Episode 4 - Hiraeth
A/N: Ito muna ang last update this year. Marami pa kasi akong ia-update na ongoing stories (pero laban, way gasugo haha). Advance Happy New Year!
WAYO
“Who is that boy, Penny? By any chance, does he need something from you?” I asked Pennhung in a polite way. Nasa loob na kami ngayon ng umaandar na sasakyan, pauwi na.
After naming magpasalamat kay Kuya Apo, na kanina pa palang alas-diyes naghahanap kay Pop kasi atas ng papa nila, nag-book si Pennhung ng taxicab para sa kanila. Eksaktong pagkaalis ng sinasakyan ng magkapatid, dumating din agad ang driver ni Pennhung at sa kanya na ’ko sumabay.
He cleared his throat before he spoke, “Si ano ’yon . . . si Pete, senior namin from STEM. Dati siyang barkada nila Beast Mond o Rich, but they stopped hanging out with him yesteryear. M-may ano kasi . . . may utang ako sa kanya kaya ’di niya ’ko tinatantanan.” Nag-iwas siya ng tingin pagkatapos niyang sambitin ’yon.
Si Pennhung Taweesip, nangutang? Parang imposible naman ’yon. “And do you really think I would buy that?” I blurted out.
Bumuntonghininga siya. “Wayo, ’wag ngayon, please.” Ramdam ko sa bawat salitang binitiwan niya na may mas malalim na dahilan kung bakit siya hinahabol n’ong Pete na ’yon.
Inabot ko ang isa niyang kamay na nakapatong sa kanyang lap para hawakan. “Fine. Naiintindihan ko, Penny. Hindi ka pa handa. But if you’re ready to share what’s going on with you and Pete, nandito lang ako—kami—para makinig sa ’yo at para tulungan ka. Hindi ka nag-iisa sa laban. What are friends for?”
Nginitian niya ako ’tapos marahan siyang tumango.
• • • • •
Alas-dose medya na ako nakarating sa ’min. Sa halip na pumasok sa main door, dumiretso ako sa likod ng aming bahay at dumaan ako sa bintana ng kuwarto ko. Baka kasi nag-aabang si Dad sa living room, mahirap na.
When I entered the room, I almost jumped in surprise when I saw Wilma standing there in the doorway, folding her arms across her chest.
I opened my mouth, a What the fuck? Ano’ng ginagawa mo rito? was at the tip of my tongue, but I controlled myself. Baka mahakot ko pa ang atensyon nina Dad at Tita Noina sa baba. So, I asked her, “Ba’t gising ka pa, Wilma?” instead, almost inaudible.
A corner of her mouth turned up before saying, “I’ll cut to the chase, then. Hindi kita isusumbong kay Dad na pumasok kayo ng mga barkada mo sa isang restobar kahit underage pa kayo”—tinaasan niya ako ng kilay at unti-unti siyang lumalapit sa ’kin—“if you tell me kung kailan uuwi rito sa Merry si Tungsten.”
’Yon din ang gusto kong malaman, pero ’di ko makuha-kuha ang kasagutan. Last year, I already talked to Clyvedon and Kannagi, but they didn’t have a clue. Sinabi ni Clyve na itatanong niya sa daddy niya ’pag nagkausap sila, pero walang sagot na dumating. Si Kann naman, kakausapin daw niya ang mommy ni Satang, pero wala rin. Hindi ko na alam kung kanino ako magtatanong, kung sino ang lalapitan ko.
“Why do you want to know?”
“Oh come on, Wayo. You know me, don’t you? Crush ko na si Tungsten simula no’ng bata pa lang tayo. Gusto kong malaman kung kailan siya uuwi rito. I miss him so much.”
Same here, I didn’t tell her. Nagkibit-balikat na lang ako, umupo sa malambot na kama, ’tsaka ako nagsalita: “Truth be told, I don’t know either. May mga tao na rin akong nilapitan na konektado sa kanya, pero wala rin silang ideya. I guess we just have to wait him until he comes back to Merry.”
“Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo,” mariin niyang sabi, may pagbabanta, “dahil kung hindi, isusumbong kita kay Dad.” Pagkatapos, tinalikuran na niya ako at nag-umpisang maglakad.
Ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas sa kuwarto ko, itinagilid ko ang aking ulo at saka ako nagbato ng tanong: “Kanino mo nalaman na galing kami sa restobar? Pinasundan mo ba kami? O sinundan mo kami kanina?”
Without casting a glance at me, Wilma answered, “Kay Kahel. Sa kanya ko nalaman.”
Sa totoo lang, may idea na ’ko na si Kahel ang ka-text o ka-chat niya. I just made sure. May gusto ang kaibigan ko kay Wilma. Minsan pa nga, ginagamit niya ’yong kaibigan ko dahil alam niyang hulog na hulog ’yon sa kanya. And knowing Kahel, hindi ’yon hihindi. He’s a yes man, after all.
Pagkaalis ni Wilma, ni-lock ko agad ang pinto ng aking kuwarto, ’tsaka ako nagtungo malapit sa cabinet. Binuksan ko ang drawers at kinalkal ang laman nito hanggang sa matagpuan ng mga kamay ko ang pictures namin ni Satang noong mga bata pa lang kami.
Nilapat ko ang puwetan sa malamig na sahig at ikinalat ko rito ang mga litrato. Una kong tiningnan ang isang picture na kuha no’ng kalalabas lang namin sa ilalim ng mesa, no’ng una kaming nagkakilala sa birthday party.
Awtomatiko namang nabanat ang mga labi ko nang dumako ang aking mga mata sa isang litrato kung saan pareho kaming naka-uniporme; nakangiti ako samantalang si Satang naman ay tila nabuburyo. Tanda ko pa na ang mommy niya ang nag-picture sa ’min.
Huli kong hinawakan ang picture naming tatlo: ako, si Satang, at si Dad. Crystal clear memories rushed into my mind, as though it happened yesterday. It was recognition day. Pareho kaming may award, kaso, busy ang mommy niya. Kaya, si Dad na lang din ang umakyat sa stage at nag-pin ng ribbon niya na may nakalagay na: Best in Art. Ako naman, Best in Writing.
Bumuntonghininga ako, tumayo, at saka itinapon ang sarili sa kama, hindi na nag-abalang magbihis ng damit. ’Tapos, ipinikit ko ang mga mata ko.
Makalipas ang ilang minuto, rumehistro sa magkabila kong tainga ang tahol ng aso ni Wilma na si Lowisse. What’s going on? isip-isip ko. Kahit kasalukuyang inaatake ng pagod ang buo kong katawan, pinilit kong tumayo upang alamin kung ano’ng meron sa labas.
Binuksan ko ang bintana at dumungaw sa ibaba. My eyes automatically grew bigger when I saw Satang! Shit! Is this real? Is this real? Kasalukuyan siyang umaakyat gamit ang hagdang itinabi ko kanina sa gilid. My heart began to pound faster; it seemed as though it would explode out of my chest.
Nang makalapit siya sa ’kin, a small smile plastered on his lips.
“S-Satang, d-dumating ka . . .” nauutal kong sambit.
His smile went wider, and then he replied, “You called me . . .”
Pagkatapos n’on, tumigil na sa pag-alulong si Lowisse, bigla na lang umihip ang malamig na hangin, at nagsayawan ang mga puno sa di-kalayuan na para bang nagdiriwang sila sa muli naming pagkikita.
The next thing I knew, I opened my eyes. Bumalikwas ako ng bangon at hinilamos ang palad sa ’king mukha. Grabe. Gano’n kita ka-miss, Satang. To the point na napapanaginipan na kita na dumating ka na rito sa Merry.
• • • • •
THIRD PERSON POV
Nang maipasok ng drayber ang sasakyan sa garahe, kaagad na lumabas si Pennhung sa sasakyan. Pagkatapos, naglakad siya papunta sa pinto ng mansyon, sinisiguradong walang makapapansin na nakainom siya.
Pinagbuksan siya ng mayordoma na si Manang Cliofe at agad din itong nagbato ng tanong sa kanya: “Sir Pennhung, saan po kayo galing? Malapit na pong mag-ala-una.”
Lumihis ng tingin ang binata bago sumagot, “Sa bahay po nila Wayo, manang. May group project kasi—” Shit, ang nasa isip niya nang tamaan ng realisasyon. Alam ng lahat dito sa mansyon na hindi kami magkaklase ni Wayo! Breaking News: Penny, natagpuang tanga!
“S-sir . . .”
Itinaas niya ang parehong kamay, animo’y sumusuko sa mga pulis. “Yes, manang, I know. And please, ’wag mo sanang sabihin kina Mommy at Daddy na lumabas kami ng mga kaibigan ko.” Pagkatapos, ipinagdaop niya ang kanyang mga palad at saka bahagyang yumuko. Tinanguan naman siya ni Manang Cliofe. Pumanhik siya sa ikalawang palapag at dumiretso sa kanyang kuwarto.
Noon pa man ay mahigpit na sa kanya ang mga magulang niya. Kailangan niyang mag-aral nang mabuti, maging academic achiever, at pumunta sa math academy pagkatapos ng klase para manguna siya kaysa sa iba. Alam niyang mataas ang pangarap nila para sa kanya kaya hindi niya masabi-sabi na siya ay nagkakagusto sa kapuwa lalaki. Matagal na niya iyong itinago sa kailaliman ng kanyang kabinet kapag nasa bahay siya. Kumportable lang siyang ilabas ang totoong siya kapag kasama niya ang kanyang mga kaibigan.
Alam niyang hindi siya matatanggap ng kanyang mga magulang. Alam niyang madidismaya ang mga ito kapag nalaman nila ang totoong siya. Iba’t ibang teorya ang dumumog sa kanyang isip: Baka hindi na siya ituturing bilang anak; baka itatakwil na siya ng mga magulang niya; o baka pilitin siyang magkagusto sa isang babae.
Sa kasamaang-palad, may taong nakakita sa kanya sa isang bar malapit sa Morlon at nanakot sa kanya na bibigyan daw nito ng kopya ng video ang mga magulang niya kung hindi siya mag-aabot ng pera. Wala siyang ibang mapagpipilian, hindi pa siya handang umamin sa kanyang mga magulang kaya sinunod niya ang gusto nito. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang hinuhuthutan ni Pete.
Tila pinahiran ng asin ang kanyang sugat. Kailangan na nga niyang mag-ingat sa tuwing nasa mansyon siya o kasama niya ang magulang niya, ngayon, kailangan niya pang magbigay ng pera sa nananakot sa kanya para lang hindi nila madiskubre ang nakatagong mga kalansay sa loob ng kanyang tokador.
Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga bago humiga sa malambot niyang kama. Dumaan ang ilang sandali, sunod-sunod na tumunog ang kanyang cell phone, senyales na may natanggap siyang mga mensahe, at alam na niya kung kanino iyon galing.
Pete:
Matigas na ang ulo mo ngayon Pennhung ah
Tumatapang ka na porket marami kang kaibigan?
Nagtawag ka pa ng isa. Sino yun?
Baka nakakalimutan mo kung ano ang hawak ko!
Pag di mo ko bibigyan ng pera ngayon, asahan mong bukas pagpipiyestahan na yung videong nakuhanan ko!
Nangi-ngimi, dahan-dahan niyang kinuha ang cell phone niya pagkatapos ng isa o dalawang minuto. Tinawagan niya si Pete at kaagad naman itong sumagot. Hindi niya alam kung sino ang lalapitan. Ayaw niyang mapahamak ang kanyang mga kaibigan. Ayaw niyang may makaalam niyon kaya kinailangan niyang sumabay sa alon. “Don’t post it online, p-please. Magkita tayo . . .”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top