PTP - 19

Unang una sa lahat, sorry dahil sobrang lateeeeeeeee na ng update ko! Jusq, last update ko nung october pa eh HAHAHAHAHAHAHHA! Sorry mga bes! Labyu all hehe.

Then, mga bes. Gusto ko sanang palitan mga names nila hehe. Pero hindi na yung real names nila pero bangtan pa rin portrayers hueheu okay lang ba? Or tama na yung real names nila? HELP MEEEEH! Irerevise q na din kasi to hehehe.

Gusto q ring sabihing or ishare hehehe na si taehyung na po bias q. Jimin who? HAHAHA charot. Still torn between chim and taetae 😭 jimin kumapit ka sakin~

Ayorn, enjoy this chapter kahit sobrang corny q na talaga HAHAHAHAAHAHAHAA. Malkosijemen&taehyung.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Piper's

"Yoongi, kung mamahalin mo ako bukas. Bakit hindi pa ngayon hihihi?"

"Because no,not today."

"ENGLISH YUN AH!"

"SHET IMPROVING KA NA GILAGID. I IS SO PRIDE"

"I IS SO TIDE"

"I IS SO DOWNY. BOOM BOOM POW"

"I IS SO HANDSOME"

"MGA ULUL."

Napatakip nalang ako sa tenga dahil sa ingay ng mga nasa unahan ko. Kanina ko pa sila sinasaway eh! Tapos tatahimik lang mga 10 secs tapos ayern, magiingay ulit. Jusq, bakit ko nga ba naging kaibigan ang mga ulupong na to?!

Naramdaman ko na may naglagay ng kung ano sa tenga ko kaya napatingin ako sa katabi kong si Taehyung. Ngumiti lang sya ng parang timang at kinalikot yung phone nya.

"AY INIRE KA NG NANAY MO!"

Napatingin silang lahat sakin dahil sa biglaan kong pagsigaw. Eh kasi naman eh! Bigla nalang may magpapatugtog tong si taehyung! Nagulat tuloy yung dyosa.

"Magtaka ka kung inire ako ng tatay ko." Sabi naman ni yoongi sabay ngiti.

"Kung magkaanak tayo, sinong iire?" Malanding sambit ni jimin kaya naman nasuka ako dahil sa sinabi nya.

Kadiri.

Mas lalong lumapad ngiti ni yoongi.

"Huwag ka ngang ngumiti. Ang silaw gago!" Sigaw ko sa kanya kaya nawala yung ngiti nya at napalitan ng pagsimangot.

Ayan, lagi naman ganyan eh. Mawawala tapos may papalit na iba.

Bumalik na muli ang tingin ko sa labas. Nakakarelax pa kasi ang ganda nung pinapatugtog ni Taehyung. Damang dama ko talaga eh.

Habang dinadama ko yung kanta ay naramdaman ko ang pagpatong ng ulo nya sa balikat ko. Aba! Chansing ah hihi

"Taehyung..." mahinang tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"Ang ganda sana nung kanta, pero wala akong naiintindihan."

Ramdam ko ang mahinang pagtawa ni Taehyung.

Ano ba kasing language to? Siguro, mga chinese kumanta nito. Puro chong ching chong.

"KUNG WALA KA NG MAINTINDIHAN~ KUNG WALA KA NG MAKAPITAN~ KAPIT KA SAKIN—"

"PAKYU, JIMIN. PAKYU" sigaw ko sa kanya.

Ang ganda na nung moment namin ni taehyung eh! Tapos eto paepal! Nagaano lang kami dito eh! Paepal talaga.

Teka, nag aano? kami ni taehyung?

Nakikinig ng music! Ang dudumi ng mga utak nyo ah.

Nakita ko ang paghawak nya sa katawan nya na parang tinatakpan. "Huwag po. Bata pa ako."

"Halata nga, yung height mo kasi eh" biglang singit ni taehyung sa usapan kaya napatawa ako.

"Bultaoreune" sabay sabay nilang sambit kaya napatango nalang ako. Kunware alam. Ulul.

Ano daw? Bultaoreune? Saang lupalop naman ng mundo nila napulot ang salitang yun?

Patuloy lang sa pagiingay ang mga ugok na ito. Para ngang ang saya saya nila eh. Kung makasabi silang nagsisisi sila na sumama sila noon, wagas eh! Akala ko nga di na talag sila sasama pero pagkabukas na pagkabukas ko palang nung pinto. Bubungad na yung mga pagmumukha nila. Sus. Mga pabebe pa, bibigay rin pala.

Nagsisisi daw sila na sumama sila noon pero sumama pa rin ngayon. Bakit ba ganyan kayo? Alam nyo na ngang pinagsisihan nyong ginawa yung isang bagay tapos uulit at uulitin pa ring gawin yun? Bakit hindi kayo matuto?

"Oy, Jin. Bakit ka lumiko?" Tanong ni Namjoon.

Napatingin naman ako sa daanan. Hindi ito ang daan papunta sa probinsya namin eh! Saan naman kami balak dalhin nitong si jin?

"Ayan kasi! Dapat ako nalang pinagdrive nyo eh. Edi sana di tayo maliligaw" sambit naman ni jimin kaya napatingin kaming lahat sa kanya ng seryoso.

"What? Nagsasabi lang ako ng totoo! Galing galing ko magdrive eh" pagmamayabang nya sabay ngiti pa.

"Okay lang na maligaw, huwag lang maaksidente. Tss, feeling magaling. Yak, don't us" bara naman sa kanya ni yoongi kaya pinalo sya ni jimin sa braso.

"Damang dama ko yung suporta ah. Thank you ah" sarcasting na sambit ni jimin at sinamaan ng tingin si yoongi.

"Damang dama mo rin ba yung pagmamahal?" Biglaang tanong ni yoongi kaya lumaki yung mata ni jimin.

Unti unting tumirik yung mata nya tapos naglumpasay. Ganyan po talaga yan kiligin. Nakakakilabot.

"TAMA NA NGA YAN KALANDIAN NYO! Tss, hindi tayo naliligaw oki? Susunduin lang natin si Jungkook maknae hehe"

Dahil sa narinig ko ay, napatayo  ako at napahawak sa ulo ko dahil nauntog ako. Naalala kong nasa loob pala ako ng van, jusq.

"JUNGKOOK? YOU MEAN, JUNJUN KO?" Di makapaniwalang tanong ko.

"Wow, Piper. May junjun ka?"

Tinapunan ko ng masamang tingin si jimin dahil sa sinabi nya.

"Bakit?! Curious lang naman ako! Grabe, ang sama ng tingin mo ah. Yoongi oh, niaaway ako."

Kesa intindihan kabastusan ni jimin ay pinakinggan ko nalang yung sagot ni jin.

"Yes, bebe piper. Hehe. Okay lang naman kung sumama sya diba? I know you want it hihihi. Ang boring daw kasi sa bahay nila kaya gusto nyang sumama." Paliwanag nya. "Okay lang naman diba, bebe piper?"

"OKAY NA OKAY! SOBRANG OKAY. AS IN 100% OKAY!"

Sobrang lapad ng ngiti ko dahil kasama namin sya. Shet, di ko minsan naimagine na makakasama ko sya. Shet shet sheeeeeeeeeet.

Habang nagsasaya ako dito ay napansin ko ang pagtingin sa malayo ni taehyung at nakanguso pa.

"Oy, taehyung! Ayos ka lang? Nabigla ka ba sa pagtalon ko kanina? Huehue, sorry naaaa" paghihingi ko sa kanya ng paumanhin.

"Sana nga yun nalang yung rason eh. Kaso hindi." Matamlay na sagot nya.

Hinawakan ko naman yung pisnge nya tapos iniharap sakin yung mukha nya.

"Eh, anong raso—" napatigil ang pagtanong ko dahil sa biglang pagbukas ng pinto ng van.

Napatulala ako sa lalaking nagbukas ng pintong yun. Nakashades sya tapos medyo gulo gulo pa yung buhok dahil parang galing palang sa ligo. Tapos nakasleeveless pa.

Nakahawak pa rin ako sa pisnge ni taehyung pero nakatingin pa rin sa lalaking yun. Shet, bakit hindi ko maalis ang tingin ko kay jungkook?

Naramdaman kong inalis ni taehyung yung kamay ko sa pisnge nya. At tumingin din kay jungkook.

"Wala ng bakanteng upuan kaya huwag ka ng sumama" sabi nya. Ako lang ba or talagang malamig yung tono nya nung sinabi nya yun?

Tsaka walang bakante? Eh ang lawak lawak pa ng space sa likod eh.

"Hindi ako bulag. Ayan oh, sobrang lawak pa sa likod tss"

Unti unti na syang pumasok sa van at tumungo sa likod.

"B-bakit ka naman sumama ha?" Trinatry kong maging parang galit yung boses ko pero wtf bat nauutal pa rin ako.

Napasmirk naman sya at umayos ng upo. "Don't ask as if you don't want it"

Nak ng! Umeenglish na ang lolo nyo!!!

Bago pa man ako tuluyang kiligin kay junjun ay umayos nalang muli ako ng upo at pinipigilan ang pagngiti ko. Shet lang kasi si jungkook! Bakit ang gwapo gwapo gwapo nya. Sobrang gwapo nya talaga. Wait, nasabi ko na bang ang gwapo nya talaga? Baka hindi ko pa nasasabing super gwapo nya?

Buti nalang, tulog na yung mga ugok kundi aasarin na naman ako ng mga to!

"Nadagdagan na naman kaagaw ko, tsk." Mahina na sambit ni taehyung pero sapat na yun para marinig ko.

"Kaagaw san?" Tanong ko naman.

"It should be 'kanino' hindi san" wika nya.

"Oh edi sige, kanino?"

"Sayo."

"Eh?"

Napa'eh nalang talaga ako sa sagot nya eh. Sakin? Ano daw? Kaagaw nya sakin?

Pinikit nya nalang muli yung mata nya at plinay muli yung music na yun. Habang nakapikit sya ang hindi ko maiwasang tumingin sa perfect face ni taehyung. Mula sa mata hanggang sa labi nya. Sobrang perfect.

"Para kang angel pag tulog." Mahinang sambit ko. Sabay sundot sundot pa ng malambot nyang pisnge.

Nabigla naman ako ng bigla nya akong akbayan at mas nilapit sa kanya. Para na tuloy akong nakayakap sa kanya ngayon.

"Mamaya mo na ako pagpantasyahan, Noona. Matulog ka na muna." Mahinang sambit nya na nagpainit sa mukha ko.

"And you're also an angel to me. You're my angel."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top