16

***

Pagdating namin sa bahay ay halos lahat sila ay nakatingin samin. Tsk ito na naman tayo. Hanggang tingin lang naman sila eh, dahil kapag sinimulan nila ako, alam na nila kung anong mangyayari sa kanila. Kaya kampante ako, takot lang nila sakin.

"Ikaw si Lexi diba?" Marahang tumango si Lexi sa tanong ni Marianne. Mukhang kilala naman nila si Lexi kasi kaibigan din siya ni Mae.

"Come on and join us Lexi! Wag kang mahiya." Hindi pa siya nakakasagot ng hilahin siya nang magkakaibigan. Aish, brusko talaga 'tong mga babaeng 'to.

Napatayo ako sa inuupuan ko ng muntik nang masubsob si Lexi.

"Ya! Be carefull!" Nagpeace sign lang sila sakin. Tss, alam nilang hindi ko kayang magalit sa kanila. Sabay sabay na nagtinginan sakin ang mga gago. Bakit? Wala namang mali sa sinabi ko, diba? Tsk mukhang may amats na 'tong mga 'to. Ihahanda ko na naman ang tenga ko sa madamdamin nilang sasabihin.

***

"Hey love, don't drink too much, huh?" Hinawakan niya sa magkabilang pisngi si Marianne. Napangiwi nalang ako sa kasweetan nila. Hindi ba sila nagsasawa sa isa't-isa? Kasi ako umay na umay na! Mga kabataan nga naman ngayon.

"Hoy Yoongs!" Tinapunan ko nang masamang tingin si Lexi. Ilang beses ko bang sinabi sa kanya na wag akong tatawaging Yoongs!?

"Problema mo?" Umiling lang siya saakin. Mukhang may tama na rin 'tong isang ito. Marami-rami na rin silang nainom eh. Psh, mga lasing gera. Maliban nga lang kay Marianne na bantay sarado ni Taehyung.

Hindi naman ako masyadong uminom kasi baka kung ano nang mangyari sa kanila kapag nalasing pa ako. Okay, tipsy lang naman, nasa katinuan pa naman ako.

"Hoy kayo ngang mga babae, umuwi na kayo. Mga lasing na kayo, oh!" Kaya ayokong sinasama sila sa mga ganitong okasyon, eh!

"Ayawsh *hik* pash *hik* naminsh *hik*" Sagot saakin ni Mae. Speaking of Mae, hindi ko na tinanong sa kanya kung bakit siya nagsinungaling sa akin sa chat. Wala na akong pakialam sa dahilan niya.

"Ikaw naman Lexi, maiwan ka dito at ihahatid pa kita sa inyo." Walang buhay siyang tumango saakin. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit naisipan kong ihatid pa siya. Eh, malaki naman na siya. Aish! Basta kailangan ko siyang ihatid.

"Guysh, uwi na tayo *hik* Inaantok na rin ako, *hik* eh." Sagot ni Ynah.

Isa-isa naman silang tumayo at ready nang umuwi. Tangina naman, parang ako nalang ata ang matino dito. Lahat sila mga bagsak na. Hindi na nilang magawang tumayo dahil sa sobrang kalasingan.

"M-mahal ihahatid n-na kita *hik*" Isa pa 'to si Seokjin, hindi man lang inisip yung fiancée niya bago lumaklak ng alak.

Binatukan ko nalang siya, halata naman kasi na hindi na niya kaya.

"Marsie, una na kayo. Kaya mo naman na siguro yan 'no?" Nagthumbs-up lang siya sakin. Sanay na yan sa ganyan si Marianne.

Pagkatapos umalis nila Marianne ay hinatid ko na rin si Lexi sa kanila. Nagmadali na akong bumalik kasi baka kung ano nang ginawa ng mga gunggong don sa bahay.

Putangina talaga! Hindi talaga magandang ideya ang magpainom sa mga okasyon, eh. Ako pa tuloy mahihirapan na ipasok sila sa kwarto.

Si Jungkook, mahirap din kapag yon ang nalasing kasi sinusulit na niya kasi yon na ang huli niyang inom. Pero si Taehyung kakaiba talaga yong gago na yon, sakanya talaga ako pinakanahihirapan, eh. Siya kasi yung tipo na lasing na pero mukhang hindi. Gets niyo ba? Basta siya yung mukhang hindi lasing sa itsura pero pagdating na sa ugali, don ka na mapapasabi ng tangina!

Tanginang buhay naman 'to, oh!

---

Sorry, alam kong lame.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top