Episode 2 - Colors [1/2]

WAYO

“Sabi ko naman sa ’yo, Wayo, sumabay ka na lang sa dad mo at kay Wilma,” ani Tita Noina, kasalukuyang nagliligpit ng pinagkainan namin.

Without casting a glance at her, I answered, “It’s fine, Tita. Ayaw ko po kasing ma-late sila nang dahil sa ’kin. Magba-bus na lang ako.” Pagkatapos kong magsuklay, dali-dali ko nang isinuot ang aking sapatos sa may pintuan, ’tsaka ko isinukbit ang bag ko.

“Do you have money? Kumuha ka lang diyan sa pitaka ko, nasa ibabaw ng cabinet. At ’wag mong kalilimutan ang baon mo.”

Ipinaling ko ang atensyon sa kanya nang may ngiti sa mga labi. “Ayos lang po. May naitabi naman akong pera dahil nagpa-part-time job ako. I’m headed out, Tita,” paalam ko sabay kaway, ’tsaka ko siya tinalikuran.

“Sige. Mag-ingat ka, Wayo! Have a good day!” pahabol pa niya.

Pagkalabas ko sa amin, kaagad akong nag-abang ng bus. Medyo malapit lang naman ang Merryfield High. Ang kaso, late na ’ko ngayon. Kung lalakarin, baka ma-late pa ’ko sa second subject. Jusko!

While waiting, I took my cell phone from my pocket and opened our group chat. Ang dami nang chats kaya kinailangan kong mag-backread. At mukhang kapapalit lang nila ng name ng GC!

LATE NA NAMAN KAYO? KAYA SENYO AKO IHH

8:10 AM

Yelinda:
where na u, guyses?

here na us

Yelinda sent a photo.

Orencio:
Magkasama kayo ni Penny sa canteen?

Yelinda:
pinilit ko lang itu ihh

hali na kayo! damay-damay na twoo!

di kasi ako kumain samin. ayoko namang kumain mag-isa rito kasi baka ma-content pa ako.

tas ang caption: so this is the struggle of having no circle, huh? murag giango-ango 😩

Kitheanna:
Tamang-tama, papasok na ko sa gate

Orencio:
Nasa room na ’ko, eh. 🙆🏻‍♂️

Yelinda replied to Orencio:
may special announcement si Kim Chiu, pwede na raw lumabas 😭👊🏼

Pennhung replied to Yelinda:
B.I. ka talaga!

Orencio replied to Yelinda:
Sige na nga. Palibhasa, alam na alam n’yo kung pa’no ako kunin.

Sasabihin ko na lang na naiihi ako hihi

Yelinda:
where na ba si Queen @Joaquin Yulores?

Kitheanna:
di na nagising hahaha

8:13 AM

You replied to Kitheanna:
Hoy, Kitchie, simbako!

Buhay pa ’ko!

I slid my phone inside my pocket when a bus stopped right in front of me. Dali-dali akong sumakay at naupo sa pinakalikurang bahagi, ’tapos umandar na ulit ito.

Sa di-inaasahang pangyayari, bigla na lang tumigil ang sinasakyan namin kaya halos masubsob ang mukha ko sa upuang nasa harapan ko, ’buti na lang at nakakapit ako agad. ’Yon pala, may panibago na namang sumakay.

“Buwisit,” rinig kong mura ng katabi kong lalaki. Dalawa lang kaming nakaupo rito sa likod. Doon ay napansin kong natapon ang kanyang mga highlighter na may iba’t ibang kulay: green, orange, pink, at yellow.

Yumuko ako para abutin ’yong dalawang highlighters na malapit sa paa ko ’tapos ibinigay sa kanya.

“Thank—” Hindi niya naituloy ang kanyang sasabihin nang makulong kami pareho sa titig ng isa’t isa. Ilang segundo kaming nagkatitigan, walang umiwas ng tingin, ni hindi niya kinuha ang mga highlighter na iniabot ko sa kanya. Nilibot ng mga mata ko ang buo niyang mukha: bagsak na bagsak ang itim niyang buhok, singkit ang kanyang mga mata, ang tulay ng bilog niyang salamin ay kumapit sa ilong niya, at nakaawang nang bahagya ang kulay-dalandan niyang mga labi.

Pagkalipas ng ilang sandali, huminto ulit ang bus kaya muntikan na namang mauntog ang ulo ko sa upuan. Sa kabutihang-palad, mabilis na naiharang ng katabi ko ang palad niya kaya hindi ako nasaktan.

Muling umandar ang bus at dahan-dahan kaming umayos ng upo nang tuluyang tamaan ng pagkailang. Kinuha na rin niya ang kanyang mga gamit. “T-thank you,” he said.

“Salamat din,” I replied, stretching my lips. I let out a long sigh and cleared my throat before adding, “I’m, uh, I’m Joaquin Yulores Agcaoli, but you can call me Wayo.” I then stretched out a hand.

May ngiti sa mga labi, inabot niya ang kamay ko at nag-shake hands kami. Pero ’di niya agad binitiwan ang kamay ko. Tuloy, kinailangan ko pang tumikhim. “S-sorry,” sabi niya sabay bitiw sa ’king kamay. And then he added: “Ako naman si Policarpio Nemenzo, pero puwede mo ’kong tawaging Pop.”

“Bagong bili ba ’yan?” Inginuso ko ang hawak niyang mga highlighter na may samot-saring kulay. “Para sa’n ’yan?”

He nodded his head. “Oo, kabibili ko lang ng mga ’to sa isang mall sa Morlon. Gagamitin ko sa pagsta-study. Sunod-sunod na kasi ang pop quiz namin sa Understanding Culture, Society, and Politics.”

Ako naman ang tumango-tango this time. “I see.”

“Ikaw, ba’t ka late?” Napatingin siya sa relo niya. “8:19 a.m. na.”

I forced a smile before answering, “Late kasi ako nagising. I watched K-drama last night. Sabi ko pa, pampaantok lang—galing kasi ako sa part-time work at naubos ang social battery ko sa party sa ’min—pero puro ako ‘isang episode na lang talaga.’ Hanggang sa ’ayun, natapos ko ang buong series.”

What I just said cracked him up. Ewan ko ba, basta kumportable na agad ako sa kanya. Ang harmless kasi ng aura niya. While staring at him, I found myself smiling.

“Salamat, Wayo, a.”

“H-ha? For what?”

“Nagising kasi ako sa maling bahagi ng kama. Nasungitan ko ang kuya ko ’tapos late pa ’ko dahil may kinailangan akong bilhin. At ngayong nakilala kita, biglang nagbago. Alam kong ang corny”—umiling-iling siya—“pero sinabuyan mo ng kulay ang araw ko.” Nakatingin siya sa malayo habang tumatakbo ang sinasakyan namin at bahagyang nabanat ang kanyang mga labi.

Ang sarap pala sa feeling na somehow nakatulong ka sa iba kahit ’di mo naman talaga sinasadya, you’re just . . . you’re just being yourself. At siguro dahil ’di ko na rin nakalilimutan ang kabutihan kapag humaharap sa mga kakilala ko at lalo na sa mga bagong nakasasalamuha (’di natin alam kung meron ba silang pinagdaraanan o mabigat na dinadala). Nakatatak na sa isip ko na wala tayong nilalabas na kwarta sa pagiging mabuti sa kapuwa.

Pagkababa namin ng bus, nagkahiwalay na kami ni Pop kasi kailangan niya raw talagang humabol sa first subject nila. Ako naman, pupuntahan ko pa ang barkada kong B.I.—as in bad influence—sa canteen. Sigurado naman akong magkikita ulit kami kasi maliit lang naman ang Merry.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top