9

Lexi's Pov

Ngayong araw imemeet ko si Yoongi para ibigay yung order niya. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na bibilhin niya yon dahil lang sa favorite niya yung design. Hindi kasi halata sa itsura niya na mahilig siya sa Kumamon stuff. But I find it cute.

Puta kinakabahan ako sa pinapagawa ni Yoongi. Hindi pa naman ako late pero sobrang traffic kasi! Baka maunahan ako non. Bakit naman kasi sobrang traffic eh!? Kung alam ko lang na ganito, mas maaga akong umalis sa bahay. Pero kampante ako na mas mauuna ako sa kanya. Eh mukhang mabagal yon kumilos. Basta ako ang mauuna sa kanya. Sana nga lang sumang-ayon sakin ang tadhana.

***

15 minutes na ang nakalipas pero andito pa rin ako nakasakay! Urgh! Fuck this traffic! 5 minutes nalang ang natitirang oras sakin! Hindi ko na natiis at bumababa na ako. Baliw man sa kanilang paningin, pero kailangan kong maunahan sa pagdating si Yoongi dahil kinakabahan ako sa kanyang papagawin. Pinagtitinginan na ako ng mga tao, akala siguro nila may humahabol sakin, wala akong paki sa sasabihin nila. Hindi naman nila ako kilala eh.

Malapit na ako sa mall, konti nalang. Pagkapasok ko sa loob ay dumiretso na ako sa meeting place namin. Shit! I sigh in relief ng wala pa si Yoongi. Teka anong oras na ba?

"You're 12 minutes late, missy." Para akong binihusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. No, it can't be. Hindi boses si Yoongi ang narinig. Pagod lang yan Lexi, pagod ka lang.

"Stop pretending that you didn't heard me, huh?" Puta ba't ba nageenglish 'to?!

Hanggang ngayon ay nakatalikod parin ako sa kanya. Ayokong humarap! Save meeeee!

Hoo Lexi kaya mo yan! Wag kang papaapekto!

"Ah h-hi Y-yoongs?" Damn bakit ako nautal?!

"Puta anong Yoongs?" Pffft~ yung mukha niyang --, ganito kanina naging -_-  ganito, pikon amp.

"Tawag ko sayo yon diba? Hi Yoongs, nice to meet you." Nginitian ko siya ng sobrang lapad.

"Tss, diba sabi ko sayo wag mo ako tatawing Yoongs? Yoongi or Suga is better."

"Okay okay, sorry na Yoongi. Kanina ka pa ba dito?" Napapikit naman ako ng naalala kong nauna pa siya sakin. Wala na, Im so dead na talaga.

"Oo. So akin na yung inorder ko." Binigay ko na sa kanya yung order niya.

Sabihin ko kaya sakanya na may importante akong lakad kaya kailangan ko ng umalis? Na pumunta lang ako dito para ibigay yung order niya tas aalis na agad ako? Kung tumakbo kaya ako para takasan siya?! Tangina sana hindi na niya matandaan yung consequence.

"Ah Yoongi, alis na ako ah. Binigay ko lang talaga sayo yan. May importante pa kasi akong pupuntahan eh. Bye.." Tatalikod na sana ako sakanya ng bigla siyang nagsalita.

"How about your consequence? Akala mo ba makakalimutan ko yon? No way." Napahawak nalang ako ng sobrang higpit sa strap ng bag ko. Akala ko makakaiwas na ako don. Pero mali ako, tulong!

"Shall we go?" Tangina kanina pa nageenglish 'tong Yoongs na 'to ah.

"Pakyu ka Yoongi, wag mo nga ako englishin. Tampal ko sayo 'tong sapatos ko eh." Aba't! Tiningnan niya lang ako ng Pakyu-ka-din-look at tuluyan na siyang naglakad. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.

***

Andito na kami sa gilid ng backstage. Konting oras na lang at magsisimula na, lalabas na rin yung mascot ng Kumamon na yon. Ito namang kasama ko sitting pretty lang don sa gilid. Hinihintay niya kasi na pumasok ako sa loob ng tent para makiusap na pwede daw ba siyang magpapicture. Mukhang gago lang diba? Sa itsura ni Yoongi na ganon hindi mo siya aakalain na mahilig siya kay Kumamon at sa mga Kumamon Stuff.

Napasabunot nalang ako sa inis. Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Tangina ka talaga Yoongi, may araw ka rin sakin!

Hingang malalim Lexi. You can do it!

Pagkapasok ko sa loob ay pinagtitinginan ako ng mga staff. Akala siguro nila baliw ako.

"Uy miss bawal dito. Don ka nalang sa labas, malapit naman ng mag-umpisa." Sabi sakin ng security guard.

"Eh kuya, kung pwede lang po sainyo na humiling."

"Ano ba iyon hija?" May lumapit saaking babae, sa tingin ko sa siya yung nagorganize ng event.

"Yung kaibigan ko po kasi gustong makapagpa-picture sa mascot ni Kumamon. Yun nalang po ang wish niya bago siya m-mamatay. Kaya please po..." Nagkunwari akong nagpunas ng luha. Akala ng Yoongs na yon hindi ko siya gagantihan?

"S-sure hija. Nasaan ba ang kaibigan mo?" Tinuro ko ang labas.

"Tawagin mo na siya hanggat hindi pa nagsisimula." Tumango ako sakanya at pinuntahan si Yoongs na may sakit.

"Hoy Yoongi pumayag na." Bagot ko siyang tiningnan.

"Huh? How?"

"Easy lang, sinabi ko lang naman na mamamatay ka na at yon ang dying wish mo." Nginisian ko siya.

"Mwo?! Aish.."

"Bilisan mo na siyan, wag mo akong ikorean. Hoy nga pala, magkunwari kang matamlay para maniwala silang mamamatay ka na."

Hindi na siya umangal hanggang sa makapasok kami sa tent.

"Ikaw ba hijo ang tinutukoy ng kaibigan mo?" Bubuka na sana yung bibig ni Yoongi pero inunahan ko na siya. Masama ang kutob ko sa isasagot niya.

"Opo siya nga po. Pasensya na po kung ako na ang sumagot. Masyado na po kasi siyang mahina para magsalita pa."

Siguro kung nakakamatay ang titig, baka kanina pa ako nakabulagta sa sahig. Grabe kasi kung makatitig sakin si Yoongi eh. Parang pinapatay niya na ako sa utak niya.

"Sige na hijo, maaari ka nang magpapicture kay Kumamon."

Lumabas ang isang malaking kulay itim na mascot. Diyan pala baliw na baliw si Yoongs.

Nagniningning ang mata ni Yoongi nang makita niya yung mascot. Seriously, Min Yoongi?

Matapos ang ilang minuto nilang picture taking ay umalis na rin kami. Hindi mawala sa labi ni Yoongi yung ngiti niya.

"Masyado ka atang masaya Yoongs? Malapit nang mapunit yung labi mo sa sobrang lapad ng ngiti mo."

"Masaya lang talaga ako, matagal ko na kasing pangarap na makapagpapicture kay Kumamon. Dream come true lang." I heard him chuckle. Totoo ba yung narinig ko?! Tumawa si Yoongi?!

"Gulat na gulat Lexi?" Nakatitig pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Nananaginip ba ako?

"Una na ako, wag mo na ako ilibre okay na 'tong picture. Hinihintay na kasi ako ng mga ugok kong kapatid. Salamat nga pala Lexi. Isa 'to sa araw ng birthday ko na hindi ko makakalimutan. Bye, ingat."

Eh?

---

kimshinbwi ito na poooo! Puahahaha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top