PTP - 26

Warning: puro kadramahan. vomments kayue hehehe. BTW CONGRATS SATIN!! JUSKO WE DID IT! HALA HALWIWNS NANALO BANGTAAAAAN AAAAAAAAA!!!!!!! ANG GALING GALING HUHUHU ㅠㅠ

Btw sorry kung marami tong mali, minadali eh huehue.

———————

Piper's

"Nangako ako sa kanya. Kaya sorry, hindi ko magagawa yan." Mariin kong sambit tsaka tumalikod na sa kanya. Nagsimula na rin akong maglakad palayo.

"Talaga ba, piper? So parang sinabi mo na rin na mas mahalaga na magkasama kayo ni taehyung kesa gumaling ang lola mo."

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa pagsalita nyang muli. Hindi ko alam kung bakit ang bawat salitang binibitawan nya ay tumatagos talaga.

"Malaking tulong na ang perang yun para maging maayos ang buhay mo, piper! Huwag mo naman sayangin ang opportunity na yun dahil lang sa nangako ka sa kanya. Ni wala pa nga kayong isang taong magkakilala eh! Yung lola mo? Labing limang taon ka nyang inalagaan."

Gusto ko syang patigilin sa sinasabi nya kasi sobrang nasasaktan ako.

"Nangako din ako kay taehyung noon na hindi ko sya iiwan pero ginawa ko. Bakit? Kasi kailangan ko ng pera. Nalugi yung business namin, nagkasakit si dad at baon na baon na kami sa utang. Kahit labag sa loob ko ay tinanggap ko pa rin yung deal nila na makipaghiwalay ako kay taehyung kahit sobrang sakit kasi mas mahalaga ang pamilya ko, mas mahalaga ang buhay ko."

Sunod sunod ng pumatak ang luha ko sa sinabi nya. Sobrang hirap na pagdedesisyon nga talaga ang nagawa nya noon dahil sa pagmamahalan nila ni Taehyung. Sobrang naawa ako kay taehyung pero mas naawa ako kay clarisse.

"Piper, tinutulungan lang din kita. Kung kaya ko, kaya mo ring iwan sya at mabuhay ng hindi sya kasama." Sabi nya at niyakap ako.

Para akong batang iyak ng iyak sa balikat nya ngayon. Sobrang mahalaga si lola at ang magiging kalagayan ko pero syempre, mahalaga din si taehyung.

Ilang minuto akong iyak ng iyak, alam kong pinagtitinginan na kami dito ng mga tao pero wala akong pakealam. Sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang dapat or hindi ko dapat gawin.

"Naiintindihan kita piper, hahayaan na muna kitang mag-isip. Umuwi ka na muna at magpahinga."

Kahit pala hayop to, mabait pa rin pala talaga sya.

Pinunasan ko na ang luha ko at hinawakan yung kamay nya. "Salamat." Huli kong sambit bago tuluyang lumayo sa kanya.

Habang naglalakad ako ay napagisip isip ko lahat ng mga sinabi ni Clarisse. Alam kong nararamdaman nya rin ito noon. Sobrang sakit pala talaga kapag pinapili ka na. Ang hirap mamili lalo pa't parehas mahalaga.

Hanggang sa makarating na ako dito sa hospital. Hindi na muna ako umuwi, gusto ko munang makita si Lola. Naglakad na ako papasok sa loob at nakita ko naman sina Ate na nakaupo habang binabantayan si Lola. Nakangiti nila akong sinalubong.

Anyare?

"Piper, wala tayong babayaran at nakabili na rin si Ate Faye ng gamot para kay lola."  Wika ni ate giselle.

Naguluhan naman ako sa sinabi nya. Paano nangyari yun?

"May pumunta kasi ditong isang lalaki at sabi nya, sya na raw ang babayad sa lahat ng gastusin dito sa hospital." Masayang sabi ni ate faye.

"Ate, bat ba kayo tanggap ng tanggap kung kani kanino? Baka naman may kapalit yan ah!" Sabi ko naman sa kanila.

"Meron nga. Pero madali lang naman, gusto ka lang naman nila makausap. Yun lang."

Kinabahan ako dahil sa sinabi ni Ate Ann. Ako talaga yung gusto nilang makausap, huh?

"S-sino? Sino ang gusto akong makausap?" Tanong ko sa kanila.

Sana mali ang hinala ko. Sana.

"Mrs. Kim. Sya yung may-ari nung swimming pool na gustong gusto mong puntahan noon! Paano mo sya nakilala, piper?"

Para na talagang lalabas yung puso ko sa sobrang kaba. Sya yung may-ari, baka magulang ni taehyung.

Tumingin naman ako kay lola at nakapikit pa rin. Lola, tama ba tong desisyong gagawin ko?

"U-uhm, san ko sya pwedeng makausap, ate? May sinabi bang lugar?" Tanong ko sa kanya at iniabot naman sakin yung isang maliit na papel kung saan nakasulat doon yung address.

Nagpaalam ako sa kanila na uuwi muna kaya pumayag naman sila para makapaghinga naman daw ako. Habang naglalakad ay nakatingin lang ako sa address na binigay sakin ni Ate.

Pagkapasok ko sa bahay ay agad ko itong nilock at dumiretso sa kwarto ni Lola. Napansin ko dun yung mga litrato ko noong bata pa ako kasama si Lola

"La, paglaki ko! Magiging mayaman tayo tapos magpapatayo tayo ng mansyon! Tapos sobrang rami nating pera!"

Napangiti nalang ako ng konti dahil naalala ko yung sinabi ko kay Lola. Sabi ko yayaman kami pero anyare? Mahirap pa rin kami ngayon. Yung pangarap ko, mukhang hanggang pangarap lang talaga.

Umupo ako sa dulo ng kama ni lola habang hawak hawak yung address na binigay ni ate tapos hawak ko rin yung binigay sakin ni Clarisse. Nakalagay dun yung picture ni taehyung at may nakaprint na Missing pati na rin yung P500,000.

Hinawakan ko yung picture ni taehyung at pinagmasdan ito. Gusto ko syang yakapin ngayon at humingi ng sorry ng maraming beses.

Sorry sa gagawin ko, tete.

————

Napanganga ako sa sobrang ganda dito sa loob. Hindi pa rin ako makapaniwalang makakapasok ako dito! Dati pasilip silip lang ako eh. Mas lalo akong napanganga nung pumasok na ako sa loob ng hotel. SOBRANG GANDA!

Tinuro nung isang babae ang daan kung saan naroroon si Mrs. Kim. Tumango naman ako pumunta doon pero habang naglalakad ay manghang mangha talaga ako sa loob nito. Hanggang sa makarating ako sa isang kwarto at nakita ko ang babaeng may edad na pero sobrang ganda pa rin.

"Piper, right?" Tanong nya sakin at ngumiti.

Bakit feeling ko sobrang bait nya?

Agad naman akong tumango. Tinuro nya yung upuan sa harap nya kaya naman umupo na ako dun. Mas lalo ko syang nakikita dahil mas malapit na ako sa kanya. Halatang sobrang yaman kasi naman yung mga suot suot nya bes! Puro Gold, jusko.

Puro Gold, always panalo~

Okay joke lang. Ang astig diba? Nakukuha ko pang magjoke kahit ganto na ang sitwasyon. Tularan nyo ko.

"Sinabi sakin ni Clarisse na alam mo kung nasan ang anak ko na si Kim Taehyung, is it true?" Tanong nya at tumingin sakin.

Okay, nakakatakot na po yung tingin na yun.

"O-opo, alam ko po kung nasaan ang anak n-ninyo." Sabi ko.

"Nakikitira ba sya sayo?" Tanong nya ulit kaya kahit kinakabahan ay tumango ako.

Tumawa naman sya ng mahina at ininom yung kape. "Bakit sa dami ng pwedeng tirhan, sa bahay pa ng dukhang kagaya mo?"

Kahit masakit yung mga salitang yun ay ngumiti lang ako. Medyo nasasanay na rin ako. Ganun naman talaga dapat ang tawag sakin diba? DUKHA. HAMPASLUPA. MAHIRAP. Oh ano pang gusto nyo?

Iniabot nya sakin ang isang papel, aabutin ko na sana ngunit agad nya naman itong binawi at napangiti.

"Alam kong kulang pa 'to." Mahinang sambit nya pero kitang kita ko ang pang iinsulto sa boses nya.

"Alam kong gusto mong makapag-aral kaya sige, pagbibigyan kita. Sagot ko lahat ng gastusin."

Halos mapatayo naman ako sa sinabi nya. Seryoso?! Pag-aaralin nya ako tapos sya pa ang gagastos?

Shit. Sobrang bait nya.

"But... siguraduhin mo lang na hinding hindi ka na magpapakita kay taehyung dahil kapag ginawa mo yun, papatigilin kita sa pag-aaral."

Tumawa naman ako ng mahina.

"Wala naman po akong pake kung hindi ko na makikita si taehyung eh, mas mahalaga po ang pag-aaral ko."

Wala palang pake ha? Wow piper.

"Good girl. Bibigyan na lang kita ng isang araw para makasama ang anak ko. Pagkatapos nun ay ibabalik mo na sya samin."

Iniabot nya na talaga sakin yun at nakita ko talagang 500,000 yun.

Kinakabahan ako habang tinitignan iyon. Parang pinabenta ko lang si taehyung ano? 

Tumayo na ako at nagpaalam sa kanya. Ngunit bago pa man ako makaalis ay may tinapon sya saking pera.

Nakangiti lang sya habang nakatingin sakin. Tinignan ko yung mga perang nakakalat sa sahig. Agad akong lumuhod para kunin iyon.

"Tama, hanggang pulot ka lang hija. Dahil ang tulad mo ay hindi nararapat sa anak ko."

Habang pinupulot yung mga pera ay pinunasan ko yung luhang tumutulo mula sa mata ko. Sobrang naawa ako sa sarili ko, pero anong magagawa ko? Kailangan ko 'to.

Nagbow muli ako at lumabas na. Kahit medyo nakakabastos ay hindi pa rin nawala galang ko sa kanya. Sobrang nagpapasalamat nga ako sa kanya eh. Sobra sobra.

Naisipan kong umuwi na sa manila kung san nandun yung mansyon ko. Sumakay lang ako ng bus at napatulala sa may bintana.

"Anong pangit? Ang cool kaya ng bahay mo Noona! Pwede ngang dito na ako tumira forever eh"

Naalala ko yung bawat ngiti at tawa ni taehyung. Sobrang mamimiss ko yun.

"Whoa noona! Sarap nito ah. Ano ulit tawag dito? Adidas?"

"Kain muna tayo noona tapos mag ukoy ukoy na tayo!"

Pati na rin yung kainosentehan nya. Mapapatawa ka nalang nang wala sa oras eh.

"andyan ka lang pala noona. akala ko iniwan mo na ako"

"Let's just stay like this for awhile, noona. jebal"

"pero parang naniniwala na ako sa kasabihang 'promises are meant to be broken' nung nakilala kita, noona"

"And you're also an angel to me. You're my angel."

Lalo na yung mga banat nyang mga corny pero nakakilig. Sobrang mamimiss ko yun.

"Gusto mo nang deretsahan? Gusto kita, piper noona."

"Noona, ikaw na ang gusto ko. Ikaw lang."

Hinding hindi ko malilimutan yung biglaang pag confess nya sakin.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag iniwan mo ako, noona. Kasi feeling ko, ikaw nalang ang meron ako ngayon."

"Hinding hindi ka iiwan ni noona."

Napapikit nalang ako at pinipigilan ang luha kong tumulo na naman.

Sorry kung nagsinungaling ako, sorry kung iiwan kita, sorry kung nagpasilaw rin ako sa pera, sorry sa lahat.

Tama ang sinabi ng mama mo, ang tulad ko ay hindi nararapat sa tulad mo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top