Episode 3 - Peas and Carrots
WAYO
A year ago . . .
At exactly 8 p.m., nakarating ako sa mansyon na pagmamay-ari nila Satang. But as what I’ve had heard, stepbrother niya ang nakatira dito at nag-organize ng party, and I needed to talk to him! I wanted to know kung kailan uuwi sila Satang dito sa Merry. Miss na miss ko na siya.
Pagkapasok na pagkapasok ko, may nag-abot kaagad sa ’king red cup na may lamang alcohol. But I don’t drink, for crying out loud! Tinanggap ko na lang muna at nilampasan ang lalaki. Nang may makita akong paso, doon ko itinapon ang laman ng cup.
Nakabibinging tugtog ang pumuno sa loob ng mansyon habang papalit-palit ang mga lights: red, blue, and purple. Sobrang daming taong sumasayaw. Meron sa may hagdanan, sa may U-shaped na kitchen, at sa living room.
I automatically flinched when someone said, “I think I saw you before! Ah, right! I saw you in a picture—sa kuwarto ni Tungsten.”
I swallowed. Siya na marahil ang stepbrother ni Satang. Oo, parang nakita ko siya sa stage earlier! “Um, hi? What’s your name again?”
“Ako si Clyve, stepson ng may-ari ng mansyon na ’to.”
“Ako naman si Wayo—”
“Tungsten’s boyfriend?”
Bakit niya nasabi ’yon? Umiling ako at saka sumagot ng, “No. Childhood friend niya ’ko. I just wanna ask kung may contact ka kay Satang—Tungsten? Or baka alam mo kung kailan sila uuwi rito sa Merry?”
“I’m afraid na hindi ko maibibigay sa ’yo ang gusto mong malaman. ’Di bale, ’pag nakausap ko si Dad, itatanong ko na lang sa kanya.”
“Thank you, Clyve.” Nginitian ko siya ’tapos ibinato ang tanong: “Puwede ba ’kong pumasok sa room niya?”
He roamed his eyes around. Parang may hinahanap siyang isang tao, at mukhang ’di pa dumarating. “Sure,” na lang ang sinabi niya sa ’kin nang ’di ako tinatapunan ng tingin.
We made the trip to the second floor ourselves. May nadaanan pa kami sa may hagdanan na sumasayaw. Ang ilan ay lasing na kahit kauumpisa pa lang ng party, at meron ding naghahalikan. At ang ikinagulat ko, may nagtapon ng tanong kay Clyve: “Ang aga pa, a. Dadalhin mo na agad sa kama?”
Like, what the heck?
Pumasok kami sa room ni Satang at ipinakita sa ’kin ni Clyve ang picture na tinutukoy niya—picture namin ni Satang na magkaakbay. ’Tapos, hinaplos ko ang kama kung saan kami humihiga dati habang nagkukuwentuhan, nagkukulitan, nagtatawanan, nagbabasa ng fantasy books, at nagbabatuhan ng mga unan.
Back then, Satang and I were always together like peas and carrots. Missing those good old days.
Natanaw kong binuksan ni Clyve ang bintana ’tapos pumasok sa tainga namin ang malakas na: “Bottoms up! Bottoms up!”
“Kailangan ko nang bumaba, Wayo! Pinagkakaisahan nila si Kannagi sa pool area!” he told me and then he stormed out of the room.
• • • • •
“Wayo . . . Wayo!” Nabalik ako sa realidad nang tawagin ako ng isa sa mga katrabaho ko rito sa pinagpa-part-time-man ko—ang Green’s BBQ Haus.
Nakita ko kasi sina Clyve at Rich sa daan, nag-i-skateboarding, kaya naalala ko na naman ’yong nangyari last year sa house party sa mansyon ng mga Gulmatico. Kailan ka ba kasi uuwi, Satang?
“Lagyan mo ng uling at sindihan mo raw ang grill do’n sa Table 3,” dagdag nito habang may bitbit na mga beer sa magkabilang kamay.
Tumango-tango ako bilang tugon. Kumuha ako ng uling, nilagay ro’n sa gitna ng diner’s table, and then I lit up the grill para puwede nang mag-ihaw ng meat ang mga customer at saka kumain.
One week had passed, pero wala namang masyadong nagbago sa buhay ko. I woke up late, mag-aaral, magko-comply ng assignments at projects, mag-aabot ng flyers sa tapat ng Woli o ’di kaya’y magtatrabaho rito sa Green’s, at saka patuloy pa ring umaasa na sana’y uuwi na si Satang dito sa Merry.
Pero ang kaibahan nga lang ngayon, meron na ’kong bagong kaibigan—si Pop. Simula no’ng nagkakilala kami, parati na siyang sumasama sa ’ming magbabarkada, walang palya. I didn’t know, we just clicked.
Pagkatapos ng shift ko, nag-aya sa ’min si Pennhung na kumain sa restobar. Free daw siya ngayong gabi kasi wala ang parents niya sa bahay, um-attend daw sa party ng kakilala nila. Hindi siya sinama kasi kagagaling lang niya sa math academy. But instead of getting some rest, nag-announce pa siya sa GC na kakain daw kami sa Woli, at libre niya.
Nag-reply naman kami ora mismo ng, “Game,” “Gege,” at “Lezgowww!”
Malapit lang naman ang Woli sa pinagtatrabahuan ko kaya nilakad ko na lang. Makalipas ang halos beynte minutos, nagsidatingan na sina Yell, Kahel, at Pennhung na naka-casual na damit. Sakto, katatapos lang ding tumugtog ni Kitchie kaya lumabas siya para sunduin kami. In-invite ko rin si Pop. (Ako na lang ang magbabayad para sa ’ming dalawa, tutal, ako naman ang nag-aya sa kanya. Nakahihiya naman kay Pennhung.)
Habang naglalakad papasok sa restobar, pumagitna sa ’min ni Pop si Kahel. Isinampay niya ang braso niya sa leeg namin sabay sabing, “You two seem tight lately. Simula no’ng nagkakilala kayong dalawa last week, parati na kayong magkasama like peas and carrots. May dapat ba kaming malaman?”
Bumaling naman sa ’min si Yell at nagbitiw ng, “Tsismoso talaga ’tong si Orencio, ’no? Pero, JoaQueen”—dinako niya ang tingin niya sa ’kin—“tama siya. Beke nemen, may dapat ba kaming malaman?”
Binatukan siya ni Pennhung kaya napa-“aray” siya. “Isa ka pa! Last week n’yo pa ini-interrogate sina Wayo at Pop. Friends nga lang, ’di ba? Paulit-ulit?”
“Ang sakit n’on, RaikantoPenny, a! Pektusan kita sa esophagus, stomoyorn?” sikmat ni Yell na siyang ikinatawa namin.
“Bakit Raika—ano ulit ’yon?” inosenteng wika ni Pop. Natawa tuloy si Kahel na nasa gitna namin.
“Palagi kasing nanonood ng Thai BL series si Pennywise. ’Tapos, always kong naririnig ang”—klinaro ni Yell ang kanyang lalamunan para gayahin ang boses n’on—“‘Raikantopeniii~’”
Bumunghalit kami sa katatawa nina Yell at Pennhung. Si Kahel naman, kahit ’di naman nanonood, nakikitawa lang. ’Tapos, sina Kitchie at Pop, ’di maka-relate.
“Ahh,” na lang ang lumabas sa bibig ni Pop.
“Ang kumokontra sa pagiging BL fan ko ay kalaban ng bayan,” pasaring pa ni Pennhung.
“Galing ka part-time work, Wayo?” tanong sa ’kin ni Kitchie na agad ko namang tinanguan. “Ang P talaga sa Wayo ay ‘Pahinga.’ May P ba?”
“Waleeey!” sabay na tugon ng mga kaibigan ko. Humalakhak sila at humalo rin si Pop.
“Grabe ka naman, Kitheanna,” komento ko at in-emphasize talaga ang real name niya. “We have different definitions of rest. Like, say”—tinapunan ko sila ng tingin isa-isa—“kayo . . . kayo ang pahinga ko. Kiligin kayo, please.”
Napa-“aww” si Kahel sa sinabi ko.
Pero kantiyaw pa ni Pennhung: “Mako-consider mo pa rin ba kaming pahinga kung mukha namang pagod ’tong si Yelinda?”
“’Tacca, Penny! Pa’nong ’di ako magmumukhang pagod, sa’n ako magre-recharge?”
Humagalpak sila ng tawa, this time, sumali na ’ko.
Dinala kami ng aming mga paa sa isang pribadong silid na may karaoke. Inasikaso na pala ni Kitchie ang lahat kasi close naman sila ng may-ari nitong Woli (at kilala rin ni Pennhung ang may-ari kaya hindi na kami kailangang magsinungaling sa edad namin). Nag-order kaagad kami ng foods at saka drinks. Since hindi naman ako umiinom ng alak, tubig o soft drinks lang muna ang drama ko sa buhay. Good thing, hindi naman namimilit ’tong barkada ko.
“Go ahead. Knock yourselves out!” si Pennhung.
“Lafang na!” anunsyo ni Yell at dali-daling sumubo ng pagkain. (Lafang: number twenty-four of Yelinda Yosores’ Slangopedia of Informal Language—which means hungrily devouring food.)
Nagsikuha na rin kami ng pagkain, gutom na rin kasi ako matapos ang shift ko. Habang si Kitchie ay sobrang abala sa pamimili ng kanta. Si Pop naman, parang nag-aalangang kumuha ng pagkain.
“Ayos ka lang ba?” pagsaboy ko ng kuwestiyon. Katabi ko siya at saka si Kitchie. Sa tapat namin na couch nakapuwesto sina Yell, Kahel, at Pennhung. As much as possible, ayaw kong ma-out of place si Pop, lalo na’t ako ang nag-invite sa kanya rito. Kailangang ma-feel niyang belong siya sa ’min.
He pushed the bridge of his eyeglasses and then he smiled sweetly. “Oo, okay lang ako.”
“Pumili ka na rin ng kanta.” Tinanguan lang niya ako.
“Ama namin, kailan darating ang amin?” patutsada ni Kitchie.
“Ang cute ng mga video sa Facebook, ’no? Patatawanin ka saglit ’tsaka tuturuan ka nang magsugal pa’katapos. Anyway,” pukaw ni Yell sa atensyon namin, “RaikantoPenny, ba’t ’di ka sinama ng momzilla at dadzilla mo? ’Di ka na siguro nila love. ’Wawa naman ang beshie ko na ’yan.”
Siniko siya ni Kahel. “’Oy, grabe ka.”
“Truth be told—Truth be told? O, wala kayo n’on!” Bumunghalit ng tawa si Pennhung, ’tapos hinanap niya ang palad ko para makapag-apir kami. “Gusto talaga nila akong isama, kaso, na-realize nila na pagod ako galing sa math academy. Siyempre, nagpagod-paguran lang ako para makaiwas sa party na dadaluhan nila.”
“Sinungaling talaga,” komento ni Kitchie. ’Tapos, tinungga niya ’yong isang bote ng beer.
“Ginawa ko ’yon para makapag-bonding din tayo sa labas, ano ka ba. Minsan lang natin nagagawa ’to, ’no.”
“True the rain,” sabi ko na lang at nag-apir ulit kami.
“Makapag-bonding sa labas? E, nasa loob tayo ng restobar?” dagdag pa ni Kitchie. Parang may narinig kaming iyak ng uwak pagkatapos niyang sambitin ’yon.
“Para sa best actor nating kaibigan!” Itinaas ni Yell ang hawak niyang bote bago magdagdag ng: “Cheers!”
Kumuha na rin sina Kahel, Pennhung, at Pop ng tig-iisang bote ng beer. Samantala, iniangat ko naman ang coke in can sa ere. ’Tapos, ipinagdikit namin ang mga hawak namin na lumikha ng tunog sabay sigaw ng tila inensayong, “Cheers!”
Pagkatapos n’on, nagsimula na kaming magkantahan: nag-duet sina Yell at Pennhung sa kantang Midnight Rain ni Taylor Swift; Kaleidoscope World ni Francis Magalona naman ang inawit ni Pop; at saka sumabay naman sa ’kin si Kahel sa pagkanta ng House of Memories ng Panic! At The Disco.
When it’s Kitchie’s turn to sing, Teenagers ng My Chemical Romance ang kanyang napili. Ang ganda ng boses niya. No’ng una, nakaupo lang siya habang kinakanta ang first verse, pero mapupula na ang magkabila niyang pisngi, halatang tinadyakan na ng alak. Gano’n din ang iba naming kasama.
’Di kami familiar sa kinanta niya, pero unti-unti rin kaming nakisabay. Hanggang sa tumindig bigla si Kitchie, kaya tumayo na rin kami maliban kay Pennhung. ’Tapos, sabay naming inawit ang chorus: sumisigaw lang kami ni Pop kahit wala sa tono; si Yell, ginawang mic ang boteng walang laman; meanwhile, si Kahel naman, kinuha ang gitara ni Kitchie at kunwari’y nagsta-strum, feel na feel ang moment at akala mo talaga’y lead guitarist ng isang banda.
Ito ang sinasabi kong depinisyon ko ng pahinga—masaya lang at walang ibang iniisip kasama ang mga kaibigan ko.
Nang mapagod, umupo na kami at si Kitchie na lang ang nagpatuloy habang may pa-headbang-headbang pa.
Tiyempong pagkaupo ko, napansin kong parang balisa si Pennhung habang may tina-type sa kanyang cell phone. He’s acting weird.
Sampung minuto na lang bago pumatak ang alas-dose nang makalabas kami sa Woli. Pinauna na namin sina Yell, Kahel, at Kitchie sa isang taxi. Nag-alok kasi si Pennhung na sabay na lang daw kami ni Pop sa kanya. Hanggang ngayon, malikot pa rin ang mga mata niya, palinga-linga sa paligid.
Laking gulat ko nang bigla na lang tumakbo si Pop kaya sinundan ko agad siya. ’Yon pala, tumungo sa gilid ng kalsada at lumuhod para magtawag ng uwak!
“Nasa’n na, Penny? Nasa’n na?!”
Dagli akong napabaling sa direksyon ni Pennhung nang tumawag ng pansin ko ang isang tinig. Isang lalaki ang lumapit sa kaibigan ko at kinuwelyuhan siya nito.
Startled, I blurted out, “Pop, si Penny!” Agad kong iniwanan ang sumusukang si Pop para pumunta sa puwesto ni Pennhung at n’ong lalaki. Sumagi sa isip ko na ’yong lalaking ’yon ang dahilan kung bakit ’di mapakali ang kaibigan ko kanina.
“A-ayaw ko . . . W-wala kang makukuha sa ’kin,” nangi-ngiming sambit ni Pennhung.
“What’s your problem, huh?” Itinulak ko ang lalaki; napalakas ang puwersa ko kaya napaupo ito sa gilid ng kalsada.
I checked my friend then asked him, “Are you okay, Penny?”
Nanginginig, tumango-tango lang siya. ’Tapos, bigla na lang rumehistro ang gulat sa mga mata niya at saka napasigaw siya ng, “Wayo, sa likod mo!”
Agad kong pinihit ang leeg ko at napagtanto kong sasalubong na sa mukha ko ang isang kamao. Napalunok ako at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sa kabutihang-palad, nabitin sa ere ang kamao nito nang may dumakip sa kanyang palapulsuhan.
At first, I thought the one who saved me was Pop . . .
Sinuntok niya ang lalaking umatake kay Pennhung kanina at saka binantaan: “Leave them alone! ’Pag lumapit ka ulit sa kanila, hindi lang ’yan ang aabutin mo!”
. . . but I was wrong.
Kumaripas ng takbo ang lalaki kaya humupa na rin ang kabang naramdaman ko. Napayakap na lang kami ni Pennhung sa isa’t isa.
“Are you two all right? Wayo”—binalingan niya ’ko—“nakita mo ba si Pop?” It was Kuya Apo.
• • • • •
A/N: Sa first part ’yong flashback, ’yon ang reason kung bakit hindi mahagilap ni Kann si Clyve nang dumating siya sa mansyon sa Lit Candle in the Rain (NBS 1). At nandoon din si Gemini sa house party kaya abangan n’yo ang pov niya sa last installment which is Rainbow in His Pocket (NBS 3).
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top