14
INABOT ni Rita kay Señor Ernesto ang isang bola ng bulak. It was stained with brown Betadine. He hissed between his teeth while dabbing it along his scratch.
“Bakit kayo ho ang nagpakalma sa toro kanina?” magalang na usisa ni Rita sa lalaki. “Nasaan po si Señor Feliciano?”
Walang-pagdadalawang-isip na isinama ni Rita ang honcho sa bahay ng mga Torre dahil nakasanayan na ng dalagita at ng iba pang mga Torre ang pagderetso ng lalaki sa kanilang bahay tuwing napupuruhan ito. Sa mga pagkakataong hindi available ang kanang-kamay nitong si Kyle para asistehin ito, ang pamilya nito ang sumasalo sa trabahong ito.
Hindi agad sinagot ni Señor Ernesto ang tanong ng dalagita. Nakapokus kasi ito masyado sa paggamot sa sugat nito. Solong-solo nito ang mahabang sofa at hindi na suot ang pang-itaas.
Nakapuwesto naman si Rita sa solohang sofa na katabi ng kinauupuan ng señor. Nakakalat sa mesita ang puting bote ng agua oxinada at iba pang mga gamit sa paggamot ng sugat.
Si Joan naman ay nakapuwesto sa likuran ng kinauupuan ni Rita, pinapanood ang dalawa.
“Ang kapatid kong iyon . . .” Señor Ernesto scowled and tossed the used cotton on the table, “Iniwan na naman niya ang kan’yang trabaho. Malamang sa malamang, pinuntahan na naman n’on ’yong babaeng tagadagat!”
Dahil natural na tsismosa, nagningning ang mga mata ni Rita. “Babaeng tagadagat? Tagasaan banda kaya siya? Ang dami-dami kasing mga beach dito sa Masbate.”
“Wala akong pakialam kung saang beach ’yon,” pagsusungit ng lalaki. Dala siguro ng inis kaya nauunang gumana ang bibig nito kaysa isip at ang pagsasaalang-alang sa privacy ng kapatid. “Ang pakialam ko ay kung nagagawa ba ni Feliciano nang maayos ang trabaho niya! At ang sagot ay hindi!”
Tumindig na ang lalaki, hudyat na ito para kay Rita na damputin ang pantapal sa mahabang sugat sa tagiliran ng honcho. Nang mailapat ang pantapal na tela, hinawakan ni Rita ang dulo ng pantapal sa bandang tagiliran ni Señor Ernesto. Kamay naman ni Señor Ernesto ang umipit sa kabilang dulo ng pantapal na malapit sa puson nito.
Tinanguan ni Rita si Joan. “Joan, hawakan mo nga ’to.”
Mabilis na pumalit si Joan sa puwesto ni Rita para makaalis saglit ang dalagita. His natural scent domineered her senses mixed sweat, sunlight, and cool water; ngunit hindi niya alintana kung masyado siyang malapit sa matipunong likuran ng lalaki.
Binalikan sila ni Rita na may dalang gauze bandage. Pinaikot nito ang bandage sa baywang ng lalaki. Rita would occassionally yank on the gauze bandage to double check the fit around Señor Ernesto’s waists and hips.
“Akala ko, ayaw n’yong malaman ito ni Señora Allyssa?” Hindi napigilan ni Joan ang sarili na magtanong. Bumitiw na rin siya sa pantapal nang maikutan ito ng bandage. “E, kitang-kita itong gasa kapag nagtanggal ka uli mamaya ng damit!”
“The answer is simple, Joan. Hindi ako magtatanggal ng damit sa harap niya.”
“Okay, pero ’yong mukha n’yo naman, señor. Masyadong halata sa mukha n’yo na may iniinda kayo.”
“Magdadahilan na lang ako—” Nilingon siya nito mula sa ibabaw ng balikat nito. “Puwede ba, Joan?” anas nito.
Nag-iwas na lang siya ng tingin. ‘Ang bilis namang mapikon ng señor.’
“E, Sir Ernesto, kumusta naman ho si Ma’am Allyssa? Sana healthy ang maging baby ninyo!” nakangiting sulyap ni Rita kay Señor Ernesto bago tinapos ang pagbalot ng benda rito.
Napagawi ang mga mata niya sa abalang si Rita. Tiyak ni Joan na namagitan ang dalagita sa pag-uusap nila ng honcho para hindi lumala ang inis nito sa kaniya.
‘Mabuti pa siya at alam kung ano ang sasabihin sa kasama namin.’
“Sana nga.” Gumaan ang ekspresyon sa mukha ni Señor Ernesto, at hindi iyon nakaligtas kay Joan na nakasilip mula sa likuran ng balikat nito. Señor Ernesto watched Rita do her job, yet his thoughts were already on his family. “Kakailanganin niya talagang maging malakas para mapalaki nang maayos ang bata. Dahil pagkatapos ko o ng mga susunod sa akin, ang anak namin naman ang mamamahala sa hacienda.”
“Hindi ho ba malaking responsabilidad iyon?” tanong ni Joan.
“Exactly. Kaya dapat, handa siya. Ako naman ang gagabay sa kaniya.” Nasa mga kamay ni Rita pa rin ang tingin ni Señor Ernesto, nakabantay sa trabaho ng dalagita.
“Parang ang unfair naman ng gano’n, na ipapasa n’yo sa anak ninyo ’yong mga responsabilidad ninyo.”
He glared at her. Kinabahan tuloy siya. Kailangan niyang magpaliwanag agad.
“Kasi ang kuya ko, gan’on. Sa murang edad, pinasan na niya agad ang responsabilidad ng mga magulang namin at . . . at mahirap talaga ’yon.”
“Hindi kasi handa ang kapatid mo no’n. Ako, sisiguraduhin ko na mula pagkabata pa lang, handa na ang anak ko. It has always been that way here in Hacienda Dela Fuente . . . and no one can change that.”
Lumayo na si Rita nang matapos bendahan ang honcho. Sinipat naman ni Señor Ernesto ang pagkakabenda sa sugat nito bago kontentong tumango-tango.
“Ayos na ’to. Babalik na ako sa trabaho,” dampot ni Señor Ernesto ng damit sa sofa para suotin uli.
“Mag-iingat ho kayo, Señor Ernesto,” tango ni Rita rito bago sinenyasan si Joan gamit ang mga mata nito. Nagpapatulong ito sa pagliligpit sa mga ginamit sa paggamot.
Lumayo si Joan kay Señor Ernesto para tulungan si Rita. “Dapat ipahinga mo muna ’yan sa bahay ninyo. Baka mabinat ka niyan.”
He paused from buttoning up his shirt, stopping by the midpart buttons. Pumihit ito paharap sa kaniya nang magkasalubong ang mga kilay. “This is only a scratch.”
“Sa unang tingin, parang pamumula lang. Pero sa malapitan, mukhang malalim, e—” Natigilan siya dahil pinanlakihan na siya ng mga mata ni Rita. Tila binabalaan siya nito na huwag nang kumontra pa sa lalaki.
At her stunned silence, Señor Ernesto gave her a smug look. Then he left the three top buttons of his shirt undone.
“Salamat, Rita,” anito pero mabigat ang titig sa kaniya. “Aalis na ako.”
Hindi ito naghintay ng sagot mula sa kanila. Señor Ernesto immediately headed out of the house.
“Joan!” takot na tabi ni Rita sa kaniya nang maglaho ang lalaki. May kalakip na pananaway sa tono nito. “Nasa Hacienda Dela Fuente tayo! Hindi mo puwedeng basta-basta na lang kontrahin nang gano’n ang mga Dela Fuente! Lalo na ’yang si Señor Ernesto!”
“Kaya ba, oo ka lang nang oo at puro magagandang salita ang mga sinasabi mo sa kaniya?”
Nanlaki ang mga mata ni Rita. She bobbed her head as well. “Oo!”
“E, ang sa akin lang naman, kailangan natin siya prangkahin, no? ’Yong gano’ng klase ng injury kasi, dapat, ipinapahinga muna niya. E, bukod pala sa nadaplisan siya ng sungay ng toro, iwinasiwas pala siya n’on bago ibinalibag sa lupa.”
“Siya na ang bahala roon. Alam na nila sa sarili nila kung kaya nila o hindi ang magtrabaho.” Dumikit ito lalo sa kaniya, panay-lingon sa pinto. “Ang advice ko lang sa ’yo, sarilihin mo na lang ang mga side-comment mo. Hindi mo magugustohan kapag napag-initan ka ni Señor Ernesto! ’Yong mga pagsusungit niya? May ilalala pa ’yon!”
At muling lumuhod si Rita sa tapat ng mesita. Ipinagpatuloy nito ang pagliligpit sa mga gamit.
Samantala, gumawi naman sa pinto ang tingin ni Joan. Nakita niyang nakalabas na ng gate ang señor. Medyo nahirapan pa ito sa pagsampa sa kabayo.
“Hirap siyang makasakay sa kabayo,” aniya at deretso siyang lumabas mula sa bahay para tulungan ito.
Hindi siya masyado pinansin ni Rita. Akala nito ay nagkokomento lang siya kaya laking-gulat nito nang malingonang wala na siya sa kaniyang kinatatayuan kanina. Napatayo ito nang makitang nakalabas na siya ng pinto. Nagkukumahog na iniwan nito ang mga inililigpit para sundan siya sa labas.
Pero sa bakuran pa lang, napahinto na ito. Rita found it too late to stop her. Nakalapit na kasi si Joan kay Señor Ernesto.
Señor Ernesto was already on another attempt to climb the horse when Joan approached him. Umapak ang honcho sa sabitan ng paa. Then his other feet bounced off the ground, giving him a boost while his arms clung on the handles. Siyang pagsundot ng hapdi sa pahiwang sugat sa tagiliran nito.
Nagpakawala si Señor Ernesto ng mahinang daing at napaatras. At malamang, tuluyang matutumba ito kung hindi naagapan ng mga kamay ni Joan ang mga braso nito.
They took a few steps back, because Joan struggled with his weight. Hindi niya inakala na mahirap palang saluhin si Señor Ernesto. ’Buti, napailing siya nang napangiwi siya kaya pisngi lang niya ang sumubasob sa likuran ng lalaki. Siyang bangga rin ng likod nito sa kaniyang mga dibdib kaya napabuga siya ng hininga na may halong impit na daing.
Bumusangot sa kaniya ang lalaki.
“Pinapahamak mo ba ang sarili mo?” anas nito.
Señor Ernesto looked at her over his shoulder but he could not see her eyes directly. Masyado kasi silang magkalapit at takot na nakahawak pa rin si Joan sa mga braso nito.
They noticed a car approaching their direction.
“Tumutulong lang ako, señor,” tulak niya sa sarili palayo rito bago binitiwan ang mga braso nito.
Señor Ernesto pressed his palms on his aching side. Halos paika siyang sinundan ng lalaki sa gilid ng kalsada.
“A, sa tingin mo, kaya mo akong buhatin paakyat dito kay Amberwing?” sarkasmo nito.
Nang marating ang tabi ng gate, nagpupuyos na hinarap ni Joan ang lalaki. “Bakit ba kailangan mong magsungit nang ganyan?” Nabahiran ng angas ang kaniyang boses. This man was just so frustrating. “Tinutulungan ka na nga—”
He drew his face close to hers. Dahil dito, natahimik siya.
“Say it,” he boldly muttered upon noticing that she got intimidated and hadn’t completed her sentence.
Nabahala siya sa talim ng itim nitong mga mata. Their penetrating gaze pitchforked her soul so sharply that it scared her. Saan na nga ba napunta ang pag-aangas niya kanina rito?
“Sabihin ang ano?” paghina ng kaniyang boses.
“Ano’ng gusto mong kapalit? Para saan ang pagpapakitang-gilas mo kanina na mas maalam ka kaysa sa akin? Para saan itong pagtulong-tulong mo sa akin?”
Iyon ba ang tingin ni Señor Ernesto sa mga ginawa niya kanina? Na nagmamagaling siya? Na tumutulong siya dahil umaasa siya na may ibibigay na kapalit dito?
Tungkol sa pagtulong, oo, minsan may inaasahan siyang kapalit, pero hindi ito ang isa sa mga pagkakataong iyon! Kahit hindi niya talaga gusto si Señor Ernesto dahil sa magaspang nitong ugali, kahit papaano ay nagpapasalamat siya dahil kinonsidera nitong ipahanap si Kobi. Napilitan man ito o anuman ang dahilan sa likod niyon, he gave her hope that she would be with her brother again and that meant a lot for her. Kaya maliit na bagay lang para sa kaniya ang tumulong-tulong dito sa pagkakataong ito. May dahilan naman kasi siya para kahit papaano ay tratuhin nang maayos ang lalaki. Sinisigurado lang niyang nasa mabuti itong kalagayan, pero kung talagang gusto nito ng prangkahan, e ’di, sige, tatapatin niya ito.
“Gusto mo ’yong totoo?” pamaywang ni Joan. “Nakuha ko na ang gusto ko. Pumayag ka na ring tulungan akong hanapin si Kuya kaya naman—” pinasadahan niya ito saglit ng mabilis na tingin, “—ginagantihan ko lang ’yon.”
Nagsalubong lang ang mga kilay nito. “Oh, really . . . Pero nito lang, parang ipinagdidiinan mo pa na ako ang may utang-na-loob sa ’yo, kaya kailangan kong tumulong sa paghahanap sa magaling mong kapatid!” Then he lowered his tone. “Hindi ba?”
Sasagutin niya sana ito nang biglang humalinghing at pumadyak nang kaunti ang mga paa ni Amberwing. Lumagpas sa kabayo ang kaniyang tingin at napadpad sa itim na Lexus IS300.
Huminto ang kotse malapit sa kanila. Bumukas ang pinto sa backseat. Bumaba mula roon si Señora Allyssa.
“Shit,” she heard Señor Ernesto mutter.
Lilingonin pa lang niya uli si Señor Ernesto pero dumaan na ang lalaki sa kaniyang harapan. Napaatras si Joan para magbigay-daan dito at napapanood na lang sa paglapit nito kay Señora Allyssa.
Ito pa lang ang pagkakataong matamang napagmasdan ni Joan ang esposa ni Señor Ernesto. She has those beautiful narrow eyes, long lashes, thin arched brows, and red-painted lips. She wore a yellow sundress with a ribbed tube top that glowed against the cruel sunlight. Her long black hair was single braided and hung on her right shoulder.
“Allyssa,” hinto ni Señor Ernesto sa tapat nito, ang pinto ng kotse lamang ang nakapagitan sa dalawa. His voice was low, yet gentle. “You’re using mom’s car?”
Joan knew she should give the two some privacy and just leave. Kaya lang, nanatili siya sa kinatatayuan para i-double check kung totoo nga ba ang inaasal ni Señor Ernesto sa asawa nito o kung magbabait-baitan lang ito.
Mukhang totoo nga. Mabait ito sa asawa nito.
“Yes. Because I just turned four months pregnant today, remember? And I have an appointment with my OB. Ito lang ang available na sasaktayn dahil gamit ni Kyle ’yong sasakyan na lagi kong gamit. Pinapunta mo raw siya ng munisipyo.”
“Damn. I’m sorry I forgot . . . Ibang sasakyan na lang sana ang ipinagamit ko kay Kyle.”
Hindi-makapaniwalang napamaang ang mga labi ni Joan. Dahan-dahan siyang namaywang habang nakatitig kay Señor Ernesto.
‘Aba, ang supladong ’to, yumuyuko rin pala na parang kawayan sa asawa niya!’
Then, Señora Allyssa’s suspicious glare shot at her direction. “So, ano ang pinag-uusapan ninyo ng babaeng ’yan? Akala ko ba, si Kyle ang sasama sa kaniya sa paghahanap sa kapatid niya?”
“Well, yes, but . . .”
“Naaksidente ang señor,” agap niya.
Pinanlisikan siya ng mga mata ni Señor Ernesto.
“Bakit? Dapat sinasabi mo ang lahat sa asawa n’yo, Sir Ernesto,” depensa agad ni Joan. “Hindi ’yong naglilihim ka riyan.”
Señor Ernesto defeatedly returned his eyes on Señora Allyssa. Because of that, Joan felt so proud of herself. Nanalo na rin siya sa wakas pagdating sa pakikipagsagutan sa honcho.
Isa pa, paika maglakad si Señor Ernesto. Kung hindi ngayon, maya-maya lang ay mapapansin din iyon ni Señor Allyssa kaya mabuti pang ipaalam na agad sa babae ang tungkol sa pagkakaaksidente ng asawa nito.
“Aksidente?” lipat ng tingin ni Señora Allyssa kay Señor Ernesto. Tila hindi nito malaman kung ano ang mararamdaman. Pinasadahan kasi nito ng tingin ang asawa pero hindi nito makita kung saan ito napuruhan.
In addition, Señor Ernesto got this sharp look from Señora Allyssa’s eyes. It amused Joan, watching how his wife’s gaze got him on his toes. With a surrendering sigh, he lifted his shirt, showing the gauze bandage wrapped around his hips and waist.
Napasinghap si Señora Allyssa. Bumaha ang pag-aalala sa mukha nito.
“Love, you should—” her eyes shifted between his face and his injury, “—get medical attention. Like, real—” sumaglit ang matalim nitong tingin sa kaniya bago umamo uli ang mga mata nito sa asawa, “—medical attention.”
Señor Ernesto groaned. Lumapit ito kay Señora Allyssa at tuluyang nilagpasan ang pinto ng kotse na nakapagitan sa kanila.
“Yes, I will. Please, don’t worry that much. Makasasama ang pag-aalala para sa bata,” alalay nito kay Señora Allyssa para bumalik na sa loob ng kotse.
Nahigit niya ang paghinga. Nakalimutan ni Joan na gusto nga palang ilihim ni Señor Ernesto ang kondisyon dahil nagdadalang-tao ang asawa nito! Nakokonsensiyang nag-iwas siya ng tingin sa mga ito.
“How could I not worry?” harap ni Señora Allyssa sa asawa kaya saglit na naudlot ang pagpasok nila sa kotse. “They wrapped your whole waist! Malaki ba ang sugat mo? What happened ba, love?”
When Joan returned her eyes on them, Señor Ernesto was already cupping the side of Señora Allyssa’s face.
He smiled at his wife reassuringly. “I’ll tell you in the car.”
Tinanaw ni Señora Allyssa si Amberwing. Tila nalungkot ito para sa kabayo. “What about Amberwing?”
“Ipapakuha ko na lang kay Kyle. Dito na muna siguro si Amberwing sa mga Torre.”
“Sure,” Señora Allyssa smiled, relieved before she cased Señor Ernesto’s face within her hands. Walang ano-anong humalik ito sa mga labi ng asawa.
Her lips moved, prodding him to kiss her back and Señor Ernesto complied with ethusiasm. But the kiss was so short, it left Joan hanging for more. For some reason, she wanted to see more of it.
Tiningnan siya ni Señora Allyssa pagkatapos. Love and pride beamed from her lips. “Please, take care of Amberwing.”
“Opo, señora,” magalang niyang tango rito bago napansing nakatingin na rin sa kaniya si Señor Ernesto.
The darkness hooding his eyes hinted that he would make her pay for revealing his condition to Señora Allyssa. He wildly turned away as soon as his wife got seated in the car. Pumasok na rin ito sa kotse pagkatapos.
Tinanaw ni Joan ang pag-alis ng sasakyan bago nilingon si Amberwing. Nahawakan na niya ang tali ng kabayo nang malapitan siya ni Rita.
“Kinabahan ako! Ano ang sabi ni Ma’am Allysa sa ’yo, Joan?” humahangos nitong wika habang tinutulungan siyang akayin si Amberwing sa parte ng bakuran nila na nalililiman ng anino ng bahay.
“Wala naman siyang sinabi na para sa akin. Silang mag-asawa lang ang nag-usap, ’tapos pinaiwan lang nila rito si Amberwing. Ipapakuha na lang daw mamaya ni Señor Ernesto kay Kyle.”
Ngumisi si Rita. “Uuuy, ibig sabihin makakasilay na naman sa ’yo ang kapatid ko!”
Pinanlakihan niya ito ng mga mata habang natatawa. “Tigil-tigilan mo na nga ang pang-aasar sa kuya mo!”
“Si Kuya lang ang naaasar? Ikaw, hindi?” panghuhuli nito.
“A, hihintayin mo pa pala akong maasar bago ka tumigil?” biro niya rito.
Bakit naman kasi siya magagalit? Hindi naman siya pikuning tao. At wala namang masamang pakahulugan si Rita kapag ipinagtatambal nito silang dalawa ni Kyle.
Napabungisngis si Rita habang inaako ang pagtali kay Amberwing sa bakod. “Bakit ka naman kasi maaasar? Halata namang may gusto sa ’yo ang kuya ko? Ang sarap kaya sa feeling kapag may nagkakagusto sa ’yo!”
“At okay lang ’yon sa ’yo?” Pagkatanong niya niyon ay nanumbalik kay Joan ang mga nasaksihan kanina.
She remembered how Señor Ernesto softly talked to his wife; the way they touched each other’s faces; the way their lips moved as they kissed . . .
Will Kyle do those things with her too?
Will he touch her face that way?
Will he be on his toes at her every meaningful gaze?
Will she be loved that way?
Will he kiss her lips as full of life like the way Señor Ernesto and Señora Allyssa did with each other?
“Siyempre! Okay na okay sa akin, no?” akay ni Rita sa kaniya pabalik ng bahay. “Kung ikaw ba naman ang gusto ni Kuya, ano pa ang ikokontra ko? Maganda ka na, maalam ka pa sa gawaing-bahay, at mabait.” Binuntutan iyon ng masayang tawa ng dalagita. “Tara na at kumuha tayo ng basang katsa. Ipapandong natin kay Amberwing para hindi mainitan masyado rito sa labas!”
Kumaripas na si Rita ng takbo papasok ng bahay.
Hindi tumakbo si Joan pero minadali niya ang mga hakbang para sundan ang dalagita.
•••
OFFICIAL NA, PUWEDE NA! La Grilla Series 1: Come Here will come here into our homes and arms soon!
Pre-order period: Sept 17 to November 17, 2024
PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024
First Wattpad Version © March 11, 2021
Second Wattpad Version © September 23, 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top