CHAPTER 1


"Promise ko po sainyo lolo, papakasalan ko siya!" Magiliw na sabi ni Steven habang kausap ang matandang kapitbahay naming nagwawalis lang sa bakuran nila. Nananahimik yung tao, dinadamay niya!

"Talaga? Aasahan ko 'yan ha? Saan mo siya papaksalanan kung ganon?" Sinasakyan siya ng matanda sa mga trip niya.

"Sa pinaka malaki at pinaka magandang simbahan po, lolo!" Naka ngiti at proud na sabi niya.


Simula nung nalaman ni Steven ang about sa pagrerelasyon, palagi na niya pinapangako saakin na ako ang babaeng pakakasalan niya.

I never asked him to hold that promise.

Bata pa kami.

Nakasanayan ko na gumising ng maaga para mag bike sa loob ng village namin. 7 years old, apat na gulong pa ang gamit ko ngunit si Steven, kaya niya na ang dalawang gulong na bike.

Mas matangkad din ako at mas tahimik kumpara sakanya.


Sabay namin ipinagdiriwang ang birthday namin dahil isang araw lang naman ang pagitan.


March 6 at march 8.



Hindi kami mapag hiwalay noon na halos pareho ang takbo ng bawat araw namin.


"Steven, umuwi ka muna. Maligo ka na daw sabi ni mama." Pagsundo sakanya ng kaniyang kuya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top