Episode 2 - Colors [2/2]

WAYO

Nadatnan ko sa canteen ang mga kaibigan ko: Si Yell ay nakatayo habang may kinukuwento na ’di ko masyadong nasundan; si Kahel, tawang-tawa sa kanya; si Pennhung, nagse-cell phone; at si Kitchie naman ay parang may inaaral na kanta, nagsta-strum kasi siya ng guitar habang may tinitingnang chords sa isang papel.

“O, nandito na si JoaQueen! Kompleto na us!” sigaw ni Yell, dahilan para mapatingin sila sa ’kin. A smile immediately etched on their faces while waving their hands up in the air. “Wait lang, guys, ha. Bili muna ako ng foods, tom jones na kasi ako, e.” (Tom jones: number twenty-two on Yelinda Yosores’ Slangopedia of Informal Language—which means hungry.)

Naghulog muna ako singko sa vending machine para kumuha ng kape bago lumapit sa kanila. “Dinamay n’yo pa si Kahel sa kagaguhan n’yo. Nasa room na kanina ’yong tao, e, inaya n’yo pa,” I told them once I was seated beside Kahel and Pennhung.

Kahel smiled sweetly and then he said, “Ayos lang, Wayo.”

“’Yong bruhang ’yon ang may pakana nito.” Inginuso ni Pennhung ang isa naming kaibigan na nasa may counter, bumibili ng pagkain. He gave her a death stare with eyes that basically say, I’ll kill that bitch later! “Hahabol na sana ako sa first subject, e, kaso, hinila niya ’ko papunta rito,” dagdag niya, ’tsaka siya humalukipkip at nirolyo niya pa ang kanyang mga mata.

“Ako, ’di ko gusto unang subject namin. Terror kasi teacher,” si Kitchie, na tuloy pa rin sa pagsta-strum sa hawak niyang gitara. Natatakpan ng mahaba niyang buhok ang kalahati ng kanyang mukha. At saka, gano’n talaga siya magsalita, parang parating may kulang.

Bigla na lang nilapag ni Yell ang kulay pulang tray sa lamesa na naglalaman ng almusal niya, ’tapos tumabi siya kay Kitchie. Tiningnan niya kami isa-isa bago magsabi ng, “’Di ko keri pumasok sa first subject namin, mga beh, kaya magbe-breakfast na lang muna ako.”

“May oral recitation tayo ngayon, tanga!” panunumbat ni Pennhung.

“Bahala ka, Penny. Pumunta ka ro’n,” pagtataboy naman ni Yell sa kanya sabay irap. “Malas ka sa raffle, ’tapos suwerte ka sa bunot-bunot ng index card. Stomoyorn?”

“Sasabunin ako ng papa ko ’pag bumagsak ako!”

“E ’di, sabihin mong pati Top 1 sa section natin, bagsak. Ez. Parang ’di nag-grade 2.”

Pennhung glared at her and then he said, “Payakap nga sa leeg, beh. Five minutes lang, promise.”

Grade 11 kaming lahat. Magkaklase sina Yell at Pennhung sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics o STEM. Si Kitchie ay mula sa Accountancy, Business, and Management o ABM. Galing naman si Kahel sa Information and Communications Technology o ICT. Samantalang ang strand ko naman ay General Academic Strand o GAS.

“Guys, may ishe-share nga pala ako sa inyo,” pukaw ko sa atensyon nila, dahilan para mapabaling silang lahat sa ’kin. Pati si Kitchie ay tumigil na rin sa paggigitara. Humigop muna ako ng kape.

“Ano ’yan, Wayo?” excited na sabi ni Pennhung.

Si Yell na kumakain, nagbato rin ng tanong: “Tsismis ba ’yan, JoaQueen?”

Si Kahel ay pasimpleng kumuha ng ulam kay Yell. Samantalang si Kitchie naman ay naghihintay sa sasabihin ko.

I cleared my throat before saying, “Earlier at the bus, I met someone who’s also studying here in Merryfield High. He said that he got up on the wrong side of the bed. But I made him laugh, and he even told me that it felt like I brought colors to his day.” Nakangiti lang ako habang nagkukuwento.

Nugagawen?” si Kahel, marahang natatawa.

“‘He’? Sino ’yan?” si Kitchie, puno ng kuryosidad.

“His name is Pop.”

“As in Policarpio Nemenzo?!” nanlalaki ang mga matang bulalas nina Yell at Pennhung.

“You two know him? Classmate n’yo?” I asked them, eyes grew bigger. Talk about a small world.

“Oo,” ani Pennhung. “Actually, type ko si Pop. Pero kung gusto mo siya, ako mag-a-adjust. Ilakad pa kita sa kanya, e. So, tell us straight up, do you like him?”

“’No ka ba, ’di ko siya gusto, Pennywise,” I said. “I’m just happy na kahit papa’no, napasaya ko ang araw niya. ’Yon lang.”

“Diyan nag-uumpisa ang lahat, JoaQueen,” giit pa ni Yell kaya nirolyo ko na lang ang mga mata ko. “Wait, bigyan ko nga siya ng codename . . . Pop is short for popular—sa Filipino, sikat. ’Tapos, gawin nating . . . Seacut! ’Yan! ’Yan ang codename natin for Pop! Arassuh?”

“Ang talino talaga nitong si Yelinda,” komento naman ni Kahel. “Kumusta naman siya sa klase n’yo, Penny?”

“Wala! Nganga!” buwelta ni Pennhung. “’Di nga ’yan pumapasok ’pag may oral recitation.”

Pero natahimik kaming lahat nang magtapon ng kuwestiyon sa ’kin si Kitchie: “Pa’no si Dilangsampu, Wayo?” (Dilangsampu is derived from the second name of Satang. Ang full name kasi niya ay Sander Tungsten Gulmatico. Ang Tungsten ay parang pinagsamang tongues at ten. ’Tapos, t-in-ranslate namin into Dilangsampu.)

Tiningnan ko sila isa-isa ’tapos sumeryoso bago magbitiw ng, “Siyempre, siya pa rin ang nasa puso ko. I’ll wait for him until he comes back to Merry . . .”

Pagkatapos ng usapan namin sa canteen, pumasok na kami sa kanya-kanya naming klase. Pampalubag pa nila ng loob, hindi raw kami late, sadyang maaga lang daw kami para sa second subject. Natapos ang buong klase sa araw na ito na puro kami kopya sa mga manila paper na nakadikit sa pisara.

Sinundo si Pennhung ng driver nila and headed straight to math academy (he needed to attend special lectures). Samantalang si Kitchie ay nagmamadaling pumunta sa Woli, tutugtog na naman siya roon. Ako naman, mamaya pa ang part-time work ko sa barbecue place.

Nakulayan na ng dalandan ang kalangitan nang makalabas kami nina Yell at Kahel sa senior high building.

Tiyempong paglabas namin ng gate, namilog ang aming mga mata nang makita naming binubugbog si Pop ng mga estudyante sa may bangketa.

“Hoy!” sigaw ko. At nang maagaw ko ang kanilang atensyon, dali-dali silang kumaripas ng takbo palayo kay Pop. Marahil alam nilang teacher ang daddy ko. Agad naman kaming lumapit sa kanya. “Ayos ka lang?”

Tumango-tango siya. May sugat siya sa may kilay at sa labi niya.

“Gamutin natin ang sugat mo sa infirmary, pre,” suhestiyon ni Kahel.

“Sino ba ’yong nam-boogie wonderland sa ’yo?” si Yell. (Boogie Wonderland means bugbog.)

“Ayos lang ako,” sabi ni Pop at dahan-dahang tumayo. “Ayaw kong pumasok ulit sa loob nang ganito ang mukha ko. Sa bahay ko na lang ito gagamutin.” Idinampi niya ang kanyang kamao sa duguan niyang labi habang nakangiwi, ’tapos tiningnan niya ito.

“Sasama ako,” ang naibulalas ko na ikinagulat ng aking mga kaibigan. “Mamaya pa naman ang shift ko, e.”

• • • • •

Sumakay kami ni Pop ng bus papunta rito sa bahay nila, medyo malayo sa ’min. Kanina sa biyahe, naikuwento niya sa ’kin na pulis ang papa niya ’tapos ang mama niya naman ay may sakit at nasa bahay lang. Meron din siyang kuya na nag-aaral sa kolehiyo at ate na may sarili nang pamilya at nakatira sa karatig-bayan.

“Pasok ka, Wayo,” mando niya sa ’kin.

Hindi kalakihan ang bahay nila at hindi rin naman maliit, sakto lang. Pero ang umagaw talaga sa atensyon ko ay ang mga papel na nakapaskil sa paligid. I roamed my eyes and studied them; they were instructions written on a paper.

Pop, as though he read my mind, spoke in a whisper, “Tama ang nasa isip mo. Instructions talaga ’yang mga ’yan. Makalilimutin kasi si Mama kaya kailangan namin siyang paaalahanan sa mga bagay-bagay lalo na kapag siya lang ang matitira dito.”

Tumango-tango ako. “I see. Nasa’n siya?”

“Tulog na ’ata.”

Akma niyang kukuhanin ang first aid kit nila nang bigla na lang bumukas ang pinto ng isang kuwarto at tumambad sa ’ming paningin ang isang matangkad na lalaki na medyo kahawig ni Pop; magulo ang buhok niyang hanggang leeg at saka nakasuot siya ng kulay-abong jacket. Siya na marahil ang kuya ni Pop.

“Kuya, nasa’n si Mama?” pambungad na tanong ni Pop sa kanya.

“Katatapos lang niyang kumain. Nagpapahinga na siya ngayon sa kanyang kuwarto,” agarang sagot nito.

“’Nga pala, Kuya, kaibigan ko nga pala, si Wayo,” sabi ni Pop sa nakatatanda niyang kapatid. And to me: “Wayo, kuya ko nga pala, si Kuya Apo.”

“Hello po.” Ipinagdaop ko ang aking mga palad at bahagyang yumuko. I actually didn’t know what else to say.

Tinitigan muna niya ako bago siya ngumiti at nagsabi ng, “Nice to know you, Wayo.” Pagkatapos n’on, nagpaalam na ang kuya niya sa ’min, may bibilhin daw ito sa convenience store.

“It may hurt a little,” sabi ko kay Pop. Kasalukuyan kong ginagamot ang sugat niya sa labi at sa may kilay. Marahan kong inilapat dito ang bulak na binasa ng alcohol, dahilan upang mapakislot siya sa hapdi.

“A-aray . . .” was all he could manage to utter.

Habang ginagamot ko ang sugat niya, nagpe-play naman sa kapitbahay nila ang kantang Colors by Stella Jang. Hanggang sa magpang-abot ang aming mga tingin, natigil ako sa pagdampi ng bulak sa labi niya, at nakulong na kami sa titig ng isa’t isa.

Maya-maya, unti-unti siyang ngumingiti, palapad nang palapad. He held my hand and then he told me, “S-salamat . . . Maraming salamat, Wayo.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top