PTP - 06

Piper's

"anak, miss na miss ka na namin ng daddy mo.... anak okay ka lang ba dyan? anak, sorry..."

Napabangon ako habang hinahabol ang paghinga ko. Ramdam ko din na pawis na pawis na ako.

Ito na naman eh, nananaginip na naman ako sa mga walang kwentang tao.

"Noona, gwaenchana?" - bigla naman akong napatingin dun sa nagsalita. Gising pa to?

"hoy bat gising ka pa ah! tsaka anong chana chana na yan." - tanong ko sa kanya. Siguro, alien language yung ginamit ng alien na 'to.

"Di kasi ako makatulog noona eh" - sabi nya tsaka humiga ulit. Dun pala sya natutulog sa sahig. Duh, alangan namang tabi kami ano? Tss, ano sya chix.

Humiga muli ako. "Try mo kasing ipikit mata mo" - sabi ko naman tapos ipinikit na muli ang mata ko kahit hindi na ako inaantok.

"a...h hehe kasi ano.... di ako makatulog kasi ang ganda nung buwan oh!" - sabi nya sabay turo dun sa may bubong.

Kita nya pala yung buwan kasi naman may butas yung yero ko ng bahay ko.

"bilog na bilog" - manghang sabi nya kaya napatawa ako.

"Magtaka ka kung maging triangle yan" - nakakalokong sabi ko sa kanya pero nakatingin pa rin sa buwan. Ang ganda nga.

"Feeling ko talaga may rabbit jan" - napatawa naman ako sa sinabi nya. Luh ulul, bat may rabbit sa moon?

"ay jusme HAHAHAHA. saang planeta ka ba nanggaling?" - tanong ko sa kanya kaya tumawa lang din sya. Napatingin ako sa kanya at shet, bakit ang gwapo nya kapag tumatawa? Yung bibig nya parang nag rectangle tapos hindi na masyadong kita mata nya.

piper, si jungkook kras mo okay? si JUNGKOOK.

"hmmm, tete.. bakit ayaw mong umuwi sa bahay nyo?" - bigla kong naitanong sa kanya.

Yung ngiti nya ay naglaho ng parang bula. Yung parang pagmamahal nya sayo, nawala  nalang basta.

"Ah.. ayoko na. pagod na akong sumunod ng sununod sa kanila. Kontrolado kasi nila lahat ng gagawin ko eh." - sabi nya.

Nung sinabi nya yun ay nakaramdam ako ng pag kaawa sa kanya.

"Siguro naman mas mabuti yun kesa makitira sa maliit ba bahay diba? Kasi kahit ganun, mayaman ka. Nakukuha mo gusto mo. Ang swerte mo nga kasi mayaman pamilya mo eh. Ang saya kaya nun!" - sabi ko naman.

Minsan naiinggit din ako sa nga mayayaman eh. Yung kahit meron pa sila, ibibili na agad sila kahit hindi naman masyadong kailangan. Yung nga mayaman, parang natatae lang ng pera eh.

Kung ang nga mahirap, prinoproblema kung san kukuha ng pera.
Mga mayaman naman, namomobrela kung paano gagastusin yung pera nila. Gets nyo? Hindi? Ah okay.

"hindi din masaya ah! Yung gusto ko kasi ayaw nila tapos yung mga ayaw ko naman gusto nila! To be honest, mas gusto ko pang tumira sa maliit na bahay na ganto kesa dun sa magarang mansyon. Kasi dito, malaya ako" - sabi nya naman.

Putek, di ako sanay na seryoso si Tete ah huhu. Pero napaisip rin ako, mas nga talaga kung ganto ang buhay ko kasi nagagawa ko lahat ng gusto ko . Malaya ako.

"hmm, hindi ba mas lalong  magagalit sila sayo?" - tanong ko naman.

"I dont give a sht i dont give a fck" - pagkasabi nya nun ay agad ko syang binato nung unan.

Ang seryoso na kasi tapos nagrap pa ang putek.

"HAHAHAHAHA naalala ko si yoongi hyung" - sabi nya naman.

Yoongi?

"I dont give a sht" - sabi ko pabalik sa kanya kaya tumingin lang sya sakin.

"Oh bakit? Matunaw ako ah. Tss, alam kong maganda talaga ako" - sabi ko naman sa kanya.

"Lumakas yun hangin bigla eh HAHAHAH. May naalala lang kasi ako sayo" - sabi nya habang nakatitig pa rin sakin.

"Sino? Yung future girlfriend mo? HAHAHAHAHA. Alam ko na yang mga banat na yan no" - pagbibiro ko naman sa kanya.

"Hindi! Si yeeun kasi! Yung kapatid ko, hawig mo." - sambit nya naman.

"Oh talaga? Edi dyosa din yun?" - sabi ko sabay tawa naman.

"syempre! ganda kaya nun... tsaka yung sinabi mong banat kanina HAHAHAHAHAHAHAHAH. furure gf ka jan" - tumayo na sya sa pagkakahiga nya tsaka inayos yung hinigaan nya.

"Ang layo naman ng itsura ng Gf ko sa mukha mo HAHAHAH. Mas maganda girlfriend ko"

Bakit medyo kumirot yung puso ko? AY POTA. magpapacheck up na nga ako leche

"may girlfriend ka?" - tanong ko sa kanya.

Bakit ang hinihiling ko sabihin nya ay 'wala'? HUEHUE ano bang pake ko kung may gf sya or wala?!

Tumingin sya sakin tapos ngumiti. "Meron hehe"

-----------

"so, what's our plan?" - tanong ni namjoon.

Nakatulala lang ako sa kawalan habang kinakain yung fries na nilibre nya samin.

May gf na sya? Oh edi shing.

"Plan? Hehehe may leche flan ba dito sa McDo?" - tanong naman ni jhope. Gusto ko syang batukan pero wala ako sa mood.

"Hoy piper!"

Nakakawalang gana.

"Piper the pauper???"

Halos maubos ko na ata tong fries eh.

"Baliw talaga! Hoy, ubos na yung fries!" - natauhan naman ako dahil sa pagsigaw ni jimin kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Inubos mo yung fries?! Gago ang baboy mo talaga!" - sabi ko naman sa kanya kaya binatukan ako ni suga na katabi ko ngayon.

"Tanga hindi ka nga namimigay eh! Ikaw yung umubos tss ano bang nangyari at lutang na lutang ka?" - tanong nya naman pero umiling lang ako.

"Wala!" - sabi ko naman.

"Bakit kasi tayo pa ang inutusan ni tita na hanapin si Taehyung?! Aish!" - inis na sabi ni yoongi.

"Oy piper, tulungan mo naman kami!" - sabi ni jhope .

Kinuha ko naman yung float at sinipsip yun. "Ano bang itsura nun?" - tanong ko sa kanya.

"Hmm, alien!"

Bakit naalala ko si Tete?

"Pula ang buhok, tsaka kapag tumawa pa rectangle" - sabi naman ni jimin.

Oh? Bat si tete na naman naiisip ko? Aish. Anong nangyayari sayo piper?!

"Baka kinuha na nung mga aliens! Yknow, namimiss na sya ng mga kamag-anak nya" - sabi ko naman sa kanila, kaya napatawa naman sila dahil dun.

Napatingin naman ulit ako sa labas at may nakita akong pamilyar na taong kumakaway. Nakita ko syang tumatakbo

Hala, anong ginagawa nya dito?!

"A-ah. Alis na ako ah? Hehe thank you sa libre namjoon! Next time ulit hehe bye!" - sabi ko pero hinawakan ni jimin yung braso ko.

"Tulungan mo nga kami! Ganyan ka na ba ngayon? Nangiiwan?" - sabi nya tsaka nagpout pa ang ogag.

"Masanay ka na kasi iiwan ka din nila putek bitawan mo na ako please" - pagmamakaawa ko sa kanya.

Ayokong makita nila si Tete tapos malaman nilang nakatira kami sa iisang bahay. Baka bugbugin ako ng mga to.

Para na rin kasi nila akong kapatid kaya ganun sila kung mag-alala.

Kinagat ko yung kamay nya kaya naman nabitawan nya ako.

"Noona!"

Pero huli na nung naalis ko yun dahil nakapasok na sya.

Nagulat naman ako sa biglang pagtayo ng mga bugokz.

"Taehyung?!"

Hala putek. Kailan pa napalitan ang pangalan ni tete?

-----------

late.
lame.
Mian hueue

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top