CHAPTER 3


"Kuya, kelan po aakyat si Steven sa stage?" Kanina ko pa tinatanong ang kapatid ni Steven dahil siya ang katabi ko dito ngayon sa likod.

"In few minutes." Sambit nito. Dalawang taon lang ang tanda niya saamin ngunit kahit kailan, hindi siya nakipaglaro manlang saamin ni Steven noon.

Kaizer. Yun ang pangalan niya pero mas pinili ko siya tawaging kuya dahil iyon din ang tawag sakaniya ni Steven.

Natapos ang graduation ni Steven at agad siyang lumapit saakin.


"Highschool na tayo." Nakangiti niyang sambit. Magkaiba kami ng school kaya sa village lang kami nagkikita.

"Sabay tayo bili ng gamit sa school." Anyaya ko at tumango naman siya.



"Ikaw parin ang pakakasalan ko ha?" Nakangiti niyang sambit. Walang pag aalinlangan akong tumango.


"Steven, pumasok na kayo sa kotse." Kuya Kaizer told us.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top