PTP - 28

Piper's

"Noona, hindi mo ko iiwan diba? Walang magbabago diba?" Habang sinasabi nya ang mga salitang iyon ay nararamdaman ko rin ang paghinga nya dahil sobrang lapit nya na talaga sakin. Hindi ko alam kung sasagot ba ako kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko o may isasagot pa ba ako? Pinikit ko na lamang ang mga mata ko para masabi nyang tulog na ako.

Naramdaman ko na inalis nya na ang pag-alis ng yakap nya. Nakahinga naman ako ng maayos dahil dun, Halos hindi na kasi ako makahinga dahil sa sobrang kilig. Takte ka, kim taehyung. Ano bang ginagawa mo sakin? Balak mo ba akong patayin ha? Ilang minuto pa at naramdaman ko ang pag-upo nya.

"Alam kong gising ka pa noona hahaha." Sambit nya. Huli na agad. Napakagaling ko kasing magpanggap eh no.

Wala na akong nagawa kundi imulat nalang ang mga mata ko at umupo na rin katabi nya. Tinignan ko sya at nakatulala lang sya. "Hoy, anong iniisip mo dyan? Ako na naman ba? Ikaw ha." Biro ko sa kanya.

"Hindi ka naman nawala sa isip ko. Lagi naman ikaw ang iniisip ko, noona." Wika nya sabay tingin pa sakin at sinamahan nya pa talaga ng ngiti ha. Nako, kim taehyung. Ipapakulong na talaga kita dahil jan sa killer smile mo gago.

"Ewan ko sa'yo! Dapat sa mga mais na katulad mo at natutulog na. Anong oras na oh? Tulog na tayo." Sambit ko nalang. Ganyan talaga mga galawan kapag ayaw mong ipakita yung kilig mo eh. Mais daw pero kinilig naman.

"Sige, tulog na tayo pero sagutin mo muna yung tanong ko."

Ewan ko pero kinabahan ako nung sinabi nya yan. Napakaseryoso kasi ng mukha nya tapos dumagdag pa yung seryoso nyang boses. Napalunok muna ako ng laway ko bago magsalita. "Hmm, ano yun? Para makatulog na."

Tumayo sya at may kinuha sa maliit na cabinet ko. Hawak nya na ang isang papel na nakaroll pa.. Malayo palang, alam ko na agad kung ano ang papel na iyon. Dali dali akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nya at sinubukang agawin ang papel  na yun pero masyadong mabilis ang kamay nya kaya naitaas nya yun. "Akin na yan please." Sabi ko sa kanya ngunit hindi sya nakinig daahil binuksan nya pa iyon.

"Gustong gusto talaga nilang makita ako no? May pa missing missing pang nalalaman tangna hahahaha ang effort naman." Sabi nya kaya napaatras nalang ako. Wala na, nakita nya na.

"Noona, kaya ka ba meron nito dahil gusto mong maibalik ako sa kanila at makuha mmo yung 500,000?" Tanong nya. Hindi man lang ako makatingin sa mga mata nya dahil ramdam ko na ang pagkagalit nya pati na rin ang pagkalungkot. "Sagutin mo ko, ipagpapalit mo ba ako sa pera?!"

Sobrang lakas ng boses nya. Ngayon nya lang ako sinigawan ng ganto. Ramdam na ramdam ko ang pagkagalit nya. Hindi ko alam ang gagawin ko nor sasabihin ko sa kanya. Mas Lalo akong nagulat dahil mahigpit nyang hinawakan ang braso ko. "SAGUTIN MO AKO."

"Taehyung ano ba! Nasasaktan ako. Bitaw nga" Sigaw ko sa kanya. Unti unti naming lumuwag ang kapit nya sakin. Tinignan ko sya at nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. Umiiyak sya... at ako ang may kasalanan nun.

"Lahat nalang ba kayo iiwan ako? Lahat nalang ba ipagpapalit ako sa tanginang mga pera na yan? Akala ko iba ka noona.. Akala ko—"

Hindi ko na sya pinatapos dahil agad ko syang niyakap. Hindi ko kayang nakikitang ganto ang mahal ko.

"Hindi ako aalis. Hindi ka iiwan ni noona. Andito lang ako..promise"  Bulong ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagyakap nya rin sakin. Para syang batang umiiyak ngayon.

"Kung ano ang sinabi mo, yun ang paniniwalaan ko. May tiwala ako sa'yo noona. Salamat."

No. Hindi ko deserve yang thank you mo dahil sa pagsisinungaling ko.

Sorry taehyung...

————

Dahil sa mga ingay na naririnig ko sa labas ay unti-unti ko nang minulat ang mata ko. Naramdaman ko naman ang mabigat na brasong nakapatong sa tiyan ko. Tumimgin ako sa katabi ko at biglang napangiti nang makita ko syang mahimbing na natutulog. Hindi din nagtagal ang ngiting iyon dahil alam kong ngayon na ang araw na kinakatakutan ko.

"Tete! Gising na." Sigaw ko sa kanya at tinapik tapik pa yung braso nya. Pero la epek kasi nakapikit pa rin sya. Inalis ko na lamang yung braso nya na nakapatong sakin at tsaka tumayo na.

Naglakad na ako papunta sa may kusina at tinignan kung ano ang makakain doon. Napunta naman ang atensyon ko dun sa sardinas..

"Whoa noona! Sarap nito ah. Ano ulit tawag dito? Adidas?"

Adidas... Napangiti ako nang wala sa oras dahil naalala ko yung gabing sabay kaming kumain. Panahong pinipilit nya pa akong magstay sya sa maliit na bahay na 'to hays.

Wala na palang bigas kaya bibili na muna ako dun sa malapit na tindahan dito. Bago pa man ako lumabas ay nakita ko si taehyung na mahimbing pa ring natutulog. Gustong gusto ko nalang syang titigan ngayon kasi alam kong ito na ang huling araw na makikita ko syang matutulog sa maliit na kama ko. Naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha ko kaya agad ko iyong pinunasan. Tumalikod na ako sa kanya at lumabas na ng bahay.

Pagkalabas ko ay kitang kita ko ang mga kotseng nasa harap ng bahay ko. May mga lalaki ring nakasuot ng itim at bigla silang lumapit sakin kaya napaatras ako. "Anong kailangan nyo? Magnanakaw ba kayo? Puta mas mayaman pa kayo sakin!" Sigaw ko sa kanila.

Hinawakan nila ako sa magkabilang braso. Nagpupumiglas naman ako. "ANO BA KASING KAILANGAN NYO? CRUSH NYO BA AKO? SORRY DI KO KAYO TYPE."

"Nasan si Mr. Kim?" Tanong nung isang lalaki sakin.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong nila. "Aba malay ko! Ginagawa nyo ba 'to para hanapin sakin si Kuya Kim? Baka naman nasa set ng matanglawin! Wala dito sa bahay ko." Sagot ko naman sa kanila pero napailing na lamang sila.

Mukha ba akong hanapan ng mga nawawalang artista? Pero nawawala ba si Kuya kim? Hayst kawawa naman.

"NOONA!"

Napatingin kaming lahat sa lalaking tumatakbo patungo sa direksyon ko. Medyo magulo pa yung buhok nya pero sobrang gwapo nya pa ring tignan. "Taehyung! Tulong." Sigaw ko sa kanya.

Nang makarating sya sa kinaroroonan ko ay agad nyang sinuntok yung mga lalaking nakahawak sakin. Pinagsisipa ko rin yung mga lalaking iyon. Akala nyo ha! Hanap hanap pa kayo sakin ng nawawala. Napala nyo.

"Noona, tumakbo ka na." Sigaw ni taehyung sakin.

Umiling lang ako. "Hindi kita pwedeng iwan dito!" Agad ko syang hinila palayo sa mga lalaking iyon at tumakbo. Ngunit hindi lang pala iyon yung mga lalaking dapat naming takasan dahil may mga lalaki pang lumabas sa isang kotse..

Ngunit kasama nila ang isang babae.


Mrs. Kim...



Hinawakan ni taehyung ang braso ko at tinago sa likod nya.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ni taehyung sa kanya. Ngumiti lamang sya at tumingin sa kinaroroonan ko. Napayuko na lamang ako.

"Let's go home, son." Wika nya.

"But i'm home, ma. this is my home. " Sagot naman ni taehyung at mas hinigpitan ang kapit sakin.

Tumawa lamang si Mrs. Kim at naglakad papalapit samin. Ngunit inilayo ako ni taehyung sa kanya.

"Don't you dare touch my girl." Pati ako natatakot na sa boses ni taehyung ngayon. Ibang iba sya sa taehyung na nakasanayan ko.

"Piper hija, why won't you explain everything to my  son?" Ngumiti si Mrs. Kim sakin.

"MA? PLEASE. JUST LET ME HAVE THE HAPPINESS I DESERVE. LEAVE US ALONE. NAKIKIUSA—"

"Taehyung, tama na." Inalis ko yung kamay nya na nakahawak sakin. Tumingin sya sakin at halatang naguluhan sya sa ginawa ko.

Sorry.

Umatras ako at ngumiti. "Taehyung, sumama ka na sa kanila."

Umiling lamang sya at lumapit sakin. "Noona, sa'yo lang ako sasama."

"Taehyung please? Sumama ka na sa kanila."

"Noona.. Hindi kita iiwan. Hindi pwed—

"TAEHYUNG ANO BA?! HINDI NA KITA KAILANGAN KASI NAKUHA KO NA GUSTO KO."

"Anong pinagsasab—?"

"HINDI MO PA RIN BA MAGETS? PINAGPALIT KITA SA PERA. KAYA UMALIS KA NA! NAKUHA KO NA YUNG PERANG GUSTO KO."

"N-nagjojoke ka lang diba? Noona, sabi mo—"

"Mahirap bang intindihin yun? Taehyung, umalis ka na. Wala ka nang silbi sa buhay ko."

Sorry.

Tumawa sya ng malakas pero kitang kita ko ang mga luhang lumalabas sa mata nya.

"Pinagkatiwalaan kita. Akala ko iba ka sa kanila. Akala ko hindi mo ko ipagpapalit dahil sa lintek na pera na yan! Tangina pareparehas lang kayong mukhang pera."

Kulang pa ang mga masasakit na salitang sinabi nya para sa ginawa ko sa kanya.

"Yung sinabi mong mahal mo ko.. Totoo ba yun o niloloko mo lang din ako?"

Totoo yun. Mahal kita taehyung.

"Mahal? Hahahaha. Eh hindi pa nga kita masyadong kilala e tapos mahal agad? HAHAHAHAHA nakakatawa ka."

Hindi ko alam kung paano ko nakayanang maging matatag sa harap nya. Wala akong emosyong pinapakita. Ayokong umiyak sa harap nya kasi baka bawiin ko lang lahat ng sinabi ko.

Nakatingin sya ng seryoso sakin. Punong puno na ng galit ang nararamdaman nya ngayon. Sorry taehyung. Sorry.

Mas lalo akong nanghina dahil sa sunod nyang ginawa. Tumakbo sya papalapit sakin at niyakap ako. "Noona please... Gagawin ko lahat basta huwag mo lang akong ibigay ulit sa kanila. Nagmamakaawa ako, noona.. D-dito lang ako."

Pinilit ko namang alisin ang pagkakayakap nya sakin. Ginawa ko lahat para alisin yun. "Taehyung bitaw! Hindi mo pa rin ba maintindihan?! Ayoko sa'yo! Ginamit lang kita para magkapera! Ano pa bang gusto mong sabihin ko para umalis ka na?! Tangina nahihirapan na ako sa'yo."

Unti unti nyang inalis ang pagkakayakap nya sakin. Tumingin sya sa mga mata ko. Kitang kita ko na ang pagkalungkot ng mga mata nya. Gusto ko syang yakapin ulit at magsorry ng paulit ulit.

"Sabihin mong hindi mo ko mahal."

Hindi ko kaya.

Mahal kita taehyung.

Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Huminga ng malalim at sinabi ang mga salitang nais nyang sabihin ko.

"Hindi kita mahal, taehyung."

Unti-unti syang umatras hanggang sa lumayo na sya sakin. Nakatingin sya sakin pero yung tingin na yun ay punong puno ng galit at kalungkutan. Tinalikuran nya na ako at naglakad papunta sa kotse nila. Tumingin sakin si Mrs. Kim at nginitian ako. Sinabi nya rin ang salitang good job. Hanggang sa lahat sila ay umalis na sa paningin ko.

Pagkaalis nila ay agad akong nanghina. Napaupo ako at natulala. Sinabi ko ba talaga yun? Nagawa ko ba talaga yun? Sunod sunod na rin ang pagtulo ng luhang kanina ko pa iniipon. Wala na akong pakealam sa mga taong nakatingin sakin. Kitang kita nila yung eksenang naganap kanina pero wala akong pake sa kanila.

"Piper."

Unti-unti akong tumingala sa lalaking tumawag sakin.

"J-jun..jun.."

———

last 2 chapters then epilogue na hehe.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top