PTP - 07

Piper's

"Bespren! Anong ginagawa mo dito?! Alam mo bang halos mabaliw na kami sa kakahanap sayo?!" - sabi ni jimin tsaka tumakbo papalapit kay tete tsaka niyakap to. ayy. bromance?

"finding dory lang ang peg? finding taehyung ganern?" - sambit ni jin hyung kaya nabatukan sya ni Namjoon dahil sa kavaklaan nya.

Lumapit na rin yung lima sa kanya tsaka nagkwentuhan na ng kung ano ano. Hindi man lang ako pinansin dito.

Wow mga bes, andito pa po ako! Tsk. Sus sige, ganyan naman sila. Kakalimutan at iiwan ka.

Lumapit ako sa kanila at nagsalita kaya naman natigil sila sa pagkwekwentuhan. Bastos na kung bastos pero andaming tanong na gusto kong masagot.

"teka nga lang! Anong taehyung?! TETE pangalan nyan!" - sabi ko sa kanila tsaka hinawakan pa si tete sa braso.

#GalawangPiper hihi jk.

Tumawa naman bigla si Jimin tsaka inakbayan ako. "Nickname nya lang yun pft- sya talaga si Taehyung, yung hinahanap namin" - sabi nya.

Napakamot naman ako sa ulo tsaka tumingin sa alien na 'to. "Eh? Ikaw ba talaga si Taehyung?" - tanong ko sa kanya.

Gusto kong manigurado.

Unti unti naman syang tumango. "My name is Taehyung Kim- kim taehyung." - sabi nya sabay pakita nung rectangular smile nya. Ang qt qt nya huhu.

Pumagitna naman samin si Jhope tsaka tinignan kami parehas. "Teka nga? Bakit kayo magkakilala?" - tanong nya.

PAKSHET. Eto nga ba ang sinasabi ko 'e. Magsasalita na sana ako- este magsisinungaling kaso biglang nagsalita tong si Tete- or should i say taehyung?

"Nakikitira ako sa kanya hehehe"

One-

Two-

Thr---

"ANO?!!!!"

wala pa ngang three. Sus bakit ang excited nila?

"Piper pepper! Get one whole sheet of paper and explain what's going on." - maawtoridad na sambit ni namjoon kaya napakagat ako sa labi ko.

Sabi na kasi eh! Nagagalit na si lolo rapmon.

"Explain Piper" - cold na sabi ni yoongi tapos umupo na. Umupo na din yung iba pero kami ni taehyung nakatayo pa rin.

"Anong nakikitira ka sa kanya huh Taehyung?! Kaya ka ba naglayas dahil nagtanan kayong dalawa?!" - napatingin naman ang lahat kay Jin.

Teka anong pinagsasabi nito? Tanan? Huehueheu pwede hihi puta bat ang landi ko. Pakiexplain. One whole sheet of paper. Back to back! Now na hehe chos.

Huminga muna ako ng malalim tsaka nagsimula ng magkwento. Kwenento ko sa kanila yung simula talaga hanggang sa kasalukuyan. Gusto ko mang magsinungaling, hindi ko magawa dahil alam nila kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Ang galing nila no?

"bakit sa dinami dami ng pwedeng tirhan, kina Piper pa ha taehyung?" - tanong ni jimin sabay tingin kay taehyung na kasalukuyang kinakain yung fries.

"hoy taehyung! nakikinig ka ba?!" - tanong ulit nito pero patuloy lang sa pagkain si Taehyung. Wala man lang pake, basta lumalamon sya.

Namiss nya siguro ako- este yung kumain ng mga ganto.

"Pabayaan nyo muna, hindi na sya nakakatikim ata nyan eh" - sabi ko naman.

"Anong hindi?! Eh lagi nga yang may stock ng fries sa bahay nila eh! Akala mo laging mauubusan" - sabi ni jhope tsaka ininom yung McFloat.

Binatukan ko naman sya. "Lumayas nga sya diba? Edi hindi na sya nakakatikim ng ganyan!" - sabi ko naman.

Napakamot nalang sya sa ulo at nagsmile pa ang ogag. "Oo nga no? Hehe." - sabi nya kaya napailing nalang ako.

"noona! uwi na tayo?" - sabi nya tapos tumayo na pero hinila ulit sya paupo ni jimin.

"Ikaw naman ang magexplain kung bakit mo naisipang maglayas at kung bakit kina piper mo pa naisipang makituloy" - sunod sunod na sabi ni namjoon.

Tinignan lang sila ni Taehyung ng walang emosyon. "Alam nyo na ang dahilan, Hyung. Kung hindi ba ako lumayas, makikita nyo ba ako ulit? Siguro hindi na kasi Itutuloy ni Dad yung planong pagaralin ako sa ibang bansa. Pagaaralan ko na yung business namin, sabi ni Mom." - malungkot na sambit nya.

"Mas okay na munang ganto, hyung. Gusto ko namang maging malaya kahit minsan. Kaya please, wag kayong magsusumbong ah?" - sabi nya at isa isa silang tinignan.

Ngumiti naman si Jin. "Sus, ikaw pa! Syempre, hindi ka namin isusumbong. Pero Taehyung naman, makakatagal ka ba sa maliit na bahay ni piper?" - pagkasabi ni Jin nun ay agad ko syang sinuntok sa braso.

Wagas makapanlait sa mansyon ko ah!

"Oo naman, hyung! Tbh, gusto ko na nga dun tumira forever eh! Ang ganda kaya" - sabi nya.

Napangiti ako samantalang yung mga bugokz naman ay napanganga lang sa sinabi ni Taehyung.

"alien ka nga talaga tss. kelan pa naging maganda yun?" - sabi naman ni yoongi kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"what if sa house ko nalang ikaw magstay? or sa kanila diba? hehe. mas comfortable!" - sabi naman ni jin.

"sus baka pagnasaan mo si Tete" - bulong ko kaya kinurot ako ni jin tsaka nagdeath glare. Wow natakot ako, beh.

Humarap naman ako kay taehyung. "Oo nga. Dapat sa kanila ka nalang makitira, promise hindi ka magtatagal sa mansyon ko. Ganyan naman kayo diba? Mabilis magsawa" - nabatukan naman ako ni jimin dahil sa biglang paghugot ko.

"Aray ko, pandak ah! Wagas makabatok eh no" - reklamo ko habang hinahawakan yung batok ko.

"Hugot pa more kasi. Tss, bespren! Sa bahay nalang namin." - sambit ni jimin kaya tumango yung iba. Napatango nalang din ako.

"alam nila yung mga bahay nyo diba? Oh edi baka hanapin din ako dun! Tsaka, sawa na ako sa mga bulok nyong pamamahay" - sabi ni taehyung.

Wow bulok pa yun sa kanya?

Eh ang gaganda kaya ng bahay ng mga bugokz na to! As in! Mansyon na mansyon! Baka nga yung bahay ko, sa langgam lang nila eh.

Tumingin sakin si taehyung tapos hinawakan yung kamay ko na nakapatong dun sa mesa.

Nanlaki yung mata ko dahil sa ginawa nya. Chansing ah! Pero kinikilig ako whyyyy.

"noona, ayaw nyo bang makitira ako sa bahay mo? pumayag ka na diba? diba?" - parang batang sabi nya.

Napakagat ako sa labi ko at tinignan din sya. "Pero tete, hindi ka talaga magtatagal dun. Maliit, masikip, pangit. Walang tv, electric fan, or kung ano pa man yan. Mayaman ka. Hindi ka puwede sa bahay na ganun." - sambit ko.

naramdaman kong unti unting lumuwag yung pagkakapit nya sakin at katulad kanina, tinignan nya ako with blank expression.

"kaya ayoko maging mayaman eh. pati ba naman dito, hindi masusunod yung gusto ko? Nakakapagod, tangina" - sabi nya tsaka tumayo na.

Lumabas na din sya ng McDo, iniwan kami.

"dapat pumayag ka nalang, piper" - sabi ni yoongi.

"Kayo ang may gusto na wag syang tumira sa bulok kong bahay diba?" - sabi ko naman sa kanila kaya napatahimik sila.

"ayaw nga namin. Pero may mga reasons kami, piper. Hindi lang dahil maliit yung bahay mo." - hinawakan ni namjoon yung balikat ko.

"Babae ka piper, tapos may makikitira sayo si Taehyung. Hala baka maging batang ina--" - hindi natapos yung sasabihin ni namjoon dahil lumanding yung kamay ko sa batok nya.

"gago! Akala mo ganun ganun lang? Tss, alam kong mabait si Taehyung. Tsaka may respeto sya sa babae, okay? Hay, bahala nga kayo. Susundan ko sya" - sabi ko.

Kahit ilang araw ko palang yung nakakasama, alam kong may respeto naman sya. Dapat lahat ng lalaki, may respeto talaga. Tsk tsk.

Lalabas na sana ako kaso sumigaw si Jimin kaya napalingon ako sa kanya.

"Bilhan mo ng ice cream, piper. Ganun yun pag nagagalit" - sabi nya kaya napathumbs up nalang ako tapos lumabas na ng mcdo.

--------

late ud sorry po huhu. thank you pala sa 2k grabe hihi <3 mahal kayo ni taehyung!

new cover ❤️ inspired by @/dumbhyungs' style :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top