lakas sa huli mong tira, pero nakalimutan mo ata ang pinakaimportante sa lahat." Ngumiti siya. "Kaligtasan ng lahat ng naririto. They will be caught within the blast range of your lighthing ball, you know? Basic knowledge." Nagkibit-balikat siya bago pinagpagan ang kaniyang kasuotan na ngayon ay sira-sira na.
Kita na halos ang kaniyang tiyan, hita, binti, maging ang sa may itaas ng kaniyang dibdib. Umiwas ako ng tingin.
Saka ko lang napansin ang mga taong nasa paligid. Ang dami pala nila, masyado akong tuon sa kalaban ko, at nawala sa isipan ko na maaring may madamay sa huli kong atake.
Nagpakawala ako ng buntong hininga.
"Fine, you won," saad ko.
"Ha? May sinasabi ka?" Bwiset na babae 'to. Bingi lang.
Naiinis akong tumayo at ginulo ang blondie kong buhok. Napangiwi pa ako dahil sumakit ang katawan ko. Letche! Bugbog sarado ako!
"Walang ulitan sa taong bingi! Tch!" Tumalikod na ako at bumaba sa sira-sirang entablado.
"Oya? Ibig sabihin nito, libre mo ako ng melon cake ng isang taon!"
"Whatever, bansot!" sigaw ko pabalik bago tuluyan nakalabas sa arena.
Deym, ito na ata ang pinakaunang pagkatalo ko.
...
RUKA
Pagkatapos nang naganap na dwelo, ay mabilis akong lumabas ng arena. Why? Ayaw ko kasi ng mga pinupukol na tingin nila sa akin. Natalo ko si Keleon, dahil hindi naman kasi ako baguhan at syempre, isang malaking kahihiyan para sa isang katulad ko na full fledge Zoix warrrior ang matalo ng isang mag-aaral. Kamusta ang pride ko, nun?
Ano na lamang ang sasabihin sa akin ni Lolo kapag nalaman niya na natalo ako dito? Na inaamag na ako? Laos? Gano'n? Sakit naman sa kalooban. Pero, inaamin ko. Magaling talaga ang lalaking iyon. Akalain mo, nagawa niyang indahin ang mga pinsala sa katawan niya na ako may gawa? That's amazing! Sabihin na lamang natin na magaling nga talaga siya.
Pero ang mahalaga sa ngayon ang libreng melon cake!
Malapit na ako sa bungad ng girl's dormitory nang isang bulto ng katawan ng tao ang bigla na lamang humarang sa daan ko. Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya.
He smiled at me. He remind me of someone who's very important to me. Someone whom I lost. Someone, who's not coming back because I was weak to protect him.
"Hey?"
Nabalik ako sa huwesyo dahil sa pagbati nito.
"Yup? May kailangan ka?"
"Wala naman. Gusto lang kitang batiin sa pagkapanalo mo and also, welcome to Vixconzé Academy, I hope you will enjoy your stay. Good bye, Ruka." Tinapik niya ang kaliwa kong balikat bago umalis sa harapan ko.
I took a deep breath. Inaasahan ko na makikilala niya ako. 'Di na kasi nagbago ang itsura ko, simula nang trahedyang iyon. The truth was, I never consider my condition as blessing, because everytime I look at the mirror, one particular memory always appeared inside my mind-like a scar that I can't heal, no matter what I've done. I will always remember that tragedy. Kaakibat ng aking pagkatao.
Nagtungo ako sa room, para maligo dahil napakadungis ko. Marami akong natamong sugat dahil sa laban pero sanay na ako, lalo na sa hatid nitong sakit. Parang balewala na lamang ang lahat. I can bear the physical pain, but I suck when it comes with my emotional pain. I'm fake. I pretend to be happy, deceiving everyone but honestly, I'm slowly dying inside.
Pagkalabas ko sa banyo ay siya naman bungad nina Diana at Shantal. Nagtataka tiningnan ko sila habang pinapatuyo ko gamit ang isang towel ang maikli kong buhok.
"Ang agap n'yo naman umuwi?" Naupo ako sa kama ko. Nanatili silang nakatitig sa akin na pawa bang isa akong kakaibang nilalang sa kanilang harapan.
Medyo nailang ako nang kaunti lang naman. Nanunuot kasi sa kalmnan ko ang talim ng tingin ng dalawa. Pati ata kaluluwa ko, nais nilang pagmasdan.
What's with these two?
"M...may problema ba kayo? Bakit ganyan kayo makatingin sa 'kin?" takang tanong ko.
Napaubo si Shantal, tila ngayon lamang natauhan sa reyalidad. Dumukwang siya sa pwesto ko na ikinaurong ko. Nalaglag pa ang tuwalya mula sa buhok ko dahil sa gulat.
R-right, this girl doesn't really know the existencw of personal space. Gusto niya bang magkapalit kami ng mukha?
"You can't blame us, though!" hirit niyang sigaw. "Natalo mo lang naman ang isa sa myembro ng Oracle Knights! Sinong hindi mabibigla!"
Napalunok ako. "G-galit ka ba?"
Bahagya siyang napahawak sa ibabaw ng dibdib. "Me? Nope, I'm just too overwhelm of what we had witness a while ago. My gosh!" Sa wakas lumayo na siya sa akin at sa pagkakataong ito, pabalik-balik siya ng lakad sa harapan namin ni Diana.
Patuloy siya sa pagsasalita. "I was actually praying the heavens to spare your life from Keleon's wrath! Grabe ang kaba ko kanina na hindi ako mapakali!" Tumingin siya sa akin
"No offense, girl, but I was actually relieve when you didn't appear early! Ayos lang naman kung hindi ka talaga sumipot sa laban, mas mapapanatag pa ako kung gano'n."
Nagkibit-balikat ako. "None taken."
Hindi ko namam siya masisisi kung ganiyan ang kaniyang iniisip dahil 'di naman nila ako kilala nang lubusan. Natuwa pa nga ako dahil, nag-aalala ang magkaibigan para sa kalagayan ko.
"Then! In the neck of time you appeared in Treavour's arms! Grabe talaga! Alam mo bang ang daming girls ang halos nais kang patayin sa tingin dahil binuhat ka lang naman ng tinuturing nilang prinsepe! 'Di mo nasabi sa amin na close pala kayo ng isa pang myembro ng Oracle knights!"
"Umn, I don't think close is the right term but we just met yesterday in a bullet train. He's not alone that time, I also met Eira and Dmitri, wala lamang akong kaalam-alam na mag-aaral sila sa school na ito." Napakamot ako sa pisngi ko. Worst, they are also part of the Oracle Knight, talk about fate.
"Kahit na! Nakakatiyak akong, Trevour is so fond of you! Sabagay, 'di na iyon nakakapagtaka. Kyut ka naman eh."
Ano kayang nais nitong iparating?
"Let's move on! Did you really slept before the duel?" Naniningkit ang mga mata ni Shantal.
Dalawang beses akong tumango na medyo alanganin.
Bigla siyang humagikhik na ikinabigla ko. Pinanindigan niya talaga ang pagiging interrogator.
"Sorry about that, I can't stop myself. Kahit ako man tiyak magpupuyos sa galit kung iyong kalabanan ko, aba'y tinulugan ako. Now, I know why Treavour was there. Sinundo ka niya para paaumuin si Keleon."
"Shantal, tama na," sita ni Diana. "She's tired at least let her sleep."
Shantal pouted.
"Right, but before that, girl. Kami ng bahala sa sugat mo." Kumindat pa ito.
"Ah, hindi na kailangan, 'di naman ganoon kalala ang sugat na natamo ko," tanggi ko.
Agad umalma si Diana. "To us, healers, that wasn't acceptable reason. To see is to believe. Let's us, see your wounds. I know you are just trying to endure the pain."
Her maternal instinct is kicking out again. At batay na rin sa determinadong ekspresyon sa kanilang mukha ay walang makakapigil sa kagustuhan ng dalawa, kaya sa bandang huli ay hinayaan ko silang gamutin ang sugat ko.
"Fine, as if I can win against the both of you," talong pahayag ko na ikinatuwa ng magkaibigan. Gano'n na ba ka-big deal sa kanila ang gamutin ang sugat ko. 'Di naman malaki ang mga iyon kumpara sa mga natamo ni Keleon.
"Of course, wala ka talagang choice, hubad na, girl!" utos ni Shantal.
Napabuga ako ng hangin. "Kailangan ko ba talagang maghubad? Tiyan lang naman at saka sa likuran-"
"We have to see everything!" Diana interupt.
"Isa pa, huwag kang mahiya, we are all girls in here! Or maybe, you are hiding something underneath those clothes." Nagtaas-baba ang kilay ni Shantal.
Ngumiwi lang ako. "Yup, I am hiding something underneath my clothes," seryosong saad ko. "So, what are you going to do about that?"
Nagkatinginan muna ang dalawa, tinitimbang ang bigat ng mga salitang sinabi ko. Pero isang mapaglarong ngisi ang namutawi sa labi ni Shantal na siyang ikinakaba ko.
Oh ow, I think, I just threw a punch but it backfire to me.
"Pasuspense ka pa, girl! Let me see!" Bago pa niya ako mahawakan ay mabilis na umalis ako sa pwesto ko, kaya siya bumagsak sa kama.
Naramdaman ko ang isang presensya sa aking likuran kaya tumalon ako palayo kay Diana.
"Come on, what are you hiding?" kuryus na tanong pa nito.
"I'm also curious!" segunda pa ni Shantal.
Pareho silang nasa harapan ko. Handang hulihin ako.
"Umn, I change my mind. Don't heal my wounds. I can manage."
"Nope, as if, we will let you escape."
Naghanda na rin si Shantal. "Game on!"
Unang humakbang ito para hawakan ang balikat ko, mabilis akong umikot pakanan para iwasan siya. Sumunod na kumilos si Diana, balak niyang pigilan ako sa pagkilos sa pamamagitan nang pagkawak sa bewang ko pero tumalon ako at inapak ang dalawang paa sa pader para makaiwas sa dalawa. Tumalon ako sa ibabaw ng ulo ng dalawa patungo sa pinto.
"Later na lang, girls!" ngising pahayag ko matapos makita ang nakabusangot na mukha ng magkaibigan.
Binuksan ko ang pinto, handa na akong tumakas pero natigilan ako dahil sa pagbungad ng dalawang pigura. Akmang kakatok pa ang isa sa pinto no'ng binuksan ko. I just look at them, don't know what to say so, I just smile and that was my greatest mistake.
Sinamantala ng dalawang healer ang paghinto ko, dinambahan nila ako kaya pare-pareho kaming nabuwal sa sahig at malas dahil ako ang nasa ilalim.
I groaned when my whole body slumped on the hard ground. Balak ata nilang mas palalain pa ang kalagayan ko.
"Caught you!" bulalas pa ng dalawa.
"Y-yey! Congrats, pero pwede umalis na kayo sa likod ko? Ang bigat n'yo kaya!" reklamo ko.
Narinig ko ang paghagikhik ni Shantal."Oops! Sorry! But first! Promise to us, you won't try to escape!"
"Also, magpapagamot ka na sa amin," giit ni Diana, napaikot na lamang ako ng mga mata kahit 'di naman nila nakikita.
Ayaw talaga patalo. Nakakatakot ang combine power ng dalawang ito.
"Oo na! Just get off my back!"
Naramdaman ko ang paggaan ng likuran ko. I sighed in relief saka tumayo. Inikot ko ang braso ko, saka pinagmasdan ang dalawang bisita na tila nasisiyahan pa sa eksena naming tatlo.
"Oh? Eira and Austria, how nice. Anong ginagawa n'yo rito?" Mukhang kilala sila ni Diana.
"Good afternoon, sa inyong tatlo," bati nito bago lumipat ang tingin sa akin.
Samantalang, nanatili naman walang imik ang babaeng Austria ang pangalan. Small world talaga.
"The Dean's want to talk to you. Punta ka raw ng opisina nya."
"Mukhang seryoso ang pag-uusapan nila ah," tumango si Shantal. "She'll come, but after we fix her! Kaya halika na! Huwag ka ng mag-inarte pa!" Hinila niya ako papasok sa loob.
"Just make sure you'll come in his office. Alis na kami," paalam ni Eira. Binigyan pa ako ng huling malamig na tingin ni Austria saka sila sabay na umalis.
I have a bad feeling I've done something to her, but I don't even have any idea at all. Addition to that, what does the Dean wants from me?
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top