3rd Person's
"Oppa! Bakit ka ba kasi ngiti ng ngiti jan? Baliw ka na ba talaga?" Tanong ng dalaga kay jungkook na kasalukuyang nakangiti habang nakatingin sa tv.
"Jusme! Ibang klase ka! Horror na nga pinapanuod natin, nakangiti ka pa! Matinde ka oppa ah!" Sabi ulit ni jelly pero hindi nya pa rin ito pinansin ni jungkook.
"OPPA SI ATE PIPER!!"
Agad namang tumayo si jungkook tsaka tinignan ang kanyang bintana. "Asan?" Tanong nito at tumingin pa kay jelly.
"Sus, tinamaan na talaga kay ate piper. HAHAHA! Pakilala mo na ako dali!" Excited nyang sabi. Napakunot lang ang noo ni jungkook tsaka tumutok ulit sa tv.
"Hindi naman nakakatakot yan eh! Ilipat mo na nga sa Spongebob" - reklamo ni jungkook tsaka nagcrossed arms pa.
Kinuha ni jelly yung remote tsaka nilipat sa Cartoon Network.
"Oppa, sino ba si piper?" Tanong nito sa kanya.
"Isang babaeng dukha. Makulit, papansin. Nakakatangina. Pangit. Madaldal. Maingay. Ma---"
"Mahal mo?"
Nagulat naman si jungkook dahil sa biglang pagsalita ni jelly pero tumingin lang sya dito at kumindat.
Alam na dis.
----
Piper's
"Hoy piper! Tulala ka na naman! Kumain ka nga!" Rinig kong sigaw ni jin kaya natauhan ako.
"Wala akong gana eh" matamlay na sagot ko.
"May problema ka no? Tss, ano ba kasi yun? sobrang bigat na ba gurl? Hays, hindi ka na nga umuwi eh!" Sabi ni jin tsaka kinain yung pagkaing nasa harap nya.
"Sino si Jelly sa buhay ni jungkook?" Matamlay ulit na tanong ko.
Nakakaiyak kasi mga bes. Sa tagal kong kilala si jungkook, ngayon ko palang nalaman na may Jelly pala sya. Sino ba kasi yung jelly na yun?!
Apelyido nya ba ay ACE? JELLY ACE GANERN? Uwi piper uwi.
Nabulunan naman si jin kaya naman inabutan ko sya ng tubig.
Nang makainom ay agad naman syang nautot.
Opo, umutot sya. Ang lakas nga eh.
"SEOKJINGINA! ANG BAHO! TUMATAE KA BA?!" Reklamo ko tsaka tinakpan ang ilong ko.
"ANG HIRAP KASI MAGPAGIL NG TAWA! JUSME! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAAHHA"
"Hindi ka naman ata masaya ano? Hindi halata ah" sarcastic na sagot ko.
Sinubo ko na rin yung tinapay tsaka tumingin muli sa kawalan.
"Girlfriend ni jungkook si jelly"
This time, ako naman yung nabulunan. Nagsisign ako ng pahinging tubig pero tawa lang ng tawa ang bakla.
Tunay na kaibigan.
Pagkakuha ko ng tubig ay agad na kong ininom yun. Sinamaan ko ng tingin si jin. "Inabutan kita ng tubig kanina tapos ako tinawanan mo lang? Anong klase kang kaibigan?"
Ngumiti lang sya ng parang bakla. "Dyosa. Isa akong dyosang kaibigan! Pak Ganern!"
Binatukan ko sya at napailing. Hindi ko nga din alam kung bakit ako nagkakaibigan ng ganto eh.
"Girlfriend yun ni Jungkook? Nagtataksil sya sakin? Pinagpalit nya ako sa Jelly na yun?! BAKIT SEOKJIN BAKEEEEEEET!!" Tumayo ako at tinulak tulak pa si seokjin.
Ang sakit kasi mga bes.
"Calm dow--"
"ILANG TAON AKONG UMASA! ILANG TAON AKONG NAGHINTAY KASI AKALA KO NAGPAPABEBE LANG SYA PERO WALA! MAY GIRLFRIEND NA PALA SYA! BAKIT GANUN! SINABON KO NAMAN AYAW KUMI--"
Napatigil ako sa pagdradrama dahil sa pagsigaw nya.
"CALM DOWN ATENG! GRABE! Ang sakit mo sa bangs ah! Ay joke wala pala akong bangs. Anyways, joke lang kasi yun HEHEHEHEHEHEHEHEHEHEHEHEHEHHEEH wala naman talagang girlfriend si jungkook."
Napanganga naman ako at pilit na iniuulit sa utak ko yung sinabi nya.
Ano daw? Walang girlfriend si jungkook?
"Eh? Sino si Jelly?" Tanong ko.
"Pinsan ni Jungkook! Anak ng tito nyang si manong bang so kapatid ni Natty. Oh diba, natty and jelly hehe"
Nakatingin lang ako kay jin, hindi pa rin makapaniwala. Ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala si Natty.
"Hindi mo yun kilala or nakikita sa bahay nila kasi kakauwi lang nya yesterday galing sa Korea hehehez. ganda nga ng batang yun eh"
Tumango tango nalang ako at hindi ko maiwasan ang mangiti. Single pa sya mga bes HEHHEEHEHHEE habang may buhay may pagasa!!
"so akala mo kapag single sya, magiging kayo? Luh, dream on bes"
Sinamaan ko naman sya ng tingin. Ang kj. Ayun na kasi eh! Moment ko nang makapagsaya pero pinutol nya tsk.
"baka nakakalimutan mo piper. Nakatira sa bahay mo si Taehyung! Tapos hindi ka umuwi, jusme! Baka nagaalala na yun. I know taehyung, sobra yun magalala"
Napalunok nalang ako dahil sa sinabi nya.
"Sht oo nga pala. Sige, alis na ako." Tumakbo na ako palabas pero bumulik muli ako at kinuha yung tinapay.
"Gutom na ako eh heehhe bye!"
Tumakbo na ako ng mabilis kasi malayo pa dito sa bahay nina jin yung mansyon ko. Tatawid na sana ako ngunit Napatigil ako dahil sa babae na nasa gilid ko ngayon.
Kahit simple lang sobrang sobrang sobrang ganda nya. Maputi, matangos ang ilong, mapulang labi. Parang ako lang, hehe charr. Mas maganda pala ako.
Halatang mayaman.
Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko. Teka bakit bumilis? Nainlove ba ako sa kagandahan ng babaeng to?
Nanlaki ang mata ko dahil sa pagtingin nya sakin at ngumiti tsaka tuluyan ng tumawid.
Yung ngiting yun...
Napatingin ako sa may paa ko dahil sa papel. Agad ko naman iyong kinuha.
Nakita ko yung picture ni taehyung at may nakalagay na Missing.
Tinignan ko yung baba at nakita ko yung 500,000 na reward. Napakagat nalang ako sa lower lip ko dahil naalala ko yung sinabi ni December. Totoo nga, magkakapera ako dahil kay Taehyung.
Nagsimula na muli akong maglakad ngunit nakatingin pa rin sa papel na hawak ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Importante si Taehyung...
Pero mas importante ang magiging kalagayan ng buhay ko.
"NOONA!"
Naitago ko kaagad sa likod ko ang papel na iyon at tinignan ang lalaking tumatakbo papalapit sakin.
Para na namang nagsloslowmo ang lahat. Si taehyung lang nakikita at naiisip ko.
Naiisip ko kung anong gagawin nya sa gagawin ko.
Dahil sa isang mahigpit na yakap ay natauhan ako. Mas lalo nya p itong hinigpitan na para bang ayaw nya akong pakawalan.
"Noona, akala ko hindi ka na babalik. Akala ko iiwan mo na ako." Sunod sunod na sabi nya.
Napapikit ako at pinipigilan ang pagagos ng luha ko.
Inalis nya na ang pagkakayakap sakin at hinawakan ang pisnge ko.
"Huwag mo na ulit gagawin yun, noona ah? Ayokong iwan mo ulit ako."
"A-a-anong gagawin mo kapag ginawa k-ko yun?" Tanong ko sa kanya.
Hinawakan nya ang kamay ko at pinagmasdan iyon. Tumingin na din sya diretso sa mga mata ko. Kitang kita ko ang pgkasincere nya.
"Hindi ko alam ang gagawin ko kapag iniwan mo ako, noona. Kasi feeling ko, ikaw nalang ang meron ako ngayon."
Bawat salitang binibitawan nya ay tumatak sa utak at puso ko.
Dahil sa sinabi nya nakalimutan kong kailangan ko ng pera.
Parang nawala yung 500,000.
Ngumiti ako sa kanya at hinawakan din ang cheeks nya.
"Hinding hindi ka iiwan ni noona."
---------
Ano guys? Kaya pa? HAHAHAHAHAHAHAHA REACTIONS JUSEYO~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top