3
"LARGA na!" masiglang sigaw ng kasador o announcer sa mikropono.
Nalilitong napatingin sa paligid si Joan nang makitang sumugod sa gitna ng arena ang kaniyang mga kapwa kristo. 'Kristo' ang tawag sa mga nangongolekta ng pusta mula sa mga manonood ng sabong. Pagkikristo din mismo ang sideline ng kaniyang Kuya Kobi bukod sa pamamasada ng padyak na pagmamay-ari ng iba sa pinakabayan ng Mandaon, Masbate.
Pinanood ni Joan ang mga kristo na nakaputing T-shirt din tulad niya, mga kalalakihan na may iba't ibang hitsura at edad. Nakalahad, nakataas, at panay ang senyas ng mga kamay ng mga ito. Matalas ang kanilang mga mata sa pagtunton sa mga manonood na gustong magtrabesiya o pumusta sa manok ng mga mananabong na pinagsisilbihan ng bawat kristo.
Nilingon ni Joan ang isang matandang lalaki. Puti ang bawat hibla ng manipis nitong buhok, buhay na buhay ang kislap sa mga mata na nakikipagtalo sa pagiging itim at abuhin ng mga ito sa likuran ng makipot na reading glasses. Nakita niyang sa kabila ng dami ng tinatanggap nitong mga pusta ay walang-palya ang bilis nito sa pag-accommodate sa bawat isa sa mga mananaya. Watching his frail hands with slight hanging skin flail and wave in the air and shifting finger signs made him look like a magician—a master with the sleight of hand.
Nahihiya man, kailangang makadiskarte ni Joan. Hindi puwedeng makahalata si Señor Ernesto at ang mga tauhan nitong wala siyang muwang pagdating sa sabong dahil kung hindi, kawawa ang kaniyang Kuya Kobi. Mas mabuti nang may maiuwi siyang pera at mapagsabihan ng kaniyang kapatid kaysa umuwi na nga siyang walang dala, makatikim pa sila ng kaniyang kuya ng galit mula sa isang Dela Fuente.
"Excuse me po, manong." Joan smiled as friendly as she could.
Nagsalubong ang mga kilay ng matanda. Nagmukha itong masungit sa ginawa. Nakuha na ni Joan ang atensiyon nito, kaya huli na para umatras pa siya.
"Patulong naman ho. Hindi ako maalam sa ganito, e."
The old man released an arrogant scoff. Nanliit tuloy siya at napayuko. "Ano'ng tulong ang kailangan mo, bata?"
Nabuhayan siya ng loob sa narinig. Pag-angat ni Joan ng tingin, nakapokus na uli ang matanda sa pagtanggap ng mga trabesiya. Palitan ng makahulugang tingin at hand signals lang ang ginagawa nito pero sisiw na sisiw lang ang trabaho para dito. Isabay pa na kasalukuyan siyang kinakausap nito.
"Paano ba 'to ginagawa? Bakit may mga hand signal at bakit . . ."
"Isinalang mo ang sarili mo sa laban nang hindi ka handa, bata," natatawang iling nito. Tawa na hindi natutuwa sa kaniya, matunog ang kalakip na sarkasmo. "Para kanino ka ba nagtatrabaho?"
"Sa mga Dela Fuente."
"Kanino?"
Nilakasan pa niya ang boses dahil sa umuugong na ingay ng mga patron at kristo na nagpapalitan ng senyas at sigawan. "Sa mga Dela Fuente!"
Napapalatak ito ng mura sa pagitan ng mga ngipin na malaki ang mga agwat. "Tangina, bata." Pagkatapos ay tinanaw nito ang kristo na nasa kabilang tabi nito. "Sa amin 'yong pusta na 'yon!"
"Gago, sa akin sumesenyas, e!" sagot ng bagong kausap nito.
"Linawan mo nga 'yang mga mata mo!" At kumaway ito sa pinag-aagawan nilang mananaya.
Kalaonan ay tumango rin ito bilang pagsang-ayon na sa matanda nga tumataya ang mananaya. Maasim ang mukha na nag-iwas na lang ng tingin ang kaagaw ng kausap ni Joan.
Ilang saglit din inabala ng matanda ang sarili sa trabaho at ilang ulit na nagtaas ng isang daliri para kumpirmahin kung magkano ang pusta ng kausap nito bago siya binalikan. "May cell phone ka?"
"Ho?" gulat niyang bulalas.
"May cell phone ka?"
"O-Opo," mahina niyang sagot.
"May voice record 'yang cell phone mo?"
Hindi niya inasahan na may matatanda na tulad ng kaniyang kausap na maalam sa mga gadget. Nagmamadaling inilabas ni Joan ang de-keypad na cell phone mula sa kanang bulsa ng pantalon, "May voice record ho ako."
"Isang kamay mo na lang ang gamitin mong pang-senyas. Iyang isa, ipanghawak mo sa cell phone. Ilapit mo sa bibig mo habang nagbo-voice record," nagmamadali nitong paliwanag. Nasa mukha ng matanda na hindi talaga nito gusto na naaabala sa trabaho pero dinaig ng awa nito para sa kaniya. "Idikta mo riyan 'yong makukwenta mong mga taya para 'di ka makalimot."
"Ikukuwenta?" 'Wala man lang bang lapis at papel na puwedeng gamitin?' Paano niya makakabisado kung magkano ang pusta at sino ang pumusta?
"Idikta mo riyan sa cell phone mo kung ilang mga daliri ang makikita mo," paliwanag nito, nakalimutan na ang mga parokyanong panay senyas pero pumalyang makuha ang atensiyon ng matanda. "At saka ka na lang magkuwenta pagkatapos mo—"
"Manong Fredo, ano at nakikipagdaldalan ka rito?" sabat ng isang lalaking hindi nila namalayang nakalapit na pala sa kanila
Tigagal na napatitig si Joan dito.
The man was handsomely dressed in his red short-sleeved shirt and jeans. Naninindak ang titig nito sa matandang kausap niya bago naglipat sa kaniya ng tingin. Matalim siya nitong tinitigan bago pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Nang muling bumalik ang tingin nito sa kaniyang mga mata, naglaro ang nang-iinis na ngisi sa mga labi nito.
"Aba't para kanino ka tumatanggap ng taya, kristo? Sa pagkakaalam ko, isa lang ang kristo namin. Ano't dinadaldal mo itong sa amin? Dumidiskarte ka ba para makasulot ng mga taya?"
Medyo napaatras siya. Nahiya siya dahil sa totoo lang, nakaabala siya sa trabaho ng ibang tao. Hindi niya masisisi kung itong lalaki, na mukhang amo ng matandang kausap niya, ay naiinis sa kaniya.
"Pasensiya na ho," pagpapakumbaba niya. "Nagpapatulong lang ako sa kaniya." Nilingon niya ang matanda pero nakalayo-layo na ito para ituloy ang trabaho. Napalunok tuloy si Joan bago naibalik ang tingin sa kausap. "Ano ho, magtatrabaho na ako—"
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," harang ng lalaki sa kaniya.
Nilakasan ni Joan ang loob. "Pasensiya na uli kung naabala ko ang kristo ninyo. Wala talaga akong masamang intensiyon, nagtanong lang ako—"
"Para kanino ka nagtatrabaho?" mariin nitong ulit.
She was enveloped with dread. Nagsisimula na siyang mag-panic sa loob-loob dahil wala pa siyang nakokolektang mga pusta para sa manok ni Señor Ernesto. Nasasayang lang ang oras niya sa pakikipagdiskusyon sa lalaking ito.
"Mamaya na lang ho natin pag-usapan," iwas niya rito.
Pinagtangkaan siyang hablutin ng lalaki sa pangahan.
Mabilis na nakailag si Joan at tinapunan ito ng matalim na tingin. "Puwede ho ba?"
"Aba," mayabang nitong ngisi sa kabila ng nagbabagang inis sa mga mata. "Ikaw na nga itong may atraso, babae!"
"Ano ba ang mali sa pagtatanong ko sa kristo ninyo?" Hindi niya napigilang pagtaasan ito ng boses. "Puwede ho ba?" Para mapaalis ito ay inilipat niya sa mga mananaya ang kaniyang atensiyon. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay sa mga nasa gilid ng cockpit. "Sino'ng pupusta para sa mga Dela Fuente?!"
"Doon! Doon!" sigaw ng ilan habang tinuturo siya.
"Kanina ka pa namin hinahanap!"
"Tangina, ikaw pala ang kristo ng mga Dela Fuente!"
"Nasaan si Kobi?"
"Ako! Ako!"
Naghalo-halo na ang boses ng mga mananayang nag-aagawan para sa atensiyon ni Joan. Hindi naman siya magkandaugaga sa pag-on ng voice record sa luma at mumurahing cell phone para magawa na niya ang trabaho.
"Kaya pala ang arogante mong babae ka," harang uli sa kaniya ng lalaking kagirian, "dahil tao ka pala ng mga hayop na Dela Fuente!"
Marahas nitong hinablot ang kaniyang braso. Gulat na napabitiw rin agad ang lalaki nang biglang may tumampal sa kamay nito.
Napasinghap si Joan nang madama ang bigat ng pagkakapalo ni Señor Ernesto sa lalaki para bitiwan siya nito. Gulat siyang napaatras pagkatapos. Sa bilis ng pangyayari, huli na nang napagtanto niyang hinarangan na siya ni Señor Ernesto para ito ang humarap sa lalaking humahamak sa kaniya.
"Ang pagkakaalam ko, mga kristo muna ang dapat na narito," tangis nito sa kaharap, "Archie Tenorio."
Mayabang na ginawaran ng lalaki si Señor Ernesto ng nag-aasar na ngisi. "Ernesto . . ." Nanghuhusga ang pagpasada nito ng tingin sa lalaki mula ulo hanggang paa. "Alam mo naman pala 'yan kaya bakit nandito ka rin?"
"Dahil mukhang may problema ka sa kristo ko."
"Oo," taas-noo nito. "Kinokontrata yata ng alagad mo ang kristo namin, e."
Señor Ernesto scoffed and shook his head without breaking off from their gaze, obviously not buying any word that Archie said.
Nagpatuloy lang si Archie sa pagsasalita. "Harap-harapan talaga. Ang lakas din ng loob. Hindi por que babae siya, palalagpasin na lang namin ang mga kalokohan niya."
Hindi makapaniwala si Joan sa mga naririnig. Ano'ng kinokontrata ang pinagsasasabi ng lalaki? Nagtatanong lang naman siya!
She looked around. Parang lalo siyang nanliit dahil halos lahat ng mga mata sa arena na ito ay nakatutok na sa kanilang tatlo . . . sa kaniya. Maging ang ilang mga kristo ay nababahalang napatigil sa ginagawa, alertong nakiramdam kung saan patungo ang pagtatalo nina Señor Ernesto at Archie.
"Ano ba'ng kalokohan ang pinagsasasabi mo?" anas ni Señor Ernesto rito.
"Huling-huli kong inaabala ng babaeng 'yan ang kristo namin!"
"Kayong mga Tenorio talaga, para kayong mga bata!" Señor Ernesto winced, placing a hand on his hip. "Baka nag-aagawan lang sila ng mananaya, Tenorio! Hindi ba puwedeng ang kristo mo na lang ang bahala ro'n? Baka nagkakalituhan lang ang dalawang 'to!"
Pagak na tumawa si Archie. "Nagkakalituhan? Sino'ng inuuto mo sa dahilang 'yan, Dela Fuente?"
"Alam mo, mamaya na lang natin 'to pag-usapan. Nakakaabala lang tayo sa event." At nilingon siya ni Señor Ernesto. "Mag-uusap din tayo mamaya—"
Señor Ernesto was cut off by Archie's maniacal laugh. He shot a knife-sharp side glance at him.
"I can't believe it! Using a woman with that body for what? Para maglaway sa kaniya ang mga lalaki rito at makuha niya lahat ng malalaking pusta?"
Nagpanting ang mga tainga ni Señor Ernesto sa narinig. Kitang-kita iyon sa pagbalasik ng mukha nito habang hinaharap uli si Archie Tenorio.
"With what body?" Señor Ernesto sounded confused at first. Then his tone changed and lowered darkly at his brewing irritation. "You really won't let up, Archie," he muttered, readying a fist. "Ano'ng gusto mong palabasin? Bakit katawan nitong kristo namin ang nakikita mo? Nangmamanyak ka ba?"
Naglaro ang nakalolokong ngisi sa mga labi ni Archie. Umatras pa ito nang kaunti para magkaroon ng maayos-ayos na view sa kaniya. Nanigas naman ang mga binti ni Joan nang makita ang malagkit na pagpasada ng mga mata nito sa kaniyang kabuoan.
Dahil sa mga narinig ni Joan, iba na ngayon ang dating ng mga titig ni Archie sa kaniya. Hindi na ito tulad ng akala niya kanina na sinisindak siya nito. Nanlalaki siguro ang mga mata nito dahil may maruming tumatakbo sa isip nito habang tinitingnan siya. Parang babaligtad ang sikmura niya sa isiping mas marumi pa sa naiisip niya ang posibleng naglalaro sa imahinasyon nito.
"Ano ang manyak sa mga sinabi ko? Kahit sino rito, nakikita rin ang nakikita ko," maluwag nitong ngisi. "Ngayon, kung makikipagkita siya sa akin mamaya pagkatapos ng tournament . . ." Archie gave her a nod. "Palalagpasin ko siguro ang pagdiskarte niya sa pustahan."
Señor Ernesto's jaws tensed. "Wala na talagang mas kakapal pa sa mukha mo. Dito mo pa talaga ipinangalandakan 'yang kabaluktutan mo—"
"Hindi sagot mo ang kailangan ko—" Lumagpas si Archie kay Señor Ernesto.
Mas lalong napako naman si Joan sa kinatatayuan. Everything whirled around her—people's judging eyes on her, the pressure of hiding from Señor Ernesto the fact that she couldn't do her job right, this Archie filling her with disgust . . .
Wala sa paligid ang kaniyang Kuya Kobi.
Walang nagmamalasakit sa kaniya rito.
Walang magtatanggol sa kaniya.
At dahil hinayaan ni Señor Ernesto na lapitan siya ng Archie na ito, pinangunahan na siya ng pagkatuliro. Posibleng pilitin na lang siya nitong pumayag sa gustong mangyari ng Archie na ito para hindi na magkagulo pa. Posibleng manood lang si Señor Ernesto at magkunwari na hindi siya kilala habang kinakaladkad siya ni Archie palabas ng arena para pagsamantalahan siya sa rowhouse o sa sasakyan nito.
"Ano? Gusto mong palagpasin ko ang ginawa mo?" Archie looked down on her as if she was the smallest, most useless creature he ever saw. Then, a glint of mischief sliced his eyes, opening a path for his malice to reflect on them for her to see. "Kung gano'n, kitain mo ako mamaya sa ayaw o—"
"Wala siyang kikitaing kahit sino mamaya," hila ni Señor Ernesto sa balikat ni Archie para mapaatras ito palayo sa kaniya.
Pikon na pumihit ito paharap kay Señor Ernesto.
"Hindi ikaw ang kinakausap ko rito, Dela Fuente!" unday nito ng sapak.
Napaatras si Señor Ernesto para umilag.
Napasinghap naman si Joan sa takot na baka bumagsak ito sa masukal na lupa ng cockpit. Pero matibay at mabilis ang mga binti ng lalaki. Napanumbalik nito agad ang balanse noong muntik nang mapaupo sa lupa. Lumikha ng maliit na alikabok ang pagkaskas ng cowboy boots nito sa masukal na lupa na naghalong kulay mais at moreno.
Señor Ernesto dropped his cowboy hat in the process, exposing his jet black hair—shiny, wavy, and flattened by sweat. Sa pagitan ng ilang hibla ng buhok na bumagsak sa noo nito, sumilip sa ilang awang ng mga lumagpas doon ang matalim nitong mga mata. Ernesto's glare speared Archie as he immediately sprinted and charged him.
Doon na nagsimulang magpalitan ng suntok ang dalawa. Siyang simula ng pagkakagulo ng mga tao. May mga kumaripas ng takbo palayo, may mga tumalon pa mula sa ringside para awatin ang dalawa. May ilan na nanood lang at ang mga matitindi ay nagtsimisan na tungkol sa history ng dalawang nagsasapakan—na malaki ang hidwaan sa pagitan ng mga Tenorio at Dela Fuente bilang mahigpit na magkalaban sa ngalan ng sabong sa Masbate.
Sa dami ng nakipagsiksikan para makalapit sa dalawa, walang-labang natulak-tulak at naanod palayo sa dalawang lalaki si Joan. Halos yakap niya ang hawak pang cell phone habang nakatanaw na lang sa mga ito mula sa malayo.
Kalaonan ay kumapal ang mga taong pumaligid sa dalawa, hindi na niya tuloy makita ang kahit sino kina Señor Ernesto at Archie.
Mabilis na dumating ang mga tauhan ni Señor Ernesto na halos balyahin pahawi ang mga nasa daan nila para masaklolohan ang kanilang amo. Sumunod agad ang mga tauhan sa panig ni Archie Tenorio at ang security team ng organizer ng event. Pero nang makalapit ang mga vaquero sa kani-kanilang amo, bumawi ng sapak kay Señor Ernesto ang isa sa mga bata ni Tenorio. Sapat na iyon para sumugod ang kanang-kamay ni Ernesto na si Kyle para sapakin din ito. Ang gantihang iyon ang nagpalaki lalo sa gulo.
Nang mapaghiwalay na ang dalawang grupo, namimintig ang pasa sa pangahan at pisngi ni Señor Ernesto. Mahilo-hilo ito habang tinatabig ng mga braso ang isang security officer ng pasabong na may hawak dito. His eyes looked around for Joan.
Wala itong kamalay-malay na kanina pa siya umeskapo.
***
'ANO ang gagawin ko?' balisang paroon at parito ng lakad ni Joan sa waiting shed.
Nang makitang lumaki na ang gulo na nagsimula lang sa pagsusuntukan nila Ernesto at Archie, pinangunahan siya ng takot. Sinamantala na niya ang pagkakataon para makatakas.
At tumakas siya para makapag-isa.
Para makapag-isip-isip.
'Lagot. Lagot na lagot na lagot talaga ako! Kay Kuya. Sa Dela Fuente na 'yon . . . Sa lahat!' Nanghihinang napa-squat na lang siya, pagod na pagod at walang maupuan sa waiting shed dahil wala naman itong upuan.
Nahilamos ni Joan ang mga palad sa mukha. Hinayaan niyang nakatakip lang ang mga kamay sa kaniyang mukha pagkatapos.
'Paano ako makauuwi ngayon? Wala akong kahit ano. Kahit pamasahe, wala. At kahit umuwi ako, malilintikan talaga ako dahil alam ni Señor Ernesto kung saan kami nakatira! Siguradong makararating kay Kuya Kobi ang mga nangyari! Siguradong mapapasama kaming magkapatid!'
Nang matapos sa pagdaramdam, natanggap na rin ni Joan na wala na siyang iba pang choice kundi ang umuwi.
Mag-a-alas kuwatro na ng hapon nang simulan niya ang paglalakad pauwi. Awang-awa siya sa sarili sa isiping baka bukas na siya makauwi dahil sa sobrang layo ng bayan na pinuntahan nila. May aakyatin pa siyang highway na nakapaikot sa isang bundok bago marating ang tinitirahan nila.
Nasa kalagitnaan na siya ng highway nang may sumulpot na sasakyan mula sa kaniyang likuran. Sa sobrang pagod, namimigat na ang mga paa ni Joan kaya lalong bumagal ang kaniyang paglakad. Bumabakat na rin ang pawis sa suot niyang T-shirt.
Huminto ang sasakyan sa bandang unahan niya. She stopped walking, eyes drooping. Bukod sa layo ng nilakad, tiniis din niya ang init ng panahon.
Pumanaog ang isang pamilyar na tao mula sa sasakyan. Kita ang pumutok na nitong kilay at nag-uubeng lamog sa bandang baba nito.
"Kanina pa kami pabalik-balik, nandito ka lang pala!" panenermon sa kaniya ni Kyle.
Dahil napahinto sa paglakad, nito lang naramdaman ni Joan ang pangangatog ng kaniyang mga tuhod at binti, pangangatog na hindi niya masyado dama dahil parang namamanhid na ang mga binti niyang nabugbog ng paglalakad.
"P-Pauwiin n'yo muna ako. Pakiusap . . ."
Ayaw niyang dalhin siya sa mansiyon ng mga Dela Fuente. Ayaw niya munang maparusahan sa kaniyang kapalpakan. Gusto niya muna ng tubig, at tulog. Gusto niyang maipahinga saglit ang kaniyang mga paa.
"Oo. Ihahatid ka namin pauwi." Gusot ang mukha ni Kyle na inalalayan siya sa siko papunta sa naghihintay na sasakyan.
"Nandiyan ba si Señor—"
"Wala. Kanina pa siya nakauwi."
"Kailan niya ako pagagalitan?"
"Ang dami mong tanong." Huminto sila sa tapat ng bukas na pinto ng sasakyan. "Baka makahalata na si Señor Ernesto na wala ako sa hacienda, kaya kung puwede lang, sumakay ka na at nagmamadali ako."
She looked at Kyle, scared and suspicious. Yet Joan's eyes softened with weariness, expressing her fear more than her doubts.
"Baka makahalata? Ibig sabihin, hindi niya alam na narito ka? Bakit mo pa ako hinanap? Ako ang naglagay sa inyo sa gulo."
Kyle sighed. He clearly didn't have time for this but he chose to respond so that they could get over this.
"Hinanap kita dahil kilala ko si Kobi at parang kaibigan na rin ang turingan namin sa trabaho," bagot nitong paliwanag. "Pero higit sa lahat, hindi makatao kung kasama ka naming umalis kanina 'tapos, hindi ko man lang sisiguraduhing makauuwi ka nang ligtas."
Namintig sa sakit ang kaniyang ulo. Pagod at ang init ng araw ang kanina pang nagpapasakit dito. Higit sa lahat, ang bigat ng kahaharapin niyang problema sa oras na magkita uli sila ni Señor Ernesto. Sa sobrang pagod—pisikal, mental, at emosyonal—ay lalo tuloy siyang nakumbinsing magpahatid kay Kyle pauwi sa bahay.
Nang makasakay ng kotse si Joan, isinara ni Kyle ang pinto bago pumuwesto sa harapan, katabi ng kasamahan nitong nagmamaneho sa sasakyan.
***
ERNESTO winced in pain. Kaunting galaw lang ng kahit anong parte ng kaniyang mukha para mag-react, may nahihila nang parte nito na napuruhan sa sapakan nila ni Archie Tenorio. Manginig-nginig din ang nakabenda niyang mga kamao.
Kakaasiste lang sa kaniya ng isa sa mga katulong para makaupo nang maayos sa kama. Oo, hindi naman siya nalumpo pero inaalalayan siya dahil kahit papaano ay nabugbog siya at nananakit ang mga kalamnan. Masakit ang kaniyang katawan, pero kaya pa naman ni Ernesto maglakad-lakad at kumilos nang kaunti, ayaw nga lang niya itong puwersahin sa ngayon. Naigagalaw din niya ang mga kamay at daliri. Nakabenda lang ang mga ito dahil nagsugat ang ilan sa mga buko ng kaniyang mga daliri.
Meanwhile, Allyssa sat at the end of the bed near his feet. He met her worried gaze which only irritated him.
"Don't look at me like that. Stop that worrying." Then, he shot his gaze on the closed window of the room.
Kahit sarado ang salaming bintana, nakahawi naman ang mga kurtina niyon kaya natatanaw ni Ernesto mula sa kinauupuan ang pusikit na kadiliman ng langit sa labas.
"How can I not worry?" malumanay nitong sagot. "Ang pagkakaalam ko, mga manok lang ang pagsasabungin diyan sa derby na pupuntahan mo. Ikaw pala 'yong isasabong."
He scoffed. Only his eyes moved to take a look at his wife. She was already in her knee-length, pale pink satin nightgown. Her straight hair fell gorgeously on her back. She looked beautiful, but the greater portion of his mind was still on that damned woman who caused him this pain.
"Malilintikan talaga ang babaeng 'yon sa akin," palatak niya sa ilalim ng hininga. "Tangina. Napaaway pa ako nang dahil sa tatanga-tangang kristo na 'yon!"
Alam na ni Allyssa kung ano ang nangyari kaya hindi na ito nanghingi ng paliwanag kung bakit niya nasabi ang mga salitang iyon.
"Bakit naman kasi kinailangan mo pang makipagsakitan nang dahil lang sa binastos siya?" paglambot ng mukha nito. "She . . . You should've just shrugged it off."
"Shrug it off? How can I? Nauna ang Tenorio na 'yon! Sinapak niya ako!"
"You're old enough to know na hindi mo na lang sana siya pinatulan."
Magtatalo na naman ba sila ni Allyssa?
"Hindi ko siya papatulan lalo na kung nasa loob kami ng cockpit, sa harap ng maraming tao!" tuluyang harap ng kaniyang mukha rito. "But he punched me!"
"So, you did not punch him to defend that woman? Is this about your pride then?" lukot ng magandang mukha ni Allyssa. "Ang dami-dami mong sinasabi noon tungkol sa mapa-pride na mga Silvestre pero ikaw—"
"Why do you always have to bring up that snake of a family to every conversation?" mariin niyang wika.
Nagulat saglit si Allyssa bago humalili ang lungkot sa mga mata nito. Napayuko na lang ang babae.
"Back to our actual topic," he sighed tiredly, "I want you to stop worrying, dahil hindi 'yan makabubuti sa anak natin."
As soon as he reminded her of their child, Allyssa softened up a bit. A small smile hinted on her lips as she gently placed a hand on her belly.
"Saan kaya nagtago ang babaeng 'yon? Magtutuos kami n'on bukas. That wretched Kobi also have to explain a lot to me," he muttered.
"Can you just stop thinking about them already?" lapit ni Allyssa sa kaniya. Umupo ito sa kaniyang tabi at hinawakan siya sa isang balikat. Ingat na ingat ang pagdantay ng kamay nito. "Magpagaling ka muna."
"Mas gusto ko ring magpagaling muna, kaya lang, dapat kong maunahan si Ninong. Pupuntahan ko bukas na bukas din ang magkapatid na Tenoriong iyon at nang may masabi akong dahilan kay Ninong kung bakit nagkanda-letse-letse ang lahat kanina sa sabungan."
Allyssa just softly smiled and nodded. "If you think that's necessary, then go ahead."
From what he observed, Allyssa seemed to didn't really give that much of a damn. She always talked as if his own emergencies were not really that necessary for her. At least, in her own point of view.
Nakaka-frustrate.
Nakapanlulumo.
When will Allyssa take his concerns seriously?
***
Read advanced and full chapters on Patreon: https://patreon.com/anamarive
•••
OFFICIAL NA, PUWEDE NA! La Grilla Series 1: Come Here will come here into our homes and arms soon!
Pre-order period: Sept 17 to November 17, 2024
Click on the pre-order link to save your copy: https://www.cognitoforms.com/KPubPH/LaGrillaSeries1ComeHereByAnamariessOrderForm
PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024
First Wattpad Version © March 11, 2021
Second Wattpad Version © September 23, 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top