63
Lexi's Pov
"Tara sa park, sundan mo nalang ako." Hindi ko na siya pinagsalita. Alam ko namang bubungangaan na naman niya ako.
"Hoy, Lexi! Ano na naman ba 'to?"
"Sundan mo nalang ako. And please, wag ngayon Yoongi. Wala akong panahon sa mga sasabihin mo." Hindi ko pa rin siya nilingon.
Narinig ko nalang siya na nagmura. Tsk, pikon amp. Wala e, kailangan ko 'to gawin.
Matapos ang ilang minutong paglalakad nakarating na rin kami sa park.
Umupo ako sa duyan at lumanghap ng hangin.
"Oh, para sayo." Binigay niya sakin yung boquet ng flowers pero nilagay ko lang yon sa tabing swing na inuupuan ko.
"Aba't, ang mahal mahal ng bulaklak na yan tapos itatambak mo lang diyan. Masyado ka na, ah."
"Sinabi ko bang bigyan mo ako ng bulaklak?" Kumunot yung noo niya sa sinabi ko.
Akalain mo yon, kaya ko palang gawin yung mga ganitong bagay sa harap ng isang Min Yoongi?
Bumuntong hininga lang siya sabay umupo sa isa pang swing. "Dahil pa rin ba 'to sa sinabi ko sayo?"
Nagsisimula nang magtubig yung mga mata ko. "Hindi, Yoongi. Wala naman sakin yon, e. Deserve ko naman na masabihan ng ganon."
"I'm sorry." Alam kong nakatingin siya sakin pero hindi ako lumingon. Ayokong tumingin sa kanya. Baka kasi biglang magbago yung isip ko at hindi ko siya mapakawalan.
"Wala kang kasalanan, Yoongi. Ako ang may kasalanan sayo."
Pumunta siya sa harap ko at umupo ng kalevel sa mukha ko. "Huh? Anong pinagsasabi mo diyan, babae? Baliw ka na ba?"
"Tss, may kasalanan ako sayo..."
"...Pinilit ko yung sarili ko sayo kahit si ate yung g-gusto mo. Nilibang kita para magustuhan mo. Sinabi ko kay ate na layuan ka niya kasi gusto kita. Dahil sakin hindi kayo nagkaron ng chance ni Mae. Inagaw kita sa kanya. Tangina desperada na kasi ako non, e. Lagi nalang kasi siya. Pano naman ako diba? Siya na yung magaling, matalino, mabait, maganda. Lagi nalang siya yung nagugustuhan ng mga taong gusto kong mapalapit sakin! Ano bang meron siya na wala ako?! Puta lagi nalang siya!" This time hindi ko na napigilan yung luha ko. Ang bigat bigat na ng nararamdaman ko.
"Sshh, tama na iyak." Yakap yakap lang ako ni Yoongi.
Pano ko siya pakakawalan kung ganito siya?
"Baduy nito, wag mo nga ako yakapin!"
"Tss, ikaw na nga 'tong kinocomfort." Balik na naman siya sa masungit na Yoongi.
"Tsaka ano ba yung pinagsasabi mo? Kailangan mo pa akong dramahan." Ay gago.
"Drama your face!"
"Ano ba kasing problema mo, huh?"
"Ikaw! Ikaw ang problema ko. Ano bang meron sayo at nagustuhan kita?" Mataray na tanong ko sa kanya.
"Ewan? Gwapo ko kasi, e. Hindi ko naman alam na ganyan ka pala kabaliw saakin."
Binatukan ko siya. "Kapal din ng mukha mo 'no? Saang balon mo yon nahugot?"
"Kingina aray naman! Pinapagaan ko lang yung atmosphere kasi masyadong awkward."
Medyo gumaan na rin yung pakiramdam ko dahil sa 'kahanginan' ni Yoongi.
"Ano nga kasi yung problema mo babae? Ako na yung unang lumapit sayo para makipagbati e."
"Bati na tayo. At wala na akong pakielam sa pinag awayan natin. Kaya tayo andito kasi may sasabihin ako sayo." Umupo uli si Yoongi sa kabilang side na swing.
"Mukhang mabigat yan, ah."
"Sobrang bigat, kaya ikaw sagutin mo ng maayos yung tanong ko."
"Hindi naman ako nainform na Q&A pala gagawin natin dito. Sana man lang nakapag review ako." Ihahampas ko na sana sa kanya yung bulaklak pero pinigilan niya ako.
"Hoo sandali nga! Ang awkward pa rin kasi, e."
"Che, manahimik ka diyan! Ihahampas ko talaga sayo 'tong bulaklak kapag hindi maayos sagot mo!"
"Tangina oo na! Itanong mo na nga."
Haha kaya ko na ba talaga? Kaya ko na ba siya pakawalan? Kaya ko na ba siya makitang masaya na hindi ako ang dahilan?
"Mahal mo pa ba si, Mae?" Diretsong tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa gilid. "H-hindi na." Liar.
"Sinungaling. Labas sa ilong yung pagkakasabi mo."
"Seryoso ba yon?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"
"Oo, isang malaking joke yang mukha mo, e." Konti nalang talaga makakatikim na sakin 'tong espasol na 'to, e! Kanina pa ako nagtitimpi!
"Putangina, Min Yoongi. Isusungalngal ko sayo 'tong kadena! Umayos ka nga."
"Mukha ka kasing pinagsakluban ng langit at lupa, e. Ay hindi, lupa lang pala." Pigilan niyo ako, pigilan niyo ako!
"Nakakatuwa yon, Yoongi? Nakakatuwa?" Napahilot nalang ako sa sintido ko.
Bakit ganito si, Yoongi ngayon? Bakit naging si Hoseok yung pagkatao niya?
"Ayoko sagutin, e. Masasaktan lang kita." Alam ko na agad yung sagot. Sa ganon palang nasagot na niya agad.
"Simpleng oo lang hindi pa masabi. Mas madami ka pang ngang sinabi ngayon, tapos pinagkait mo pa yung oo?" Hindi siya sumagot saakin.
Tiningnan ko siya pero yung facial expression niya biglang sumeryoso. Nadali ko ata siya sa sinabi ko.
"Ano bang gusto mong mangyari, Lexi?"
"Bumalik ka kay, Mae." Sandaling nanahimik uli.
"Alam mong imposible na yon."
"Panong imposible, Yoongi? Hindi naman tayo, ah."
"Todo suporta siya sa ating dalawa, Lexi. Sigurado akong malulungkot siya kapag nalaman niyang sumuko na ako sayo."
"Bakit siya malulungkot? Dapat nga matuwa pa siya kasi pwede na kayong dalawa." Hindi ko maintindihan yung sinasabi nito ni Yoongi.
"Matutuwa pa ba siya kapag nalaman niyang napunta na naman sa kanya yung gusto mo? Sayo na mismo nanggaling na lagi sa kanya napupunta yung mga taong gusto mo. Ano nalang maiisip niya diba? Na siya na naman. Siya na naman ang nanalo. Na dahil sa kanya masasaktan na naman yung kapatid niya. Sinuko niya na nga ako sayo, e. Kahit labag sa kalooban niya. Isipin mong mabuti kung ano mararamdaman ni Mae sa desisyon mo, Lexi."
"Pero buo na yung desisyon ko, Yoongi. Alam kong naging selfish ako. Kaya nga ito, tinatama ko yung maling nagawa ko sa inyo. Gusto kong sumaya si Mae, ikaw. Masyado ko na kayong naparusahan. Kaya kailangan ko nang pagbayaran yung mga nagawa ko."
"Lexi naman."
"Yoongi, please. Buo na yung desisyon ko. Tsaka hindi lang naman ikaw yung lalaking magugustuhan ko. Madami diyan sa tabi tabi. Katulad nalang ni J-Jimin."
Pinitik niya ako sa noo. "Wag ka don sa gagong yon!"
"Bakit ano bang masama kay Jimin?!"
"Basta! Manahimik ka diyan."
"Tss. Ano?"
"Anong, ano?" Bugnot na tanong niya sakin.
"Ligawan mo si, Mae."
"Pano naman? Tsaka pano natin sasabihin sa kanya na hindi na kita nililigawan? Puta, napaka complicated naman nito."
"Hindi natin sasabihin sa kanya. Sayo nga din nanggaling na malulungkot si ate kasi hindi na tayo pwede."
"Lalong gumulo, e."
"Ganito nalang, if ever na magtanong siya sayo o sakin na ano na tayong dalawa, ang sasabihin natin wala. Wala tayong label, pero espesyal yung nararamdaman natin sa isa't isa. Gets mo ba?"
Tumango tango siya. "Gets ko, pero hanggang kailan natin yon itatago sa kanya." Kailan nga ba?
"Hindi ko din alam, basta maghahanap nalang ako ng tamang tiyempo."
"Psh, sabi mo yan ah. Sagot mo ako kapag nagkabukingan."
"Oo na! Pero pano mo siya liligawan?" Napatampal nalang ako sa noo ko. Napaka complicated naman nito.
"Mag iisip nalang ako ng paraan kung pano. Sabihin ko nalang sayo sa chat kapag nakaisip na ako. Pero mag isip ka din, ah. Baka hindi kayanin ng utak ko."
"Ge."
Napatingin ako sa phone ko. "Hala- anong oras na! Uwi na tayo, Yoongi!" Patakbo na sana ako pero hinila ako ni Yoongi sa yakap.
"Salamat, Lexi."
Niyakap ko din siya pabalik. "Walang anuman, Yoongi."
-
ayan! don't bash Lexi na ah. magpasalamat kayo sa kanya kasi may pag asa na uli si Mae at Yoongi :))
wendyjeon_kk safe ka na. wala nang mangbabash sayo ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top