PTP - 05
Piper's
Naglalakad na ako papunta sa bahay. Malapit lapit na rin naman. Napansin kong nakabukas ang ilaw.
Hala putek andun pa talaga si tete! Hindi nya ako iniwan! - ay teka bat tuwang tuwa pa ako? aish.
Tumakbo na ako para mabilis akong makarating dun.
Papasok pa lamang ako kaso bumungad sakin si Tete na may hawak na bra at panty.
HALA PUNYETA-
"HOY IKAW! MANYAK KA TALAGA! BAT MO DALA DALA YAN AISHHH! AKIN NA!" - sigaw ko sa kanya tsaka tumakbo papalapit at kinuha yung dala nya.
Tinignan nya lang ako. "manyak agad? tss, para hinawakan lang eh" - sambit nya.
Nilibot ko ang paningin ko at napanganga nalang sa nakita ko.
Nakakalat kasi lahat ng damit ko dun kaya dali dali kong pinulot lahat ng iyon.
Hindi ko maiwasan ang paginit ng mukha ko. Alam ko ding namumula na ako. Pakshet kasi! Sinong hindi mahihiya dun?! Isang lalaki, kinalat lahat ng damit mo?! Kasama yung bra at panty!
Nang mapulot ko lahat yun ay humarap ako sa kanya.
"bakit mo ginawa yun?!" - galit na tanong ko sa kanya.
Inosente nya akong tinignan. "eh? naghahanap kasi ako ng damit, eh kaso puro pambabae eh. Wala ka bang panlalaki?" - tanong nya.
Napapadyak nalang ako sa inis.
"Tanga ka ba?! Malamang kasi babae ako ano?! Alangan namang may mga damit panlalaki ako or may briefs ako dito diba?!" - sigaw ko sa kanya.
Napakamot naman sya sa ulo nya. "Ay babae ka pala? Hehehe di kasi halata" - sabi nya naman.
Mas lalo akong nainis sa sinabi nya kaya binatukan ko sya.
Nilagay ko na ulit dun sa bulok kong cabinet yung mga damit ko. Tumayo na ako dahil magsasaing pa pala ako.
"Oy noona wait!" - tumingin naman ako sa kanya.
Nagulat ako sa biglang paghawak nya sa mukha ko at tinignan ulit ako na parang inosente.
"Bakit namumula mukha mo? Hala natatae ka ba?!" - sabi nya na naging dahilan para mas lalo akong mamula.
Inalis ko yung pagkakahawak nya sa mukha ko. "Wala to! Teka nga, sure ka ba talagang makikitira ka sakin ha? " - tanong ko sa kanya.
Nagpout naman sya. "Bakit ayaw mo ba?" - tanong nya.
Lumapit ako dun sa may pinto at binuksan iyon. "Oo ayaw ko kaya please, layas!" - sigaw ko sa kanya.
Hindi kasi pwede. Baka sabihin ng iba mag asawa kami neto, kasi naman kasama ko sya sa iisang bahay. At ayoko nun.
Lumapit sya sakin at nagpout na naman- putek lalo tong naging cute.
"noona naman! sige na please, ayoko munang umalis. baka hinahanap ako nung mga unggoy eh huhuhu tsaka ayaw mo nun? Para naman may kasama ka? Malay mo may alien na dumukot sayo dito diba? Walang magtatanggol sayo." - sabi nya.
Ewan ko ba kung bakit napatawa ako sa sinabi nya.
"ge, pero may mga condition ako!" - sabi ko sa kanya.
"Hala? condition? wala ka naman air condition dito ah?" - sabi nya.
Sinamaan ko lang sya ng tingin kaya ngumiti lang sya. "Hehe joke lang"
"Una, tutulong ka sakin sa gawaing bahay! Aba hindi naman pwedeng pa chill chill ka lang okay? Kaya ngayon, magsaing ka na" - sabi ko sa kanya.
Mamaya ko na iisipin yung ibang condition mehehe.
"Ne!" - sabi nya naman at pumunta na dun sa maliit kong kusina.
Kahit na maliit tong bahay, meron naman akong kusina aba.
napatingin naman ako dun sa kama ko. Napangiti ako at lumapit dun.
Hay sa wakas! Makakapagpahing--
"NOOONAAAA!" - napatayo naman ako dahil sa sigaw ni tete.
"ANO?!" - sigaw ko pabalik sa kanya.
"WALA KA BANG RICE COOKER DITO? PAANO AKO MAKAKASAING?" - tanong nya.
"MAGKAKAMERON KAPAG BUMILI KA. BALIW! GAMITIN MO YANG KALDERO." - sigaw ko sa kanya at humiga na muli.
Makakatulog ako ng maa--
"NOONA PAANO TO? WALA KA NAMANG STOVE EH! PAANO TO MALULUTO?" - sigaw nya ulit.
Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sobrang inis.
"SA KALAN NGA! GAMITIN MO YANG ULING JAN SA MAY TABI" - sigaw ko ulit.
Napangiti naman ako dahil tumahimik na sya kaya humiga na muli ako.
Ipipikit ko na sana ang mata ko pero napatayo na naman ako dahil sumigaw na naman sya.
"NOONA NAMAN! TULUNGAN MO AKO HUHU. PAANO TO MALULUTO? WALANG APOY?" - tanong nya.
Ang tanga eh. Paano magkaka apoy kung hindi inapuyan tss
Padabog akong pumunta dun sa may kusina. Nakita ko si tete na puro uling na yung mukha- teka bakit puro uling to?
Lumapit ako sa kanya at tinignan yun.
"Tanga kasi!" - sabi ko.
(Hindi ako masyadong marunong magsaing sa ganto (laking rice cooker jusme) kaya sorry kung mali)
Nilagyan ko muna ng uling yung kalan tsaka kumuha ng isang papel tsaka ito nilagyan ito ng apoy.
Nilagay ko na sa ilalim at hinintay na dumikit yung apoy un sa uling.
Tumingin naman ako kay tete dahil pumalakpak sya. "Whoa daebak!" - luh.
Kinuha ko na yung bigas at nilagay ito sa kaldero. Hinugusan ko na rin ito tsaka pinatong na dun sa kalan.
Umupo na ako dun sa upuan sa may lamesa at hinintay na kumulo ito.
Pumipikit pikit na rin ang mata ko kasi hindi ko na kaya yung pagod ko.
"Oy noona! Mamaya ka na matulog, kakain muna." - sabi nya sakin tsaka inuga uga pa ako.
Nakita ko naman syang nakitingin sakin. Nakangiti- bat ang gwapo nito?
Katahimikan ang naghari samin pero agad din nya itong binasag.
"Noona, wala ka ba talagang kasama dito?" - tanong nya sakin.
Lumapit ako sa kanya at napangisi. "Hindi- dahil may kasama ako. Actually katabi mo na sya ngayon" - napatingin naman sya sa tabi nya at tumingin sakin.
"Noona naman eh! Wala naman ah? Asan? Inivisible ba friend mo?" - tAnong nya.
Napairap nalang ako dahil dun. Hindi man lang sya natakot?
"Pero seryoso, nasan magulang mo noona?" -
Matagal pa bago ako makasagot. "Wala ako nun HAHA." - sabi ko naman.
"Whoa? Paano ka nabuhay kung walang gumawa sayo?" - tanong nya naman.
"Hinulog lang ako dito ni Lord" - sabi ko naman sa kanya.
"Ah kaya pala! Hulaan ko, unang bumagsak yung mukha no?" - pagkasabi nya nun ay agad ko syang pinalo.
Tumawa lang sya. Tumigin na ako dun sa sinaing at binuksan para icheck kung okay na.
Kinuha ko na iyon at inilapag dun. Nakita ko namang tumayo sya at kumuha ng pinggan at kutsara.
Kinuha ko naman yung sardinas dun sa may cabinet.
Tumingin sya sakin. "Ano yan noona? Yan ba ulam natin?" - tanong nya.
"Oo, pero kung ayaw mo. Sige bumili ka." - sabi ko naman sa kanya tsaka na ito binuksan at nilagay sa mangko.
"Wow! Maliit na isda na may ketchup?" - tanong nya. Nakatingin lang sya dun sa sardinas na parang manghang mangha.
"Baliw! Sardinas yan" - sabi ko naman tsaka umupo na.
Kumuha na ako ng kanin at ganun din sya.
Kumuha na rin ako ng ulam at napansin kong nakatingin sya sakin na para bang sinusuri ako.
"Oh bakit? Kumain ka na" - utos ko sa kanya.
"Noona, hindi ka ba matitinik nyan?" - tanong nya sakin kaya napatawa naman ako.
Nilagyan ko ng ulam yung kanin nya at umiling. "Wala yan haha." - sabi ko.
Inamoy nya muna yung pagkain nya. Wow aso na pala sya ngayon?
Kinuha nya yung kutsara tsaka tinikman iyon.
Napangiti naman sya sakin at nagthumbs up. "Whoa noona! Sarap nito ah. Ano ulit tawag dito? Adidas?" - halos mabilaukan ako ng sinabi nya yun.
"Kailan pa naging brand ng sapatos yan? HAHA sardinas kasi!" - sabi ko naman sa kanya.
Tumango tango lang sya tsaka lumamon na ulit.
Siguro mayaman talaga to, parang ngayon lang nakakain lang ng ganto eh.
Natapos na ako kumain at inilagay na sa lababo yung pinagkainan ko.
"Ako na maghuhugas noona. tulog ka na" - sabi nya pero busy pa rin sa pagkakain.
Tumango ako at naglakad na papunta ulit dun sa kama. Gusto ko ng talagang matulog.
Humiga na ako at bago ko man ipikit ang mata ko ay napangiti ako dahil sa pagsalita nya.
"Goodnight noona"
----------
Ahhehehhe
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top