PTP - 22
Piper's
"Owemji piper! Hindi nya nasagot so it means pwedeng wala pero pwede ding meron. yieeee" sigaw ni jin.
Lumapit pa sya sakin sabay pinalo palo pa ako sa braso. Hindi pa nakuntento, sinabunutan pa talaga ako, pero syempre hindi naman masakit. Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa sinabi ni jin. Kinikilig ako na ewan hihihi.
"Tulog na ko. Walang kwenta tong laro nyo." Rinig kong wika ni taehyung. Tumayo na sya at naglakad pabalik sa bahay.
"Anyare dun?" Tanong ko saka sinundan ng tingin si taehyung.
Bat biglang naging badtrip yun? May nasabi ba akong mali?
"Ang hirap kasi sa'yo piper, ang manhid mo tapos parang nakafocus ka lang sa iisang tao." Sabi naman ni hoseok. Tumayo na rin sya at sumunod kay taehyung.
Teka, anyare sa dalawang yun?
"Girl, gupitan ko na kaya yang buhok mo ano? masyado na kasing mahaba eh." Sambit naman ni jin habang hinahawakan yung buhok ko.
"Oh, ano tuloy pa natin?" Tanong ni namjoon sabay taas nung bote ng beer.
"Next time nalang. Inaantok na ko eh." Sagot naman ni yoongi.
"Kailan ka ba hindi inantok?" Natatawang tanong ni jimin.
"Kapag kausap kita." Sagot naman ni yoongi sabay tingin p sa mga mata ni jimin.
Ang lalandi nyo.
"Tara, tulog na tayo. Nasusuka na ako eh." Reklamo ko sabay tayo na.
Tumayo na din silang lahat at sumunod sakin pabalik sa bahay. Papasok na sana ako kaso may tumawag sakin.
"Piper! Tulong." Sigaw ni jin.
Tumingin naman ako sa kinaroroonan nya. Nakita kong tinutulungan nya si jungkook na tumayo. Tumakbo ako pabalik dun para tulungan din sya.
"Lasing kaagad?" Tanong ko sa kanya.
Tumango naman sya tsaka pininch ilong ni jungkook. "Hindi kasi to masyadong umiinom eh. Good boy daw sya." Natatawang sabi ni jin.
Halos mapatumba naman kami ni jungkook dahil sa biglang pagbitaw ni jin. Tumakbo sya ng mabilis tapos ngumiti pa sakin.
"Ayan solo mo na si junjun mo. Yie, may forever na."
"PAKYU KA SEOKJIN!"
"YOU'RE WELCOME!"
Tumakbo sya muli papasok ng bahay habang tumatawa. Lagot ka talaga sakin kim seokjin! Gigil mo si ako!
Tinignan ko naman si jungkook na mahimbing na natutulog. Nagsimula na kaming maglakad pero unti unti ding natumba dahil sa sobrang bigat nya. Jusme.
Agad ko syang iniupo at pinagpagan yung damit nya.
"Ayan kasi! Bakit mo pa ininom yun? Pwede namang sagutin eh. Walang pag-asa lang naman ang isasagot mo diba?" Sabi ko sa kanya.
Hindi pa rin sya umiimik.
"Wala ba talagang pag-asa, jungkook?" Tanong ko sa kanya.
Nagulat naman ako ng bigla nyang minulat mga mata nya at ngumiti sakin. Pagkatapos nun ay napahiga na sya sa lupa.
Agad agad ko din syang iniupo. Pero bumagsak ulit sya. Tapos inupo ko na naman pero makulit talaga tong ilong na to dahil humiga na naman.
"Hoy ang kulit ng ilong mo ah. Madumi sabi dyan." Sabi ko sa kanya sabay upo ulit.
Inilagay ko na yung braso nya sa may balikat ko at unti unti syang tinayo. Nakakainis naman kasi si jin eh. Kung sana tumulong sya, edi sana kanina pa nandun si jungkook.
"P-piper." Biglang tawag sakin ni jungkook.
"Oh?"
"Piper."
"Ano nga sabi?"
Napangiti ako. Minsan nya lang ako tawagin sa pangala ko. Madalas kasi tawag nya sakin, 'babae' or kaya naman 'hoy' lang.
"Piper"
"Kulit talaga. Ano nga?"
Kunware daw naiinis na ako pero ang totoo, kinikilig talaga ako. Kasi naman eh! Tinatawag nya ako sa napakaganda kong pangalan pero mas maganda yung nagdadala ng pangalang yun. Haha dejoke.
"Piper."
"Para tong sirang plaka eh no. Bakit nga?"
"Pangit mo"
Pwede bang tulakin ko nalang to at pabayaan dito sa labas? Ayun na eh. Kinikilig na talaga ako tapos biglang ganyan ang sasabihin.
"Mahirap ka pala kapag lasing eh, nagiging sinungaling ka."
Syempre hindi ako papayag na sabihan akong pangit!
"Piper."
"Yie, gustong gusto yung pangalan ko. Buti pa yung pangalan ko, gusto mo." Malungkot na wika ko.
"Pag-asa"
Naguluhan naman ako sa sinabi nya.
"Sorry, wala akong alam sa weather ngayon."
PAG-ASA, diba sa weather yun? Hehe. Hindi ako nagjojoke aba!
Weather jacket
HAHAHAHAHA ayan joke na yan. Support juseyo.
"Meron."
"Wala nga ang kulit ng batang to!"
"Pag-asa. Meron." Isa isang sabi nya.
Ibang klase talaga to kapag nalalasing ano? Kung ano anong lumalabas sa bibig.
Binuksan ko na yung pinto at pumasok na sa loob. Naabutan ko silang tulog na lahat. Para nga silang mga sardinas eh. Sobrang siksikan. Pero teka, hindi pala lahat. Wala si taehyung sa higaan.
Nagkibit balikat na lamang ako at inihiga si jungkook. Kinuha ko din yung kumot na para sakin at kinumot sa kanya. Nakangiti ako habang pinagmamasdan syang matulog.
"Sleep well, junjun ko." Mahina kong sambit.
Pagkatayo ko ay nakita ko si taehyung na nakatingin kay jungkook tsaka tumingin sakin. Ibang iba yung expression ng mukha ni taehyung ngayon. Hindi ko mapaliwanag. Parang galit sya na ewan.
Hindi ko kayang tignan ng ganto katagal si taehyung. Iba talaga yung nararamdaman ko eh. Ibang iba.
Umiwas na ako ng tingin tsaka naglakad na ngunit hinawakan nya yung braso ko. Iniabot nya sakin yung mug na dala nya.
"Pagkainom mo nyan, matulog ka na. Goodnight, noona."
Pumunta na sya dun sa pwesto nya at humiga. Tinignan ko naman yung kape na binigay nya sakin. Tumingin ulit ako sa kanya. "Sorry kung hindi kita napansin kanina ah? Tsaka thank you din dito. Goodnight, tete."
Siguro naman narinig nya yun. Hindi naman sya agad makakatulog kasi kakahiga nya palang.
Pagkainom ko ng kapeng yun ay agad na din akong humiga. Kailangan ko ng matulog dahil isang nakakapagod na araw ang aming sisimulan bukas.
"By the way piper, may joke pa pala ako."
Binato ko kay jin yung unan para tumigil na sya. Pinikit ko na rin ang mga mata ko.
"Sabing may joke ako eh! Choke kita jan eh."
————
"Suko na ako piper! Sobrang ineeeeeeet!! Gosh."
"Sobrang hot ko talaga."
"Shet, kailanman hindi ko pinangarap na maging magsasaka."
"Ang gwapo ko talaga kahit pawis na pawis shet wet look."
Isa isa kong binato ng bato yung mga nagsalita. Andaming reklamo eh. Pasama sama pa kasi dito.
Sina Jimin, Yoongi, Hoseok, Jin at Namjoon yung nagtratrabaho sa bukid kasama yung mga anak ni lola. Habang kami naman nina taehyung at jungkook ay hawak hawak na yung mga malalaking timba na lalagyan namin ng tubig. Pinapaigib kasi kami ni ate giselle dahil sya raw ay maglalaba.
Medyo malayo rin ang igiban ng tubig dito pero okay lang daw sa kanilang dalawa.
"Talaga bang okay lang sa inyo?" Tanong ko ulit.
"Oo naman noona. Kasama kita eh" kumindat pa si taehyung pagkatapos bumanat. Napailing nalang ako at ginulo yung buhok nya.
"Ang corny naman. Nasobrahan ka ata ng mais kanina." Sabi naman ni jungkook.
Hanggang sa makarating na rin kami dun, inilagay na namin yung mga timba tsaka isa isang sinalinan na ng tubig.
Habang hinihintay na mapuno yung timba ay nakita kong nakatingin si taehyung sa likod ng building na nasa harap namin ngayon.
"Ganda no? Kahit nasa likod na?" Tanong ko sa kanya.
Tumango lang sya at pinagmasdan muli yung building na yun.
"Isa yang hotel tapos sa loob nyan may swimming pool. Nasisilip ko pa yan dati kapag umiigib ako eh. Wala pa kasi yang bakod na ganyan kaganda. Pero ngayon hindi na, sobrang nagimprove na eh." Kwento ko sa kanya.
Ang ganda ganda sa loob nito seryoso! Though hindi pa ako nakakapasok. Nasisilip ko lang talaga sya nung bata pa ako. Noon pa nga lang, maganda na. Paano pa kaya ngayon diba?
"Hindi mo ba to matandaan, hyung?" Tanong ni jungkook sabay tingin kay taehyung.
Luh, ano daw?
"Ha?" Tumingin muli dun si taehyung at unti unting nanlaki ang mata nya.
"Oy, anyare sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Shit." Rinig kong sabi ni taehyung.
Ano daw part two?
"Baka makita nila ako. Shit, paano na to?!" Tanong ni taehyung tsaka tumingin kay jungkook. Nagkibit balikat lang namab si jungkook.
"Teka! Sagutin mo muna ako. Anong nangyayari?" Tanong ko muli.
Tinuro ni taehyung yung building na iyon. Tapos tinuro nya rin sarili nya.
"Oh tapos?" Tanong ko.
"Kami ang may-ari nyan at kilalang kilala ako ng mga nagtratrabaho dyan dahil dyan ako tumatambay kapag tumatakas noon." Paliwanag ni taehyung.
"Natatakot ako na baka makita nila ako at isumbong sa mga magulang ko." Pagpapatuloy nya.
Hinawakan nya yung balikat ko at tinignan ako sa mga mata.
"Noona, ayoko pang mahiwalay sa'yo"
————
8 chapters to go
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top