PTP - 24

Piper's

Gusto kita, piper noona.

Napapadyak nalang ako sa inis at gumulong gulo sa higaan ko dahil kanina pa ako hindi makatulog dahil sa sinabi ni Taehyung.

"Puta, piper. Bakit nasa ibabaw na kita?!"

Agad akong napatayo dahil sa sinabi ni Jimin. Umupo naman sya at nagsmirk pa ang gago.

Ibinato ko sa kanya yung unan dahil alam ko ang iniisip ng pandak na 'to.

"Gago. Nahulog lang ak—"

"Nahulog sakin? Naks, gwapo ko talaga."

"Gago k—"

"Alam mo piper, kung nahulog ka sakin, pwede mo namang sabihin eh. Hindi yung pagsasamantalahan mo pa ako. Patong pa more— ARAY KO PUTA!"

"ISA KANG MALAKING GAGO. JOKE MALIIT PALA!"

"DINAMAY NA NAMAN HEIGHT KO! ANO BANG PROBLEMA NYO SAKIN? HA? SABIHIN MO ANO?!"

Sisigawan ko sana sya ulit kaso napatigil ako dahil may bumato samin ng kaldero. Teka, san nanggaling yun?

ANG SAKIT AH, INFAIRNESS.

"KUNG AYAW NYONG MATULOG, PLEASE LANG MAGPATULOG KAYO! KANINA PA SIGAW NG SIGAW EH MGA PUTA."

Napatingin naman ako kay yoongi na halatang beastmode na samin. Nag peace sign lang ako tsaka ngumiti.

Bumalik na din ako sa higaan ko habang hinihimas yung ulo ko. Bakit kasi kailangan pa kaming batuhin ng kaldero?

Humiga na ako at pumikit.

Gusto kita, piper noona.

PUTAKTE KIM TAEHYUNG.

————

Simula na naman ng bagong araw at hanggang ngayon nandito pa rin kami kina Lola. Himala, nagugustahan ata dito ng tropang bugokz feat jungkook.

"Hoy, babae." Napatingin ako sa gilid ko.

Nakita ko si jungkook na umupo sa tabi ko habang pinupunasan yung pawis nya.

Ang hot nyang tignan.

Pero mas hot si taehyung.

"Ano na naman? Hahalikan mo na naman ako?" Tanong ko sa kanya.

Dyan naman sya magaling eh.

Joke ano daw.

"Yuck." Tangi nya lang sambit kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Habang nakatingin ako sa kanya ay pansin kong ibang iba yung nararamdaman ko kapag si taehyung ang tinitignan ko. Yung tipong hindi naman bumibilis ang tibok ng puso ko tsaka hindi ako kinakabahan na ewan.

Siguro nga, crush ko lang talaga tong si jungkook.

Tapos si taehyung— nevermind.

"Alam kong gwapo ako." Sabi nya naman kaya napaiwas ako ng tingin. Gaano katagal ba akong nakatitig sa kanya?

"Oo, gago ka." Sagot ko naman.

Hindi lang sya nagsalita muli. Binalot ulit ng katahimikan yung paligid.

Joke, hindi pala. Ang ingay kasi nina hoseok eh.

"Hoseok hyung, bakit kaya hindi mo nalang kainin tong mga damo para matapos na?" Suggestion ni jimin.

"Eh kung ipakain ko kaya tong itak sayo?" Sagot naman pabalik ni hoseok.

"Subukan mo lang, kabayo. Ako ang makakalaban mo." Singit naman ni yoongi — maputi HAHAHA ano daw

Nakita ko namang napangiti si jimin sabay yakap pa kay yoongi.

KADIRI. HANGGANG SA BUKID BA NAMAN, MAGLALAMPUNGAN ANG YOONMIN.

"Sorry pala."

Agad naman akong napalingon kay jungkook.

"Bat ka nagsosorry?" Tanong ko sa kanya.

"Parang hindi naman alam rason sus gusto mo lang sabihin ko eh."

"EH SA HINDI KO NGA ALAM EH."

"BAT BA SUMISIGAW KA?"

"EH ANO NGA KASI YUN? PABITIN PA EH. IBITIN KITA DYAN."

Mas mabuti pala to kesa maging pabebe sa harap ni jungkook. Parang ganun kasi ang ginagawa ko dati kapag kausap ko sya eh. Pero ngayon, ang sarap lang sa feeling. Nailalabas ko ulit yung tunay na ugali ko sa harap nya.

Puta bakit kasi ang pabebe ko noon. Eh crush ko lang naman sya?!

"Sorry sa nagawa ko kagabi. Sorry kung hinalikan nalang kita basta basta." Seryoso pero sincere nyang sabi.

Napakurap ako ng ilang beses habang nakatingin sa kanya. Hindi ako makapaniwalang marunong pala syang magsorry. Wow.

"Ganyan ba ang epekto ng pagkain ng kamote kanina?" Tanong ko sa kanya habang tumatawa pa.

"Seryoso kasi ako. Tangina, ututan kita dyan eh." Sabi nya naman.

Tumawa lang ulit ako pero agad ding tumigil sa pagsalita nya.

"Piper, pwede bang mabalik natin yung dati?" Tanong nya bigla.

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nya. "Ay weh, naging tayo ba? Bat di ko alam?"

Napaface palm na lamang sya dahil sa sinabi ko. Eh? Totoo naman eh. Hindi naman naging kami! Ni hindi nga sya nanligaw eh. Tagal ko na ngang hinihintay yun— joke lang.

"Hindi kasi yun puta naman oh. Yung pagkakaibigan kasi natin noong bata pa tayo. Pwede bang bumalik yun?"

Agad naman akong nalungkot nang maalala ko yung pagkakaibigan namin noon.

"Hindi naman nawala eh, ikaw lang tong nakalimot."

Sobrang close namin ni jungkook dati. As in sobra, yung tipong ayaw na naming mahiwalay sa isa't isa. Kaya ko nga sya naging crush dahil lagi syang nandyan para sakin eh. Pinagtatanggol nya ako lagi lalo na kapag may nang aaway sakin.

Then, boom! Bigla nalang syang nagbago noong naging mayaman sila. Yung mommy nya kasi may bagong asawang sobrang yaman. Hanggang sa nakalimutan nya na yung pagkakaibigan namin, pati na rin ako.

Lumaki yung ulo eh.

TEKA ULO SA TAAS HA YUNG MGA UTAK NYO UTANG NA LOOB.

Pero mas lumaki yung ilong

"Sorry na piper. Hays, naalala ko noon. Grade 6 ka na, nakadiaper ka pa."

"Naalala ko rin noon, Grade 6 ka na, dumedede ka pa rin sa tsupon."

Nagtawanan naman kami noong maalala namin yan. May reason naman ako kung bakit pa ako nakadiaper! Natatakot kasi akong mag cr sa cr ng school namin noon kaya nagpasigurado na ako!

Pero yung kay jungkook, isip bata lang kasi talaga yang gagong yan.

"So, tinatanggap mo na ba ako ulit na maging kaibigan slash junjun the knight in shining armor mo?" Tanong nya sakin.

Yun kasi yung tawag ko sa kanya noon eh. 'Jun jun the knight in shining armor.' Lagi nya kasi akong nililigtas eh bakit ba.

"Gusto mo more than pa? Charot HAHAHA. Syempre naman, junjun!" Masayang wika ko.

Lumapit sya sakin at pinitik yung noo ko. Gawain nya yan noon eh. Feeling nya hindi masakit yun? Eh kung pitikin ko din kaya ilong nya?

"Thank you, piper. Magiging more than friends din tayo sa tamang panahon." Sabi nya sabay kindat pa.

Sorry may taehyung na ako.

——————

Lumabas na ako ng bahay pero napatigil sa paglalakad dahil nakasalubong ko si taehyung. Ngumiti sya sakin pero umiwas lang ako ng tingin at tumakbo papalayo sa kanya. Narinig ko ang pagsigaw nya ng 'Noona' pero hindi ako lumingon. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makalayo na ako sa bahay.

Naalala ko kasi yung sinabi nya tuwing nakikita ko sya. Ewan ko ba kung bakit ako nahihiya eh wala naman akong hiya. Okay medyo malabo.

Basta, hanggat makakaya ko. Gusto ko munang iwasan sya. Iba kasi talaga yung nararamdaman ko eh. Feeling ko magkakasakit ako sa puso.

Natauhan naman ako dahil may biglang humila sa braso ko at pinaupo ako sa isang upuan. Umupo sya sa harap ko at nakita ko yung pagmumukha nya.

"Mabuti naman, naisipan mong magbakasyon dito, Piper. Long time, no see." Mahinhin na wika nya.

Ngumiti ako ng peke. Katulad nya, fake best friend.

Btw, Basahin nyo yung epistolary ni authot na Fake army kung gusto nyo.

HAHAHA JOKE MAKAPLUG LANG TALAGA NG STORY EH NO HAHAHA PUTA SARAP UTUTAN

Back to story na nga, ayun nga. Ngumiti ako ng peke at nagsalita.

"Oo nga eh. Tagal ko ng hindi nakakita ng hayop na katulad mo." Sabi ko naman kaya agad nawala yung ngiti nya.

"Piper naman, hanggang ngayon ba, galit ka pa rin sakin? Ang tagal na nun ah?" Sabi nya naman.

Naalala ko na naman tuloy yung panggagagong ginawa nila sakin ni Brance. Talagang kinonsente pa si brance na mahalin kuno ako para wag daw akong masaktan. Ulul clarisse. Wag ako. Alam ko namang mahal nya din si brance, kasi mahal ko. Mangaagaw yang hinayupak na yan eh.

"Ganun talaga, ayoko sa mga hayop na katulad mo eh. Bakit ba?" Nakakalokong tanong ko naman sa kanya.

Nakita ko naman ang pagkuyom ng palad nya pero ngumiti pa rin sya. Ayan timpi pa more.

"Ayoko nang makipagtalo sa'yo. Gusto ko lang makausap ka tungkol sa ex-boyfriend ko." Sabi nya at diniinan pa talaga yung word na 'ex-boyfriend'

"At bakit naman natin paguusapan ang kalandian mo? Kung iniisip mo na hindi pa rin ako nakakamove on sa gagong yun, think again. Nakamove on na ako kay brance." Sagot ko naman sa kanya.

"Eh hindi naman si brance eh!"

Oh,

Oo nga pala. Malandi tong bestfriend ko.

"Sorry nakalimutan kong marami ka palang ex. Oh, sino ba? Yung pang anim or pang pito?" Tanong ko sa kanya tsaka ngumiti pa.

Pang walo nya kasi si brance, at alam kong may pang siyam, sampo, labing isa and so on and so forth pa.

Ano pa nga ba ang iniexpect nyo? Malandi eh.

Hindi na talaga sya nakapagtimpi dahil ipinatong nya sa mesa yung bag nya. Sobrang lakas ng pagkalagay nya sa mesa at ang sama pa ng tingin sakin.

May kung ano syang kinuha sa bag nya. Teka, bakit parang familiar ang papel na yun??

"Gusto kong makausap ka tungkol sa lalaking to— na ex boyfriend ko." Iniharap nya sakin yung papel na yun at nakita ko kung sino yung nasa litrato.

Nanlaki naman ang mata ko dahil gantong ganto yung pinakita sakin ni december noon!

TEKA

SYA YUNG BABAENG YUN?!

"Gusto kitang makausap tungkol kay Kim Taehyung."

—————

pabitin para cute heheheh wag nyo akong ibitin ples

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top