29
"I LOVE you,Joan."
Kyle wassilent after his declaration of his feelings for her. Naghintay ito saglit sakaniyang sagot.
Wala namangkagala-galaw si Joan sa kaniyang kinauupuan. Nakayuko lang ang kaniyang ulo atmainit-init ang namumulang mga pisngi.
Tila natagalanang binata, nainip, kaya hindi nakatiis ang lalaki. He stole a glance at her.
"Joan . . ."
She just pulleda sheepish smile.
Napabuntonghiningasi Kyle. Ibinalik nito sa harap ang tingin. "Ako na rin ang nagsabi, huwagtayong ma-pressure kaya . . . okay lang kung wala pang I love youtoo galing sa 'yo."
Mga matalang ni Joan ang gumalaw. Sinilip niya ang maaliwalas na mukha ni Kyle.
Joanwondered a lot of things since then.
How could hestay fine after what he just confessed?
How could heremain composed and unbothered?
How could hemanage to focus back on his driving?
How could henot feel as breathless as she? As flustered and flushed as her?
Was he enduringa palpitating heart like her?
Si Kyleitong umamin pero bakit parang siya itong natataranta? Nagririgodon ang puso?Nakikipagkarerahan ang tibok nito sa kaniyang paghinga.
The wheelsof the car crunched the bits of stone and dust on the ground. Narating na nilaang Nilabanan.
Mula sapatag na konkretong highway, sumampa pakanan ang kotse at nilagpasan ang hanayng magkakadikit na mga bahay. Nadaanan nila ang ihawan ni Tatay Mong at humintolang ang kotse sa tapat ng bahay ni Joan.
Hindi nahinintay ni Joan si Kyle. Tinanggal niya ang seatbelt at bumaba agad mula sasasakyan.
Bago pa siyanakababa, nakaabang na ang mga mata ng kapitbahay niya. Hindi man palibutan ngmga ito ang kotse, daig pa ng mga mata nila ang telescope. Kahit nasa loob ngkani-kannilang mga bahay at namimintana sila o 'di kaya'y nakatambay sa pinto,nagsu-zoom in agad ang mga mata nila kapag may napansin na kakaiba.
Theyrecognized Joan as soon as she got out from the car. Namuo na agad ang mgaispekulasyon sa kanilang utak. Ang mga magkakasamang naninigarilyo sa tapat ngbahay ng isang lalaki, ang ilan sa mga naghihintay ng pinapaihaw nila atkumakain sa tapat ng ihawan ni Tatay Mong, ang mga namimintana, ang mganakatambay sa harap ng tindahan ni Aling Pearly, at higit sa lahat, si AlingPearly mismo—lahat sila, nagsalitan na ng kani-kanilang mga komento at reaksiyon.
"Si Joan."
"Sa HaciendaDela Fuente na raw siya nakatira ngayon. Ano pa ang binalikan niya rito?"
"Bakaumaasang nakauwi na ang kuya niya."
"De-kotse nasi Joan, a?"
"Hindi namanyata sa kaniya 'yong kotse. Ano 'yon, biglang yaman agad?"
"Tauhan ngmga Dela Fuente ang kasama."
"Katipanniya kaya?"
"Malamang.Wala na si Kobi kaya kanino pa siya kakapit para mabuhay? Wala naman siyangalam sa buhay. Naalala n'yo noon? Noong sakit sa ulo pa siya ng kapatid niya?"
"Kaya 'lagingnakakulong sa bahay, nano?"
"Aram na niKobi na may sa malandi ang kapatid niya, e."
"E, wala nasi Kobi ngayon. Kaya iyan, malaya nang lumandi sa kung kani-kanino."
Joanremained oblivious of the murmurs and the watching eyes. Dumeretso lang siya sapinto ng bahay, sinusian pabukas ang padlock nito, at tumuloy sa loob.
Meanwhile, Kylelooked around. Mabilis na bumalik ang mga tao sa paligid sa kani-kanilang mgagawain, takot na mahuli ni Kyle na nakatingin dito at kay Joan.
Nangmasigurado ni Kyle na walang kakaiba sa paligid, sumunod ito sa kaniya sa loobng bahay.
***
DAHIL nasaloob na ng bahay sina Joan, tila nakahinga nang maluwag ang buongkapitbahayanan, partikular na ang mga nakatambay sa tindahan ni Aling Pearly.
Tinapunan ngmga ito ng naniniguradong tingin ang bahay ni Joan bago nagpatuloy sapagtsitsismisan
"Peronakapagtataka, ano? Saan kaya napunta si Kobi?" patuloy ng tsismosang si Rosa.Nagpapaypay gamit ang abaniko ang babae habang nakasandal sa grills na harangsa tindahan ni Aling Pearly.
"Noongnakaraan, 'di ba, nagtatanong-tanong pa sina Joan dito kung napansin natin siKobi?" ani isa pang babae na magulo ang pagkaka-hair clamp ng buhok.
"'Kuu!Totoo naman kayang wala siyang aram? Kapatid niya, hindi niya alam kung diinnapunta?"
"Ano'ng ibigmong sabihin, Tetet?"
The womenleaned closer to Tetet who seated on one of the stone seats, close to thestore. Ito ang pinakabata sa mga tsismosa sa kapitbahayanan— bente-dos anyos. 'Lagiitong may hawak na cell phone at maraming ka-callmate. Inuubos nito sa load atsa iba't ibang casing at cell phone keychain ang suweldo nito sa trabaho.Kasalukuyang pink na hello kitty ang hard casing ng cell phone nito na maynakalambiting pink na fluffy ball keychain.
Si AlingPearly naman, dumikit na ang mukha sa bakal na grills ng tindahan nito. Itinukodpa nito sa patungan dito ang mga kamay para masilip nang mabuti ang mgakasamahang tsismosa.
"Isipin n'yo,ha, mga ses," panimula ni Tetet na notorious sa mga conspiracy theoriesnito, "iyong pogi na kasama ni Joan, bago nawala si Kobi, pabalik-balik iyon sabahay nila , hindi ba?"
Nanlaki angmga mata nila. Tiyak na ganoon din ang butas ng kanilang mga tainga.
"Baka syotaiyon ni Joan!" walang-patumpik-tumpik na revelation agad ni Tetet.
"O tapos?"
"Ano ngayonkung syota?"
"E, kilala n'yonaman si Kobi, ayaw no'n na lumalandi iyang pasanin sa buhay niyang kapatid."
"Parangbawal na pag-ibig, gano'n?"
Malutong natawanan.
Si AlingPearly, focused na focused. Hindi ito maka-react dahil nakaabang pa rin sa mgasasabihin ni Tetet.
"Tutolsiguro iyang si Kobi kaya nagtanan iyang dalawang iyan!"
"Paanongnagtanan?" kuwestiyon ng isa.
Tetet was onfire. "Ilang araw nawala si Joan dito! Tanda n'yo pa?"
"Mga isanglinggo din yata iyon, Tetet."
"O, satingin n'yo, saan siya nagpunta? E, hindi ba, nakita ni Aling Pearly na umalissi Joan kasama iyong pogi na kasama niya ngayon?" Nilingon ni Tetet si AlingPearly, humihingi ng back-up support mula rito. "Hindi ba, Aling Pearly? Kitarito sa tindahan ang bahay nila, e. Hindi ba, nakita mo?"
"Oo,"kumpirma ni Aling Pearly. Nanghahaba ang nguso kakausyoso sa usapan.
Halossabay-sabay na napa-ahhh ang mga tsismosa. Nagkatinginan pa ang ibaat sumasang-ayon na nagtanguan ang ilan. May nagsisihan pa na ilan na kesyotama ang hula nito o tama ang nakita nito bago ibinalik ang tingin kay Tetet, hindipa kasi ito tapos magkuwento.
"Sa sama ngloob, 'yon! Nilayasan ni Kobi iyang si Joan! Alam n'yo naman si Joan,nakadepende sa kuya niya. Dili makararaon iyang babae na iyan kung walaang kuya niya—" Hindi makakakain.
"—kayahinahanap?" dugtong ng isa sa mga kasama nila.
"Mismo!"tango ni Tetet.
Napapitlagsi Aling Pearly nang may humawak sa balikat nito. Nalingonan ng matanda anganak nitong si Nilo.
"Diyos kongbata ka! Ginulat mo ako!" halos pabulong nitong anas.
Nakabusangotsi Nilo. Tila kassusuot lang nito ng salamin para sa mga mata. Halata kasingbagong gising lang ito dahil may bakat pa ng pattern ng banig sa pisngi nito.
"Ang aga-agae, ang ingay-ingay ninyo—" Natigilan si Nilo sa narinig mula sa grupo nilaTetet. Hindi naman kasi tumigil sa kakadaldal ang mga ito.
"E, bakit pahahanapin ni Joan si Kobi kung hadlang siya sa kanila ng syota niya? Hindi basiya kayang pakainin n'ong syota niya?"
Joan. Kobi. Those namespiqued Nilo's interest.
Meanwhile, Tetetrelaxed and shrugged her shoulders. "Pakainin ng hotdog, oo!"
Malutong na naghalakhakanna naman ang mga tsismosa. Umabot hanggang sa kanto ang lakas ng tawanan. Akalamo'y kinikiliti sa mga singit ang mga ito. Natigil lang ito nang matinis natumunog ang ringtone ng cell phone ni Tetet.
"Malay mo,nakonsensiya," patuloy ni Tetet habang nagte-text. "E, kahit papan-onaman kasi, mukhang mabait naman iyong Joan na iyon. Mahiyain ang epeknoong nakausap ko, e. Gano'n."
"May konsensiyaba ang gano'n? Mas pinili ang paglandi kaysa makatulong sa kuya niya?"
"Kawawa rintalaga si Kobi, nano? Mula pagkabata, pasan na iyang si Joan!"
"Oo nga."
"Nakakaawatalaga."
"Teka, mga ses,"paalam ni Tetet bago sinagot ang tawag sa cell phone nito, kasabay niyon angpagtayo nito para lumakad pabalik sa bahay nito.
Nagbago nang topic ang mga tsismosa nang mapansin si Nilo.
"Ay, Nilo!Kumusta? Good morning!" halos sabay-sabay na batinng mga ito.
Nilo blanklynodded, looking at no one in particular. "Bakit nabanggit n'yo sina Joan atKobi kanina?"
"A! E, kasi,nandiyan si Joan sa bahay nila!" sagot ng isa.
Mula satindahan, tinanaw ni Nilo ang nasabing bahay. Bukas na ang pinto niyon at maynakaparadang kotse sa tapat niyon.
***
THE housefelt gloomier. Halatang ilang buwan nang walang naninirahan dito. Kumapal angalikabok sa mga gamit at napasukan na rin ito ng ilang lagas na mga dahon.Madilim sa loob, maliiit na sirit ng liwanag ng araw mula sa mga siwang atbutas sa yerong bubong ang tumuldok sa maalikabok na lupang sahig.
Joan lookedaround. Unang tingin pa lang sa kondisyon ng bahay, alam na niyang wala pa rindito ang kaniyang Kuya Kob pero heto at naghahanap pa rin ang kaniyang mgamata. . . .
Umaasa . . .
Kyle stood afew steps behind. His eyes scanned the whole place as well. Joan wondered if hecould feel that its warmth has gone. That now, this place was filled insidewith nothing but cold, dead air.
Lumapit siKyle sa kahoy na mesa.
"Gusto mobang dalhin ito?" pagpag ng isa nitong kamay sa ibabaw ng mesa at nilingonsiya.
Joan staredat the table. Inalala niya ang mga panahong kasalo niya sa pagkain mesang iyonang kaniyang kapatid, na nalalagpasan nila nang magkasama ang bawat umaga kahitsinabawang sardinas lang ang ulam.
A sad smileformed on her lips.
"Medyomalaki ang mesa pero kaya natin itong dalhin. Itatali ko ito sa bubong ngkotse. Iyon nga lang, dili tayo makakapag-aircon. Kailangang bukas angmga bintana. Sa bintana kasi dadaan 'yong mga tali."
Itinutokniya ang mga mata kay Kyle. "Sige. Dalhin natin iyang mesa."
Joan headedto a curtain that served as a room door. Hinawi niya ito para makapasok sa kaniyangdating kuwarto.
"Alin pa angdadalhin natin?" sunod ni Kyle sa kaniya.
Joan lookedaround. She smiled, pained at the nostalgia brought to her upon seeing themagazine cut-outs plastered on the roof.
"Itong papagmo?" tanong ni Kyle. "Itong mga unan at kumot mo?"
Yumuko siJoan at hinila palabas ang karton na nakatago sa ilalim ng kahoy na papag. Shetapped away the dust and dirt on it before opening the box. Tsinek niya kungmaayos pa ang nakatabi niyang mga damit dito bago muling isinara.
Pagkataposay kinolekta ni Joan ang isang unan, sapin, at kumot na naiwang nakalatag sa kaniyangpapag. Marumi na ang mga ito kaya binalot niya ang lahat ng sapin ng papag at ipinatongsa saradong kahon ng mga damit .
"Ilalagay kona ang mga ito sa backseat," maagap na presenta ni Kyle. "Pumili ka pa ng gustomong dalhin. Huwag kang mag-alala sa space. May paglalagyan pa tayo sa likuranng kotse."
Iyon lang atumalis na ang binata.
Joan took ina deep breath with her eyes closed. She felt the letter inside the pocket ofher tokong pants.
Nangmakapag-ipon ng lakas ng loob, ginawa niya ang isang bagay na hirap na hirapsiyang gawin mula nang mawala si Kobi.
She wentinto his bedroom.
Naiwangmagulo ang sapin, kumot, at unan sa papag ni Kuya Kobi. It had been that waysince he left. Narumihan lang iyon lalo nang halughugin niya ang kuwarto kakahanapnoon sa kapatid dito. At nang naabandona ang bahay, nalatagan ang mga unan,kumot, at sapin ng alikabok.
The woodenbed creaked when she sat on it. Wala siyang pakialam sa alikabok nito, shestill ran her hand over the cloth. Ang sapin ay medyo magaspang dahil gawa itosa pinagtagpi-tagping katsa mula sa tinapong mga lalagyan ng harina.
She couldnot help these tears welling up her eyes. Napalunok si Joan, nilalabanan angmapahikbi.
Para hindisiya tuluyang maiyak, naghalughog siya sa mga karton sa ilalim ng papag.Naghanap siya ng puwedeng paglagyan ng sulat para kay Kobi. Isang tagong lugarna hindi magagalaw, pero sa lugar din na unang hahalughugin ng kaniyang kapatidkung maisipan man nitong bumalik sa bahay na ito.
Eventually,she found his box of valuables. Inisa-isa ni Joan ang ilang mga kupas nalitrato rito at mga papel. Noong hinanap niya si Kobi, isang beses lang niyanagalaw ang kahon na ito. Umasa siya noon na may iniwan dito na sulat siKobi tungkol sa pinuntahan nito, pero wala, kaya hindi na niya sinilip uli.
This time, Joanwas checking the box with a clearer mind, less emotional.
This time,she managed to take note of everything inside this box.
Habang naghahanapsiya ng puwedeng pagsipitan ng sulat, napansin niyang nasa kahon pa ang diplomanoong grumaduate ng elementary si Kobi. Naiwan din dito ang kopya ng birthcertificate nito, baptismal certificate, at iba pang mahahalagang dokumento katuladng luma nitong mga bio-data. May reserbang kopya rin si Kobi ng kaniyang birthcertificate. . . .
Naramdaman niJoan ang presensiya ni Kyle mula sa kaniyang likuran. She confirmed this whenshe heard his sigh of relief.
"Nandito kapala," ani Kyle.
Joan decidedto put her letter on top of everything inside the box she was holding. Maingatniyang isinara ito. She overlapped each flap of the box to close it well, thenshoved it back under Kobi's bed.
"Naniniwalaakong babalik dito si Kuya." Nanatili siyang naka-squat, nakapatong ang kamaysa gilid ng papag. Nilingon niya si Kyle. "Kasi, naiwan dito ang mgaimportanteng certificate ni Kuya. Siguradong babalikan niya ang mga 'to."
"Certificate?"Kyle wondered.
Tumayo nasiya. "Mga birth certificate, baptismal."
He smiled.It looked sad as if he was pitying her. "Ayokong . . . Ayokong saktan angfeelings mo, Joan pero . . . kahit maiwan ni Kobi ang mga iyan, okay lang. Kasipuwede siyang kumuha ng panibagong kopya ng mga dokumento na iyan."
"Sinasabi moba na, imposibleng balikan niya ang mga gamit niyang naiwan dito?"
Nagpipigilsiyang magtaas ng boses. She was furious with the hopelessness Kyle's realtalkwas making her feel. But she just could not get angry with him, because allthis time, he did nothing but help her. He always meant well for her. She couldnot hate him or be angry at him for opening her eyes to reality.
"Ayoko langna paasahin mo masyado ang sarili mo, Joan. Napakasakit kasing . . . umasa,"lapit nito sa kaniya. "Lalo na at walang-kasiguraduhang makikita natin uli siKobi."
Doon nanamintana ang luha sa kaniyang mga mata. Her lips quivered at her best attemptto stifle her cries. Pinanghihinaan ng loob na napayakap na lang siya kay Kyleat umiyak nang umiyak sa dibdib nito.
Ito angtagpong nadatnan ni Nilo nang puntahan ang bahay nina Joan at Kobi.
•••
PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery
Facebook Page: Anamarie S.S. / ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top