27
JOAN let out a cry as she lifted her arms to cover her face. Wala siyang makita maliban sa nakasisilaw na puting liwanag, nagliliparang mga alikabok, at pagaspas ng puti at itim na mga pakpak.
Naramdaman pa niyang may dumaplis sa kaniyang mga kuko ng tandang habang tumatakbo palagpas sa mga ito.
Dahil nakatakip ang mga braso niya sa mukha, wala siyang makita sa kaniyang paanan. At dahil wala siyang makita roon, napatid siya ng nakaunat na isang paa ni Señor Ernesto.
Inalis ni Joan mula sa pagkakatakip sa kaniyang mukha ang mga braso. Wide-eyed, she stretched her arms forward. Inihanda niya ang sarili sa pagbagsak sa pamamagitan ng pagbabalak na itukod ang mga kamay sa lupa. But she had to blink before completely seeing that she was about to fall on top of Señor Ernesto!
Gulat namang nagtaas ng mga kamay ang lalaki. Out of impulse, out of reflexes, he aimed to catch her mid-air so that she wouldn't fall on him.
But quicker hands from behind grabbed Joan's arms.
Pigil niya ang paghinga nag may sumambot sa kaniyang baywang. She slowly regained a balanced and equal footing without any effort at all. As her feet stood firm on the ground, her body straightened up. Nalingonan niya sa kaniyang likuran ang nag-aalalang si Kyle.
Ibinalik ni Joan ang tingin sa kaniyang harapan nang makaramdam ng presensiya rito. Mabilis na tumama ang mga mata niya sa mga mata ni Señor Ernesto.
"Bakit binitawan mo ka'gad?" mabalasik na tanong ng honcho sa kaniya.
Hindi malaman ni Joan kung saan titingin. Paano niya aaminin na kasalanan niya kaya nagkagulo?
She felt Kyle's firm squeeze on her shoulder and in an instant, she felt that there was nothing to be afraid of. Nanumbalik ang pagkabuo ng kaniyang loob nang salubungin ang tingin ni Señor Ernesto.
"Dumulas si Kapitan—"
Hindi na itinuloy ni Joan ang pagpapaliwanag dahil kumilos na si Señor Ernesto. Seemed like the honcho just wanted to leave a commentary, not demand for an answer from her. He simply stepped aside and walked past them. Pinanood nito ang patuloy na pagsasabong ng dalawang manok.
Pumihit si Joan dahil sumunod ang kaniyang tingin sa lalaki. Umusod naman si Kyle para pumuwesto sa kaniyang tabi habang nakatanaw na rin kina SiKi at Kapitan.
Umatras ang dalawang manok ng ilang ulit para bumuwelo at ilang ulit na sugurin ang isa't isa. Kapwa pumutak ang mga ito—minsan matinis, minsan mahina at sunod-sunod. Both had beaks and talons mainly conditioned to aim for dominance and damage each other's necks, and heads, and napes.
Señor Ernesto nonchalantly circled the two gamefowls, treading at the sides of the cockpit. His intent eyes gleamed, watching the two with intense suspense. His lips were firm and his hands crossed on his lower back.
Eventually, SiKi was already ducking. First, at Kapitan's lunging attack. Then it ducked and winced at the second assault. Kapitan hopped with ease, as if gliding down from mid-air at every blow of attack it delivered to its opponent. On the other hand, SiKi was left with nothing else to do but hop backwards, wings stretched to maintain it balance.
Joan watched Señor Ernesto's confidence diffuse. Sternness brewed visibly in his narrowing eyes and furrowing eyebrows.
But the black rooster timed Kapitan's landing.
Pagkabagsak na pagkabagsak ng mga paa ni Kapitan sa lupa ay biglang sumugod si SiKi rito. Halos lumipad si SiKi habang sunod-sunod na palo ang ibinibigay kay Kapitan na pumagaspas naman ang mga pakpak habang sinasalubong ang mga tira nito.
Joan pulled her arms close to her chest, hands clasped as if she was praying while she nervously chewed on her knuckles. Nanatili sa tabi niya si Kyle, pero mataman ang mga mata ng vaquero sa mga manok.
Umatras bigla si SiKi na dahilan ng dismayadong pag-iling ni Señor Ernesto. Hinabol tuloy ito ni Kapitan.
Isa . . . Dalawang talon palapit sa itim na manok at tinuka ito ng puting manok bago pa nito maisipang gumiri.
Ngunit hindi na 'tulad noon si SiKi. Hindi na ito dumidiskarte ng paggiri para lang mapahaba ang buhay. Kaya sa muling pagtuka ni Kapitan dito, galit na gumanti ang itim na manok.
Napaatras si Kapitan, panay iling ng ulo.
Napasinghap si Joan nang makitang may pulang mantsa sa puting balahibo malapit sa mukha nito, sa bandang leeg.
"Kapitan!" gimbal na baba ng mga kamay ni Joan.
Aawatin na sana niya ang laban pero maagap siyang napigilan sa braso ni Señor Ernesto.
She turned to him with soft, teary eyes. "Duguan na si Kapitan!"
He did not answer. He just slowly released her arm and took slow strides toward the gamefowls.
Natatakot pa rin si Joan, pero nang makita ang kaseryosohan sa mukha ni Kyle habang nakasunod kay Señor Ernesto ay mas napanatag siya.
She watched Kyle approach the roosters. And to her surprise, Señor Ernesto was also doing the same thing.
Nilagpasan ng dalawang lalaki ang isa't isa. Kyle positioned behind Kapitan, and Ernesto was behind SiKi. Kapansin-pansin na umaatras na naman si SiKi hanggang sa maipit ng tuka ni Kapitan ang batok nito.
SiKi bowed down, its feet scratched the dusty ground as it frantically circled for a way out. Kapitan only hopped along, alternatively stepping between the ground and SiKi's back. The white rooster dragged SiKi dominantly by the nape to its direction.
Hinila ng dalawang lalaki sa buntot ang mga manok pero ayaw pa ring maghiwalay ng mga ito. It was Señor Ernesto who impatiently pinched Kapitan by the neck to pull it away from SiKi. He handed Kapitan to Kyle's waiting arms and immediately picked up SiKi.
Itinapat ni Señor Ernesto ang binuhat na si SiKi sa nakabusangot nitong mukha. Lumiit ang mga mata ng lalaki at maingat na inihilig ang ulo ng manok para inspeksyonin ito. Naalis lang dito ang tingin ni Joan nang lapitan siya ni Kyle.
Habang palapit sa kaniya si Kyle ay hinagod-hagod na nito ang balahibo ni Kapitan. Dahil sa ginawa ng binata ay medyo kalmado na ang tandang nang ibalik ito sa kaniya. Kapitan slightly jolted when Joan cradled it in her arms. Alertong hinimas niya ito sa balahibo para umamo uli.
"Tapos na, Kapitan. Huwag kang mag-alala. Iyong sugat mo . . ." She trailed off as she searched for wounds around the rooster's neck. Dumikit ang daliri niya sa duguang balahibo nito pero wala siyang nakitang sugat dito.
Kumunot ang kaniyang noo. Pagtataka ang nagtulak sa kaniya na madaliin ang paghawi sa balahibo nito para hanapin agad ang sugat nito.
'Wala . . . Walang sugat si Kapitan!' gimbal niyang deklara sa sarili.
Pumitik ang kaba sa kaniyang dibdib.
Nag-angat agad si Joan ng tingin at tinanaw si Señor Ernesto. Halos yakap ng isang buong braso nito si SiKi. Nakaalalay naman ang kabilang kamay nito sa matamlay na ulo ng tandang habang hinahakbangan nito ang bakod ng ruweda. Tahimik na sumunod sa honcho ang mga tauhan nito.
Ang isa sa mga tauhan ay tumanaw sa kanila. "Sumunod na lang kayo, Kyle."
Tumango si Kyle bilang sagot.
Si Joan naman ay pinapanood lang ang tahimik ngunit matatag na pag-alo ni Señor Ernesto sa manok-panabong nito.
Kyle seemed to read her mind and noticed her puzzlement. Mabilisang sinipat nito ang duguang parte ng leeg ni Kapitan. Then, he looked at her.
"Nadikitan o natalsikan lang yata ng dugo ni SiKi si Kapitan," kumpirma ni Kyle sa ispekulasyong namumuo sa kaniyang isip.
She felt something heavier than guilt. Sobra ang awa niya para sa kawawang manok ng honcho.
Joan felt . . . crushed.
"Tara, Kyle," aniya at hindi na hinintay pa ang sagot ng binata.
Mabilis na hinabol ni Joan ang paalis na si Señor Ernesto.
Pumanhik ang honcho at ang mga tauhan nito sa hagdan. Huminto sila sa ikalawang palapag ng balkonahe at pumuwesto sa pahabang leather seat na nakasandal sa pader niyon.
"Madasig!" ani Señor Ernesto. Fast!
Ni hindi ito nag-angat man lang ng tingin. Ibinuhos nito ang buong atensiyon sa pagsipat sa ulo ni Siki. Nakakandong na sa mga hita nito ang manok-panabong.
Kumilos naman agad ang ilan sa mga tauhan nito. Naghagilap ang mga ito ng mga kakailanganin sa paggamot at paglinis sa sugat ni SiKi. Kalalapit lang nina Joan at Kyle sa honcho nang saktong maglabas ito ng panyo. He carefully dabbed it on SiKi's bleeding head.
"S-Señor . . ." How could she speak further? Halos hindi na siya makahinga.
Should she say sorry?
Señor Ernesto just clicked his tongue. He probably saw the extent of SiKi's injury it didn't look good
Siyang lapit ng isa sa mga tauhan nito. May dala itong kit para gamutin si SiKi. Binuksan nito ang zipper ng maliit na bag at inabot agad kay Señor Ernesto ang bulak na binasa ng likidong panlinis sa sugat.
Mahigpit pero hindi masakit na inipit ni Señor Ernesto ng isang braso ang manok. Ang isang kamay naman nito ay maingat na dumampi-dampi sa gilid ng ulo ni SiKi.
"Malala ba ang pagkakapalo sa kaniya, señor?" tanong ni Kyle. Mababa ang tono nito kaysa sa normal. From the graveness on his face, it was evident that he was worried too.
"Mukhang hindi naman." It sounded more of a hurried murmur than a clear response. "Malapit nga lang sa mata ang tama kaya maingat ang kilos ni SiKi. Aakalain mo tuloy sa una na nananamlay siya."
Mula kay Señor Ernesto ay bumalik ang tingin ni Kyle sa manok. Inasistehan naman ang honcho ng isa sa mga tauhan nito.
Dumating naman ang isa pa nitong tauhan na bitbit ang isang basket na may makapal na tela.
Joan blinked. 'Tratong-hari talaga itong si SiKi. . . .' Then, she looked back to the rooster. 'Malapit daw sa mata ang sugat niya. . . .'
Matiyaga niyang pinanood ang pagsasalit-salitan ni Señor Ernesto at ng tauhan nito sa manok para malinisan, masipat nang mabuti ang sugat nito, at magamot. Sa oras ng paggamot, kinailangang hawakan ng isang vaquero ang manok habang si Señor Ernesto mismo ang gumagamot sa sugat nito.
Nanigurado pa ang honcho na wala nang iba pang sugat o napuruhan sa katawan ng manok bago ito inilagay sa basket.
"Pakibalik siya sa kulungan niya. Itsetsek ko uli siya mamaya."
Tumango ang tauhan ni Señor Ernesto at maingat na kinumutan si SiKi bago pumanaog ng hagdan.
Nakatanaw pa rin si Joan sa paalis na tauhan at kay SiKi. Nang nawala na ang mga ito, ibinalik niya sa mga kasama ang tingin. Señor Ernesto was already looking at them, wiping his hands at the back of his jeans.
His shadowed eyes pricked her conscience.
"Señor, sorry sa nangyari. Sana makalaban pa rin si SiKi sa derby niya." Mas inilapit ni Joan sa kaniyang dibdib si Kapitan. Hindi siya mapakali kaya idinaan niya ang damdaming ito sa paulit-ulit na paghagod sa ulo ng manok. Meanwhile, Kapitan just clucked quietly.
Kyle glanced and caught her eyes. His gaze reassured her despite his lips tightening seriously.
"Kalmot lang 'yon, Joan." Señor Ernesto pulled a grin at the left corner of his lips. "Sa tingin mo, malalampaso ng manok mo si SiKi?" It was followed by a proud scoff.
Hindi makapaniwalang nalaglag saglit ang kaniyang panga. "Aba't—" She followed Ernesto with her eyes, twisting her body to face every direction he would take. Nilagpasan naman siya ng lalaki. "Nakita mo naman kanina! Llamadong-llamado si Kapitan—"
Señor Ernesto stopped midstep and looked at her over his shoulder. Natahimik siya dahil sa matiim na pagtitig nito. For some reason, her reaction seemed to satisfy him, kaya lumagpas na ang tingin nito sa kaniya at napunta kay Kyle.
"Kyle, sumunod kayo sa akin."
Kyle politely nodded, placed himself beside her, and patted her shoulder.
"Tara," yaya ni Kyle sa kaniya at nagpatiuna na ito sa paglakad.
Kumislot si Kapitan kaya inayos ni Joan ang pagkakayakap ng isang braso rito. She carefully stroked the rooster's feathers as she followed the two.
Huminto sila sa hanay ng sako-sakong feeds sa isa sa mga paliko sa balkonahe. Señor Ernesto bent down slightly, tapped on one of the full 25 kilogram sack of ready-mixed maintenance feeds. Tumuwid ito uli ng pagkakatayo at hinarap sila.
"Kyle, ikaw na ang bahala kung paano ito madadala sa bahay ni Joan."
Nanlaki ang mga mata niya. "Para kay Kapitan?"
Señor glanced at her with bored eyes. "Malamang."
"Aha!" She beamed. "Ibig sabihin, nanalo nga si Kapitan! Hindi siya loser!"
"Manalo man siya o hindi, ipamimigay ko talaga 'yang feeds na iyan sa sinumang ka-sparring ni SiKi."
Sinilip niya ang sako na medyo natatakpan ng mga binti ng honcho.
"Bakit?" awang ng kaniyang mga labi.
"Ask Kyle," he dismissed, waving a hand. "Uuwi na ako," tapik nito sa balikat ni Kyle nang makalapit sa kanila. "Bago ka umuwi, mag-report ka saglit sa akin. Bibilinan na rin kita ng mga tatrabahuin mo para bukas."
"Opo, sir." Mata sa mata na pababang tumango nang isang beses si Kyle.
Señor Ernesto tapped Kyle's shoulder just once again, then completely walked past them. Imbes sa pagitan nila, dumaan ang honcho sa tabi ni Kyle, malapit sa railing ng balkonahe. Tumuloy-tuloy itong bumaba ng hagdan.
"Hmm," pihit ni Joan paharap sa direksiyon ni Señor Ernesto.
She watched him descend the stairs until he was completely gone. And even if he was gone, her eyes stayed there—questioning, bothered.
"Alam kong nagtataka ka," tabi sa kaniya ni Kyle.
Hinarap niya ito. "Ine-expect ko na magagalit siya, e. Kasi, napuruhan si SiKi. Kasi, napahiya siya at natalo namin sila ni Kapitan. Bakit binibigyan niya ako ngayon ng pagkain para kay Kapitan?" Lumapit siya sa sako. "May lason kaya 'to?"
Napangiti si Kyle. "Napakarami namang lason nitong inimbak ni Señor dito para lang kay Kapitan," patungkol ng binata sa patong-patong na saradong sako ng feeds.
Hindi pa rin napalagay ang loob ni Joan sa biro ni Kyle.
Sumeryoso na tuloy ang lalaki. "Si Kapitan, ang estima namin, ay anim na taon na."
Hindi siya makapaniwala. Namilog ang mata niya. "Six years? Itong si Kapitan?"
"Oo. Matanda na para sa manok, 'di ba? Average na itinatagal ng buhay ng mga manok, eight years."
Niyuko niya ang yakap na tandang. "Ang tanda mo na pala."
"Batak na siya sa talpakan," patuloy ni Kyle. "May palagay din kaming gamay na ni Kapitan ang hackfight."
"Hackfight?"
"Oo. Mas malala 'yon sa mga derby, at kadalasan ay ilegal. Sa hackfight, patayan talaga ang labanan. Ang pinakamalalang hackfight na napanood ko, walang-sabi-sabi kung kailan sisimulan ang laban. Nasa kondisyon o hindi ang manok, isasabak na sa ilang soltada hanggang sa isa na lang ang matirang buhay."
"Parang ganoon din naman ang karambola . . . ang derby."
"Oo. Pero sa derby, puwede pang iuwi ang mga manok kung gusto pa iuwi ng amo nila at maisasalba pa. Pagdating naman sa hackfight . .. . " Tila tpinipili ni Kyle kung ano ang mga salita na mas mainam gamitin. It seemed like withint these past few months, he already knew how soft-hearted she was. Nag-alala siguro ito na baka kung ano-ano ang isipin niya kapag nakuha ang buong detalye ng nais nito iparating.
But Joan could already sense it in how grave his tone sounded. Tiyak niyang malala ang sinasapit ng mga manok na isinasalang sa hackfight. Kumbaga sa boxing, ang derby ay pang-ring . . . pang-sports. Ang hackfight naman ay katulad ng street boxing na nakasunod lang sa street rules.
"Nalagpasan mo ang gano'ng klase ng mga laban, Kapitan?" saglit niyang hagod ng mga daliri sa ulo nito, pababa sa tuka.
Kapitan tried to peck her fingers, but Joan was fast. Bago pa ito nakatuka, nailayo na niya ang mga daliri.
"Isa pa, nakita ni Señor no'ng derby kung paano lumaban si Kapitan. Kaya sa pagkakataong ito, inaasahan na niya ang posibilidad na mapuruhan si SiKi. Kaga wala kang dapat ipag-alala sa naging reaksiyon niya ngayong gabi."
Kyle gave her a nod, prodding her to walk alongside him toward the stairs.
Napalabi siya. "At binigyan niya ng patuka si Kapitan dahil nakipag-sparring siya kay SiKi?"
"May mas maganda pang nangyari." Umaliwalas ang mukha ni Kyle. "Napansin mo? Nabawasan ang paggiri ni SiKi. Natututo nang lumaban."
'Oo nga. No'ng karambola, palakad-lakad lang si SiKi, sa madaling salita, gumigiri. . . .'
Kyle assisted her down the stairs, gently cradling her elbow on his open palm.
"Hintayin mo ako sa kotse. Magpapatulong lang ako sa pagbitbit ng patuka ni Kapitan pababa rito."
Ngumiti na lang siya. She was not really happy, but relieved that Kapitan's hackfighting days were over. "Sige, Kyle."
Pagkahatid sa kaniya ni Kyle sa bungalow, hindi na ito nagtagal pa sa bungalow. Ibinaba lang nito sa loob ng bahay, katabi ng pinto, ang sako ng patuka na buhat nito at ng kasamahang si Polo, isa ring vaquero. Pagkatapos, umalis din sila agad para makipagkita kay Señor Ernesto sa mansiyon ng mga Dela Fuente.
Tahimik na sa loob ng kulungan nito si Kapitan. May stick na tungtungan sa loob nito na siyang pinuwestuhan ng tandang hanggang sa makatulog ito. Palagay ni Joan, masarap ang magiging tulog nito dahil sa pagod at sa dami ng kinaing feeds na galing kay Señor Ernesto.
Tahimik na inikot ni Joan ang maliit na bahay para isara ang mga bintana at i-lock ang pinto.
Sumaglit siya sa banyo para maghugas ng katawan, maghilamos, magsepilyo, at magsuot ng pantulog— isang may kanipisang puting kamiseta na bahagyang lumaylay pababa ang tela sa bandang dibdib niya, at shorts na hanggang kalahati ng mga bilugang hita niya ang haba. Joan let down her hip-length hair, each tiny corkscrew curls were shiny and dark. Minsan, natutukso siyang ipagupit ang buhok. Lalo na kapag ganitong inaatake siya ng katamaran sa pagsusuklay nang pakamay. Kaya lang, umuurong siya sa ideya kapag naaalala na sobrang nangangapal at nabubuhaghag ang kaniyang buhok kapag masyadong napapaikli ang pagkakagupit dito.
Habang pakamay na sinusuklay ang buhok, blankong lumagpas sa nag-iisang bukas na bintanang jalousie ang kaniyang maamong mga mata. Iniisip na niya kung magkano ang kaniyang naipong pera at kinukuwenta kung kailan magiging sapat iyon para magamit sa paghahanap kay Kobi.
Ngunit biglang may nahagip ang kaniyang mga mata.
Naiwanan palang bukas ang gate!
Umalis si Joan sa tapat ng bintana. Saglit na nilingon niya ang nakalatag nang banig na napapatungan ng dalawang unan at isang malaking kumot na bulaklakin—mga hiniram niya mula kina Rita. When she memorized the state of her bedroom before leaving it, she immediately went out.
It was warm inside the bungalow, wala kasing electric fan, kaya hindi niya inasahan ang ganitong lamig. Sinalubong siya ng lamig ng hangin paglabas ng bahay, lamig na halos lahat ng balahibo sa kaniyang katawan nagtayuan na. Her skin had specks from goosebumps as she walked through the small front yard. Isinampay niya ang buhok sa magkabilang balikat para kahit papaano ay hindi siya ginawin.
Nang malapitan ang gate, hinila niya ito pasara. Lumangitngit ang bakal kaya luminga-linga si Joan sa paligid. Her cheeks puffed, holding in her breath then let it out, relieved that none of the nearby houses were disturbed.
Bago pa niya nayuko ang gate para i-lock, napatuwid siya ng pagkakatayo. Her neck stretched over the low gate, as well as her upper torso. Pilit niyang sinilip kung ano ang pinagmumulan ng papalapit at papalaking mga bola ng dilaw na liwanag sa masukal na daan.
A black car stopped in front of the gate—a familiar Lexus with gold-rimmed wheels.
The front and back lights immediately died, returning the dark shadows of the leafless trees and cloudy night skies. The engine died next, followed by a door clicking open and close.
Napaawang ang mga labi ni Joan nang maglakad palapit sa kaniya ang seryosong si Señor Ernesto.
His strides were cool and gliding, as if he was walking on air. He was gallant and effortless. He tucked his thumbs at the pockets of his dark washed jeans. His wavy hair was slightly tousled, most of them fell over the left side of his chiseled face.
"Señor!" Giniginaw na yakap niya sa sarili. "Ano'ng oras na? Bakit ka narito?"
'Babawiin na ba niya 'yong patuka?' Lalo siyang nag-alala. 'Pa'no 'yan? Nabuksan ko na 'yong sako. Nakaraon na ni Kapitan. . . .' Nakain na ni Kapitan.
His evening shadowed eyes turned into tourmalines that smoldered her. The lowness of his tone, like a secret being whispered, made his voice raspily breezed past the coldness of the night, stripping away its silence.
"Sorry, pero parang hindi ako makatutulog nang hindi nakapupunta rito."
•••
˗ ˏ ˋ ★ˎˊ ˗ ༺𝓜𝓮𝓻𝓻𝔂༻༺𝓒𝓱𝓻𝓲𝓼𝓽𝓶𝓪𝓼༻ ˗ ˏ ˋ ★ˎˊ ˗
https://youtu.be/iC4LgHqA4Ss
•••
PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery
Facebook Page: Anamarie S.S. / ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top