PTP - 21

Piper's

"Piper, may joke ako."

Inilatag ko yung banig na kinuha ko sa kwarto ni Lola. Dalawang kwarto lang kasi ang meron sa bahay na 'to. Isa ay para kay lola at isa naman ay para dun sa mga anak nya. Kaya naman dito kami matutulog sa sala.

PERO HINDI KO KATABI ANG MGA UGOK NA TO! Dito ako sa upuan. Ew

"May joke nga sabi ako eh! Gigil mo si ako ah!" Rinig kong sigaw ni Jin.

"Hay nako, seokjin. Mabuti pang tumulong ka nalang sakin ano? Hindi yung mag a'ala donya ka jan." Wika ko naman tsaka binato sa kanya yung unan.

"Sure! Basta, magjojoke ako mamaya bago matulog ah? Hihi"

Tumango nalang ako. Kunware makikinig ako sa joke nya mamaya.

Kaming dalawa lang pala dito ni jin sa sala tapos yung ibang mga ugok nandun sa labas. Sina lola naman, tulog na agad. Magkwekwentuhan muna daw yung mga bugok tapos ako nalang daw mag-ayos ng hihigaan nila. Aba! Mga señorito!

"Bat hindi ka sumama sa tropang bugok featuring jungkook?" Tanong ko sa kanya.

Ay shet rhyming.

"Kailangan ko ng beauty rest." Sabay pacute pa. Pakyu.

"Weh, may beauty ba?" Nakakalokong tanong ko.

"Gigil mo si acoe!" Sinamaan nya naman ako ng tingin kaya napatawa lang ako.

Inilagay ko na dun yung mga unan. Napansin ko naman si jin na nakapikit na habang nakahiga dun sa pwesto ko. Agad agad ko syang tinulak kaya bumagsak sya sa sahig.

"Pakyu ka piper! Ang sakit nun ah." Reklamo nya sabay hawak pa sa pwet nya.

"Pwesto ko kasi to. Matuto kang lumugar." Sagot ko naman sa kanya at inayos muli yung higaan ko.

"Edi wow. Sa'yo na. Saksak mo sa dede mong invisible."

"ANONG SABI MO?!"

"SABI KO WALA! PARANG DEDE MO!"

"ABA GAGO KA AH."

Nakahanda na yung unan ko paa ibato sa kanya ngunit nakalabas na sya ng bahay bago ko pa man maibato iyon sa kanya. Hinabol ko naman sya pero itong tsinelas ko na ang gusto kong ibato sa kanya.

Hanggang sa makarating kami kung saan naroroon yung tropang bugok feat jungkook bebe qouh.

Agad nagtago si jin sa likod ni namjoon.

"Babeh joonie ko oh, niaaway ako ni piper." Sumbong nya.

Tinignan naman ako ni namjoon tapos tumingin din kay jin. "Oh tapos?" Tanong ni namjoon.

Napatawa naman ako nang magbago yung reaksyon ni jin. "Sa labas ka matutulog mamaya."

"Joke lang naman, uhm. " tumingin sya sakin. "Bakit mo inaway baby ko? Galit ako sa'yo. Uh, rawr?" Di siguradong wika ni namjoon. Kinilig naman si jin kasi nga pinagtanggol daw sya ni baby nya.

Luh, baby-tawan ka lang nyan.

Tumingin naman ako sa may gilid ko. Owemji, si junjun q!!! Katabi ko sya. Huhu how to kalma.

Pasimple naman akong tumitingin sa kanya habang sya ay nakatutok lang dun sa apoy na nasa gitna. Kapag tumitingin naman sya sakin ay umiiwas din ako ng tingin. Enebe, nekekeheye.

Patuloy pa rin ako sa pag-sulyap sulyap sa kanya. Ganto nalang ba lagi? Hanggang sulyap lang ba talaga ako sa'yo jeon jungkook?

"Oy, jungkook! May dumi sa inuupuan mo oh!" Sabi ni taehyung na nasa harap namin ngayon.

Agad namang tumayo si jungkook para alisin sana yung duming sinasabi ni taehyung. Pagkatayo na pagkatayo pa lamang ni jungkook ay dali dali namang umupo si taehyung sa pwesto nya. Gets nyo? So ngayon, si taehyung na yung katabi ko.

Humarap naman sya sakin at ngumiti. "Hi, noona!" Bati nya.

Hindi ko pinansin si taehyung dahil sinundan ko ng tingin si jungkook, titignan ko kung san sya uupo. Umupo sya dun sa tabi ni jimin. Wow, jikook na ba?

"May nasa harap mo na nga, hahanap pa ng iba." Rinig kong sabi ni jimin.

"Ang masaklap pa, yung taong hinahanap hanap mo, walang pake sa'yo."

Tumingin naman ako kay namjoon dahil sya yung nagsalita nun. Alam kong ako ang pinapatamaan ng ugok na 'to. Ngumiti lang sya sakin na parang wala syang sinabing masakit.

"Ang pinakamasaklap pa yung nakalimutan ko yung sasabihin ko nung wings tour in manila. Gigil na si acoe!" Biglang singit ni jin.

Tumingin kaming lahat sa kanya. Ang layo naman ata nun sa topic ano?

"Anong connect?" Tanong ko sa kanya.

"Walang connect! Wala. Parang dede mo part two hehehehe."

Nagtawanan naman silang lahat dahil sa sinabi ni jin. Pero isang tawa ang nangingibabaw, tumigil na silang lahat pero sya tawa pa rin ng tawa.

"May malapit bang mental hospital dito?"

"Shet, matutuluyan na ang bunso natin!"

"Emergency! Emergency! Call 8700 jollibee delivery~"

Pinagmamasdan ko lang sya habang tumatawa. Mas lalo akong nagkakacrush sayo jungkook eh! Bakit ka ba ganyan huhuhu ang cute ng tawa mo huhu

Tumigil naman sya sa pagtawa at nag act na parang walang nangyari. Palihim akong napatawa dahil sa kacute'an nya! Huhu akin ka nalang.

"Piper ehem bawas ehem bawasan ehem ang ehem pagtitig ehem may ehem nasasaktan ehem." Sabi ni jin.

"May sakit ka ba, jin? Bat ubo ka ng ubo?" Nagtatakang tanong ko. Ni hindi ko nga naintindihan sinabi nya dahil sa kaka ehem nya eh.

Tumawa lang sya. Wow, ganda ng sagot ah. Lubusan kong naunawaan. Naks.

"Truth or beer tayo!" Suggestion ni jimin sabay taas pa ng bote ng beer.

"Oy aba! Bat may dala kayo nyan? Masama yan." Tanong ko sa kanila.

"Huwag kang KJ piper! Minsan lang 'to." Sabi ni jin.

"Ano muna yung KJ?"

"Uhm, kyotjin? hihihi"

Hindi lang namin pinansin yung havey na joke ni jin.

Pero tama nga naman, minsan lang naman 'to. Kaya pumayag na rin ako, hindi ko din naman sila mapipigilan eh.

Truth or beer. Kung ano anong naiisipang kalokohan ng mga ugok na to eh. Sabi nila, papaikutin nila yung bote tapos kung kanino tumapat, tatanungin ng isang tanong tapos kapag ayaw sagutin, kailangan inumin yung isang bote ng beer.

"Hoy mga gunggong! Huwag kayong mag'ala wattpad ah. Kung sino yung hindi makasagot, sya dapat iinom. Walang iinom na iba kahit hindi kaya. Hindi kayo superhero para manligtas, okay?" Paalala ni jimin kaya pumayag naman kami.

Palibhasa ayaw nyang malugi. Masekreto kasi tong pandak na to eh. Mas pipiliin nyang uminom ng beer kesa magsabi ng totoo.

"Oh, game na. Papaikutin ko na ah."

"Kagaya nung ginawa nya sakin."

Binatukan naman ako ni jin dahil sa hugot kong yan. Okay sabi ko nga titigil na.

Pinaikot na ni yoongi yung bote at kay jimin tumutok yung bote.

"Ang gwapo ko daw kasi kaya ako una." Sambit ni jimin sabay pogi pose pa. Luh.

"Sabing walang magsisinungaling eh!" Sabay sabay naming sambit. Naks naman. Sabay talaga.

"Ako magtatanong." Wika ni yoongi.

"Will you marry me? Yes i do!" Excited na sabi ni jimin pero tinaasan lang sya ng kilay ni yoongi.

"You.. You want this chain?" Tanong nya sabay pakita pa ng chains nya.

Hindi nya talag makalimutan yung chains nya no? Buti pa yung chains. Charot.

"Akala ko naman manliligaw! Paasa amputa." Sigaw ni jimin sabay inom nung isang boteng beer.

Jusmeyo. Isang inom nya lang yun?!

Inikot na ni jimin yung bote at tumapat naman kay jin.

"Bakla ka ba?" Tanong ni jimin.

"Hindi."

"Weh?" Di makapaniwalang tanong ni jimin.

"Aba, nagtanong pa! Hindi rin naman pala maniniwala. Hindi. Ako. Bakla." Pagpapaliwanag ni jin

"Weh part two?" Wika ni jimin. Parang sirang plaka eh.

"Hindi nga! Crush ko nga nagbabasa nito eh! Ay, nadulas ako." Nahihiyang sabi nya.

Yie, crush daw sya.

Wag kang umasa. Hindi ka si namjoon HAAHAH joke

Kahit hindi kami naniniwala sa sinabi ni jin HAHAHHA joke. Naniniwala naman kami. Hindi naman talaga bakla si jin pag wala si namjoon. Pero pag anjan na, boom karakaraka!

Dejoke. Lalaki yan si jin. Maarte nga lang. Lalaki sya pero lalaki din hanap hehehe.

Pinaikot na muli ni jin yung bote, sakto namang tumapat kay jungkook.

"Omg! Perfect!"

Naguluhan naman ako dahil biglang tumingin sakin si jin at kumindat, he also mouthed "alam na". Luh?

"Uhm, bunso. May pag-asa ba si piper sayo? Hihihi."

"KIM SEOKJIN!" Sigaw ko sa kanya.

Putakte kasi! Bakit nya tinanong yun?! Nakakahiya halhssknslans.

Pero alam ko naman yung sagot eh.

Wala, wala kang pag-asa piper.

Tumingin lang sya sakin tapos tumingin din sa bote ng beer. Kinuha nya iyon at ininom.

Hindi nya sinagot? Anong ibig sabihin nun?

Pwede naman akong umasa kahit konti lang diba? Hehe. Konti lang naman.

——

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top