53

Yoongi's Pov

"Hoy tangina mo Mae! Asan ka na ba?!" Bulyaw ko sakanya nang sagutin niya ang tawag.

Nakakapuntangina naman kasi, kanina pa ako tawag ng tawag hindi sinasagot.

"*yawn* sorry, kagigising ko lang e."

"Ano?! Puta, edi maliligo ka pa?!" Nanggigigil na kasi talaga ako e. Kanina pa ako naghihintay dito tapos kagigising niya lang?!

*toot toot*

Aba't?! Binabaan ako?!

"Hoy, Yoongi tara na." Pagkaharap ko bihis na agad. Hindi siya naligo!?

"Ta—"

"Ssh! Kanina pa ako ligo. Nakatulog lang uli ako." Hinawakan ko na siya sa wrist at hinila na. Dapat kanina pa kami nakaalis e. Mahigit 20 mins na akong naghihintay sa kanya. Ano angal kayo? Ginto ang oras ko.

"San' mall ba tayo bibili?" Hindi ko siya kinibo. Bahala siya diyan, pinaghintay niya ako e.

"Puta? Wala ba akong kausap?" Tiningnan ko lang siya.

"Oy ungas, hindi mo ako madadaan sa ganyan mo. Tandaan mo, hindi ako takot sayo Min Yoongi." Ang lakas din talaga ng apog ng babaeng 'to.

"Tss, huwag ka nga munang sumatsat diyan! Nasasayang oras ko."

***

"Hoy, ano bang mga gusto ni Lexi?" Tanong mo kay Mae.

"Si Lexi kasi yung tipo ng tao na walang arte, hindi siya namimili. Basta kung anong ibigay mo sa kanya, tatanggapin niya." Makikita mo talaga sa mga mata niya na mahal na mahal niya yung kapatid niya.

"Hmm, sige. Foods?"

"I think mas prefer niya ang carbonara."

"Sa hanap muna tayo ng ingridients for carbonara."

Tapos na kaming mamimili ng mga ingridients and mga stuff na ibibigay ko. Hindi masyadong malaki yung nagastos ko kasi simple lang yung mga pinili ni Mae. Buti nalang pala hindi mapili si Lexi, kasi kumpara sa ibang babae na malaki talaga ang magagastos para mabili lang yung gusto nila.

"Gutom ka na ba, Mae? Kain muna tayo bago umuwi, ano?"

"Sige ba, hindi ako tatanggi diyan."

"San mo ba gusto?" Ngayon lang ako magiging mabait sa kanya.

"Hmm, tara! Ako bahala para hindi ka gumastos." Luh pwede ba yon?

"Pasok uli tayo sa supermarket, maraming free taste don!" Nagpahila nalang ako sa kanya.

"Ma'am, free taste po." Kumuha siya ng dalawa at inabot saakin yung isa.

"Ganito gawain namin kapag tagtipid."
Magkakatabi yung stall ng mga nagpapafree taste kaya lilipat lipat lang kami.

"Langya, nabusog ako don ah."

"Oh may sauce ka pa sa bibig." Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko tsaka pinunasan yung bibig niya. Oy, walang malisyo 'to  ah.

"A-ako na, labanos. Baka may makakita pa saatin e." Inagaw niya saakin yung panyo.

"Uwi na tayo?" Tumango siya.

Maaga pa naman kaya mapeprepare ko pa yung carbonara. Sana naman hindi na magpabebe si Lexi. Grabeng effort na 'tong ginawa ko sa kanya.

Masaya guys yung nakikifree taste ka haha mabubusog kayo, sa loob ng S&R marami, tabi tabi pa :>

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top