PTP - 04
Piper's POV
Tinignan ko muli si Jungkook, pumasok na sya dun sa loob ng bahay kaya napatawa nalang ako. Ewan ko ba, bat parang hindi ako natatakot nung sinabi nya yun HAHAHA. Natatawa pa nga ako eh. Kasi cute cute nya.
Naglalakad na ako papunta sa bahay ngunit naalala kong hinihintay pala ako ng bugokzz dun sa tambayan namin.
Dali dali akong tumakbo dun. Napangiti naman ako ng makita ko sila dun. Lumapit na ako.
"Wassup bugokz!" -bati ko sa kanila pero tumingin lang sila sakin na parang walang buhay.
"ang tagal naming naghintay ah!" - sabi ni Jimin.
"Halos maubos ko na nga yung damo dito sa kakahintay eh" - sabi naman ni Hoseok.
Umupo lang ako dun tsaka inagaw kay Namjoon yung hawak nyang pagkain.
"Dapat matuto kayong maghintay" - sabi ko naman sa kanila.
"Nakatulog na si Yoongi hyung oh" - sabi ni jimin tsaka hinaplos haplos pa yung buhok ni Yoongi.
"Yiiie kilirgs! Yoonmin na ba diz hehehehe sakin na Si Jungkook" - sabi ko sa kanya pero sinamaan nya lang ako ng tingin tapos inilabas yung dila nya.
"Asa ka! Jungkook is mine" - sabi naman ni Jimin.
Nagulat ako sa biglang paghampas ni Yoongi sa table. "INGAY MO PANDAK! NATUTULOG AKO!" - sigaw nya.
Nagkatinginan kaming tatlo (ako, hoseok, namjoon)
"Lam na dis" - sabay sabay naming sabi, then we wiggled our eyebrows. (Naks bat bigla akong nag spokening dollars)
"EH BAT KA SUMISIGAW?!" - sabi naman ni jimin.
"ANONG PAKE MO?! EH SUMISIGAW KA DIN NAMAN AH!" - sigaw pabalik ni yoongi.
"IKAW NAUNA EH! IKAW ANG SUMIGAW NA UNA!" - sigaw ulit ni jimin.
"Guys popcorn dali" - utos ko sa kanila.
"KASI ANG INGAY MO! ISTORBO KA SA PAGTULOG KO!"
"NAGSESELOS KA LANG EH! KASI MAS MAHAL KO SI JUNGKOOK"
"OH EDI MAGSAMA KAYO! KAYO NA! PUNYETA"
Napa 'ohhhh' naman sila dahil dun.
Tumayo ako at inawat sila. "Tama na pwede?! LQ na naman kayong dalawa jan! Tsaka jimin pwede ba? Sa akin lang si Jungkook!" - sabi ko sa kanya.
Nagsamaan lang sila ng tingin tsaka umupo na.
"grabe! ang ganda naman ng pinanuod natin! Kabog ang dots!" - sigaw ni hoseok at pumalakpak pa.
Napailing nalang kami dahil dun.
"joonieee babehhhhhhh~" - napatingin naman kami sa babaeng papalapit samin.
Napalunok kami dahil dun.
"Namjoon, andito na sya" - sabay sabay naming sabi at tumingin kay Namjoon.
Napapikit sya dahil dun. "itago nyo ako guys! putek! san ako tatago!" - sabi nya.
Pero ngumisi lang kami. Tumago sya dun sa ilalim ng mesa. Sakto namang dumating na si Seokjin dito.
"guys! where's my joonie babeh labs so sweet?" - halos mapasuka kami dahil sa sinabi nya.
"wala! wala dito sa ilalim ng mesa! hindi sya nagtatago dito" - sabi ni Hoseok kaya napatingin kami sa kanya.
Ang bobo talaga ng mga kabayo no?
Ngumiti naman si Seokjin tapos tumingin sa may ilalim ng mesa.
Lumabas si Namjoon at ang sama ng tingin kay hoseok. Ngumiti lang si hoseok na parang walang nangyari.
"JOONIE BABY!!!" - sabi nya tapos dumikit na kay namjoon.
Napa sigh lang si Namjoon dahil dun.
"Wait guys! Alam nyo ba? Si Ano lumayas daw sa ano tapos hindi na mahanap ni ano tapos ayun ano" - pagkwekwento ni Jin.
"Oo nga ano? Bakit umano si ano? Tapos ano wait nagguluhan ako sa ano eh teka ano?" - sabi naman ni jimin.
Napahawak lang ako sa ulo ko dahil sa kaka ano ng dalawang to.
"Bat ba kasi puro kayo ano?! Aanohin ko kayo jan ng ano eh! Ano kasi yung ano ha ano?!" - nabatukan ko naman si Hoseok dahil sa sinabi nya.
Nagsalita naman ulit si Jin.
"Kasi nga wait.. Huwag kayong mabibigla ah..
huhu kasi si V! Naglayas si V!!" - sabi ni Jin.
Napatayo naman ako at napahawak sa bibig ko.
"Hala?! Naglayas si V?! Oh my god oh my g-- ay teka sino pala si V? Hehe" - sabi ko naman.
Tumawa lang sila dahil dun pero tumingin lang din sila kay Jin.
"Tinotoo nya talaga ah? Tss, sino namang hindi maglalayas sa ganung kahigpit na magulang?" - tanong ni Namjoon kaya napatango naman sila.
Gusto kong makitango kaso hindi ko alam kung ano bang pinag uusapan nila.
"Sino ba si V? Kapatid ba sya W?" - tanong ko sa kanila.
"Corny mo, piper! Uwi!" - sabi naman ni yoongi kaya sinamaan ko lang sya ng tingin tsaka pinalo sya.
"Hindi mo kilala yun si Taehyung" - sabi naman ni Hoseok.
Napakamot naman ako ng ulo ko.
"Hindi ko talaga kilala yun! Sino ba si V at Taehyung ha? Naguguluhan na ako ha! Sabi nyo V! Tapos naging si Taehyung? Ano ba talaga mga bruh" - pag rereklamo ko naman sa kanila.
Wait, taehyung?
Parang familiar eh, parang narinig ko na yan. Hindi ko lang tanda kung kailan or saan.
Libre nyo nga akong memory plus gold! Hehehe.
"Parehas lang yun! Nickname nya lang yung V! V means VUGOK kaya ganun" - pagpapaliwanag naman ni Jin kaya napatango ako.
Ang taray kasi nung pagkasabi nya ng VUGOK eh. Hehe. Halatang bading.
Nakita naming nagvivibrate yung phone ni Jin.
"Omg! Si tita! Tumatawag yung mommy ni v" - pagpapanic ni Jin.
"Edi sagutin mo! Tanga" - sabi ko naman kaya binatukan nya ako.
"Ayoko nga! Im scared!" - sabi nya.
Nagulat kami sa biglang pagkuha ni yoongi dun sa phone at tinapon ito.
"Ang ingay ng phone mo!" - sigaw nya.
Napanganga nalang ako dahil hindi man lang nagreact si Jin.
"Omg! Ang galing mo talaga, yoongi! Hindi na sya makakatawag kasi basag na hihi" - sabi nya naman.
"Nabasag na phone mo natutuwa ka pa?" - tanong ko sa kanya.
Tumingin lang sakin at tumango. "Meron pa naman akong iphone 6 sa bahay, nakastock lang eh. Tapos bibilhan din ako ni Dad ng iphone6+ tsaka si mom naman iphone7 kaya okay lang. " - sabi nya naman.
Wow ibang klase! Ang yaman talaga ni Jin!
"So, hahanapin ba natin si V?" - tanong naman ni namjoon.
Tumango naman silang lahat. Pwera sakin kasi hindi naman ako kasama.
"Hay nako! Baka bumalik na yun sa planeta nya ah!" - sabi naman ni hoseok.
Nung sinabi nya yan ay bigla kong naalala si Tete.
"Sht, tete" - biglang sabi ko at tumayo na.
Nanlaki ang mata nila at tumingin sakin.
"Kelan ka pa natuto nyan Piper ah?! BAD KA! BAD!" - sigaw sakin ni jin kaya binatukan ko lang sya.
"Baliw! Pangalan kasi yun ano." - sagot ko naman sa kanya.
Tumango naman sya dahil dun.
"Sige, uwi ka na Piper! Ingat" - sabi ni jimin tapos kumaway na.
"Madapa ka ah? Sana" - sabi nya kaya ayun nadapa talaga ako.
Humagalpak naman sila sa tawa kaya binato ko sila nung batong pinulot ko. Buti nalang nakailag sila, kundi baka magkabukol isa sa kanila.
Naglakad na ako papalayo sa kanila.
Nandun pa kaya si Tete sa bahay? Tss, baka wala na.
Ganyan naman sila eh, laging nangiiwan.
AY CHOS! dapat lang talaga umalis na sya! nakakailang kaya.
--------
yeheteu 2 updates HAHAHA :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top