Episode 1 - Childhood Friend
WAYO
Would my life be easy if I were still with Mom? I mean, mahal pa rin naman ako ni Dad, ’di naman nagbago ’yon. Pero iba na kasi ang sitwasyon ngayon, e. Mom’s gone, at may kahati na ’ko sa atensyon ni Dad—ang stepmom at stepsister ko.
Kasalukuyan akong namimigay ng flyers sa mga taong dumaraan dito sa tapat ng Woli, isang restobar. (Handing out flyers to passers-by or in public areas is one of my part-time jobs. Kailangan kong kumita ng pera para sa mga bagay na gusto kong bilhin. Kapag wala ako rito sa harap ng Woli, sa barbecue place ako makikita.) Some people accepted the leaflets wholeheartedly, some took them without casting a glance at me and then threw them afterwards, and most of them were busy on their cell phones while walking, didn’t notice my existence.
“Kailangan ko ng pera, money, at kwarta!” My eyes hastily grew bigger when realization hit me. Shocks! Akala ko, sa isip ko lang ’yon! Ba’t ka sumigaw, Joaquin Yulores? Nabunyag tuloy ang sikreto mo na isa kang alipin ng salapi!
Napahinto ang lahat ng dumaraan dito at dumapo sa ’kin ang mga mata nila. Nang malunasan ang gulat sa katawan, agad din naman silang nagpatuloy sa paglalakad na parang walang nangyari. Mukha silang robot na minamanipula ng pera; gigising nang maaga, magtatrabaho, uuwi, at matutulog. Nakikita ko ang sarili ko sa kanila. Ang kaibahan lang, nag-aaral pa ’ko.
Muli akong nagpatuloy sa pag-aabot ng flyers. Hanggang sa bigla na lang nag-vibrate ang cell phone ko, kaya dali-dali ko itong dinukot mula sa ’king bulsa.
My dad texted me: Uwi ka ng bahay before 7 p.m., Wayo. It’s your sister’s birthday.
I heaved a sigh after I read it. And it took me a minute or two to respond: Okay, Dad.
Pagkatapos kong isilid ang cell phone ko sa ’king bulsa, napabuntonghininga ulit ako. Nakini-kinita ko na ang mangyayari pag-uwi ko sa ’min. Panigurado, pupunta na naman ang relatives namin na hindi nauubusan ng tanong gaya ng: Anong course ang kukunin mo sa college? Education din ba? Susunod ka sa yapak ng ama mo? And the question I hated the most: May girlfriend ka na ba? Like, hey, you already know who I am and what I like! Ayaw n’yo lang tanggapin na lalaki ang gusto ko! Well, that doesn’t matter, as long as tanggap naman ako nina Dad at Tita.
Makaraan ang ilang minuto, tuluyan nang naubos ang flyers. Dumapo ang mga mata ko sa relong nakapulupot sa palapulsuhan ko. Six-twenty p.m. na!
Dali-dali akong pumasok sa Woli. Sobrang daming kumakain dito, at ang iba naman ay nag-iinuman habang nakatuon ang kanilang atensyon sa entablado. Kumaway ako sa kaibigan kong si Kitchie na kasalukuyang tumutugtog. When our eyes met, agad akong sumenyas na aalis na ako. Habang kumakanta at nagsta-strum ng gitara, pasimple siyang ngumiti at tumango bilang sagot.
Pagkatapos n’on, lumabas na ’ko sa restobar upang mag-abang ng tricycle o ’di kaya’y bus. Papara na sana ako sa paparating na bus nang bigla na lang huminto sa harapan ko ang isang pamilyar na kotse. Nang may sumilip na naka-uniform mula sa may bintana sa backseat, doon ko nakumpirmang tama nga ang hinala ko.
“Mukhang nagmamadali ka, Wayo. Do you want me to give you a ride?” His name’s Pennhung Taweesip, one of my friends. Half-Thai siya, and he preferred to be called “Penny.”
Tatanggi pa ba ’ko? Ang angas ko naman kung gano’n! “Kaya sa ’yo ako, Pennywise, e.” Nag-apir kami.
“’Wag mo nga akong tawaging ‘Pennywise.’ Wala akong baong balloon ngayon.” We let out a laugh, and then muli na naman kaming nag-apir.
Pumasok ako sa loob nang buksan ni Pennhung ang pinto. Umusod siya nang kaunti para makaupo ako. Pagkasara ko ng pinto, pinaandar na ulit ng family driver nila ang sasakyan.
“’Nga pala”—tumingin siya sa ’kin nang seryoso—“sorry, Wayo, a. Hindi ako makapupunta sa birthday party ng stepsister mo. Hindi kasi ako pinayagan ng parents ko, e.”
My lips stretched, forming a small smile. “It’s fine, Penny. I understand. Alam kong pagod ka rin galing sa math academy. Magpahinga ka na lang sa inyo, okay? You need that.”
He nodded his head solemnly, and a small smile settled on his lips. “How about ang iba nating kaibigan, pupunta ba sila?”
I shrugged before saying, “I’m afraid they can’t attend the party. Tumutugtog kasi si Kitchie ngayon sa Woli; hindi siya puwedeng umalis do’n kasi ’yong papalit sana sa kanya sa mga oras na ’to, nagkaroon daw ng emergency. Sina Yell at Kahel naman, hindi pa nila nababasa ang message ko.”
A soft chuckle tumbled from his mouth. “Do not worry, Wayo. Sa oras na mabasa ni Orencio ang message mo, panigurado, pupunta ’yon. Yes man ’yon, e.”
He’s pertaining to Kahel. Orencio ang tunay niyang pangalan na katunog ng Orange, ’tapos ginawa naming Kahel. And he’s right, Kahel is a yes man—meaning he says yes to everything. If it’s a good thing or otherwise, I couldn’t distinguish which.
Bilang panapos sa ’ming usapan, ngumiti na lang ako nang pilit at sumagot ng, “Sana nga.” Pagkatapos, idinantay ko ang ulo ko sa upuan. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin sa mga sumunod na sandali.
Dahil malapit lang naman ang amin, wala pang alas-siyete ay narating na namin ang aming bahay. Nagpasalamat ako kay Pennhung bago lumabas ng sasakyan.
Sa labas pa lang, rinig na rinig ko na ang tugtog at mga boses na naghalo-halo. Pagkabukas na pagkabukas ko ng gate, bumungad sa ’kin sa bakuran ang aming mga kapitbahay, kamag-anak namin sa side ni Dad, at kamag-anak ni Tita Noina—stepmom ko. Kasalukuyan silang nakaupo sa mga bilog na mesang may mantel na pula habang may mga pagkain sa kani-kanilang paper plates.
Nginitian ko lang isa-isa ang mga bisita namin. Nang makita ako ng kamag-anak ko, kaagad silang lumapit sa ’kin. Oh no, sigaw ng utak ko. I let out a sigh, readying myself for another episode of How to Deal With Your Tactless Relatives.
I smiled at them, gently took their hands, and placed them on my forehead one by one.
“Kaawaan ka ng Diyos, apo,” ang sinabi ni Lola pagkatapos kong magmano. She paused for a moment, as though she was studying me, before adding: “Tumataba ka, apo.”
I breathed out some air from my mouth before answering the question, as polite as possible: “Kasi nga po, food is life. ’Tsaka, ’di rin po kami tinitipid ni Dad sa pagkain.”
Si Tito naman, na nakababatang kapatid ni Dad, agad ding nagbato ng tanong sa ’kin: “Galing ka na naman sa part-time work mo, ’no? One time, I saw you at a barbecue restaurant. May sinusustentuhan ka ba, Wayo?”
Umawang ang mga labi ko, nasa dulo na ng dila ko ang mga salitang What the fuck? pero agad kong pinigilan ang aking sarili bago ko pagsisisihan ang lahat. “P-para po kasi sa wants ko ’yon, hehe,” I said instead, displaying a forced smile.
Pabirong tinampal ni Tita ang balikat niya sabay sabing, “Grabe ka naman sa sinusustentuhan. Tanungin mo muna kung may girlfriend?”
I briefly closed my eyes. Sinusubukan talaga nila ang pasensiya ko. Pagkatapos ng ilang segundo, muli akong nagmulat ng mata, ’tsaka ako ngumiti ulit. “Study first po muna ang drama ko sa buhay ngayon.”
Study first, my ass! The truth is, may hinihintay talaga ako, ang childhood friend slash crush ko na si . . . Satang.
“Wayo!” tawag sa ’kin ni Tita Noina. Thanks for saving me, Tita! At kay Dad: “Joaquin, nandito na si Wayo!”
Yeah, right. Joaquin Yulores Agcaoli Jr. talaga ang kompleto kong pangalan. Pasensiya ka na, Dad, kung ang junior n’yo ay hindi magkakagusto sa isang Maria Clara, kun’di sa kapuwa niya Ibarra.
I excused myself then walked towards the birthday girl—Wilma. I greeted her, “Happy birthday, sis!” And to Dad and Tita Noina: “Mano po.” Inabot ko ang isa nilang kamay at inilapat sa ’king noo.
“Thank you, Wayo,” nakangiting sagot ni Wilma. 17th birthday niya ngayon. Nakasuot siya ng pulang dress, napapalamutian ng kolorete ang kanyang mukha, at nakalugay naman ang itim niyang buhok na hanggang balikat.
Ipinatong ni Dad ang kamay niya sa ’king balikat, another way of saying, “Thanks for coming to your sister’s birthday party.” Isang tipid na ngiti ang iginanti ko sa kanya.
“O siya,” pukaw ni Tita Noina sa atensyon ko, “kumain ka na rin, Wayo. And by the way, I saw your friend earlier. What’s his name again—Kahel, was it?”
My eyes automatically grew bigger when I heard my friend’s name. Pumalakpak ang tainga ko. Parang nabuhayan ako ng loob. Nagdilang-anghel nga si Pennhung. Yes man siya, oo, pero akala ko talaga, ’di siya makaa-attend kasi ’di pa niya nababasa ang message ko. Puwedeng a) naunang nag-message sa kanya si Wilma or b) personal siyang in-invite ng birthday girl.
Dali-dali kong inilibot ang mga mata ko sa paligid. Nahagip ng paningin ko ang samot-saring mga pagkaing nakahilera sa isang mahabang mesa na pinipilahan ng mga tao. Sa gilid, merong cake na katamtaman ang laki. (Hindi kami mayaman, pero hindi rin naman kami naghihirap. Sakto lang.)
“Wayo!” Kumaway si Kahel habang may hawak na paper plates. Kasalukuyan siyang pumipila roon.
Lumapit na rin ako sa kanya para kumuha ng pagkain. Pagkatapos, umupo kami sa isang bakanteng mesa, magkaharap. Rinig ko pa rin ang naghalo-halong mga boses sa paligid. Hanggang sa namatay ang music at nag-umpisa silang kumanta ng, “Happy birthday to you!” para kay Wilma. Kaming mga nakapuwesto sa bandang likuran, ’di kami humalo sa pagkanta, may kanya-kanya kaming mundo.
“’Nga pala,” sabi ko kay Kahel matapos kong kumagat ng friend chicken, “hindi mo pa nababasa ang message ko, ’di ba? In-invite ka ni Wilma?”
Uminom muna siya ng tubig bago sumagot, “Hindi. Nakita kasi ako ni Tito Joaquin kaninang umaga sa eskuwelahan. ’Ayun, in-invite niya ’ko. Siyempre, um-oo agad ako. Daddy mo na ’yon, e.” A soft chuckle tumbled from his mouth.
Kung bakit nagkita sila ni Dad sa eskuwelahan? Teacher kasi si Dad sa Merryfield High.
“Game na game ka talaga sa kahit anong bagay, ’no? Siguro, kung may papatayin ako ’tapos gagawin kitang accomplice, magye-yes ka rin agad.”
He swallowed. “Hoy, ibang usapan na ’yan. Buang.”
“Joke lang. ’Eto naman.”
May sinasabi pa si Kahel pagkatapos n’on, pero ’di ko na nasundan. Dumako ang mga mata ko sa dalawang batang naghahabulan kasama ang aso ni Wilma na Lowisse ang pangalan, ’tapos nagtago ang mga tsikiting sa ilalim ng lamesa.
Hanggang sa bigla na lang nagbago ang paligid, biglang dumilim. At namalayan ko na lang na nasa ilalim na ako ng mesa, kaharap ang batang Satang. Una kaming nagkakilala no’ng birthday niya.
“Bata, bakit ka ba nagtatago rito?” ang sinabi ko kay Satang. Tumutulo ang luha niya habang humihikbi.
“A-ayoko”—suminghot siya—“ayokong magpakita kay Mommy. ’Di na niya love si Daddy. May iba na siyang love.” Nag-pout siya.
“Pareho pala tayo, e. May iba na ring love si Dad.”
Mas lalo siyang umiyak habang yakap-yakap ang mga tuhod.
“Shh! ’Wag ka nang umiyak,” pag-alo ko sa kanya. Nag-isip agad ako ng paraan kung paano siya patatahanin. At ang unang bagay na pumasok sa utak ko ay: “Paglaki natin, pakakasalan kita.”
Lumingon siya sa ’kin, gulat na gulat. “P’wede ba ’yon? Pareho tayong boy, e.”
“Ang sabi sa ’kin ng mommy ko noon, p’wede naman daw ako magkagusto kahit kanino—”
“Hindi kita gusto!”
“Aray.” Lumabi ako. “Umiyak ka na nga lang ulit. Ba’la ka d’yan.”
Pero nabalik ako sa realidad nang magsalita si Kahel: “Wayo . . . Wayo, ayos ka lang?”
“Y-yeah.” Ngumiti ako nang pilit. “I’m fine.” Translation: I kinda miss Satang.
• • • • •
A/N: I don’t know if may nag-e-exist na restobar na ang pangalan ay “Woli.” But it’s actually derived from my name which is Lowi hahaha!
Anyway, how’s the pilot episode of PFIML? Please feel free to let me know what you think 💚
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top