PTP - 13
Piper's
Unti unti kong minulat ang mata ko dahil sa narinig kong pagingay sa bubong ko na para bang may bumabato. Bumangon na ako ngunit yung mata ko nakapikit pa rin. Sino ba kasi yun? Distorbo aish.
"GOOD MORNING PIPER~"
Napasingkit ang mata ko dahil sa nakita kong kabayo sa harap ko. Ang laki pa ng ngiti jusme.
"aga mo ah? naghahanap ka ba ng damo?" Matamlay na tanong ko sa kanya.
"Maaga pa ba ang 9:30?!" - tanong nya.
9:30? Luh, 9:30 palang?
OMAYGAWD
para akong nabuhayan dahil sa sinabi nya. Lumapit ako sa kanya at tingnan yung relo nya.
"Putek naman hoseok! Ang yaman mo nga, hindi naman gumagana yang G-shock mo! Jusq" - reklamo ko sa kanya.
Bulok kasi yung relo nya jusme.
"ano bang pake mo? tsk, magbihis ka na nga! may pupuntahan tayo" sabi nya tsaka may kinuha dun sa kotse nya tapos binigay ito sakin.
Napakunot naman ang noo ko tsaka tumingin dun sa binigay nya. "Flowers? Para san to?" Tanong ko sa kanya.
"Mukha ka kasing paso." Natatawang sabi nya kaya binatukan ko sya.
Tinulak nya na ulit ako dun papasok sa bahay. "Magbihis ka na dali! Diba may trabaho ka pa?" Tanong nya.
shoot. oo nga pala! Papasok na sana ako kaso lumabas si taehyung. Nakapikit pa ito habang kinukusot kusot yung mata nya.
Tumingin sya sakin tapos napunta yung tingin nya sa bulaklak, sumunod kay hoseok na nakasandal ngayon sa kotse nya.
Kumunot ang noo nya tsaka tinuro yung bulaklak. "Bakit ka binigyan ng ganyan ni hyung?" Tanong nya.
Bakit nga ba? Hindi ko din alam eh.
"Kasi nililigawan ko sya."
Napaubo naman ako dahil sa sinabi nya. Anong pinagsasabi neto?
Magsasalita na sana ako kaso nga lang tumalikod na si taehyung tsaka sinara ng malakas yung pinto. Sumunod ako sa kanya pero hindi ko mabuksan.
"hoy taehyung! bahay ko to! baka nakakalimutan mo!" Sigaw ko at pilit na kinakatok yung pinto pero walang bumubukas.
Anong nangyari dun?
"HOY! MAY TRABAHO PA KASI AKO! KAILANGAN KO PANG MAGBIHIS PUTEK NAMAN!" Sigaw ko ulit.
Ineexpect ko na bubuksan nya na pero wala. Hindi nya talaga binuksan. Umasa na naman ako.
Tbh, naguguluhan na ako sa alien na yan. Kapag kasama ko si hoseok, parang lagi syang badtrip. Ang sama ng tingin samin. Jusme, anong ginawa namin sa kanya?
Sa almost two weeks na paninirahan nya dito, masasabi kong medyo nasasanay na rin akong lagi akong may kasama sa bahay at laging may tumutulong sakin sa mga gawaing bahay. Ang saya pala talaga kapag hindi ka nagiisa.
"Tara na nga!" Biglang sabi ni hoseok sabay hawak sa braso ko tapos hinila ako papasok dun sa kotse nya.
"Hoy! San ba kasi tayo pupunta? Eh, hindi pa nga ako naliligo eh!" Sigaw ko sa kanya.
Inayos nya yung seatbelt ko tsaka tumingin sakin habang nakangiti. "Maganda ka pa rin. Don't worry" sabi nya.
Teka, medj kinilig ako dun ah hihi.
"Magdrive ka na nga. Corny mo psh" sabi ko naman sa kanya.
Nagsimula na syang magdrive pero ako eto nakatitig pa rin sa kanya. Bakit po ang gwapo ng kabayong to?
Bigla naman syang napatingin sa direksyon ko tsaka kumindat pa kaya naman napaiwas ako ng tingin at nagkunwareng hindi ko sya tinitignan.
"Alam kong gwapo talaga ako, piper sus" sabi nya naman tsaka hininto yung kotse kasi red na yung traffic light.
"whoo! ang hangin grabe. bakit lumakas yung hangin, hoseok? ramdam mo ba?" Sarcastic na sabi ko sa kanya.
Napatawa lang sya tsaka umiling. "Ibibili pala kita ng damit"
"Aba! Diba sabi ko sayo, ayoko na ng binibilhan nyo ako? Okay pa naman tー"
"babayaran mo naman ako eh!" Sabi nya.
Sinamaan ko sya ng tingin. "anong babayaran?! wala nga akong pera eh anong pambabayad kー"
"pagmamahal mo"
Napatigil ako ng sabihin nya yan. Ano daw? Pagmamahal ko? Eh?
"HAHAHAHAHAH! joke lang. Yung mukha mo talaga eh! HAHAHA pak ganern!" Tumingin na muli sya sa unahan tsaka inistart yung engine.
Ilang minuto pa ay hininto nya na yung kotse tsaka bumaba at pinagbuksan ako.
"Naks! Gentlehorse ka na ah!" Sabi ko sa kanya tsaka ginulo pa yung buhok nya.
Napanganga naman ako dahil sa nakikita kong shop sa harap ko. Seriously? Dito nya ako ibibili?
"hoy. ano na? dali, malalate ka na" sabi nya pero nakatingin pa rin ako sa kanya at binigyan sya ng Gago-Ka-Ba-Bakit-Dito look.
"Malayo pa yung ukay ukay na sinasabi mo eh. Okay na yan, mura lang dyan. Pasok na." Sabi nya tsaka tinulak na ako papasok dun at sumunod naman sya.
Napalunok nalang ako dahil sa pagpasok ko. Ito ata yung shop kung saan parang lahat ng damit ay may ginto at pilak sa sobrang mahal. Kaya hindi ako belong dito. Hanggang ukay ukay lang talaga ako mga bes.
Tumingin tingin ako ng mga damit dun. Kesa yung designs yung pagtuonan ko ng pansin, ay yung presyo na muna yung inuuna ko. Gusto ko naman yung medyo mura. Pero parang wala, ginto talaga ang mga damit na to.
Kinuha ko yung nagustuhan kong damit ngunit halos mabitawan ko yun dahil sa pagsalita nung babae sa tabi ko.
"Ah, ma'am. Bagay po yan sayo." Sabi nya.
Ngumiti lang ako ng pilit tsaka tumango. Binalik ko na lang ulit yung damit dun at iniwan sya dun.
Kukunin ko ulit sana yung isang damit kaso may nagsalita ulit.
"Ma'am, isusukat nyo po?"
Tinignan ko yun. Eh eto yung babae kanina ah. Sinundan ako? Stalker?
Humarap ako sa kanya at ngumiti ulit ng pilit. "Hehe, ate. Hindi naman po kailangang sunod kayo ng sunod sakin. Mukha lang akong magnanakaw pero promise, hindi ko nanakawin mga gamit dito okay? Hehe yun lang. K thanks bye"
Pagkasabi ko nun ay na ako kay hoseok. Baka kasi galit si ateng sakin. #Roasted
"May napili ka na?" Tanong nya sakin. Napapout nalang ako at unti unting umiling. "Naiiyak ako sa presyo, hoseok! Grabe." - reklamo ko.
Tumingin sya sakin at nagsalita. "eto bagay sayo" tinapat nya sakin yung isang dress tsaka ngumiti at tumango. "Suotin mo to" utos nya kaya naman napailitan kong kunin yung damit na binigay nya.
Naglakad ako papunta dun sa fitting room nila tsaka sinukat yung damit.
Ayos naman. Kaso hindi ako komportable ng ganto eh. Pilit kong ibinababa yung dress pero wala, maikli talaga sya.
Napakagat nalang ako sa lower lip ko at palakad lakad dun. Hindi naman bagay sakin eh.
Tumingin ako sa taas at may nakita akong damit at jeans kaya napangiti ako. Hoseok talaga!
"Kilala kita piper. Alam kong ayaw mo ng ganyan HAHAHA. ayan na lang bihisin mo. Faster please?" Sambit nya.
"Naks naman! Saan mo napulot yung faster please?" Tanong ko sa kanya tsaka sinuot yung white v-neck shirt. Kilalang kilala talaga ako ni kabayow.
"secret. bawal sabihin. no clue." Sunod sunod na sabi nya. Napailing lang ako tskaa tumingin muli sa salamin. Inayos ko na yung buhok ko at hinigpitan yung pagkasintas nung sapatos ko.
Lumabas na ako ng fitting room at nakita ko si hoseok na naghihintay dun. Tumayo na din sya nung lumabas ako.
Lumapiy ako sa kanya tsaka tinapik yung likod nya. "Salamat ah!" Sabi ko.
Ngumiti sya tapos tumango. "Wala yun! Basta ikaw" then he winked.
Lumabas na kami ng store tsaka naglakad papunta sa kotse nya.
"Yung bayad mo pala..."
Napalunok naman ako ng sabihin nya yan. Hala grabe. Magkano ba to???
"H-ha? Alam mo namang wala akong pera eh! Grabe naー
"samahan mo ako sa lugawan"
Nanlaki naman ang mata ko nang sabihin nya yan. "Weh? Maglulugawan tayo? Omgggg"
Tumango sya tsaka kinuha yung phone sa bulsa nya kasi tumunog yun kanina.
Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Ang tagal ko na rin kasing hindi nakakain dun. Tagal ko na ring hindi natitikman yung lugaw.
Pagkatingin ko kay hoseok ay parang nawala na parang bula yung phone na dala nya. Nakuha ito nung lalaking ang bilis tumakbo.
"HOY HOSEOK. NANAKAWAN KA! HINDI MO MAN LANG BA HAHABULIN?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin lang sya ng ilang minuto sakin tsaka tumakbo na. Nagloading muna sa kanya bago nya marealized na nakawan talaga sya. Jusq, kung ako yan. Iiyak talaga ako. Ang mahal mahal kaya ng iPhone. Hanggang ipon lang ako mga bes
Ilang minuto pa ay dumating na si hoseok na hingal na hingal. "Okay ka lang? Nakuha mo ba yun phone? Nareport mo ba yung magnanakaw?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
Umiling lang sya kaya naman naguluhan ako.
"Naabutan ko naman."
"Eh asan yung phone mo?"
Kumamot sya ng ulo nya tsaka ngumiti na parang nakakaloko.
"Binigay ko lang yung earphones ko. You know, baka mabored yung magnanakaw. Pwede na syang makapagmusic! Ang bait ko diba?"
---------
That 'gusto ko nang tapusin' feeling HAHAHHHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top