43
M a e's P o v
Hindi ko alam kung tama ba yung desisyon ko na sumama sa kanila. Masyado nang masakit, eh. Kahit sandaling oras palang kaming magkakasama parang ilang beses akong sinaksak sa dibdib. Yung tipong kitang kita ko kung paano kasweet si Yoongi kay Lexi, yung tipong sana ako nalang yung ginaganon niya, yung sana ako nalang yung hinahawakan niya, yung sana ako yung sinasabihan niya ng mga sweet talk. Tangina, sana ako nalang.
Kahit nandito ako sa malayo kitang kita ko silang sweet sa isa't-isa. Mapait akong ngumiti. Tanga ka kasi Mae, eh.
Pinunasan ko na ang luhang nagbabadyang tumulo galing sa mga mata ko. Mali talaga ang desisyon kong sumama pa ako sa kanila. Dapat pala sa ibang araw nalang kami umalis ni Lexi. Dapat hinayaan ko nalang silang dalawa.
Kinuha ko ang phone ko sinimulang idial ang numbe ni Lexi. Matapos ang ilang ring ay sinagot na rin niya ang tawag. Medyo natagalan siyang sagutin kasi pinipigilan siya ni Yoongi na kunin yung phone niya. Yung niyakap pa niya si Lexi para hindi makuha yung phone sa bag niya.
"H-hello?" Napatakip nalang ako ng bibig para hindi marinig yung pag-iyak ko.
["Ate? Asan ka? Sandali lang ah.. Yoongs, wag ka ngang maharot! Kita mong may kausap ako sa phone!"] Mas lalo ako napaiyak nang sinabi ni Yoongi na hindi naman ang importante yung tawag ko at naiistorbo ko lang daw sila.
"S-sorry, nauna na akong umuwi Lexi. May e-emergency kasi sa bahay. Bye.." Pinatay ko na kaagad yung tawag. Hindi ko na siya hinintay sumagot. Masyado nang masakit yung naririnig ko galing kay Yoongi.
Siguro nga hindi ako/kami para sa isa't-isa. Tatanggapin ko nalang na hindi ako ang mahal niya.
—
Wag niyo pong ibabash si, Lexi :D si Yoongi nalang po ^_^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top