PTP - 11

Piper's

"Kain muna tayo noona tapos mag ukoy ukoy na tayo!" Masayang sambit ni taehyung. Napailing nalang ako tsaka marahang napatawa.

"Ukay ukay kasi. Kanina ka pa ah hahaha" sabi ko naman. Napakamot lang sya sa buhok nya tsaka ngumiti. "Sorry noona hehe." Bakit ang cute nya po?

Tumigil sya sa tapat nung McDo tsaka pumasok dun. Wala akong nagawa kundi sumunod nalang sa kanya. Naghanap muna kami ng vacant seats tsaka umupo doon.

Sya na yung nagorder habang ako naiwan dito. Chinicheck yung mga binili ni taehyung. Marami syang napamili pero sabinya mura lang daw yun. Hindi ako naniniwala kasi naman yung damit lang 500+ or 1k+ na eh! Grabe naman. May ginto ba dito sa mga damit na to?

Bumalik na si taehyung na may dala dalang tray. Inilapag nya na ito sa table tsaka umupo na.

"bakit dito tayo sa McDo kumain?" Curious na tanong ko. Kasi naman, may nadaanan kaming ibang kainan dun pero nilagpasan nya lang.

Siguro nga, laking McDo to si taehyung.

Laking karinderya ako eh.

"Gusto kong makamove-on" sabi nya tsaka pinagmasdan yung burger. "Pag kinain ko ba to, makakmove on ako agad? Kagaya nung sa commercial?" Tanong nya.

Napakunot lang ang noo ko kasi hindi ko alam yung commercial. Wala kasi akong Tv sa bahay eh. Tsaka nakakatamad makinood sa mga kapitbahay. Ang dadamot nila, para namang nanakawin ko yung mga bulok na tv nila eh.

Pero mas nagtataka ako dahil sa sinasabi ni taehyung, move on?

"bakit ka naman magmomove on? Akala ko kayo pa nung girlfriend mo?" Tanong ko sa kanya.

Binuksan nya yung burger tsaka kumagat ng konti. "Pinapaniwala ko yung sarili ko na kami pa, na masaya pa kami, na akin pa sya. Pero wala na, bumitaw sya kaagad" natatawang sabi nya.

Alam kong sa likod ng mga tawang yan ay nasasaktan na sya. Kitang kita sa mga mata nya ang pagkalungkot.

Sa likod ng tawa at pagngiti nya ay marami syang problemang pinagdadaanan. Yung sa family nya, tapos eto pa. Siguro nga hindi ko pa talaga kilala ang totoong sya, yung mga pinagdaanan nya. hindi ko pa talaga kilala si Kim Taehyung.

"Uhm..." Gusto kong itanong yung nangyari. Pero parang ang chismosa ko naman ata kapag ganun kaya naman nilunok ko nalang yung lahat ng lakas ng loob na naipon ko kanina.

"ayaw sa kanya ng parents ko. Clićhe right? Pero yun ang totoo. Hindi sya kasingyaman namin, may kaya lang ang pamilya nya kaya nagalit ang parents ko. Sabi ko, ipaglalaban ko sya. Ginawa ko ang lahat para ipaglaban sya pero mukhang hindi pa yun sapat para kumapit sya.." Sunod sunod na kwento nya.

Mahirap nga talaga ang maging mayaman no? Para kang robot na kailangan icontrol sa bawat galaw at disesyon mo.

"ipinaglaban ko sya pero binibigyan nya ako ng rason para sumuko na"

"Nagpasilaw sya sa pera. Tinanggap nya yung pera na galing sa parents ko. At ang kapalit? Hiwalayan at layuan ako." Tumingin sya sakin nun. Nakikita kong nasasaktan talaga sya.

Mukhang, mahal na mahal nya talaga yung babaeng yun.

Ang swerte nya.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko para icomfort sya. Aish.

"Nangako ako sa sarili ko na sya lang yung babaeng mamahalin ko ng ganun." Kinuha ko yung soft-drink tsaka ininom iyon.

"pero parang naniniwala na ako sa kasabihang 'promises are meant to be broken' nung nakilala kita, noona"

Halos maibuga ko sa mukha nya yung softdrink na ininom ko.

Jusme, pagkatapos magdrama, bumabanat ka na ngayon? Ibang klase!

"hehehe. ang corny ko talaga" napakamot sya nung sa ulo nya tsaka ininom din yung soft-drink nya tapos tumingin sa bintana.

"buti alam mo" sabi ko naman.

Yung feeling na gusto kong lumabas tapos magsisigaw dun dahil sa sobrang kilig? Jusq, mga banat talaga ng alien na to eh.

Kinain ko na din yung burger ko tsaka tumingin dun sa bintan. Nakikita ko yung mga taong naglalakad. Ang cute! Parang mga langgam nalang sila hehe.

"ikaw, noona? Nagkaboyfriend ka na ba?" Tanong nya sakin. Napatingin naman ako sa kanya nun.

"ewan ko. nakalimutan ko na eh" sabi ko naman.

"Eh? Bakit mo kinalimutan?" - tanong nya.

Ngumiti naman ako tsaka sinubo yung fries. "Dapat kinakalimutan na ang walang kwentang tao, okay? Haha tsaka past is past. Huwag na nating pagusapan" tanging sagot ko.

Ayoko na ulit alalahanin yung gagong yun. Baka mapatay ko ulit sya sa isip ko eh.

"Ah okay haha. Eh si jungkook?" Tanong nya sakin.

"Crush ko yun, simula bata palang kami. Sya na yung nakikita ko. Alam mo dati? Magkalaro kami nun pero nagiba na sya ngayon. Sobrang nagiba yung ugali nya hays. Pero kahit ganun, crush ko pa din yung ilong na yun haha" sagot ko naman.

Tumango tango lang sya. "Swerte ni kookie" natatawang sabi nya. Napatawa nalang din ako. Tsaka umiling-iling. Tumayo na sya tsaka kinuha yung mga paper bags.

"Tara na?" Sabi nya kaya ngumiti ako tsaka lumabas na kami ng McDo. Naglakad lakad na kami papunta sa sakayan ng jeep.

"San tayo pupunta, noona?" Tanong nya.

Tinuro ko yung jeep sa kanya. "Bibili na tayo sa ukay ukay!." Paliwanag ko sa kanya tsaka nauna nang maglakad. Nakita ko yung loob ng jeep na meron pang pwedeng upuan ang dalawa kaya naman hinila ko sya papasok dun.

"aray!" Napatawa ako dahil sa pagkauntog nya.

Ang tangkad kasi jusme.

Umupo na kami kahit siksikan at parang hindi talaga sanay si taehyung. Nakita ko yung isang babaeng buntis na pasakay na sana pero tumigil dahil wala nang mauupuan. Napatingin ako kay taehyung na kasalukuyang nagpapaypay gamit yung kamay nya.

"Dun tayo sa labas" sabi ko tsaka tumayo muli then hinila sya palabas.

"Hmm kuya, dito nalang kami kasi mukhang nagmamadali si ale eh." Sabi ko dun sa lalaki kaya naman tumango ito.

Ngumiti sakin yung babae tsaka hinawakan yung balikat ko. "Salamat, ineng" sabi nya. Tumango lang ako tsaka ngumiti.

Naramdaman kong natingin din sakin si taehyung habang nakangiti. "Ang bait talaga ng noona ko" sabi nya.

"Sus. Small thing hahaha. Sige, sumakay ka na jan" sabi ko sabay turo dun sa gilid nung jeep. Hindi ko alam kung anong tawag dito pero pwedeng sumakay, yun nga lang nakatayo.

Tumayo na ako dun tsaka kumapit dun sa bakal. "Ano pang hinihintay mo jan? Sakay na dali!" Sabi ko.

Napalunok naman sya pero sa huli ay tumuntong na sya dun. "Safe ba tayo dito?" Tanong nya.

"Basta, kumapit ka lang okay?" Paliwanag ko sa kanya. Tumango naman sya nun kaya tumingin na ako sa unahan.

Namiss kong sumakay sa ganto. Hays.

Naramdaman kong unti unti nang umaadar yung jeep.

"NOONAAAA!" Sigaw nya kaya napatawa ako habang napatingin sa kanya.

Hindi ko mapaliwanag yung mukha nya. Para syang natataeng ewan HAHAHAHAHA!

"Hindi ka mahuhulog jusme! Kapit lang okay? Eh kung sa relasyon nyo nga natiis mong kumapit at hindi bumitaw, dito pa kaya sa jeep?" Hugot ko sa kanya.

Nagmake face lang sya kaya napatawa ako. Ang cute! Naramdaman ko na ang paglipad lipad nung buhok ko at paghampas nito sa mukha kong napakaganda. Jusme. Napapapikit nalang tuloy ako dahil sa hangin.

Tumingin ako kay taehyung na nakataas na yung isang kamay.

"WHOOOOO!!"

Mukha syang baliw seryoso. Pero yung ngiti nya, abot tenga eh. Parang bata na nabilhan nung gusto nilang laruan.

Gusto kong umiwas nung bigla syang tumingin sakin pero hindi ko maalis yung tingin ko sa kanya.

Kumindat pa ang gago.

At ayun nga, tuluyan na akong umiwas ng tingin dahil baka matunaw ako nang dahil sa kindat nyang pamatay.

Ilang minuto pa ay tumigil na yung jeep kaya naman bumaba na ako pero si taehyung nandun pa rin.

"hoy hindi ka bababa jan?" Tanong ko sa kanya.

Bababa.. Naalala ko si hoseok.

"Eh! Gusto ko pa noona. Pwedeng isa pa? Hehe" sabi nya.

Tae! Ang cute cute talaga.

"Mamaya na paguwi. Bumaba ka na muna jan" sabi ko sa kanya.

Nagpout sya tsaka unti unti na ring bumaba. Lumapit na sya sakin tsaka nagsimula na kaming maglakad. Jusq, andaming tao. Hinanap ko na yung lagi kong binibilhan ng damit. Bakit kasi andaming tao ngayon? Jusme. Lakad lang ako ng lakad.

Gotcha!

Hinawakan ko yung braso ni taehyung tsaka nakipagsiksikan dun sa mga tao.

"Phew. Nandito na tay- KING..... INA" Tanong ko dun sa lalaking hawak hawak ko yung braso.

napangisi sya. "long time no see, piper" sabi nya.

Nanlaki yung mata ko nang makita ko ang isang gago. Binitawan ko yung braso nya at tinignan sya ng masama.

"wow. hindi naman ako naorient na bumalik na pala ang isang gago dito. Edi sana nagsabi ka para naman nagcelebrate ako diba?" Sabi ko sa kanya.

Tumawa lang sya. "Still bitter huh?" Sabi nya.

"Still gago huh?" Pangbabara ko sa kanya.

Aalis na sana ako kaso hinawakan nya yung braso ko. "Just admit that you still love me" nakangisi nyang sabi.

"Love me your face! Bitawan mo nga ako. Hindi na kita mahal okay? Nandidiri ako kapag naalala kong naging boyfriend kita ew" sabi ko naman sa kanya.

Unti unti na akong naglakad palayo sa kanya.

What a coincidence. Dito ko pa talaga nakita ulit ang gagong yun. Argh. Buti nalang nakapagtiis ako na huwag syang sampalin.

Sobrang panggago ang ginawa nya sakin noon. Kaya ayaw ko nang alalahanin muli.

Ang dapat kong gawin ay hanapin si taehyung. #FindingTaehyung

"Asan ka na ba kasi?" Tanong ko at pilit pa rin syang hinahanap.

I lost my taehyung~ i lost my taehyung~

Teka anong MY? Jusq, piper. Maghanap ka na nga lang!

---------

#TEAMBAHAY #TEAMIYAK #TEAMTWITTER

guys, sa pupunta 😭 please pakisigaw sa JIKOOK mahal na mahal ko sila. Huhuhu or kahit kay Jimin babes nalang 😭😭😭😭😭

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top