[04] THE DUEL

When I was just five years old, grandpa Rox taught me how to fight using hand to hand combat. I never had a chance to defeat him back then but he never hold back. He fight me seriously to show how much severe my training was. I learned how to take pain. I learned to experience beaten to a pulp by thousands of times. I learned to gave up but afterwards, stand up another day-to fight again.

He made me understand my own capability. And that was just my stepping stone as a warrior. But what essential is that I learned to never gave up and to always be humble. Maybe I should teach that Keleon guy some lessons too? Wala naman masama kung gawin ko iyon. Masyado na siyang kinain ng kayabangan at pagiging arogante.

Hindi dahil sa malakas siya ay gagamitin na niya iyon para sa pansariling kapakinabangan. Saka, ginamit pa niya iyon para manakot. Ano bang nangyayari sa mundong ito? Lumalaganap na nga ang panganib sa labas ng border tapos, maging dito sa loob may banta rin? Wala nang mapaglagyan ang kapayapaan.

Inayos ko ang pagkakasuot ng red longsleeves sa katawan ko naka-tuck-in iyon sa pantalon na black saka isinunod ang isang white vest na may golden lining. Ibinutones ko iyon kaya masyadong nahulma ang katawan ko maging ang 'di kalakihang dibdib. Pinagmasdan ko ang kabuuan ko sa human size mirror. Sa halip na palda ay pantalon ang pang-ibaba saka isang pares ng black knee boots.

Kulay pula ang longsleeves para sa infielder, sa support class naman ay asul at ang panghuli kulay berde at nakasuot ng skirt sa mga babae at pantalon sa mga lalakeng healer.

I like our uniform but what will happen if it was use in battle?

"Tapos ka na?" usisa ni Diana.

Nilingon ko siya. Nakasalapid ang mahabang itim niyang buhok at asul na laso ang panali. Nakapalda siya ng itim at berde na longsleeves. Healer class pala si Dianan pero ang nakakuha sa atensyon ko ang pinapagla niyang dibdib. Napasimangot ako bago napabaling sa akin. Napabuga ako ng hangin. Kumakain naman ako ng marami bakit hindi ata lumalaki?

Well, pwede pa rin akong maghintay.

Mabilis ko lang sinuklay ang buhok ko. Maikli lang naman kasi ang buhok ko na gabatok. Lolo always reminds me that I should cut my hair short. Malaki daw sagabal sa laban kapag mahaba ang buhok.

"Tapos na! Let's go!" Ambang bubuksan ko na sana ang pinto nang hilahin niya ang braso ko at pinaupo sa kaharap ang salamin.

"You should treat your hair properly," panimula niya bago muling suklayin ang maikli kong buhok.

"Eh? Kunting suklay lang kailangan ng buhok kasi maikli naman ito."

Napabuga siya ng hangin. "Still not good enough. What have been you doing with yourself? A lady is suppose to take care of her body."

Napangiwi ako sa sinasabi ni Diana. Ang totoo, wala ang proper etiquette sa mga pinag-aralan ko. Tanging pakikipaglaban lamang kaya siguro medyo brusko ako gumalay kumpara sa kanila na kahit nakikipaglaban ay naroroon pa rin ang pagiging elegante at babaeng kilos.

Sinalapid niya ang buhok ko at inipon iyon sa likuran at inipitan ng isang hairclip na parang rosas ang disenyo. Diana is a gentle person. Sinuklay niya ang dulo ng buhok ko at nang makitang maayos na ang kaniyang gawa saka lamang niya ako pinakawalan.

"Let's go! Shantal is patienlty waiting outside." Hinawakan niya ulit ang braso ko at sabay kaming lumabas at tulad ng sinabi ni Dianan naroon nga sa labas si Shantal.

Nakalugay ang kulay kahel niyang buhok habang may clip sa kanan gilid ng kaniyang buhok. Nakasuot rin siya ng katulad ng kay Diana. Healer class 2nd year. Kahit walang kulurete sa mukha ang dalawa ay lantad pa rin ang natural nilang ganda.

"Natagalan ata kayo?" nakataas ang kilay na tanong niya.

"Well, I fixed her hair." Sabay harap niya sa akin kay Shantal.

Nailang ako nang pakatitigan niya ang mukha ko. Para siyang isang striktang maestra.

"Hmn! Alright! Do'n daw muna tayo sa auditorium para sa orientation."

Oya? I thought I'll die. Sa wakas nakahinga ako nang maluwag dahil nakawala na ako mula sa kanila. Ganito ba ang mga tao rito? Walang personal space?

"By the way, Ruka," agaw atensyon ni Shantal.

Kasalukuyan na kaming naglalakad patungo sa auditorium. Marami-rami na rin lumalabas na mga estudyante at sa iisang lugar lang ang punta namin.

"Ano 'yon?"

Pinaningkitan ako ng tingin nito. "Kalat na sa buong Vixconzè ang magaganap na laban n'yo ni Keleon mamaya."

"Ah, okay."

Napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. "Oh! Heaven! Kayo nawa ang bahala sa kaibigan kong ito."

Natawa ako sa itsura niya. Parang mas problemado pa siya kaysa sa akin.

"Stop laughing, girl! You should be nervous right now! You'll be facing the third rank in the whole school and for the mery fact that he's a member of the Oracle Knight. Dapat, alalahanin mo rin iyon!"

"I know. I know. I'll be fine." Tila confident ko pa na pahayag sa kanila.

They both sighed. "Keleon won't hold back. Can you really stand against him, later?" Naroon ang pag-aalala sa malabnaw na mata ni Diana.

"Masasagot ang lahat mamaya."

...

KELEON

Nakapamulsa akong bumaba mula sa kwarto ko. Gulo-gulo pa ang blondie kong buhok pero wala akong pake. Nagugutom na ako. Hindi ako nakakain nang maayos kagabi dahil sa isang babae.

Tch! Ang lakas ng loob ng bansot na 'yon para galitin ako! Makikita niya ang nararapat sa mga tulad niyang mayabang! Damn! My melon bread!

Napakuyom ako ng kamao sa tuwing naalala ko ang pagkain niya sa paborito kong pagkain. Hindi ko siya mapapatawad! Ipapakita ko sa bansot na 'yon kung sino ako. Hinding-hindi na talaga siya makakaulit! Nagtungo ako sa dinner area katulad nang nakagawian, palagi ako ang nahuhuli gumising. Kumpleto na kaming lahat.

"Umagang-umaga nakangisi ka. May papatayin ka ba?" bungad ni Mist.

Misthian Collenial Von Grace, labinsiyam na taong gulang. Ikapitong anak na lalaki ng duke sa kaharian ng Aster sa kontinente ng Lydia. Pang-anim sa pinakamalakas dito sa school. Kulay asul ang kaniyang buhok at napakaputi ng balat, he got a pair of amethyst eyes. He's always bored and sleepy.

Naupo ako sa parte ng mga lalaki habang kaharap namin ang mga babaeng 'di makabasag pinggan kung kumain.

"He's about to kill someone later," tugon ni Crux kay Mist. "Aww! Naawa tuloy ako sa babaeng iyon. Tch, she's kinda cute pa man din."

Crux Hallaux De Vein, labinwalong taong gulang. Pangatlo sa anak ng isang Marquis sa kaharian ng Ashtharoth. He is a vampire. Red hair, blue eyes and pale skin. Cold blooded creature. He drink animal bloods but he is a womanizer.

Sabay-sabay na napatingin kay Crux ang lima sa mga kasamahan ko. Laking pagtataka ko dahil parang apektado ang mga ito kagabi pa. Pero wala naman silang sinasabi ni anuman.

"Hey! I found her first-" Tinakpan ni Dmitri ang maingay na bunganga ni Trevour.

Trevour Maze, labinwalo, pangalawa sa anak ng heneral dito sa Levithian Kingdom. Masasabi ko na mabait siya lalo na pagdating sa mga babae. Matalas ang pandama at lalo at higit sa lahat walang hihigit sa kakayanan niya bilang shooter.

"Don't shout and just eat, Trevour," sita ni Dmitri.

Dmitri Ian Cross, labinwalong taong gulang. Masyadong tahimik, ayaw sa maiingay na lugar, snob. Sa kabila ng nakakainis niyang pag-uugali ay maasahan siya pagdating sa labanan. Masunurin siya sa aming leader. Ngunit, ibang klaseng tao, kapag nasa nakikipaglaban. Masasabi ko lang na mahirap siyang maging kaaway.

"Are you really sure, you'll gonna duel a newbie?" seryosong tanong ni Eira.

Meiralia Venzantine, anak ng duke mula sa kaharian ng Ysteria. She uphold her title as a daughter of a poweful family. Sa kabila ng pagiging mahinhin ay napakalakas din ng babaeng iyan. She loves tea and reading books as her past time but when it comes to fighting, better hide. Wala siyang patawad.

Ngumisi ako bago kumuha ng bacon at kinain iyon. Ano bang problema ng mga 'to? Bakit pakiramdam ko tutol sila sa nais ko? Hindi naman sila ganito dati, ah? Ano kayang mayroon sa bansot na iyon para maapektuhan ng ganito ang mga kasama ko? Dahil ba sa newbie iyon? Tch, wala akong pake. Basta kailangan ko siyang pagbayarin sa kaniyang nagawa. Mata lang niya ang walang latay.

"Bakit hindi? She ate my favorite dessert not only that but she can stand against my presence easily without sweat. I wanna learn more about her."

Napabuga ng hangin si Leader bago nagsalita. "Just be careful."

Buti payag siya kaso may kasamang babala. Looks like I got his permission. Wala nang sabit.

"Be careful? Don't worry I won't kill her but I wanna break some of her bones."

Nakita ko ang pag-iling ng ilan sa mga kasamahan ko at karamihan ay mula sa kababaihan. Umiling naman si Heidrich, dismayado sa sagot ko.

"What he meant was, you should be careful of her. Don't be decieve by her looks."

Natigilan kaming lahat dahil sa biglang pagsalita ng hindi palaimik sa aming grupo. Binalingan namin siya na para bang tinubuan siya ng maraming ulo. Sumubo siyang muli sa pagkain, ni hindi man lamang kami nagawang tapunan ng tingin. Tila, hangin lamang kami sa kaniya.

Lihim akong napangisi.

Maging ang popular na si Austria Renesmee Helmian ay nagawang makisabay sa usapan namin na bihira niyang gawin. Lalo na't kilala siya bilang tahimik at snob na prinsesa at may nick name pa siyang the Silver Ice Princess dahil sa natatanging kulay ng kaniyang buhok. Maikukumpara ang kakayanan niya sa pakikipaglaban sa mga kilalang mandirigma ng kaharian sa Thurna. Ikatlong anak siya na babae ng hari. Mula pagkabata sumailalim na siya sa matinding pagsasanay at nais niyang makatuntong sa frontlines kasama ang mga kapatid. Sayang ang taglay niyang ganda, pero wala naman akong magagawa dahil iyon ang nais ng ating prinsesa.

"Ow, this is new. Maging si Austria mukhang interesado sa babaeng iyon. What's her name again?" taas kilay na tanong ni Lilia habang iniikot ang tasa na may lamang jasmine tea.

Lilia Shiore Ausburn, an elf. Mula sa kaharian ng Ashtharoth. She's a great healer of our group and also a support. May kulay golden brown ang mahaba niyang buhok. Mestisa, matilos ang kaniyang tenga at masasabi ko na may maganda siyang pangangatawan. Lahat naman ng kasama na mga babae sa aming grupo ay magaganda. Pero may ibubuga sila pagdating sa labanan. Iyon lang ata ang kaibahan nila sa ibang kababaihan.

"Ruka Almerah Drios, 16 from the kingdom of Shouzën. To be more specific, she came from the Village of Shüra which could be found near its border. Power unclassified. Ability, restricted also. Weapon, nothing to be found." Nababagot na saad ni Visque habang ini-scroll pababa ang isang holographic monitor sa kaniyang harapan.

Visque Rune Jen'r, seventeen, second daughter of our dean. An infielder. She got a raven hair, grey eyes. A beauty to die for. Techy? She just love technology lalo na pagdating sa mga Vox Weapon, isang kilalang inventor kasi ang kaniyang Ina na kasama sa mga nakalikha ng bagong sandatang makakayang labanan ang mga Evil Ones.

Napabuga ng hangin si Lethesia. "Visque, you're not supposedly, hacking the school system, kahit pa anak ka ng ating Dean. Every student's data are all restricted. So stop that already before your Dad founds out," suway pa niya na kaagad na sinunod ni Visque, pagkatapos ay napairap pa ito.

Lethesia Rae Treous, eighteen, from the kingdom of Darcon. A known, dragon tamer. She got a golden eyes. Grey haired girl. Paled skin. Mas malakas ang pisikal niyang lakas kaysa pangkaraniwan. Pero, huwag mamaliitin ang kakayanan dahil kayang-kaya niyang pisakin sa isang kuyom ng kamao ang pinakamatigas na uri ng bato sa Arcadius. Isama pa ang dalawang alaga nitong si Blue at Red. Nakakatakot ang laki at bangis ng kambal na dragon.

"Hmn, interesting. I shall watch your duel later then." Tumayo mula sa pagkakaupo si Noein. She smiled at us. "I'm finish, punta muna akong garden," paalam pa nito bago tuluyang umalis.

We just watch her back until we can't see her.

Noien Corpus, seventeen, ang nag-iisang Arcadian na nagmula sa kaharian ng Zarconia o mas kilala bilang kaharian ng mga ordinaryo walang natatanging kapangyarihan. But she prove as wrong. Dahil kahit na mula siya sa mahinang lahi ay nagawa niyang makisabay sa aming lahat at lalo na ang makasama sa Oracle Knights, she in the 12th place though but that achievement is still very hard to gain. Yup, she have our back.

"By the way, anong oras ang laban?" usisa ni Heidrich.

Sumandok ako ng pagkain. "Exactly two in the afternoon, location, arena. I just hope she won't bail on me."

Ibinaba ni Leader ang mug ng kaniyang kape saka tumingin sa akin ng deretcho sa mata. That took me off guard. He smiled at me.

"Don't worry. Girl like her, won't just back down from a fight. Especially from a strong opponent. Don't blame me after this, Keleon. I already warned you. Be careful," saad niya na hindi naalis ang ngiti sa labi.

Bigla akong kinilabutan sa sinabi nito. Bakit pakiramdam ko may nalalaman siya na hindi namin alam tungkol sa babaeng iyon? Bakit ganito na lamang si Leader umakto? Ano bang mayroon sa babaeng iyon? Mas lalo akong nasabik na makalaban siya.

...

RUKA

Bigla akong nakaramdam ng kilabot sa buo kong katawan. Bakit kaya? Ewan, pakiramdam ko maraming mga mata ang nakatingin sa dereksyon ko. Mula sa hawak kong aklat ay ibinaling ko ang aking atensyon sa paligid. Alam kong napapaligiran ako ng maraming estudyante pero imposible naman na pagtuunan nila ako ng atensyon, diba?

Nagkibit-balikat na lamang ako at ibinalik muli ang atensyon sa aking binabasa matapos makitang wala naman nakatingin sa dereksyon ko. Hindi pa nakakalimang segundo akong nagbabasa nang muli kong naramdaman ang maraming mata sa aking likuran.

Oya? Bakit sila ganyan sa akin? Mukha ba akong kasiya-siyang bagay para sa kanila? Ngayon lang ba sila nakakita ng kyut? Kapal ko talaga.

Ipinagsawalang bahala ko ang kanilang mga titig at muling itinuon ang atensyon sa aklat na aking binabasa. It was a cook book. Nakakapagtaka siguro na ganitong klase ng aklat ang binabasa ko, ano? Pero, nais ko sanang magluto ng pagkain. Marunong naman ako dahil simula pagkabata, ako na ang nagluluto para sa sarili ko at kay Lolo.

Susubukan ko lang dito magluto dahil ayaw ko ng magtungo sa cafeteria, tutal may kusina naman sa dorm at may mga sariling kasangkapan panluto na rin. Maari akong bumili ng sangkap tuwing weekends. Tutal, iyon ang pahinga days dito sa Vixconzé at pinapayagan na lumabas ang mga mag-aaral basta babalik bago ang curfew. Napangiti ako. I can't wait to try new dishes!

Mayamaya ay napahikab ako. Nakakaantok ang katahimikan dito sa malawak quadrangle. Isama pa ang sariwang hangin. Gusto ko tuloy matulog. Tiningnan ko ang relo. 12:15 pa lang naman.

Iidlip lang akong kaunting oras. Wala ngayong klase kundi orientation lamang para sa bagong taon ng pasukan kaya wala akong dapat alalahanin.

Sumandal ako sa puno ng Xoerin-isang matayog na puno na may higanteng mga dahon. Ipinikit ko ang aking mga mata saka natulog. Pero, bakit pakiramdam ko may mahalagang bagay akong nakalimutan? Hayae na. Basta ang mahalaga ay matulog ako!

...

"Hey!"

Someone shake my shoulder.

"Grandpa! Three minutes more please!" Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at muling pinagpatuloy ang pagtulog.

May narinig akong hagikhik ng tawa pero hindi ko pinansin dahil inaantok pa ako.

"Hindi ka ba gigising?" Mahinahon ang tinig na iyon at saka 'di pamilyar pero halata ang natatagong kamandag.

Pero wala akong pake.

"She's still sleeping, what should we do? Kanina pa naghihintay si Keleon sa arena."

"Grabe, nagawa pa niyang matulog bago ang duelo kaysa ang magsanay. Unbelievable."

"We don't have a choice. Trevour you know what to do."

"Of course, Eira! Leave her to me!"

Nagulat ako nang may nagbuhat sa katawan ko at basta sinakbat sa balikat na parang sako lang ng bigas. Mabilis na nagmulat ako ng mga mata. Napakunot ang noo ko nang makita ang nakabaliktad na tatlong pigura. Sina Dmitri, Eira, at ang babaeng may silver hair. Lahat sila pamilyar sa paningin ko. Anong ginagawa nila rito?

"Hold on tight, cutie pie," saad ni Trevour ang nagbuhat sa akin.

Oya? Ano bang nangyayari? Bago pa tuluyang mag-sink in sa utak ko ang lahat ay mabilis na kumilos si Trevour. Parang bumaliktad ang sikmura ko dahil sa bilis niyang pagkilos.

"Hep! Hep! H'wag kang susuka! Bibitiwan talaga kita kahit kyut ka!" banta nito.

Kaya napatakip na lamang ako sa aking bibig saka marahan pumikit. Sana matapos na ang turture na ito! Nasusuka na talaga ako!

"We are here, cutie pie!"

Hindi ko pa naimumulat ang mata ko pero rinig ko na ang ingay sa paligid ko. Sabay-sabay silang magsalita na akala mo mga bubuyog.

Ibinaba ako ni Trevour mula sa kaniyang balikat.Saka niya ginulo ang aking buhok. Mabilis akong nagmulat ng mata. Siya kaagad ang bumungad sa akin. He's smiling again just like the first time we met.

"Galingan mo, cutie pie," huli niyang paalam bago nawala sa harapan ko.

Nasa gitna ako ng isang malawak na entablado sa arena. At sa kabilang dulo, naroon nakatayo habang nakapamulsa ang seryosong si Keleon na mababakasan rin ng pagkabagot at inis ang mukha.

Oya? Bakit ang sama niya kung makatingin sa dereksyon ko? Ano na naman ba ang ginawa ko?

Inilibot ko ang paningin. Ang daming mga estudyante na nakaupo sa overstep blenchers. Maliwanag din ang paligid at may higanteng hologram sa itaas ng maladome na bubong ng arena kung saan mapapanood kaming dalawa ni Keleon. Ano nga bang mayroon dito? Saka bakit ako nandito sa gitna?

"Akala ko naduwag ka na, bansot. Two minutes na lang, late ka na sa takdang oras ng dwelo natin. Tch, don't tell me, you got scared on the last five minutes." Nariyan na naman ang ngisi niyang mapang-asar.

Kunot-noo ko siyang pinagmasdan. Late? Bansot? Dwelo? Hinimay-himay ko pa sa isipan ang mga sinabi nito hanggang sa tila may nagliwanag na lightbulb sa utak ko.

Napapalakpak ako bigla dahil sa pagkabangag ko.

"Ah! Hehe. Nawala sa isipan ko. May dwelo nga pala tayo. Iba talaga kapag bagong gising," natatawang saad ko na ikinasalubong ng kilay nito.

Oops! Mas lalo siyang nagalit. Eh, sa iyon ang tunay na dahilan. Naging tapat lang ako.

"Bagong gising? Teka lang! Huwag mong sabihin tinulugan mo akong babae ka!" dumagundong sa buong paligid ang sigaw ni Keleon.

Napangiwi ako bago pinagpagan ang ulo kong may kaunting damo at tuyong dahon.

"Kasalanan ko ba kung masarap matulog sa quadrangle?" Humikab ako. "Saka, inaantok-" Isang mabilis na kuryente ang dumaplis sa may gilid ng kanan kong mukha.

"Kung gano'n ay titiyakin kong matutulog ka nang habambuhay, bansot!" Hindi na ito nag-atubili pa na sumugod sa akin.

Oya? Hindi ba uso sa kaniya ang go signal? Nilingon ko ang isang guro sa may tabi na siya ata ang referee sa laban ito. Napailing na lamang siya at walang nagawa dahil kay Keleon.

Mabilis akong tumalon mula sa kinatatayuan ko kung saan tumama ang malakas na suntok ni Keleon. Nabitak ang sahig, naglalabas pa iyon ng mumunting kuryente.

Lumapag ako nang maayos malayo sa puwesto ko kanina. Nakakatakot ang isang 'to. Masyadong mabilis.

"You're quick." Puna niya bago tumayo. "But there is no faster than lighting."

Bigla siyang nawala sa harapan ko na ikinagulat ko.

"Pagsisihan mo ang pangmamaliit sa akin, bansot. I won't hold back anymore," bulong niya sa likuran ko.

Agad kong iniharang ang kaliwa kong braso sa tagiliran ko upang mabawasan ang impact ng roundhouse kick nito pero hindi iyon sapat para mapigilan ang katawan ko sa pagtilapon. Nagpagulong-gulong ang katawan ko sa entablado.

Weh, malakas nga talaga ang lalaking ito. Ramdam ko ang pamamanhid ng katawan kong sumalo sa atake niya.

"Ano? This duel, isn't just a game, newbie. Nakasalalay dito, ang buhay mo. I can easily kill you."

Naglakad siya palapit sa dereksyon ko. Dahan-dahan. Saka siya dumukwang sa may mukha ko.

"Gising ka na ba?" tudyo niya. "Ang hina mo naman pala."

Mahina? Ako? Nginisian ko siya bago hinaklit ang collar ng kaniyang uniform at walang pasabing inuntog ang noo namin sa isa't isa.

"Fuck!" usal niya dahil sa sakit. Binitiwan ko na. Kawawa naman eh. Nakasalampak siya sa sememto habang hawak ang dumurugong noo.

Tumayo ako na pawang hindi ako apektado. Sa tigas ba naman ng bungo ko, talagang wala lang iyon.

"Its just a headbutt but you are already groaning in pain. Weak!"

He look at me with full of rage. Oh ow! I think, I push some red button.

"You! Pagbabayarin talaga kitang babae ka!" Nabalutan siya ng kuryente at muli na naman umatake.

Panay lamang ang ilag ko. Napapangiwi sa tuwing dumadaloy ang kuryente sa katawan ko na galing sa kaniya. Gumagapang iyon na siyang nagpapamanhid sa pakiramdam ko.

"Fight! Don't just dodge!" sigaw niya.

"Heh? You want me to reciprocate your feelings, aye?" tukso ko na ikinakunot ng noo nito.

"Ano bang pinagsasabi mong bansot ka! Labanan mo ako, pwede ba!" Sumipa siyang muli.

Tumalon ako patalikod at itinukod ang dalawang palad sa lapag bago inikot ang katawan ko para bigyan siya ng sipa sa dibdib na ikinatalsik niya. Mabilis kong binigyan lakas ang mga kamay para makabango ako nang maayos saka muli siyang hinarap.

"If I won this fight, I want a year ransion of melon cake," demand ko.

"Ano! Nahihibang ka na ba!"

Napatakip ako ng tenga. "Hey! Don't shout! Kalapit mo lang ako, kaya!"

"Ikaw rin kaya sininigawan mo ako!"

"Naninigaw ka! Pauna ka!"

"Wala kang pakialam kong sumigaw ako!"

"Oya?" Napahawak ako sa dibdib ko. "Nakakasakit ka ng damdamin, Mr. whoever you are."

Napaawang ang mga labi niya. "Punyeta! Tigil-tigilan mo ako, bansot!"

"Ang boring naman kasi kapag walang hunch ang labang ito! Dapat may premyo para ganahan ako."

"Teka nga! Problema mo na iyon! Ang sa akin lang, lumaban ka!"

Nagpahalukipkip ako at tiningnan ang mukha nitong nababahiran ng dugo maging ang blondie niyang buhok ay namantsahan din.

"Pumayag ka na kasi! Kung sino ang mananalo! Bibigyan ng isang taon na rasyon ng free melon cake ng talunan! Tutal, pareho naman nating paborito ang pagkain iyon! O, aangal ka pa?"

Napaisip siya sandali sa sinabi ko. "Sige! Payag ako! Gusto ko rin naman niyon kaya pagbibigyan kita! So, ano? Lalabanan mo na ba ako?"

Pinaputok ko ang buto sa leeg at nag-unat ng mga kasukasuan.

"Oh hell, I will!" sigaw ko bago umatake.

Halata ang gulat sa mukha niya matapos masaksihan ang aking bilis.

Inamba ko ang aking kanan kamao sa kaniyang mukha.

Iniharang niya ang nakakrus na mga braso para protektahan ang kaniyang mukha pero hindi iyon sapat na pananggala laban sa lakas ko. Kung may ipagmamayabang man ako ay iyon ang taglay kong physical strength. Mas malakas ang pangangatawan ko kaysa sa pangkaraniwan.

Despite the fact that he is from a powerful clan, I'm stronger than him even if I'm not using my attribute and skills. Just my strength is enough to defeat him.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top