CHAPTER 2



"0608?" Tanong ko sakaniya.

"Yep! Dapat ganiyan din ang iyo ha?" Tinutukoy niya ang locker niya na birthday daw namin ang password.


"Sure." Nakangiti kong sagot sakaniya.

"Ano nga pala ang gagawin mo mamaya? Gusto mo magswimming sa bahay?" Alok niya.


"Nope. Mag lalaro kami ng barbie nila Kris sa bahay nila e." Pinsan niya si Kris na kapitbahay din namin.


Hindi nag tagal, mas madalas ko na kasama ang mga babaeng kaedad ko na kapitbahay namin kesa sakaniya.

Sabagay, ganun din naman siya.


Natuto kami masanay na wala ang isa't isa dahil hindi na kami bata.



"Congratulations, grade 7 kana!" Masiglang bati ni Steven sabay abot ng bulaklak saakin.


Nakangiti ko itong tinanggap. Namiss ko ang kababata ko.

"Steven?" Tawag ko sakaniya. "Puwede rin ba ako umattend ng graduation mo?"


"Oo naman. Ipinagtabi talaga kita ng puwesto. Kasama mo si kuya, kasi si mama sa parent's seat uupo ayos lang ba?"


Hindi man kami ganun kadalas magkasama, alam naming patuloy naming susuportahan ang isa't isa.


"Walang problema."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top