13
ISA na namang pangkaraniwang umaga sa Hacienda Dela Fuente. Asul na asul ang kalangitan na minantsahan ng kalat-kalat na puting hagod ng mga maninipis na ulap. The land remained a rich terracotta and loose, kaya maalikabok sa tuwing nilalakaran ito ng mga tao, natatadyakan ng mga kabayo, o nadadaanan ng mga gulong ng mga sasakyan.
Tapos na ang pagpapatrolya ni Ernesto at ng mga vaquero sa palibot ng lupain, maliban sa boundary na sakop nila sa bulubundukin ng Cuerpo Serpiente. Kasalukuyang nasa barnhouse na siya kasama ang mga tauhan. Makikita sa paligid ang maayos na pagkasalansan sa mga chicken feeds at iba pang supplies para sa mga manok.
Ernesto had a horse named ‘Amberwing.’ Amberwing lived up to her name for having a shiny amber-colored coat. She also had a black top hair and a slender black tail. Her feet moved delicately, as if tiptoeing and barely touching the ground when speeding, just like a specie of a dragonfly called the ‘Eastern Amberwing.’
Si Ernesto lang ang nakasampa sa kabayong si Amberwing. Nakahanay sa harapan niya ang mga tauhan. Lahat ay hawak ang kani-kanilang cowboy hat at nakagayak sa kanilang karaniwang uniporme sa trabaho—pantalon at de-butones na mga polo o simpleng T-shirt.
“Ano ang tumatakbo riyan sa isip mo, Kyle?” he tipped his head up, pointing at Kyle’s direction. He asked that question because he saw his right-hand giving him a confused look.
“Señor,” magalang nitong tugon, “kailangan ba talaga nating alamin kung bakit nawawala si Kobi?”
Hindi nagsalita ang iba pang mga vaquero, pero kita ni Ernesto mula sa reaksiyon ng mga ito ang pagsang-ayon kay Kyle.
He looked away and considered what to answer to the question. Sa totoo lang kasi, inasahan na rin ni Ernesto na magtataka ang mga ito sa kaniyang ipag-uutos na alamin kung nasaan si Kobi. After all, the Dela Fuentes were not the kind of people who involve themselves in someone else’s problems. Lalo na kung problema iyon ng mga tao na mas mababa ang estado sa kanila at hindi ganoon kalapit sa kanilang pamilya.
Hindi rin naman puwedeng ikuwento ni Ernesto sa mga ito ang balak ng kaniyang ama na tumakbong konsehal sa nalalapit na eleksiyon. Masyado pang maaga at hindi naman yata tamang pangunahan niya ang ama sa pag-aanunsiyo. Kaya sa pagkakataong ito, ang kanilang pamilya lang ang dapat na nakaaalam nito at wala nang iba.
“Kailangan ko lang makasiguradong hindi madadawit ang hacienda sa pagkawala niya. Huling na-involve si Kobi sa atin, sa akin na isang Dela Fuente.” Ibinalik ni Ernesto ang tingin kay Kyle. “I just want everything settled. Baka kung ano ang sabihin ng Joan na iyon tungkol sa mga Dela Fuente, mahanap lang ang kapatid niya.”
“Hindi naman ho siguro ganoong klase ng tao si Joan,” malumanay na tanggol ni Kyle dito. “Sa tingin ko, hindi siya magpapasimula ng kahit anong eskandalo para lang may makapansin sa kan’ya at sa mga pakiusap niyang hanapin si Kobi para sa kan’ya.”
Ernesto narrowed his eyes at him. Kyle barely knew that woman! Bakit parang mas pumapanig dito ang kaniyang kanang-kamay imbes sa kaniya na amo nito?
“I don’t give a damn about who she is and who she’s not, Kyle. Gawin n’yo na lang ang ipinapatrabaho ko sa inyo,” handa ni Ernesto sa hawak na renda ng kabayo. “’Yon lang. Kung kailangan n’yo ’ko, nasa mansiyon lang ako ngayong araw.”
Magalang na tumango ang mga vaquero bilang pagpapaalam sa kaniya.
“Hah!” usig niya kay Amberwing na sinabayan ng tapik ng kaniyang paa sa tagiliran nito.
His men watched on as Amberwing flew him out of the barnhouse.
***
NAGLIWANAG ang mukha ni Joan dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa nabalitaan, pero hindi naman niya maikakailang natutuwa siya.
Joan and Kyle shared the sofa and sat with a decent distance between them. Dahil dito, nakatagilid sila ng upo at nakaharap sa isa’t isa. Kasama nila si Rita. Nakaupo ito sa sahig nang naka-ekis ang mga binti, may kandong na maliit na unan, at nakasandal ang likod sa gilid ng solohang sofa. Nanonood ito sa TV noong una, pero nang magtagal ay sumisimple na ito ng sulyap at pananainga sa usapan nila ng kuya nito.
“Si Señor Ernesto ba talaga ang nagsabi n’on, Kyle?” paninigurado niya sa kausap.
“Siya mismo.”
Napaiwas siya ng tingin. Her eyes glanced blankly at nowhere as she wondered. “Pero no’ng una, tumanggi siya, e. Ayaw niya akong tulungan. Bakit nagbago bigla ang isip niya?”
“Magbabago talaga ang isip n’on.” Natatawa ito sa kaniya at hindi niya malaman kung bakit.
“Bakit?” balik niya agad ng tingin kay Kyle. Bakit parang may kaduda-duda sa ngiti nito sa kaniya? Tila nakaloloko. “Kinausap mo siya? Kinulit mo ba siya?”
“Hindi, a!” mahinang tawa nito.
‘Kung gano’n, ano’ng nakatatawa na naman?’ Kinukuwestiyon kasi niya ito pero ngiting-ngiti pa.
“Pagkatapos namin magpatrolya kanina, si señor mismo ang kumausap sa amin.”
Naningkit ang kaniyang mga mata.
“O? Bakit naman ganyan ka makatingin?” Nangingiti pero nahaluan na ng pag-aalinlangan ang ekspresyon sa mukha ni Kyle. “Bakit parang hindi ka natutuwa?”
“Natuwa ako, oo.”
Seryosong napatitig na naman si Joan sa kawalan. Umalis siya sa pagkakaharap kay Kyle at tumuwid ng upo. Itinukod niya ang mga kamay sa magkabilang tuhod. Ewan lang niya pero . . . hindi talaga maganda ang kutob niya.
“Pero, nakausap ko kasi mismo si Señor Ernesto, e,” patuloy ni Joan, nagugulohan pa rin. “Kitang-kita ko sa mga mata niya, nasa tono ng pananalita niya na . . . na pinal na ang desisyon niya, na hindi niya ipahahanap si Kobi.”
“Sure na ba talaga ’yan, Kuya?” Hindi nakatiis na huwag makisali si Rita. Napatingin tuloy sila rito. “Baka mamaya niyan, may kapalit na pabor ’yan.”
“Gusto lang siguraduhin ni Señor Ernesto na hindi madadawit ang pangalan nila sa pagkawala ni Kobi. Kilala mo naman ang mga Dela Fuente. ’Yon lang ’yon, Rita.” Then Kyle turned to her. “Joan.”
Sinalo niya saglit ang tingin ni Kyle bago nagbaba ng tingin. Tumutusok-tusok pa rin ang agam-agam sa kaniyang dibdib.
“Siya mismo ang nagsabi n’on. Siya kasi ang huling pinatrabahuhan ni Kobi, ’di ba? Baka lang kasi isuplong mo sa pulis ang pagkawala ni Kobi. Kapag gano’n ang nangyari, tiyak na si Señor ang unang iimbestigahan o pagtatanungan."
‘Ibig sabihin, paraan lang niya ito para pangunahan ang mga mangyayari. Totoo nga siguro ang sinabi noon ni Kyle, na ayaw na ayaw ng mga Dela Fuente na nauunahan o naiisahan sila. . . .’
Joan took in a deep breath. “Paano ako makatutulong? Gusto kong mapabilis ’to,” kislap ng determinasyon sa kaniyang mga mata nang lingonin uli si Kyle.
Nanumbalik ang ngiti sa mga labi nito. “Mas alam mo ang pasikot-sikot sa barangay n’yo at mas kilala mo ang mga kapitbahay n’yo, kaya siyempre, sasama ka sa pagtatanong-tanong sa kanila.”
“Tanong-tanong?” Medyo pinanghinaan siya ng loob. “Pa’no ’yan . . . e, nagawa ko na ’yon, Kyle. Wala silang alam kung saan nagpunta si Kuya o kung may nangyari sa kaniyang hindi maganda.”
Kyle looked away. Hindi mabasa ni Joan sa mukha nito ang iniisip pero papatak ang pagbagsak ng kaba sa kaniyang dibdib. It was a slow, drop by drop emotion that pierced her heart, killing her in suspense.
Siyang balik ng tingin ni Kyle sa kaniya. “Kung gano’n, iibahin natin ang tanong sa kanila.”
“Iibahin ang tanong?”
He gave her a light smile. A narrow stream of hope dawned on Joan.
“Oo.” Sumigla uli ang boses nito. “Wala silang ideya kung nasaan si Kobi, pero posibleng may napansin sila noong mga araw o oras bago nawala ang kapatid mo. ’Tulad ng . . . mga taong bumisita sa kan’ya o . . . mga nakausap niya bago siya umalis. Baka sa mga iyon, may malaman tayo.”
Joan finally got it. “Tama ka. Bakit hindi ko naisip—” Naihilamos niya saglit ang mga kamay sa mukha. Nagawa na rin niyang makangiti nang makahinga na nang maluwag. “Salamat, Kyle.”
He beamed a bigger smile and it sort of bothered her because all her life, Joan hadn’t seen anyone smile at her as much as Kyle does.
“May maganda ka pa bang balita?” She was just curious. “Kanina ka pa kasi ngiti nang ngiti.”
Nakahanap ng pagkakataon si Rita para makisali na naman sa usapan nila.
“Kinikilig kasi ’yan ’pag kausap ka,” tukso nito.
“Akala ko ba, nanonood ka sa TV, Rita?” saway ni Kyle rito, mahigpit ang boses pero nangingiti naman.
Nahiya tuloy si Joan saluhin ang tingin ng lalaki nang gumawi na naman ang mga mata nito sa kaniya.
Kinikilig daw.
Nakakainis din itong si Rita at tinutukso siya sa kapatid nito.
Nakakainis kasi parang naaapektuhan siya.
Mabait naman kasi si Kyle. Mabuti ang pakikitungo nito sa kaniya. Isa pa, cute din ito. Those things made it so hard to act unaffected.
His gazes at her were soft and dreamy, as if her very presence lifts him up to take him afloat to the clouds, to feel euphoric. His smiles were loose and friendly, malayo sa naka-i-intimidate na maskuladong hulma ng katawan nito. He fell in between slim and lean, pero dahil vaquero ito, kitang siksik ang bawat himaymay ng muscle sa katawan nito dahil batak sa trabaho.
Nakakainis lang siguro dahil, wala naman siya masyadong maiaalok. Hindi naman sapat na maganda siya at mabait lang. She wanted to be liked by a man for reasons more than that.
Isa pa, mas gusto niyang unahing hanapin si Kobi kaysa makahanap ng nobyo.
At sa kasalukuyang kalagayan niya, alam ni Joan sa sarili na malayo pa siya para maging kamahal-mahal. She had very little to offer in a relationship . . .
‘Relationship?’
Bakit pakikipagrelasyon na kay Kyle ang iniisip niya?
Tumalikod na lang siya ng pagkakaupo mula kay Kyle. Itinutok ni Joan ang mga mata sa TV kaya lingid sa kaniya ang palitan ng tingin ng magkapatid. Nangingiting nanunukso ang tingin mula kay Rita. Pinanlalakihan naman ito ng mga mata ni Kyle.
Pagsapit ng tanghali, bukod sa balitaan siya tungkol sa desisyon ni Señor Ernesto ay sumadya uli sa bahay ng mga Torres si Kyle para sabayan silang magtanghalian.
“Kuya,” ani Rita sa kalagitnaan ng pagkain, “nag-usap kami kagabi nina Nanay at ni Joan. Naisip namin na mamayang hapon, ipapasyal-pasyal ko sa hacienda si Joan.”
“O?” Kyle paused, thought it over, then shrugged nonchalantly. “Sige. Basta doon lang kayo kung saan kayo puwede pumunta.”
Tahimik na ipinagpatuloy ni Joan ang pagkain. Nakikinig lang siya sa dalawa.
“Pero,” agap ni Rita rito, “mag-iikot kami kasi magtatanong-tanong din kami kung saan may nangangailangan ng tao rito.”
Dama ni Joan ang pagtitig sa kaniya ni Kyle. Sa katutukso sa kanilang dalawa ni Rita kanina, nahihiya tuloy siyang saluhin ang mga mata ng binata.
“Kung gusto mo,” usap sa kaniya ni Kyle, “papakiusapan ko rin si Señor Ernesto.”
“Naku!” bulalas niya, napatingin sa wakas dito. “Huwag na! Huwag mo nang abalahin si Señor Ernesto, Kyle.” Then her eyes strayed away from him. “Sobra-sobra na’ng pabor kapag pati trabaho ko, hihingiin ko pa sa kaniya. Okay na akong pumayag siyang tumulong na mahanap ang kapatid ko.”
“Pero siya ang honcho rito.”
A quizzical look painted on her face. Lalo iyon nagpainosente sa kaniyang hitsura. “Honcho?”
“Honcho . . .” Nagmamadaling nag-apuhap ng paliwanag si Kyle. “In-charge. Pinuno. Nagpapalakad. Sa magkakapatid, si Señor Ernesto ang namamahala sa kabuoan ng hacienda. Kahit si Don Timoteo pa rin ang pinakapuno o may-ari nito, halos lahat ng operasyon dito, si Señor Ernesto na ang nagsu-supervise. Kaya, dadaan at dadaan ka sa kaniya kung gusto mo’ng makapagtrabaho rito.”
Napaisip tuloy siya. Sa dami ng mga Dela Fuente, bakit kay Señor Ernesto na naman niya kailangang dumaan? Nakaiilang tuloy. Na-i-imagine na niya ang mga posibleng tumakbo sa utak nito kapag nagkita uli sila—na sumosobra na yata siya.
“Siguro . . .” agam-agam niya, muling kumilos ang mga kamay para maghimay ng pritong isda. Sinawsaw niya ito sa sarili niyang platito ng toyo na may kalamansi, sibuyas, at kamatis bago hinalo sa kanin. Pakamay kasi siya kumain. “Siguro, huwag muna. Huwag mo muna kausapin si Señor Ernesto.” She locked gazes with Kyle. “Mag-iikot pa kami ni Rita sa hacienda. Titingnan ko pa kung may trabaho na nababagay sa akin. Baka mamaya kasi . . .” Joan returned her eyes on her hand. Nakaabang na ang isusubo niyang pagkain, “. . . wala.”
At sumubo na siya.
Mapang-unawa ang ngiti ni Kyle. His eyes, though, reflected a shade of sadness. It was as if he could read through her, as if he could see that she was feeling inadequate and he was feeling sorry about it.
“Wala naman sa nababagay ’yan. Puwede mo namang pag-aralan ang isang trabaho. Madali ka naman sigurong matuto.”
“Madali mo raw sanang matutuhang mahalin ang kuya,” tudyo na naman ng pilyang si Rita.
“Heh! Kung ano-ano ang pinagsasasabi mo riyan!” saway ni Nanay Kristina sa anak. Hindi naman ito galit pero parang nahihiya sa kaniya dahil pati siya ay hindi pinalagpas ng mga kapilyahan ni Rita. “Iyang pagkain mo ang atupagin mo!”
Ngingiti-ngiting nagsubo na si Rita ng pagkain, pero ang mga mata nito, itinuturo si Kyle sa kaniya.
Pagkatapos mananghalian, umalis na rin si Kyle. May pinapa-pick up kasi na mga papeles si Señor Ernesto sa postal office sa munisipyo.
Tumulong naman muna sina Joan at Rita kay Nanay Kristina sa pagliligpit ng mga pinagkainan bago kapwa gumayak.
Sa tingin ni Joan, presentable na siya sa suot na tokong shorts na gawa sa maong at scoop neck T-shirt na green na may maikling mga manggas at nauunat hanggang balakang niya ang haba ng damit. Dahil sa sobrang init ng panahon, ipinusod ni Joan pataas ang kulot na buhok. Hindi na bago sa kaniya na may nakaaalpas na mga hibla mula sa pagkakatali niya kaya hinayaan na lang niya ang mga ito.
Si Rita naman, mataas ang pagkaka-ponytail ng buhok. Maong na short shorts at pink T-shirt na may nakadikit na puting rhinestones ang pang-itaas nito.
Mga alas-tres ng hapon na sila lumakad. Alas-tres na pero tirik pa rin ang araw. Tinutusta nito ang lupain ng mga Dela Fuente. This illusion of waviness would appear if you stare at the ground long enough. Nakadagdag pa sa init na mangilan-ngilan lang ang mga puno sa hacienda. Kung hindi masukal at buhaghag ang nilalakaran, tuyot na mga ligaw na damo naman ang nasasayaran ng kanilang mga tsinelas.
“Tatlong araw na lang, May na,” daldal sa kaniya ni Rita habang naglalakad sila at naghahati sa isang bulaklaking payong na green. “Ibig sabihin, open na ang enrollment sa school namin. ’Tapos, pasukan na sa June. Kaya kung walang bakanteng trabaho, naisip ko, i-offer ko na lang na ikaw ang ipalit sa akin.”
“Ipalit saan?” lingon ni Joan dito.
Nilingon siya nito. “Sa manukan. Sa mga inahin ba.” Ibinalik nila ang tingin sa dinadaanan. “Simple lang naman ang gagawin mo ro’n—bibigyan mo sila ng patuka, bibigyan ng tubig, maglilinis ng kulungan nila, itse-tsek kung nangitlog na ba sila.”
Mula sa mga sinabi ni Rita, mukhang kayang-kaya naman niya ang ganoong klase ng trabaho kaya hindi na siya tumutol sa isinuhestiyon nito.
Sa kaiikot at katatanong nila, halos alam na tuloy ng mga nakausap nila na hinahanap din niya si Kobi. Sinamantala rin kasi ni Joan ang pagkakataon na isabay sa paghahanap ng trabaho ang pagtatanong tungkol sa kaniyang kuya. Nagbakasakali lang siya na baka namumukhaan o nakikilala ng mga ito si Kobi dahil nakailang pabalik-balik na rin naman ang kapatid niya sa hacienda, lalo na sa manukan ng mga Dela Fuente. Ngunit nakalulungkot lang na bukod sa hindi pamilyar ang mga taga-hacienda kay Kobi ay wala rin silang ideya kung saan ito posibleng nagpunta. Nilinaw din ng mga ito na hindi nakasasalamuha ng mga trabahador ang kaniyang kapatid kaya ang suhestiyon ng ilan sa mga ito ay baka mga personal na tauhan ni Señor Ernesto at alalay sa sabungan lang ang makatulong sa kaniya.
“Kawawa naman siya,” nauliningan pa niyang bulong-bulongan noong paalis na sila ni Rita mula sa malaking konkretong barnhouse, katapat ng malawak na koral ng mga baka.
Makalipas ang ilang oras ng paglalakad, napadpad sila ni Rita sa rancho ng mga kabayo. Wala silang mahanap na puwedeng makausap dito kaya gumawi silang dalawa sa gilid ng malaking bahay na gawa sa kahoy. Ayon kay Rita, kuwadra ito ng mga kabayo.
“Dito ka muna maghintay sa lilim,” patong ni Rita sa hawakan ng payong sa balikat nito para hindi mangalay sa pagbitbit niyon. “Kakawayan ko sila kuya roon sa koral para tanungin.”
Mula sa kinatatayuan, abot-tanaw ni Joan ang malawak na koral para sa mga kabayo. Nagkalat ang mangilan-ngilang kabayo na sinisipat ng mga vaquero doon.
Tumakbo sa gilid ng koral si Rita, sa kahoy na bakod niyon. Tumuon doon ang babae sabay kaway, umaasang may kahit isa sa mga vaquero na makapansin dito.
‘Siguro, naiilang na siya kapag nagtatanong ako tungkol kay Kobi kaya ayaw akong isama sa pagtatanong tungkol sa bakanteng trabaho. Sino ba ang hindi manliliit kapag kaawa-awa ang tingin ng ibang tao sa ’yo o sa kasama mo? Siguro, iniwan niya ako rito para siya na lang ang kakausap sa mga vaquero.’
Napalabi si Joan.
‘Kung paglilinis ng kuwadra at pagpapakain ng mga kabayo ang magiging trabaho ko rito, matatanong ko pa rin naman siguro ang mga vaquero dito tungkol kay Kobi.
‘Pero mukhang imposibleng may alam sila. Vaquero din kasi si Kyle. Kanang-kamay pa ni Señor Ernesto. Nakakadaupang-palad ni Kuya . . . pero wala ring alam.
‘Ewan ko ba kung bakit umaasa akong may mapapala kapag nagtanong-tanong sa mga tao rito.’
Habang naghihintay, lumingon-lingon sa paligid si Joan. Naghalo ang pagkamangha at pagtataka sa kaniyang maamong mukha dahil sa pagkakataong ito lang siya nakapunta sa isang rancho, sa kuwadra ng mga kabayo.
Tumingin siya sa likuran bago tinanaw uli si Rita. Nang makitang abala pa rin ang dalagita sa pagkaway sa mga vaquero, ibinalik agad ni Joan ang tingin sa likuran.
Namilog ang mga mata niya nang may natanaw siyang kabayo. Nakatayo lang ito sa tapat ng kuwadra, sa bandang dulo niyon. Bakit ba ngayon lang niya napansin ito?
Tinanaw niya uli si Rita. Napagod ito sa kakakaway kaya nilingon siya saglit. Joan smiled at her, which made the teenager smile back. ’Tapos, itinuloy nito ang pagkaway sa mga trabahador.
Joan took in a deep breath. ‘Saglit lang ako, Rita.’
Lalapitan lang naman niya ang kabayo. Matatanaw siya ni Rita mula sa kinatatayuan nito kaya hindi ito mahihirapang maghanap sa kaniya kapag bumalik ito sa pinag-iwanan sa kaniya.
Nagmamadaling nilapitan ni Joan ang kabayo.
Malapit na siya rito nang bagalan niya ang mga hakbang. Natakot kasi siya. She realized that strangers might scare the horse. Baka magpapapadyak ito kapag nakita siya.
Binigyan ni Joan nang nakikiramdam na tingin ang kabayo. Meanwhile, the horse didn’t acknowledge her presence. Sa halip, nilingon nito ang ulo sa ibang direksiyon.
Joan could not help to tiptoe a bit closer. Napaawang bigla ang mga labi niya pagkatapos.
She was bewildered, captivated also at the majestic creature. It had a shiny coat of brown with a shade of vibrant orange, and a black top hair that trailed from its head to the back of its shoulders. Its black straight tail was hanging down. The horse itself towered over her height, carrying a complete saddle set in polished black leather and silvery metal.
First time lang niyang makalapit sa isang kabayo kaya na-e-excite siya. Sa malayuan lang niya kasi nakikita ang mga kabayo o ’di kaya, sa mga palabas sa TV ng kapitbahay nila.
Gusto lang naman niya itong hawakan. Kahit dampi lang.
Tinantiya ni Joan ang kabayo. It softly neighed, still ignoring her. Sanay siguro ito na may tao sa paligid kaya hindi nabahala sa kaniya.
Kapag nagulat ito, nataranta, o natakot sa paghawak niya ay lalayo agad siya—ipinangako iyon ni Joan sa sarili.
Lumapit pa siya, inunat ang isang braso.
Pigil-hininga niyang inilapat sa bandang balikat ng kabayo ang kamay niya.
Napapikit siya saglit.
Nang imulat ang mga mata, walang nangyari.
Her eyes combed up to check the horse’s face. Dedma pa rin ito sa kaniya. Ewan kung suplado ba ang kabayo o hindi lang talaga ito nababahala na may ibang taong nakahawak dito.
Unti-unting gumuhit ang malaking ngiti sa kaniyang mga labi.
“Hello,” bati niya sa maliit na boses, maingat na huwag ito magulantang.
Joan risked it. She moved her hand downward to lightly stroke the horse.
Namangha na naman siya. Ganito pala ang pakiramdam ng balahibo ng kabayo sa palad—matigas at nakatutusok kapag sa maling direksiyon hinagod pero madulas at suwabe kapag tama ang mosyon. Sa tingin niya, mas malambot ang itim nitong buhok sa ulo kaysa sa hinahagod niya.
Joan gave the horse an open-mouthed smile. “Masarap siguro sumakay sa ’yo. . . .”
“Joan?”
She turned her head and met Señor Ernesto’s furrowed gaze. Galing ito sa paliko sa dulo ng mga kuwadra kung saan may gripo at supply ng tubig.
Napamaang siya nang makitang topless ito. Medyo basa pa ang nakalantad nitong dibdib na nalalatagan ng manipis na latag ng mga balahibo. Basa rin ang itim at alon-alon nitong buhok.
It was so confusing because she saw several men with chest hairs in her life. Karamihan ay ’yong mga tambay na nakahubad-baro sa tapat ng tindahan sa barangay nila, but how could Señor Ernesto just carry this feature like a demigod?
Aside from the finely haired chest, there were also fine strands of them that lined his forearms. Malalim ang ukit ng mga muscle nito, ebidensiya ng mano-manong pagkayod sa hacienda.
Matigas.
Mapintog.
Basa ng tubig.
His skin was a reddish almond with scattered scars. A few were fresh reddish marks around his sides, almost stretched toward his navel.
Malapad ang dibdib nito, tila naulanang talahiban na masarap higaan. Malakas ang mga braso, na mukhang matibay kapag inunan. May ilang bako-bako ang lalaki sa tiyan na kayang magpaalon sa kamay ng sinumang mapapahagod doon.
The waist of his jeans and his buckled belt tightly wrapped around his narrow hips down to—
“Ano’ng ginagawa mo rito?” pukaw ng mahigpit nitong boses sa kamalayan niya.
He possessively stood beside his horse. Takot na napabitiw naman si Joan sa kabayo.
“Nasaan ang damit mo?” natataranta niyang tanong.
Natatakot si Joan sa sarili niya. Bakit ba kasi titig na titig siya sa dibdib at tiyan ni Ernesto? Sinubukan niyang iiwas ang mga mata, pero napupunta sa baba ang tingin niya. Sinubukan din niyang magpokus na lang sa mukha nito, but his penetrating gaze was too cold and intimidating, a power she could not defy.
Kapag naman hindi siya nakatingin sa kausap, it was considered as rude.
“Ano. Ang. Ginagawa. Mo. Rito?” masungit nitong ulit.
“Pahawak lang naman ako.”
Lalong tumalim ang tingin nito.
Itinuro ni Joan ng ulo ang kabayo. “Itong si Horsey.”
“She’s not Horsey, she’s Amberwing,” he gritted. Hinarap nito ang kabayo at binuksan ang bag na nakakabit sa saddle nito. He pulled out his shirt from there.
He hissed as he winced. Nabatak yata ang kalmot nito nang iunat ang mga braso para abutin ang bag at ilabas ang damit mula roon.
“Señor, ano’ng nangyari sa tagiliran mo?” nag-aalala niyang tanong.
“Si Kyle?” iwas nito sa tanong niya. He busied himself by wearing his blue button-down shirt.
“Umalis na kanina pa. May pinapakuha ka raw sa munisipyo.”
“Oo nga pala,” he muttered then hissed again while halfway through with buttoning up his dusty shirt. “Puwede bang doon muna ako dumeretso sa bahay n’yo ni Kyle?”
Naeskandalo siya sa termino nito. ‘Bahay namin ni Kyle?!’
“Papawalain ko lang ang sakit ng punyemas na ’to,” patungkol ni Señor Ernesto sa natamong mga kalmot at galos.
Nang masuot nito ang polo, doon lang napansin ni Joan ang punit sa may laylayan niyon, sakto kung saan banda may malalim na kalmot ang lalaki.
“Bakit hindi ka na lang umuwi sa inyo?”
“I will, kapag maayo na ako,” his voice slightly wavered in the end, a hint of a pained moan.
Humarap ito sa kaniya. Nagtatalo ang pagpapakatatag at ang paghihirap sa mga mata nito. As she looked closely, Joan understood that he was cranky because he was dealing with an inconvenience.
With an injury.
With pain.
Maybe, he was taught from childhood that a hint of softness is a sign of weakness. Being the eldest, maybe, he was never allowed to show the slightest quiver. That’s why Señor Ernesto doesn’t cry, beg for help, or show sadness when hurt.
Instead, he shows irritation. Anger. Impatience.
“Pero mas magagamot ka sa inyo,” pagdadalawang-isip ni Joan sa gusto nitong mangyari.
“You see, my wife is pregnant.” He seemed impatient but he held back his snappish tendencies to explain. “And she’s dealing with pregnancy—” he swallowed a groan, “—pretty sensitively. Ayokong mag-alala siya. Mag-aalala siya, kapag nakita ako sa ganitong sitwasyon.”
Hindi pa siya nakasasagot ay hinila na ni Señor Ernesto ang renda ng kabayo.
•••
OFFICIAL NA, PUWEDE NA! La Grilla Series 1: Come Here will come here into our homes and arms soon!
Pre-order period: Sept 17 to November 17, 2024
Click on the pre-order link to save your copy: https://www.cognitoforms.com/KPubPH/LaGrillaSeries1ComeHereByAnamariessOrderForm
PINAGSOLTADA
Baluarte Dela Fuente 1
Copyright: 2024
First Wattpad Version © March 11, 2021
Second Wattpad Version © September 23, 2024
R-18, General Fiction, Sexy Romance, Drama, Action, Mystery
Facebook Page: ANAtheCowgirl
Wattpad: ANAtheCowgirl
Twitter: anathecowgirlwp
Instagram/Threads: anathecowgirl
Email: [email protected]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top