0005
-VOLUME O5-
"KAYA KITA PINALAYA"
Nagsimula tayo sa isang salita,
Isang 'hi', salitang aking tinitipa,
Ang pagsagot mo'y sadyang hindi ko inaasahan,
Ngunit tila ako'y kinikilig at ang puso ko'y nasisiyahan.
Sa unang pagkakataon, sinimulan natin ang bagong kabanata,
Na 'ikaw at ako' ang naging paksa,
Ang mga araw na nakilala kita ay walang kasing halaga,
Ramdam ko ang iyong sensiridad, kahit kailanma'y hindi tayo nagkita.
Ngunit, saan nga ba patungo ang lahat ng ito?
Sa masayang 'tayo' o sa wasakan ng ating mga puso?
Sa unang pagkakataon, ako'y nag-alinlangan,
Tila ang nagsimula nating pag-iibigan, ay unti-unti kong pinagdududahan.
Sapagka't sinabi mong 'busy', may maraming responsibilidad, at tila ikaw ay walang oras,
Hanggang dito nalang ba ang lahat magwawakas?
Sinubukan kong balikan ang nagdaang mga araw,
Tila ating kahapon ako'y nagbabalik-tanaw,
Sinubukan kong ipaglaban, ang kakarampot kong nararamdaman,
Ngunit, alam kong simula't sapol pa lang, ako'y isang talunan.
Kaya hindi na ipipilit at susuko na lamang,
Sapagka't ito ang nararapat, kahit puso ko pa ay talagang nanghihinayang.
Ang puso kong sayo'y nahuhumaling, ay magpapaalam na,
Sana'y ikaw ay maging masaya, kahit hindi na ako, at sa piling na nang iba,
Sa unting panahon na tayo'y nagkausap,
Tila ako'y nakalutang sa ulap.
Ngunit, lahat ng bagay ay may katapusan,
Kaya pinili kong ikaw ay kalimutan, pati ang bakas ng kahapo'y tuluyan ng wakasan,
Ikaw ang taong tinitibok ng aking puso,
Ngunit, tayo'y hindi para sa isa't-isa, yan ang totoo.
Tuluyan ng kalimutan, at wakasan,
Ang kabanatang ating nasimulan,
Nagsimula sa isang 'hi' salitang aking tinitipa,
Magwawakas sa mga salitang 'mahal kita, kaya kita pinalaya'.
@precisely_gem
*****
•| contains typographical and grammatical errors.
•| ang larawang nasa itaas ay hindi sa akin
•| it was obtained from the elements of Canva and was edited on the same app
•| all credits belongs to its rightful owner
***
Thank you for reading! See you sa susunod kong tula! ☺️
Don't forget to vote, comment, and share!
Love lots, pag-amping mo kanunay, and God bless everyone 💗
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top