6
TINANAW ni Ernesto ang paglapit ni Joan sa sasakyan ni Kyle. Mabilis namang bumaba ang kaniyang kanang-kamay. Iniwan nitong bukas ang pinto sa driver's seat at pinagbuksan nito ng pinto si Joan sa passenger seat.
Lingid kay Ernesto na kanina pa nakapuwesto sa pinto ng mansiyon si Allyssa. Nakamasid at nakasunod din ang tingin nito kay Joan. Nang inalis nito roon ang tingin, saktong nakalapit na si Ernesto rito.
"Love," she called softly, turning to face him completely.
Maingat itong humawak sa kaniyang mga balikat at hindi na kinailangang tumingkayad. Siya na kasi ang nagkusang yumuko para masambot ng mga labi ang magaang halik ni Allyssa.
She immediately pulled away. "Who is she?" tanong nito bago tinanaw uli sina Joan.
Sinundan niya ng tingin ang tinatanaw ng asawa. Saktong nasa loob na ng kotse si Joan. Si Kyle na lang ang nakikita nila. Umikot ito sa harap ng kotse bago nakapuwesto sa driver's seat niyon.
Nang ibalik niya ang mga mata kay Allyssa, nahuli niya ang pagkakatitig nito sa kaniya. Nakipagtitigan siya sa pares ng tsinitang mga mata na tila nakikiusap. Pagkatapos ay tumaas ang sulok ng kaniyang mga labi, hindi nga lang abot sa kaniyang mga mata ang kaniyang magaan na ngiti. He fondly thumbed the space beside the corner of Allyssa's lips, forgetting his knuckles were bandaged and setting aside the small prickle of pain that the gesture brought to him. What mattered for him at the time was to be able to do that small gesture to Allyssa. He had to, lalo na at nagiging sensitibo ito at mapaghanap ng paglalambing dahil nagdadalang-tao.
Sinagot din niya ang tanong nito. "Siya 'yong nabanggit ko sa 'yo kahapon. Si Joan."
Malambot na gumusot ang mukha nito. "Bakit nandito siya sa hacienda? Kahapon lang, galit na galit ka sa babaeng 'yon." Then, she lowered her eyes and murmured. "Kahit ako, naiinis sa kaniya. Dahil sa kaniya, 'yan ang inabot mo." Itinuro ng nguso nito ang benda sa kaniyang kamay na nakahawak sa pisngi nito.
Mapang-unawang ngumiti si Ernesto. "May hindi inaasahang pangyayari. Sa ngayon, makikitira siya kina Kyle."
Nagulat ito. "Bakit?"
Pinagbuksan niya sila ng pinto at tumabi para magbigay-daan kay Allyssa. Inabot ng kabila niyang kamay ang isang braso nito. He gently pulled her close until he could reach the back of her waist.
"Kasi," maingat niyang alalay sa asawa papasok ng bahay, "kita mo naman ang hitsura niya. Minamaltrato siya ng kasama niya sa bahay."
"Ibig sabihin, pinuntahan mo pala siya," ingos nito, nasa harap na ang tingin.
"I had to. Dahil kailangan ko siyang iharap kay Ninong pagbisita ko sa mga Arguelle," paliwanag niya rito. "Hindi maniniwala ang ninong kapag idiniin ko na ang mga Tenorio talaga ang nagpasimula ng gulo kaya hindi natuloy ang sabong kahapon."
"Ninong natin siya sa kasal! Paanong hindi siya maniniwala sa mga sasabihin mo?"
"He'll think that I am being biased or just inventing things. Lalo na't alam niyang matagal na akong may sama ng loob sa mga Tenorio."
Sabay nilang pinanhik ang hagdan. Nakaalalay agad si Ernesto sa siko ni Allyssa.
"Hanggang kailan naman dito sa hacienda ang babaeng iyon?"
"Why?" sulyap ni Ernesto rito. "Parang nababahala ka sa pagparito ni Joan, a? Kilala mo ba siya? Pamilyar ba? May atraso ba siya sa 'yo o sa kakilala mo noon?"
"Ngayon ko lang siya nakita pero ayoko na sa kaniya."
"Dahil?" nangingiti niyang kulit dito.
"A, basta!" taas-noo nito bago siya nilingon. "Bakit hindi ka na lang magtiwala sa instinct ko?"
Magaan siyang natawa rito. "Instinct? Or is that just your pregnancy mood swing? Ano'ng lambing ang kailangan ng asawa ko, hm?" he teased lightly. "Some kisses or some snacks?"
"Naiirita lang ako sa kaniya."
Nagmadali si Allyssa sa pag-akyat ng hagdan at sinabayan naman niya ang laki ng mga hakbang ng asawa.
***
NAPANGANGA si Joan dahil sa pagkamangha. Pagbaba mula sa sasakyan, bumungad sa kaniya ang rowhouse na tinitirahan ni Kyle at ng pamilya nito.
Tatlong sementadong rowhouse na may pulang mga bubong ang nasa lote ng mga ito. Nababakuran ang mga ito tulad ng katabing mga bahay na inipon sa isang parte ng lupain ng mga Dela Fuente. Ang komunidad ang tinatawag na 'village' na nagsisilbing tirahan para sa mga trabahador sa hacienda. Nakatutulong ito para hindi na bumiyahe sa malayo ang mga trabahador para lang makauwi sa bahay nila.
Nagulat lalo si Joan dahil paglingon niya, katabi na pala niya si Kyle. Gaano katagal na ba siyang natulala at hindi man lang napansin ang paglapit nito sa kaniya?
"Ayos ba?" tanong nito sa kaniya.
Nangingiting tumango-tango siya. Gustong lakihan ni Joan ang kaniyang pagkakangiti pero mahirap iyon dahil sa iniinda niyang hilo at hapdi sa magkabilang-pisngi.
"Tara. Huwag ka na rin mahiya. Ako na ang bahalang ipakilala ka sa mga tao sa bahay." Binuksan nito ang mababang bakal na gate na tao lang ang kasya at iniwan itong nakaawang para sa kaniya.
"Siguradong magugulat sila," sunod niya sa lalaki.
"A, hindi," anito. "Nasabihan ko na sila bago pa tayo pumunta rito."
His boots crunched at the dry soil of the front yard. Ligaw na mga damo lang ang tanim na makikita rito. Kulay puti ang pintura ng pader na bumabakod paikot sa lote, gayundin ang bakbak na pintura sa bakal na gate kaya sa ilalim ng tirik na araw ay nakasisilaw pagmasdan ang mga ito.
Joan followed Kyle across the yard, her thin-soled slippers scratching as she walked. "Talagang inasahan na ito ni Señor Ernesto?"
Ewan kung mamamangha o magugulat ba sa napagtanto niya.
"Oo. Alam mo, isa sa mga dapat mong malaman sa mga Dela Fuente ay kalkulado ang bawat galaw nila. Hindi sila basta-basta kumikilos dahil maingat sila. Minsan, mababagalan ka sa kanila pero ang palaging dahilan ng señor ay dapat, planado muna ang lahat. Kaya huwag ka nang magulat kung bago pa nangyari ang isang bagay, e, napaghandaan na nila."
"Ano sila? Manghuhula? Nakakakita ng future?" pigil ni Joan ang matawa sa naisip.
Panganga ang ngiti ni Kyle sa kaniyang itinuran. "Experience siguro o dahil sa pagpapalaki ng mga magulang nila kaya magaling sila magtantiya sa mga mangyayari pa lang. Ibang klase rin talaga ang mga Dela Fuente."
Huminto sila sa tapat ng bukas na pinto.
"Get ready," sulyap ni Kyle sa kaniya bago ito unang pumasok sa pinto.
Mula sa kinatatayuan, natanaw ni Joan ang sala ng bahay. Maalikabok ang sahig na gawa sa alikabuking pulang bato. Nakaposisyon nang maayos ang mga kutson na sofa na may kawayang frame. At nasa sala na iyon ang tatlong babae na kasama ni Kyle sa bahay, sa buhay.
"Maayo na adlaw, Inay," pagbati ni Kyle ng 'magandang araw' kaya napatingin ang mga ito sa kanila.
Then Kyle turned to her, cuing her to enter the house.
Ibinaba muna ni Joan ang tingin. Lahat sila, mga naka-tsinelas at sapatos sa loob kaya hindi na niya hinubad ang suot na tsinelas.
Napapayuko man dahil sa hiya, sinikap niyang panatilihing makataas ang ulo. "Ayo! Maayo na adlaw po." Tao po! Magandang araw po.
Nag-alala bigla ang mga babae. Ang unang lumapit sa kaniya ay ang isang may katabaang babae na naka-cotton shorts na sky blue at puting maluwag na T-shirt na may tatak ng isang brand ng chicken feeds. Itim ang buhok nito tulad ng kay Kyle. Magulo ang pagkakapusod niyon kaya lumaylay ito sa batok nito.
Pagkalapit, pinasadahan siya ng tingin ng malalim at bilog nitong mga mata. A few eyebags ringed around each eye. "Ang mga pisngi mo, parang namamaga."
Hindi na napigilan ni Joan ang magbaba ng tingin dahil sa hiya.
Sanay na siya sa pagiging mahirap. Kadalasan, pantataboy o dismayadong mga tingin ang nakukuha niya kapag may nakasasalubong o nakasasalamuhang mga kapitbahay. Ang hindi siya sanay ay ang harap-harapang pakitaan ng awa ng ibang tao. Dapat, pinapagaan nito ang kaniyang loob dahil kung may naaawa sa kaniya, ibig sabihin, may malasakit o simpatiya ang taong iyon sa kaniya. Ngunit, taliwas sa inaasahan ang naramdaman niya.
Nakaramdam siya ng hiya . . .
Ng panliliit . . .
"Ano ang nangyari dito, Kyle? Hindi mo pa naipapaliwanag sa amin kung bakit pinapatira dito ni Sir Ernesto itong si . . ." She trailed off, prodding Joan to tell her name.
"Joan po," mahinang sagot niya at nagnakaw ng tingin bago nag-iwas uli ng tingin sa ginang.
"E, iyon na nga, Inay." Lumuwag ang bandang leeg ng polo ni Kyle nang tanggalin nito ang ilang butones malapit doon. "Witness si Joan sa nangyaring gulo sa sabungan kahapon. Isasama siya ni Señor Ernesto sa pagpunta sa bahay ng sponsor ng derby para depensahan niya ang sarili."
Napailing-iling ang nanay ni Kyle. She clucked her tongue upon looking once more at how much of a mess she looked. "Bakit ganito ang hitsura niya? Sapilitan ba siyang—"
"Inay, hindi," mariing tanggi ng lalaki na pinangunahan na ang nanay nito. "Kusa siyang sumama. Ang kapatid niya ang may kagagawan ng mga 'yan," patungkol ni Kyle sa pamamaga sa kaniyang mga pisngi.
Nakahinga ang ginang nang maluwag dahil sa narinig nito. "'Buti at hindi ninyo kagagawan 'yan. Alam mong hindi kita pinalaki na nananakit ng babae. Kita mo naman, mga babae ang nanay mo at ang dalawa mong kapatid!" Nilingon nito ang isa sa mga babae sa sofa. "Rita!" Gulat na napalingon ito, abala kasi ito sa panonood sa palabas sa TV. "Halika rito!"
Rita scrambled to her feet, leaving the sofa to approach them. Sa malapitan, malayang napagmasdan ni Joan ang dalaga. She had an oval-shaped face and pretty with a slim body. May ligaw na mga taghiyawat sa mukha nito na normal sa pagbabago ng hormones dahil teenager na ito. Mababa ang pagkaka-ponytail ng mahaba at unat nitong brown na buhok.
"Anak, samahan mo itong si Joan sa magiging kuwarto niya. Kukuha lang ako ng ice compress para sa pamamaga ng mga pisngi niya," malumanay na utos ng nanay ni Kyle.
Rita turned to her. "Dito tayo, ate."
She nodded and looked for Kyle. Once their eyes met, she gave him a look that was asking for approval. Magaang ngumiti naman ito sa kaniya at tumango, senyales na pumapayag itong sumama siya kay Rita.
Ilang hakbang lang ang layo ng magiging kuwarto niya mula sa sala. Kahanay nito ang dalawa pang pinto na madadaanan bago ang open dining area kung saan pinagkasya ang dining area at ang kusina.
Binuksan ni Rita ang pintong gawa sa plywood.
"Dito," lingon nito sa kaniya bago tumabi para makasilip siya sa silid.
Nakita ni Joan na walang masyadong gamit sa loob kaya halatang walang gumagamit sa kuwarto. May single bed dito na pahalang ang pagkakasandal sa pader na kupasing krema ang pintura. Nalalatagan iyon ng puting kobre-kama. Sa ibabaw nito ay nakatiklop nang maayos ang puting kumot na may asul na stripes. May unan din na asul at itim na magkasinglaki. Sa kabilang dulo ng silid ay may maliit na pares ng magkadikit na bintanang jalousie. Gawa sa frosted glass ang salamin nito.
Nilingon ni Joan si Rita. "Ako lang ba ang gagamit nito?"
"Opo," sagot nito. Magaan ang tono nito kung makipag-usap sa kaniya kahit nasa mga mata nito ang pagkailang. Tulad niya siguro ito na naiilang makipag-usap sa taong bago lang nito nakilala. "Kuwarto ito ni Kuya Kyle, kaya lang hindi naman nagagamit. Madalas kasing wala rito ang kuya, e." Nagnakaw ito ng sulyap kay Kyle na nanonood lang pala sa kanila mula sa kaniyang likuran. Ibinalik din ni Rita ang tingin nito sa kaniya. "Kaya sa 'yo na lang muna namin 'to ipagagamit."
Nahihiyang nilingon niya si Kyle. Nahihiya man, sinikap niyang masalo ang tingin mula sa mga mata nito at nang sa ganitong paraan man lang ay maiparamdam niya rito na masaya siya.
Joan managed a small smile too. "S-Salamat. Pero saan ka matutulog?"
"Huwag kang mag-alala sa akin. Lagi naman akong nasa bahay ng mga Dela Fuente," paliwanag nito. "Gano'n talaga kapag kanang-kamay ka. Dapat en punto naroon ka agad kapag ipinatawag nila."
Joan returned her eyes to the small room. "Salamat . . ." mahina niyang usal.
"Pa'no . . ." ani Kyle kaya napalingon siya uli sa lalaki. He shifted his eyes to each one of them in that house. "Kailangan ko nang umalis. May trabaho pa ako."
He stepped close to her. Joan stood still and stiffed. Para kasing hahaplusin siya ni Kyle sa mukha at hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Kung isa ito sa mga bumabastos sa kaniya ay naunahan na niya ito ng sapak. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi siya makalaban dahil ito ang taong tumutulong sa kaniya, katulad ng hindi niya paglaban sa kaniyang kuya kahit sinasaktan na siya nito.
Pero hindi . . . hindi umangat ang kamay ng lalaki.
He just gave her a probing look. "Sina Inay muna ang bahala kung may kailangan ka. Bibisita ako rito lagi bago maturog." Matulog.
"Naku, may pagbisita na gabi-gabi, a," ani Rita sa nanunuksong himig. "Samantalang no'ng kami-kami lang ni Inay ang nandito, madalang maparito kahit ang lapit-lapit lang—"
"Nagkusa na ako dahil tiyak na uutusan din naman ako ni Señor Ernesto na kumustahin si Joan," natatawang ganti ni Kyle sa kapatid.
"E, siya!" natatawang awat ng nanay ni Kyle sa biruan ng dalawa. "Lumakad ka na, anak. Kami na ang bahala rito."
Kyle nodded at them as his way of saying goodbye. His final glance shot toward her. His small smile was enveloped with his farewell nod.
"Joan," paalam nito bago tinungo ang pinto.
Pagkaalis ni Kyle, pinagpahinga siya ng mga Torres sa silid. Pagkatapos magpahinga nang kaunti, nakigamit siya ng banyo para makaligo. Isinabay na rin niya sa paliligo ang pagkusot sa mga hinubad niyang kasuotan.
Pinahiram siya ng mga damit ni Nanay Kristina—ang ina ni Kyle—sa pag-aakala ng mga ito na mas malapit ang hulma ng katawan niya rito kahit nagmumukha lang talagang malapad si Joan kapag maluluwag na damit ang suot dahil sa malaki niyang mga dibdib.
Nagtanghalian sila pagkatapos. Dito na siya inulan ng mga simpleng tanong mula kay Rita, Nanay Kristina, at sa ate ni Kyle na si Tina. Nagpakilala rin ang mga ito sa kaniya para maging komportable siya habang nakikipisan sa mga ito.
Pagkatapos, sinipat ni Nanay Kristina ang kaniyang mga pisngi. Sigurado naman si Joan na mga sampal lang ang natamo niya, na wala siyang sugat o iba pang isyu maliban sa namumulang mga pisngi. Iniwanan siya ng ice compress ni Nanay Kristina sa kuwarto para sa kaniyang mga pisngi.
Ilang oras din nakapagpahinga sa kuwarto si Joan nang bisitahin dito ni Nanay Kristina.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" lapit ng ginang sa kaniya. She bent down to check her ice compress. Nakaalalay pa rin sa ice pack ang kamay ni Joan habang nakalapat ang lamig nito sa kaliwa niyang pisngi.
"Okay na po. At saka matugnaw pa naman po itong compress." Malamig.
"Iyong kabila mong pisngi, ha?" paalala nito bago tumuwid ng tayo, akmang aalis na.
"Opo. Salamat," malungkot niyang ngiti.
Napatitig sa kaniya saglit si Nanay Kristina. Kontentong tumango-tango ito pagkatapos at walang-ngiting iniwan na siya sa silid.
Nang muling mapag-isa si Joan, ibinalik niya ang tingin sa kisame. 'Kumusta na kaya si Kuya? Mag-isa lang siya sa bahay. May sakit pa naman siya . . .' Napapikit si Joan nang mariin. 'Kumain na kaya siya? Mali yatang sumama ako rito. Sino ngayon ang mag-aalaga kay Kuya? Sino ang maghahanda ng pagkain niya?' A teardrop formed at the corners of her eyes. 'Problema na naman . . . Mamomoroblema na naman siya dahil sa akin. . . .'
Ang sarap ng lamig na nanunuot sa namamaga niyang mga pisngi. Nakatulong ang ice compress para mamanhid nang kaunti ang pumipintig niyang balat na mistulang tinutusok-tusok ng lamig. It felt so cool and soothing that Joan fell asleep . . . .
Gulat na napabangon siya.
Napakurap.
Nagkalat na ang dilim at anino sa silid.
Bukas ang bintana pero madilim na ang langit sa labas.
Nagmamadaling hinagilap ni Joan ang ice pack. Basa ng pawis ang pack at nagtubig na ang lamang yelo nito. Humawa ang pagpapawis ng compress pack sa unan na binagsakan nito. Pinulot niya ang compress pack at dinama ang mga pisngi.
Napakislot siya.
Napangiwi.
Masakit pa rin kasi ang pagkakatampal sa mga ito ni Kobi.
Mahaba-haba ang ipinahinga ni Joan kaya kahit papaano ay nakabawi na siya ng lakas. Wala na siyang nararamdamang hilo o pananakit ng ulo nang lisanin ang kama.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Maliit pa lang ang awang nito nang maulinigan ang maawtoridad na tinig mula sa sala.
"Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya." May bahid ng kaunting iritasyon sa nangingibabaw na boses. "Kaninang tanghali pa siya tulog?"
"Oo, pero ano naman ang mangyayari sa kaniya, Señor Ernesto? Nasampal man siya ay hindi naman ganoon kalala. Hindi niya iyon ikamamatay," mahinahong depensa ni Nanay Kristina ngunit matapang ang tono ng pananalita.
"Inay," ani Kyle sa nakikiusap na boses, "dapat sinisilip n'yo man lang si Joan kung ayos lang siya."
"Kinumusta ko naman siya noong gising pa. Kumatok din kami kaninang hapon pero hindi sumasagot kaya ipinalagay naming natutulog. Natural lang matulog nang ganoon ang tao kapag may pinagdaanang mabigat o pagod na pagod at ngayon lang nagkaroon ng pagkakataong magpahinga. Baka naman mailang 'yong tao sa amin kung sisilipin namin pati ang pagtulog niya, anak."
Napayuko si Joan. Bakit pati pagtulog niya ay pinagtatalunan na rin ng mga tao?
"Kyle," ani Señor Ernesto, "puntahan na lang natin."
"Ako na lang, señor! Maupo na lang muna kayo rito."
"Ipaghahanda ko ho kayo ng kape," paalam ni Nanay Kristina, pero hindi ito umalis hangga't hindi sumasagot dito si Señor Ernesto.
Señor Ernesto ignored Nanay Kristina and replied to Kyle. "Ayokong maupo rito. I'll check on that woman."
Sinundan ang deklarasyon ng lalaki ng mga yabag ng mabibigat na cowboy boots na hinabol ng nagmamadaling mga hakbang ni Kyle.
"Saan ang kuwarto?"
For some reason, her chest tightened in cowering anticipation, like a prey in hiding, aware of being hunted down.
"Doon, señor," sagot ni Kyle.
At saka lang napagtanto ni Joan ang kasalukuyan niyang posisyon. She found her hand on the door handle and uncertainty began washing all over her. Pagbubuksan ng pinto at sasalubungin ba niya ang haciendero o hihintaying makapasok ito sa kaniyang kuwarto?
Bago pa siya nakakilos, may tumulak na sa pinto mula sa labas. Napabitiw si Joan sa seradura nito sabay atras.
Pag-angat niya ng tingin, bumungad ang patay na mga mata ni Señor Ernesto na nakatutok na sa kaniya. Nasa likuran nito si Kyle na mukhang nakahinga nang maluwag nang makitang gising siya at mukhang maayos ang kalagayan.
"Joan—"
Pinutol ni Ernesto ang anumang balak sabihin ni Kyle. "Ako ang kakausap sa kaniya."
Tumahimik ito at inalayan siya ng nag-aalalang tingin.
Then it was Señor Ernesto's turn to speak to her in a stern tone. "Buong hapon mong hindi pinansin ang mga tao rito. Ano at nagkulong ka sa kuwarto?"
"Napasarap lang ako," pailalim ang tingin niyang wika. She was hesitant to meet his steely gaze but forced to.
Gumusot ang mukha nito. Nagugulohan. "Napasarap?"
Naligaw ang mga mata niya kay Kyle. Nasa bandang likuran nito si Nanay Kristina na nag-aalala rin ang mga mata. Seeing that made her feel that the older woman wasn't really upset about her based from her defensiveness earlier, but upset with the way this Dela Fuente rudely disturbed her rest.
Dahil sa napagtanto, nabuhayan siya ng loob.
Joan cleared her throat. Nagkaroon na siya ng lakas ng loob na tumingin nang deretso sa lalaki.
"Napasarap ako ng tulog," matatag niyang paglilinaw rito. "Ngayon lang ako nakahiga sa malambot na kama. Isa pa," inangat niya ang ice compress pack, "nang ipinalagay nila ito sa mga pisngi ko, naibsan 'yong pananakit. Maginhawa sa pakiramdam. Nakatulog tuloy ako."
Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. "Sa susunod huwag mong pinag-aalala ang mga tao rito."
"Pasensiya na kung pinag-alala ko kayo, señor."
Pinandilatan siya nito. He seemed taken aback with what she said before he scoffed.
"Not me. I mean, them," kiling saglit ng ulo nito para ituro sina Kyle na nasa likuran nito.
Tinanaw ni Joan ang mga ito. "Pasensiya na. Napahaba ang tulog ko."
"Nauunawaan ko naman, hija. Itong si Señor Ernesto lang ang hirap umintindi rito," parinig ni Nanay Kristina sa lalaki.
Señor Ernesto already stepped away from her. His movements were measured, accommodating to the injuries he was still enduring.
"Ayokong magkape. Maghahapunan na rin naman ako sa bahay," anito bago nilingon si Kyle. "Bahala ka na kung saan mo gusto maghapunan. Mauna na ako."
Kyle politely nodded. "Ingat ho kayo, señor."
Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Señor Ernesto. Ni hindi ito nagpaalam. Nagdere-deretso lang ang lalaki ng lakad palabas ng pinto.
Nakahinga man sila nang maluwag sa pag-alis ng señor, nagsimula naman ang malumanay na panenermon ni Kyle sa ina.
"Inay talaga," harap ni Kyle rito. "Pinatulan n'yo na naman si Señor Ernesto."
'Na naman? Ibig sabihin, hindi lang ngayon nagsalita nang ganoon si Nanay Kristina kay Señor Ernesto?'
"Humingi na nga kasi siya ng pabor sa atin, pinag-iisipan pa tayo ng hindi maganda."
"Kilala n'yo naman si Señor. Hirap magtiwala 'yon sa mga tao. Hindi pa kayo nasanay."
Tumabi siya kay Kyle kaya napalingon ito sa kaniya. "Kaya ba ganoon ang reaksiyon niya? Inisip ba niyang tumakas ako?"
"Siguro."
"Bakit naman ako tatakas?" kamot niya sa kaniyang braso. Ewan kung bakit nangati ang kaliwang braso niya. "E, 'di binawi niya 'yong pangako niyang pagtatrabahuhin pa rin para sa kaniya si Kuya Kobi."
"Huwag mo na masyadong isipin iyon," abot ni Nanay Kristina sa kaniyang braso bago napansin ang compress pack. "Akin na iyan para malagyan ng yelo bago ka matulog mamaya. Maupo na kayo ni Kyle sa mesa at patapos nang maluto ang sinaing."
Hinayaan niyang kunin ng babae ang compress pack. "Salamat po."
Humarap nang tuluyan sa kaniya si Kyle nang maiwan silang dalawa.
"Tama ang inay. Huwag mo na masyadong isipin ang nangyari. Mabilis talaga uminit ang ulo ni Señor Ernesto kaya gano'n."
Sabay nilang tinungo ang dining table.
"Init ba talaga ng ulo? O 'yong sinabi mo kaninang wala siyang tiwala sa mga tao ang dahilan ng inakto niya?"
"Isa na rin iyon," magaang tawa ni Kyle.
Ano kaya ang naalala nito para matawa nang ganoon?
Nagkani-kaniya silang hila ng silya sa hapag. Napagpasyahan nilang magtabi ni Kyle dahil patuloy pa rin ang kanilang pag-uusap. Halos sabay din silang umupo.
"Si Señor kasi, may pagkapikunin. Iniisip siguro n'on na inutakan mo siya o tinakasan. Ewan ko. Aalamin ko mamaya o bukas kapag nakausap ko siya."
Joan smiled and watched Kyle loosen the cuffs of his long-sleeved shirt.
"Ang hirap pala maging mayaman, 'no? Lagi kang nag-aalala kung inuutakan ka ng ibang tao, kung dinadaya o pineperahan."
"Medyo tama ka r'yan. Pero kahit naman tayong mga mahihirap, 'di ba? Dinadaya o pineperahan ng ibang tao—mayaman man o ng kapwa nating mahirap," sulyap sa kaniya saglit ni Kyle na nirorolyo na ang manggas ng polo nito hanggang sa ilalim ng bawat siko nito. "At iyon ang ayaw na ayaw ng mga Dela Fuente, ang naiisahan sila. Kaya kung may balak ka, huwag ka nang magtatangka."
"Bakit naman ako magtatangka? Ang simple-simple lang naman ng ipinapagawa ng señor sa akin. Ikukuwento ko lang sa Arguelle ang nangyari sa sabungan. Tapos."
When she stopped talking, she found herself staring eye to eye with Kyle. Dahil sa magaan nitong pagkakangiti, napangiti na rin siya.
Nahihiya siyang natawa. "Ang daldal ko ba?"
Rita interrupted them a bit. Inihain nito sa mesa ang ulam na tinolang manok.
"Kaon nang marami, ha, Joan?" pabirong pananakot pa ni Rita sa pamamagitan ng panlalaki ng mga mata nito bago siya nginitian. Nanunukso naman ang ngiting iginawad nito para kay Kyle nang lingunin ito. Pagkatapos, umalis din ito agad para tumulong uli kay Nanay Kristina sa kusina.
"Sabik ka lang siguro na may nakakakuwentuhan," patuloy ni Kyle kaya bumalik ang tingin ni Joan dito. "'Lagi kang nakakulong sa bahay, 'di ba?"
"Paano mo nalaman?"
"Naikuwento ni Señor Ernesto. Napag-istoryahan n'yo raw 'yon sa kotse kaninang umaga."
"Oh," she nodded a bit and glued her eyes on Kyle's mother and sister. "Si Tina, nasaan?"
"Nasa kabilang bahay. Doon siya nakatira kasama ang asawa niya."
Joan politely smiled and nodded. "E, 'di kanino 'yong isa pang bahay?"
Tatlo kasi ang bahay sa rowhouse na nasa lote ng mga Torre, kaya naman naitanong iyon ni Joan.
"Akin 'yon," ani Kyle. "Nakahanda na kung sakaling magkakaroon na ako ng sarili kong pamilya."
"Oha, may bahay nang naghihintay," upo ni Rita sa kaniyang tabi dahil tapos na ito sa mga gawain sa kusina. "Asawa na lang ang kulang!"
"Kumusta ang pag-aaral, Rita?" tanaw ni Kyle rito, nang-aalaska ang ngiti sa kapatid.
"Summer na summer pag-aaral ko ang kinukumusta mo!" gigil-gigilan nito sa kapatid.
Nahihiyang nagbaba ng tingin si Joan. Napangiti siya sa isiping ang suwerte ni Rita, dahil may kuya itong napakabait tulad ni Kyle.
***
Read advanced and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive
•••
OFFICIAL NA, PUWEDE NA! La Grilla Series 1: Come Here will come here into our homes and arms soon!
Pre-order period: Sept 17 to November 17, 2024
Click on the pre-order link to save your copy: https://www.cognitoforms.com/KPubPH/LaGrillaSeries1ComeHereByAnamariessOrderForm
PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024
First Wattpad Version © March 11, 2021
Second Wattpad Version © September 23, 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top