PTP- 03
Piper's pov
Nakatingin lang ako sa bata na halatang naguguluhan at gustong malaman kung anong meaning ng kingina.
Tumingin ako kay jungkook at sinamaan sya ng tingin. Ganun din yung ginawa nya tsaka lumapit kay Natty.
"Ah, nat. Kingina means ano heheh kingina means ugly. Yeah. Kingina means ugly, Like her! She's so kingina" - sabi ni jungkook at tinuro pa ako.
Gusto kong sipain sya kaso hindi ko magawa dahil nandyan yung bata.
"Kingina? Ugly? So oppa, you're kingina?" - napahawak naman ako sa tyan ko dahil hindi ko napigilan yung tawa ko.
Humagalpak ako sa tawa dahil sa sinabi ni Natty. Gusto kong makipag apir sa kanya pero baka sapakin ako ni ilong.
Tinulak ko si ilong at humarap kay natty.
"Baby, kingina is a badword ha? Bawal yun sa bata okay? Kaya huwag mo na ulit yun sasabihin ha?" - sabi ko naman sa kanya.
Unti unti naman syang tumango. "Ne, unnie" - sabi nya. Ngumiti ako tapos ginulo yung buhok nya.
Lumapit sya kay Jungkook. "Yah oppa! Where's my toy?!" - sambit nya dito.
"Anong my toy my toy ka dyan? Sakin to no!" - sabi naman ni jungkook tsaka niyakap pa yung laruan.
Isip bata tss.
"Hoy ilong, bata yan! Ibigay mo na" - sabi ko sa kanya tsaka binato sya nung unan.
Boom. Sapol ilong nya.
"Kingin-- king and mother father gentlemen ka talaga!" - sigaw nya sakin tsaka binato din ako nung unan.
Binigay nya na kay natty yung laruan tsaka lumapit sakin.
"Ang sakit sa ilong ah!" - sigaw nya sakin.
Tumawa lang ako dahil sa sinabi nya. Kaya ayun, pinalo na naman ako ng unan.
Kinuha ko yung unan na nasa tabi ko kaya pinalo ko din sya sa mukha.
Gantihan lang kami eh. Pero pksht, kinikilig ako.
"Oppa, unnie. Tigil na po!" - napatigil kami sa paghahampasan ng biglang magsalita si Natty.
Sinamaan ko lang si jungkook ng tingin, at ganun din sya.
Lumapit ako kay Natty. "Inaantok ka na ba baby? Gusto mo patulugin na kita?" - tanong ko sa kanya. Tumango naman sya kaya agad ko na syang binuhat at inihiga dun sa sofa.
"Oppa, can you sing for me?" - tanong nya kay jungkook.
Iilong- este iiling na sana si jungkook kaso palihim kong kinurot yung tagiliran nya.
Lumapit na sya kay natty at nagsimula nang kumanta.
"Lately I've been thinkin',
Thinkin' bout what we had,
I know it was hard,
It was all that we knew, yeah"
Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakanta. First verse palang kinikilig na ako putek.
"Have you been drinkin'
To take all the pain away?
I wish that I could give you what you deserve..."
Ang tagal na pala simula nung naging crush ko 'to eh. Sa laki ba naman ng ilong nya, sinong hindi magkakacrush dito? Hehe joke. Ang gwapo nya kaya hays.
"'Cause nothing can ever,
Ever replace you.
Nothing can make me feel like you do, yeah.
You know there's no one
I can relate to.
And know we won't find a love that's so true..."
Tinignan ko si Natty. Unti unti nang pumipikit ang mga mata nya. Kaya tumingin muli ako kay Jungkook.
Nagulat ako sa biglang pagtingin nya sakin.
"There's nothing like us,
There's nothing like you and me,
Together through the storm.
There's nothing like us,
There's nothing like you and me,
Together, oh"
Kanina pa ako nagpipigil ng kilig dito ah. Baka magkaihi ako ng wala sa oras, jusme jeon jungkook!!!!
Ngumiti sya sakin at lumapit. PUTEK AKSVSKSBSLSBSO.
Nilapit nya yung mukha nya sakin tapos tinignan yung labi ko tapos tumingin din sa mga mata ko.
Unti unti nya ng nilapit at.....
napapikit nalang ako.
"Aray punyeta!"
Napapikit nalang ako sa sakit dahil bingla nyang hinampas ng unan yung mukha ko.
Inilayo nya na mukha nya tapos humagalpak sa tawa.
Sinamaan ko sya ng tingin. Gago kasi tss.
Tinignan ko yung orasan kung anong oras na. 5:00 pm na pala. Kailangan ko nang umuwi. Binayaran mana ako ni Manong Bang Bang into the room kaya pwede na akong umalis.
Tumayo na ako at nagsimulang maglakad.
"Uuwi ka na?" - tanong ni jungkook.
Napangiti naman ako tapos humarap sa kanya.
"Ayiiie. Ayaw mo akong paalisin no? Ikaw talaga junjun hihi" - sabi ko sa kanya.
Naggesture sya na parang nasusuka sya dahil sa sinabi ko kanina.
"Asa ka, sige umalis ka na. Huwag ka nang babalik ah" - sabi nya naman.
Mas lalong lumapad ngiti ko. "Sus. Gusto mo pa akong makasama eh. Sabi na eh may HD ka sakin" - sabi ko naman sa kanya.
"HD? ano ako TV? Tss. Alis na!" - sabi nya naman sakin.
Lalapit sana ako sa kanya kaso nag countdown na sya.
"Isa." - umiling lang ako.
"Dalawa" -
"Tatlo!"
Napangisi naman ako dahil may naisip akong kanta.
"May tatlong bibe akong nakita. Mataba, mapayat mga bibe." - kanta ko kaya napatingin sya sakin.
"Ngunit ang isa ang ilong ay malaki! Sya ang bibe na nagsabi ng Oh My god! Oh my god! oh my god! Sya ang bibe na nagsabi ng oh my god! HAHAHAHAHAHA" - pagpapatuloy ko.
Nanlisik ang mata nya tapos unti unting tumayo. Unti unti din syang lumapit sakin.
Gusto ko sanang tumawa kaso mukhang seryoso yung ilong nya HAHAHAHAHA.
Hanggang sa lumapit na sya sakin. "Anong sabi mo?!" - sigaw nya.
Umatras na ako tsaka tinaas yung kamay ko.
"TO INFINITY AND BEYOND!" - sigaw ko at tumakbo na palabas ng bahay nila.
Hinabol nya pa ako peor buti nalang sanay na akong tumakbo ng mabilis. Si Hoseok kasi eh! Kabayo kaya tinuruan nya ako meheheh. (Teka bat naging kambing?)
Nakita ko syang tumigil tapos tinaas na naman midfing nya. Naks, sweet talaga.
"PAKYU! LAGOT KA SAKIN BUKAS!"
---------
#Late
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top